You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:1


LEVEL: GRADE 1 WEEK:5
MONDAY-TUESDAY TIME: 10:35-11:15

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN MAPEH(MUSIC)

I. LAYUNIN

 Naipapakilala ang Steady beat at tumpak na ritmo sa pamamagitan ng


pagpalakpak, pagtapik sa pag-awit, paglalakad at pagtugtog ng mga
instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog
 Natutukoy ang mga steady beat at tumpak na ritmo gamit ang ibat-ibang
halimbawa
 Naisasagawa ang aralin tungkol sa steady beat at tumpak na ritmo

A. Pamantayang Pangnilalaman:Demonstrates basic understanding of sound, silence and


rhythm
B. Pamantayan sa Pagganap: Responds appropriately to the pulse of the sounds heard and
performs with accuracy the rhythmic patterns
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: performs simple ostinato patterns on other sound sources
including body parts. MU1RH-If-g-7

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Steady beat at tumpak na ritmo gamit ang ibat-ibang halimbawa
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 MAPEH
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Paano mo nadarama ang tibok ng iyong puso? Nasubukan mo na bang
damhin ang pulso sa iyong leeg. Itapik mo sa iyong hita ang daloy ng
iyong pulso. Pareho ba ito o nagiiba?

2. Pagganyak
 Ano kaya mangyayari kung paiba iba ang daloy ng iyong pulso?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Damhin ang steady beat sa pamamagitan ng pagpalakpak at pagtapik ng
sumusunod na mga pattern.

2. Pagtatalakay
Isagawa ang echo clap sa saliw ng awit ng “Leron Leron Sinta”.
C. Pangwakas na Gawain
1. Palalahat
 Ang beat sa musika ay ang pulso na nadarama natin sa musika. Ito ay
maaaring bumabagal o bumibilis subalit ang haba ng bawat pulso ay
laging pareho. Ito ang tinatawag nating steady beat.

2. Paglalapat
Awitin at damhin ang steady beat ng “Sitsitsiritsit
Alibangbang” sa pamamagitan ng pagpalakpak at pagtapik ng sumusunod na mga
pattern.

IV. PAGTATAYA
Awitin ang “Paru Parong Bukid” at damhin ang steady beat sa pamamagitan ng
pagpalakpak, pagtapik, pagpadyak at pagtatambol. Pagkatapos, maisagawa ang gawain,
tsekan ang Rubrik.
V. TAKDANG ARALIN
Mag isip ng ibang kanta at damhin ang steady beat sa pamamagitan ng
pagpalakpak, pagtapik, pagpadyak at pagtatambol.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:1


LEVEL: GRADE 1 WEEK:5
MONDAY-TUESDAY TIME: 10:35-11:15

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN MAPEH(ART)

I. LAYUNIN

 Naipapakilala ang mga iba't ibang uri ng halaman na nagpapakita ng iba't ibang
uri ng mga hugis, linya at kulay gamit ang pagguhit
 Naipamalas ang kakayahan sa pagguhit gamit ang iba't ibang uri ng mga hugis,
linya at kulay
 Naiguguhit ang gusto larawan gamit ang iba't ibang uri ng mga hugis, linya at
kulay

A. Pamantayang Pangnilalaman:Demonstrates derstanding of lines, shapes, colors and


texture, and principles of balance, proportion and variety through drawing.
B. Pamantayan sa Pagganap:Creates a portrait of himself and his family which shows the
elements and principles of art by drawing.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Uses different drawing tools or materials - pencil,
crayons,
piece of charcoal, a stick on different papers, sinamay,leaves, tree bark, and other local
materials to create his drawing about oneself, one’s family, home and school.A1EL-Id

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: iba't ibang uri ng halaman na nagpapakita ng iba't ibang uri ng mga hugis, linya at
kulay
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 MAPEH
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
I. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Tingnan ang larawan. Mayroon ba kayong nakikitang mga ganitong gamitan sa
pagguhit.

2. Pagganyak
Iguhit ang paboritong parte ng inyong bahay. Pumili ng kagamitan sa pagguhit
tulad ng lapis, krayola, piraso ng uling, patpat sa iba’t ibang papel, sinamay, mga
dahon, mga balat ng kahoy, at iba pang mga lokal na materyales upang makalikha
ng guhit. Gawin ito sa kuwaderno. Ipaliwanag ang iyong iginuhit.
II. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iguhit ang larawan ng inyong tahanan gamit ang krayola.

2. Pagtatalakay
Kilalanin ang mga sumusunod na mga kagamitan sa pagguhit.

III. Pangwakas na Gawain


1. Paglalahat
 Ang pagguhit ay isang anyo ng sining-biswal kung saan gumagamit ang
isang tao ng iba't ibang instrumento o kagamitan sa pagguhit para mag-
marka sa isang patag na medyum. Kabilang sa mga ito lapis, krayola,
piraso ng uling,patpat sa iba’t ibang papel, sinamay, mga dahon, mga balat
ng kahoy, at iba pang mga lokal na materyales upang makalikha ng guhit.

2. Paglalapat
Gamit ang iba’t ibang gamitan sa pagguhit, tumingin sa paligid at iguhit ang
iyong nakikita.
IV. PAGTATAYA
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung TAMA ang isinasaad ng pangungusap at
ekis (X) kung MALI.

_____ 1. Ang pagguhit ay isa sa mga pangunahing anyo ng sining.


_____ 2. Kailangan ng isang tao ang mga kagamitan upang makalikha ng guhit.
_____ 3. Maaari kang makaguhit o makagawa ng
likhang-sining sa pamamagitan lang ng lapis.
_____ 4. Ang mga dahon, balat ng puno, at sinamay ay
hindi puwedeng gamitin sa pagguhit.
_____ 5. Ginagamit ang krayola at piraso ng uling sa pagguhit.

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng album ng mga uri ng litrato gamit ang iba’t ibang dahon.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY


LEVEL: GRADE 1

LINGGUHANG PAGSUSULIT SA MAPEH


Pangalan:_____________________________________ _____________________Iskor:

I. Hatiin ang grupo at gumawa ng kanta gamit ang Steady beat at tumpak na ritmo sa
pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik sa pag-awit, paglalakad at pagtugtog ng mga
instrumentong pangmusika bilang tugon satunog

II. Iguhit ang larawan ng inyong tahanan gamit ang krayola.

You might also like