You are on page 1of 30

4

MAPEH
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ikalawang Markahan
-IKALAWANG LINGGO-

1 | P a g e
MAPEH – Grade 4
Guided Learning Activity Kit
-IKALAWANG LINGGO-
IKALAWANG MARKAHAN

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Development Team of the Activity Kit


Writers: Amelia R. Dilag (Music)
Ginalyn L. Lopez (Arts)
Riyah Mae F. Edquila (Physical Education)
Merjurie M. Legaspi (Health)
Editors: Abel Mario M. Eleria
Reviewers: Name
Illustrator: Jeremy P. Daos, Fernando Correa
Layout Artist: Jeremy P. Daos
Management Team: Leonardo D. Zapanta Ed.D,CESO V
Michelle Ablian-Mejica Ed.D
Manolito B. Basilio Ed.D
Victor M. Misola
Encarnita D. Deveraturda
Garry M. Achacoso
Rachell C. Diviva

Printed in the Philippines by Department of Education


Region III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzam

Musika:
MELODIYA: Kagandahang Dulot ng Musika

Kasanayang Pampagkatuto

• Identifies the pitch names of the G – Clef staff including


the ledger lines and spaces (below the middle C)
(MU4ME-IIb-2)

Layunin

1. Nasasabi ang mga pitch names sa G – Cleff Staff


2. Nakakabuo ng mga salita mula sa iba’t ibang pitch
names sa Musical Staff

Pagtalakay sa Paksa

Ang mga Pitch Names sa G – Clef Staff

Masdan ang mga titik na nasa mga nota sa Musical


Staff. Ating kilalanin ang mga ito.

1 | P a g e

Makikita natin na ang mga linya at espasyo ay may ngalang
titik o Pitch names. Nakikilala mo ba ang mga letra na iyan?
Ang mga letra sa bawat linya at espasyo (space) ay may
natatanging tono ang mga ito.

• Ang mga ngalang titik sa mga linya ng musical staff ay E, G,


B, D, F
• Ang mga ngalang titk sa mga linya ng musical staff ay F, A,
C, E

2 | P a h i n a

Gawain

Pagtatambal ng mga Bituin

Panuto: Pagtambalin ang mga letra sa kanilang tamang nota


na makikita sa mga bituin. Gumuhit ng linya sa
pagtatambal.

3 | P a g e

ARTS:
LANDSCAPE NG PAMAYANANG KULTURAL

Kasanayang Pampagkatuto

Discusses pictures of localities where different cultural


communities live where each group has distinct houses and
practices. (A4EL-IIa)

Mga Layunin

1. Naiguguhit at naipipinta ang tanawin ng komunidad ng


mga pamayanang kultural.

2. Naipagmamalaki ang kagandahan ng tanawin sa


pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang
sining.

4 | P a h i n a

Pagtalakay sa Paksa

Nakilala na natin ang ilan sa mga pangkat-etniko sa


iba’t ibang komunidad ng bansa. Balikan natin ang tamang
espasyo sa likhang sining

Background
(tanawing likod)

Middle ground
(tanawing gitna)

Foreground
(tanawing harap)

Matatandaan na ang mga bagay sa foreground ang lalabas


na malaki dahil malapit sa tumitingin, maliit naman ang mga
bagay sa background dahil nagmumukhang malayo sa
tumitingin at ang mga bagay sa middle ground ay
katamtaman naman ang laki.

Sa ating aralin ngayon, magpipinta tayo ng isang


pamayanang kultural.

5 | P a g e

Gawain

Pagpipinta ng Tanawin sa Komunidad


(Landscape Painting)

Kagamitan: lapis, bond paper, water color, basahan at water


container.

Mga hakbang sa paggawa:

1. Isipin ang larawan ng komunidad na iyong kinabibilangan.


Planuhin ang gawain ng mga tao, itsura ng mga bahay at
tanawin sa iyong komunidad na iguguhit.

2. Unahin mong iguhit ang guhit-tagpuan (horizon) at mga


bagay na pinakamalaki at nasa harapan o foreground tulad
ng mga tao at kanilang ginagawa.

3. Sunod na iguhit ang mga bagay sa middle ground o


tanawing gitna tulad ng mga tahanan at puno.

4. Pagkatapos, iguhit ang tanawing likod o background tulad


ng bundok o kapatagan at langit.

5. Kulayan ito gamit ang watercolor at lagyan ng pamagat.

6 | P a h i n a

Pangwakas

Lagyan ng tsek ( ✓) ang kolum na naglalarawan ng iyong


sarili.
Oo Hindi
1. Naintindihan ko nang
lubos ang mga aralin.
2. Nagawa ko nang buong
husay ang mga gawain.
3. Gagamitin ko ang
natutunan sa aking
buhay.

7 | P a g e

PHYSICAL EDUCATION:
Lakas ng Kalamnan

Kasanayang Pampagkatuto

Naisasagawa ang ibat-ibang kakayahan sa laro


nanagpapalakas at pagpapatatag ng kalamnan ( PE4GS-
IIc-h-4)

Layunin:
• Naisasagawa ang mga gawaing sumusubok sa lakas at
tatag ng kalamnan.

• Nabibigyang halaga ang lakas at tatag ng kalamnan sa


pakikilahok sa mga gawain sa klase.

Pagtalakay

Pag – aralan ang mga larawan. Kasama ang iyong


kapatid gawin ang mga ito.

1. Pagtutulak ng mabigat na bagay

8 | P a h i n a
2. Pagbuhat ng mabigat na bagay

3.Pagpapalakasan ng pwersa

4. Paghila ng mabigat na bagay

5.Paulit- ulit na paglipat ng


magaang bagay

Alin sa mga larawan na napagmasdan ang


may kaugnayan sa lakas o tatag ng kalamnan?

9 | P a g e
Gawain

Pagbubuhat ng mabigat

Humanap ng kalaban. Maglagay ng silya sa harap na


may layong limang metro mula sa inyo. Unahang magbuhat
ng 2 balde na may tubig papunta sa silya na inyong nilagay.

Pagbubuhat ng magaan

Humanap ng kalaban. Maglagay ng silya sa harap na


may layong limang metro mula sa inyo. Unahang magbuhat
ng bag na may lamang 2 aklat papunta sa silya na inyong
nilagay

RUBRICS

Kasama na Ginawa ng Matamlay na Hindi


gumawa sa maayos ginawa ang sumusunod sa
bahay (3pts) mga gawain panuto
(2pts) (1 pt)
1.
2.
3.
4.
5.

10 | P a h i n a
TANDAAN:

Ang paggamit ng kalamnan para sa matagalang


panatilihin ang posisiyon ng katawan ay nagpapakita ng
pataglay ng tatag ng kalamnan.

Mahalaga na magtaglay ng lakas at tatag ng kalamnan


upang laging handa ang ating katawan sa anumang gawaing
nangangailangan ng power.

Pagninilay

Gawing matatag at malakas ang inyong kalamnan sa


pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing bahay tulad
ng pagdidilig ng halaman, pagbubuhat ng gamit at iba pa.
Gumawa ng Fitness Diary.

11 | P a g e

12 | P a h i n a

HEALTH:
Ang Kalusugan ay Kayamanan,
Umiwas sa Nakahahawang Sakit

Kasanayang Pampagkatuto

• Natutukoy ang ibat ibang Uri at sanhi ng pinagmulan


ng mga nakahahawang sakit. (H4DD-Ilb-9)

Pagtalakay sa Paksa

Suriin ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong.

13 | P a g e

Gawaing Pampagkatuto:

1. Batay sa mga larawan, Ano-ano ang maaring sanhi ng


pagkakasakit ng isang tao?

2. Ano-ano ang mga nakahahawang sakit na maaaring


makuha sa mga larawan? Ipaliwanag ang sagot.

________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon sa larawan, ano ang iyong


gagawin upang makaiwas sa nakahahawang sakit?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Pag aralan natin!

Ang nakahahawang sakit ay nagmumula sa mga mikrobyo


na pumapasok at sumisira sa mga selyula (cells) ng katawan.
Nangangailangan ito ng dagliang pagsugpo at masusing pag-
iingat upang maiwasan ang paglaganap nito.

May tatlong mahahalagang elemento ang pagkalat ng


nakakahawang sakit o karamdaman. Ito ay ang susceptible host
o tao, sanhi ng mga mikrobyo (pathogens), at ang kapaligiran.

14 | P a h i n a

1. Susceptible host o sinumang tao ay maaring kapitan ng


mga pathogen o mikrobyo
2. Ang Mikrobyo (Pathogens) ay mga mikrobyong
nagdudulot ng sakit tulad ng virus, bacteria, fungi, at
parasite. Sa sobrang liit, ang mga ito ay makikita lamang
sa pamamagitang ng mikroskopyo. May iba’t ibang hugis,
sukat at anyo ang mikrobyo. Ito ang sanhi ng sakit ng
isang tao.

Mga uri ng Mikrobyo (Pathogens):


a.Virus – pinakamaliit na mikrobyo na makikita
lamang sa pamamagitan ng miskrokopyo. Nagiging sanhi
ito ng ubo, trankaso, tigdas, beke at bulutong tubig.

b. Bacteria – mas Malaki ito kaysa sa virus at


nabubuhay kasama ng hangin, tubig , at lupa. Nagiging
sanhi ito ang tuberculosis, ubong may tunog, at
diptheria.

15 | P a g e

c. Fungi – tila halamang mikrobyo na nabubuhay at
mabilis dumami sa madidilim at mamasa-masang lugar.
Nagiging sanhi nito ng Alipunga at iba pang mga sakit sa
balat.

d. Bulate (Parasitic Worms) – pinakamalaking


pathogen na nabubuhay sa intestinal walls at nakikipag
agawan sa sustansya sa katawan. Ang Ascarsis,
Tapeworm at Roundworm ay mga halimbawa nito.

3. Ang Kapaligiran ay isang elemento sa pagkalat ng


mikrobyo na maaaring sumasama sa himpapawid at
hangin (airborne), at tubig (waterborne)

16 | P a h i n a

Pag-aralan ang Tsart:


Iilan sa mga karaniwang sakit ng mga tao ay nakukuha sa
kapaligiran at maari itong dumapo sa iba.

Mga Sakit na Dala ng Virus

SAKIT PAGSALIN NG MGA PAG-IWAS


SAKIT PALATANDAAN
AT
(Signs)/Sintomas
PAGSUGPO
(Symptoms)

Sipon • Pumapasok • Baradong • Uminom ng


(Common ang virus sa ilong 8-12 baso ng
Colds) ilong sa • Hirap na tubig
pamamagitan ng paghinga • Iiwas ang
(Virus) paglanghap, • Pangangati at sarili sa usok
pag-ubo, pamamaga ng (mula sa

17 | P a g e

pagbahing, lalamunan sigarliyo,
direktang • Hirap sasakyan)
kontak sa mga lumunok ng
gamit na pagkain
kontaminado ng • Sinat at lagnat
virus ng sipon
Ubo (Cough) • Sanhi ng • Ubong • Dagdagan
bacteria mahigpit na ng gatas o
• Impeksyon tila kahol-aso. maligamgam
ito ng tubong • Lagnat na tubig
dinadaanan para ma-
ng hangin sa relax ang
paghinga vocal cords
(Respiratory at lumuwag
tract ang plema
• Impeksyon • Lagnat na 38- • Umiwas sa
ng sistemang 40 degree mga taong
Trangkaso paghinga celcius may
(repiratory • Giniginaw trangkaso
(influenza)
system) na • Sakit ng ulo, • Uminom ng
sanhi ng kalamnan, at maraming
Hemophilus mga kasu- tubig
Influenza kasuan
Virus • Masakit na
• Nasasagap lala-munan
ang virus (sore throat)
mula sa • Baradong
droplets na ilong o
lumalabas sa tumutulong
bibig o ilong sipon
ng isang
taong may
trangkaso
• Isang • Madaling • Pagka-karoon
impeksyon ng mapagod ng tamang
sanhi ng • Walang ehersisyo
mikrobyong ganang • Magtakip ng

18 | P a h i n a

Myco kumain bibig at ilong


• bacterium • Pagbaba ng kung may
Tuberkulosi tuberculosis timbang Pag- kausap na
s • Paglanghap ng ubo na may taong
droplets mula kasamang umuubo
(TB) plema at dugo • Ihiwalay ang
sa isang taong
may TB kung • Nilalagnat at kagami
sya ay giniginaw tan ng taong
nagsasalita, maghapon may TB
umuubo, o
bumabahing
• Sakit na • Hirap sa • Pagba
nakakaapekto paghinga bakuna
sa baga • Kulang ng • Wastong
Pulmonya • Virus, bacteria, oksiheno nutrisyon
o fungi (oxygen) sa • Kalinisan sa
(Pneumonia) katawan sarili at
kapaligiran
Sakit sa • Isang • Paninilaw ng • Tiyaking
atay matinding balat at puti malinis ang
impeksyon sa ng mata kinakain
(Hepatitis A) atay sanhi ng • Pananamlay • Sanaying
virus na • Kulay putik na maghugas
maaaring dumi ng kamay
makuha sa • Nagsusuka bago
maruming • Nilalagnat kumain o
pagkain o • Giniginaw humawak
inuming • Pagsakit ng ng pagkain
tubig. ulo at matapos
• Pagsakit ng gumamit ng
tiyan` banyo
• Kumon-
sulta sa
doctor sa
sandaling
maghinalan
g may

19 | P a g e

Hepatits A
• Sapat na
pahinga
• Tamang
Nutrisyon
• Magpa
bakuna
• Sanhi ng mga • Pamamantal o • Maging
bacteria, Pama maga ng malinis sa
Sakit sa Fungi balat lahat ng
Balat • Namumula oras
• Nangangati
Dengue • Impeksyon • may lumilitaw • Maglinis ng
Fever dahil sa na skin rash bahay at
kagat ng pag bumababa paligid
lamok na ang balat araw-araw,
may dalang • Biglang lalo na sa
dengue virus tumataas ang mga lugar
lagnat na madilim
• Alisin ang
nakaimbak
na tubig na
pinamu
mugaran ng
lamok
Leptospirosis • Bacteria na • Nilalagnat • Iwasang
pumapasok • Pananakit ng maligo o
sa balat o kalamnan at magtampisaw
sugat mula kasu- kasuan sa tubig-baha
sa tubig-baha • Kumonsulta
o basang sa doctor
lupa o kung nakara
halaman ranas ng mga
kung saan sintomas na
may ihi ng nabanggit
daga
Ref. Delos, Reyes, D. , (2008), Makati City Iwas-Sakit Mula

20 | P a h i n a

Ang nakahahawang sakit ay maaaring masalin sa ibang tao sa


pamamagitan ng sumusunod;

• Pagkagat sa pagkain ng may sakit o pagsalo sa kanilang


pagkain
• Hangin, tubig, at lupa
• Dugo, laway, dumi at ihi.
• Paghawak o paghipo sa sa infected na tao, bagay o
kasangkapan

Gawain

Iayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang


tamang salita sa tulong ng katangian o paglalarawan.

Ginulong Titik Nabuong Salita Katangian/Paglalarawan

IMKYORBO Dahilan ng pagkakasakit


ng isang tao

ABOSN Nakatutulong upang


maalis ang mikrobyo

RIUVS Isang uri ng mikrobyo

KISTA Dulot ng mikrobyo,


bakterya, fungi at virus

KTABEYRA Isa pang uri ng tagapag


dala ng sakit

GTBIU Gamit sa paghuhugas o


paglilinis ng katawan.

21 | P a g e

Tandaan :
Ang nakakahawang sakit ay maaaring masalin sa ibang tao sa
pamamagitan ng sumusunod;

• Pagkagat sa pagkain ng may sakit o pagsalo sa kanilang


pagkain
• Hangin, tubig, at lupa
• Dugo, laway, dumi at ihi.
• Paghawak o paghipo sa sa infected na tao, bagay o
kasangkapan

Repleksyon:
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Tukuyin ang
pinagmulan ng sakit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Susceptible host a. mas Malaki ito kaysa sa


virus at nabubuhay
kasama ng hangin, tubig
, at lupa. Nagiging sanhi
ito ang tuberculosis,
ubong may tunog, at
diptheria.

2. Ang Mikrobyo (Pathogens) b. pinakamaliit na


mikrobyo na makikita
lamang sa pamamagitan
ng miskrokopyo.
Nagiging sanhi ito ng
22 | P a h i n a ubo, trankaso,tigdas,
beke at bulutong tubig.
3. Fungi d. mas Malaki ito kaysa sa
virus at nabubuhay
kasama ng hangin, tubig ,
at lupa. Nagiging sanhi ito
ang tuberculosis, ubong
may tunog, at diptheria.

4. Bakterya e. pinakamaliit na mikrobyo


na makikita lamang sa
pamamagitan ng
miskrokopyo. Nagiging
sanhi ito ng ubo,
trankaso,tigdas, beke at
bulutong tubig.

5. Bulate f. sinumang tao ay maaring


kapitan ng mga pahotgen
o mikrobyo

Pagsusulit

Music: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel

1. Ano ang tawag sa mga letra sa mga linya at espasyo


ganun din sa ledger line at sa taas at baba nito?
a. letra b. pitch names c. symbols d. codes

2. Ang pitch names ng spaces sa G-clef ay ang mga _______


a. A,B,C,D b. E,G,B,D c. F,A,C,E d. A,C,E,D

23 | P a g e
Arts
3. Ano ang middle ground sa larawan?
a. Bata b. Bahay c. mga puno

4. Ito ay mga bagay sa likhang sining na kadalasang


malalaki at malapit sa tumitingin
b. Foreground b. middle ground c. background
c.
Health
5. Anong sakot ang maaring makahawa at kumalat sa
pamamagitan ng respiratory droplet?
a. Leptospirosis b. dengue c. pigsa d. sipon

6. Ano ang dapat isagawa upang makaiwas sa sakit?


a. Iwasang makisalamuha sa ibang tao
b. Lagyan ng screen ang mga bintana ng bahay
c. Payuhang ang mga may sakit na manirahan sa ospital
d. Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos
gyumamit ng palikuran

Physical Education: Sagutin ang mga tanong ng OPO o HINDI


PO. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

7. Naisagawa mo ba nang tama ang mga gawaing


sumusubok sa tatag at lakas ng kalamnan?

8. Nauunawan mo ba ang pagkaiba ng tatag ng kalamnan


at lakas ng kalamnan?
24 | P a h i n a

Pangwakas

Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kolum na naglalarawan ng iyong


sarili.
Oo Hindi
1. Naintindihan ko nang
lubos ang mga aralin.
2. Nagawa ko nang buong
husay ang mga gawain.
3. Gagamitin ko ang
natutunan sa aking
buhay.

Mga Sanggunian

DAZZLE Shining brightly in Music, Arts, Physical Education


and Health Grade 4 (INNOVATIVE EDUCATIONAL
MATERIALS INC)

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 Kagamitan


ng Guro

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4, Kagamitan


ng Mag-aaral

http://philphysicalactivityguide.blogspot.com/2016/07/an
g-philippine-physical-activity.html

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fw
ww.slideshare.net%2Flhoralight%2Fk-to-12-grade-4-
learners-material-in-physical-education-

25 | P a g e

q1q4&psig=AOvVaw3OG3t3Aru9t0TbPZw4nKjZ&ust=16038
70046581000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwo
TCIDMkNef1OwCFQAAAAAdAAAAABAK

https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/arts-
50204613

MAPEH Adventures 4 –Learner’s Material (Rex Book Store)

Musika at Sining 4 – Learner’s Material

Susi sa Pagwawasto

Music:
Gawain:

Pagsusulit:

Music:
1. B
2. C

Arts:
3. B
4. A
Health: Health:
Gawain 5. D
Mikrobyo 6. D
Sabon
Virus Physical Education
Sakit 7. Opo
Bakterya 8. Opo
Tubig

26 | P a h i n a
Arts Gawain:
Gawain:
Bigyan ng kaukulang puntos ang inyong naging pagganap gamit
ang rubrik na sumusunod:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong


3pts 2pts mahusay
1pt
1. Naiguhit at Naiguhit at Naiguhit ko Naiguhit ko
nakulayan ko nakulayan ko. ngunit hindi ngunit hindi
ang tanawin ng nakulayan. natapos at
pamayanang hindi
kultural nakulayan.
2. Naipakita ko sa Naipakita ko Nagpakita ako Nagpakita ako
larawan ang nang tama ng foreground, ng ilan sa
wastong ang middle ground wastong
espasyo sa foreground, at background espasyo
pamamagitan middle ground ngunit hindi ngunit kulang.
ng foreground, at maayos.
middle ground background.
at background.
3. Nakilala ko ang Nakilala ko Hindi ko Hindi ko kilala
pamayanang nang husto gaanong kilala ang
kultural na ang ang pamayanang
kinabibilangan pamayanang pamayanang kultural na
ko at ang mga kultural na kultural na kinabibilangan
natatanging uri kinabibilangan kinabibilangan ko.
ng tahanan at ko. ko
pamumuhay.
4. Naipagmalaki Naipagmalaki Hindi ko Hindi ko
ko ang likhang ko ang aking gaanong naipagmalaki.
sining sa likhang sining. naipagmalaki
pamamagitan ang likhang
ng eksibit. sining.

27 | P a g e
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga


tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na


paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa


kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa


kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon


ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

28 | P a h i n a

You might also like