You are on page 1of 3

LAYUNIN:

 Natatalakay ang detalyeng tanawin ng pamayanang kultura sa makahulugan sa


kasaysayan ng bansa.
 Naiguguhit at naipipinta ang tanawin ng komunidad ng mga pamayanang
kultura.
 Naipagmamalaki ang kagandahan ng iba’t ibang tanawin sa pamayanang kultura
sa pamamagitan ng eksibit ng likhang sining.

PAKSANG ARALIN:
Elementong Sining: Espasyo
Kagamitan: lapis, papel,watercolor, brush, water container.
Sanggunian: www.wikipedia.com
p. 227-231 Musika at Sining 4 (Patnubay ng Guro)
p. 179-181 Musika at Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
KAGAMITAN:
lapis, papel, water container, water color at brush

MGA PROSESO NG PAGKATUTO

A. Pagbati

Magandang umaga mga bata. Kumusta ang araw ninyo?


Bago tayo magsimula umupo muna ng maayos.

B. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng isang komunidad.


Ipatukoy ang bawat larawang ipinakikita at ang katangian ng bawat isa.
(tahanan, tao, hayop, kagamitan sa paghahanap buhay at iba pa)
Hayaang magkweto ang bawat bata ayon sa larawang ipinakikita.

C. Panglinang ng Gawain

Paglalahad:
Sabihin sa mga bata na maraming pangkat ng mga etniko ang makikita sa
iba’tibang rehiyon sa bansa.
Ipakita ang ilan sa mga ito sa tulong ng larawan. (Ivatan, Ifugao, Maranao o ayon
sa gusting lugar dito sa Pilipinas)

D. Gawaing Pangsining
1. Isipin ang larawan ng komunidad na iguguhit. Ito ay maaaring sariling
komunidad na kinabibilangan o ayon sa imahinasyon. Planuhin ang gawain
ng mga tao,itsura ng bahay at tanawin sa komunidad na iguguhit.
2. Unahing iguhit ang tagpuan(horizon) at mga bagay na pinakamalaki at nasa
harapan(foreground) tulad ng tao at ang kanilang ginawa.
3. Sumunod na iguhit ang mga nasa middle ground o tanawing gitna tulad ng
tahanan o puno.
4. Pagkatapos,iguhit ang background o tanawing likod tulad ng bundok o
kapatagan at langit.
5. Kulayan mo ito ng water color at lagyan ng pamagat.

E. Pagpapalalim ng Gawain

Gumawa ng tanong ayon sa gusting ipaguhit na larawan (landscape)


1. Saan yari ang tahanan ng nasabing iginuhit na larawan?
2. Saan lugar ito matatagpuan?
3. Ano ang pangunahing atraksyon sa Ifugao?
4. Ano ang disenyong kanilang tahanang na kaguhit?
5. Ano ang pangunahing paraan ng pamumuhay ng mga nasa larawan?

F. Paglalahat ng Aralin

Tandaan Natin:
Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ng komunidad ang tamang espasyo ng mga bagay
sa larawan sa pamamagitan ng pagguhit ng foreground,middle ground at background.

G. Repliksyon

Ipatukoy ang kagandahan ng iba’t ibang tanawin sa pamayanang kultura sa


pamamagitan ng eksibit ng likhang sining.

PAGTATAYA NG ARALIN:

Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang inyong nagging pagganap gamit ang rubric na
nasa kasunod na pahina.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di- gaanong


(3) (2) mahusay(1)

1. Naiguhit at Naiguhit at Naiguhit ko ngunit di Hindi ko naiguhit


nakulayan ko nakulayan ko nakulayan
ang tanawin
ng
pamayanang
kultura.
2. Naipakita ko Naipakita ko Hindi ko maayos na Hindi ko naipakita ang
ang wastong nang tama ang naipakita ang foreground,middlegro
espasyo sa foreground,mid foreground,middlegro und at background.
pamamagita dle ground at und at background.
n ng background.
foreground,
middle
ground at
background.
3. Nakilala ang Nakilala ko ang Hindi ko gaanong Hindi ko nakilala ang
pamayanang 3 pamayanang nakilala ang pamayanang kultura
kultura sa kultura sa pamayanang kultura sa bansa.
bansa at ang bansa. sa bansa.
natatanging
uri ng
tahanan at
pamumuhay
4. Naipagmalaki Naipag,alaki ko Hindi gaanong Hindi ko
ko ang ang aking naipagmalaki ang naipgamalaki.
likhang sining likhang sining. likhang sining
sa
pamamagita
n ng eksibit.

You might also like