You are on page 1of 17

CARUHATAN EAST

Paaralan: ELEMENTARY Baitang: IV


SCHOOL
GRADE 1 SHARMAINE JANE D.
Guro: Asignatura: MAPEH
DAILY LESSON PLAN DEDOROY
Oras at
Ikalawang
Petsa ng November 14, 2022 Markahan:
Markahan
pagtuturo:

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Natatalakay ang iba't ibang tanawin sa pamayanang kutural
B. Pamantayan sa pagganap Naiguguhit at naipipinta ang tanawin ng komunidad ng mga
Pamayanang kultural
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipagmamalaki ang kagandahan ng tanawin sa pamayanang kultural sa
Isulat ang code ng bawat kasanayan pamamagitan ng likhang sining. (A4EL-IIA)
II. Nilalaman
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ARTS Teacher’s Manual Pahina 227 - 231
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- ARTS Leraner’s Manual Pahina 178 - 181
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula sa Powerpoint presentation, pictures
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Lapis, papel, watercolor, brush, water container
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Balik-aral:
Tukuyin ang mga disenyong etniko na makikita sa mga likhang
sining.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpakita ng larawan ng isang komunidad. Ipatukoy ito sa mga bata
at ipalarawan ang katangian ng bawat isa. (Hal. tahanan, tao, hayop,
kagamitan sa paghahanapbuhay, at iba pa.)

Hayaan din silang magkuwento ng makikita sa kanilang komunidad.


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
Bagong aralin Ano ang inyong masasabi sa larawan?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto IVATAN


at
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Ang mga Ivatan ay matatagpuan sa lalawigan ng Batanes. Ang
kanilang mga tahanan ay maituturing na lumang estraktura sa
Batanes. Ito ay yari sa limestone at coral habang ang bubungan ay
mula sa cogon grass na sadyang binuo sa pangunahing layunin na
magbigay ng proteksiyon laban sa kalamidad tulad ng bagyo. Ang
mga babaeng Ivatan ay nagsusuot naman headgear na tinatawag na
vakul. Ito ay yari sa abaka na inilalagay sa ulo bilang kanilang
proteksiyon sa araw at ulan.

IFUGAO

Ang mga Ifugao naman ay makikita sa bulubundukin ng Cordillera


kung saan ang mga hagdang-hagdang palayan ay pangunahing
atraksiyon sa lugar. Ang salitang Ifugao ay nagmula sa katagang "'-
pugo" na nangangahulugang "mga tao sa burol" o "people of the hill.
Ang kanilang tahanan na may kuwadradong sukat na natu-tukuran ng
apat na matitibay na posteng kahoy at ito ay nakaangat mula sa lupa
na may humigit kumulang apat na talampakan walang bintana ang
tahanan at ang dingding ay yari sa matibay na mga kahoy. Mayroon
itong hagdanan na inaalis sa gabi upang di maka-pasok ang kaaway o
mabangis na hayop.

MARANAO

Ang mga Maranao ay pangkat-etniko na makikita sa Lanao,


Mindanano. Ang katawagang Maranao ay nangangahulugang "People
of the Lake" dahil ang pangkat-etniko na ito ay nabubuhay sa lawa ng
Lanao. Ang kanilang pangunahing paraan ng pamumuhay ay
pangingisda at nakasentro ang kanilang mga gawain sa lawa. Ang
mga Maranao ay nakikilala sa kanilang pambihirang disenyo na
tinatawag na "okir". May mga tahanan ang mga Maranao na
tinatawag na torogan. Ito ay para sa mga datu o may mataas na
katayuan sa lipunan. sa kanilang tahanan ay makikita ang disenyong
"okir" sa harapan ng torogan. Ang mga inukit na disenyong okir ay
makikita sa mga nililok sa panolong. Pag-usapan ang larawan at ang
mga makikita rito.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Nagagawa ng pintor na maging malapit o malayo ang mga bagay sa
paglalahad ng bagong kasanayan #2 kaniyang likhang sining sa pamamagitan ng espasyo. Ang espasyo,
bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwat sa pagitan ng
bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isang pintor, ang anyong
mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng hugis ng mga bagay na
kaniyang iginuhit. Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa't isa ay
naipakikita sa pamamagitan ng paglalagay ng foreground, middle
ground, at background. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasang
malalaki at pinakamalapit sa tumitingin. Ang bagay naman na nasa
background ay nasa likod at kadalasan na maliit. Ang middleground
naman ay may katamtaman ang laki ng mga bagay na nasa pagitan ng
foreground at background.

F. Paglinang sa Kabihasnan 1. Anong bagay sa larawan ang pinakamalapit sa kanila? Ang


(Tungo sa Formative Assessment) pinakamalayo?
2. Anong bagay ang pinakamaliit? pinakamalaki?
3. Hayaang magbigay ang bata ng sailing kaisipan tungkol sa
pagkakaiba ng ayos ng mga bagay sa larawan.
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paano mo maipagmamalaki ang ang mga komunidad ng mga
araw-araw na buhay pangkat-etniko sa ating bansa?

H. Paglalahat ng Aralin Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ng komunidad ang tamang


espasyo ng mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagguhit ng
foreground, middle ground, at background.
I. Pagtataya ng Aralin Pagpipinta ng Tanawin sa Komunidad (Landscape Painting)
Kagamitan: lapis, bondpaper, watercolor, basahan, at water container

Mga Hakbang Sa Paggawa:


1. Isipin ang larawan ng komunidad na iguguhit. Ito ay maaaring
sailing komunidad na kinabibilangan o ayon sa iyong imahinasyon.
Planuhin ang gawain ng mga tao, itsura ng bahay, at tanawin sa
komunidad na iguguhit.

2. Unahing iguhit ang guhit-tagpuan (horizon) at mga bagay na


pinakamalaki at nasa harapan (foreground) tulad ng tao at ang
kanilang ginagawa.

3. Sunod na iguhit ang mga bagay sa middle ground o tanawing gitna


tulad ng mga tahanan at puno.

4. Pagkatapos, iguhit ang background o tanawing likod tulad ng


bundok o kapatagan at langit.

5. Kulayan mo ito ng watercolor at lagyan ng pamagat

J. Karagdagang Gawain para sa


takdang- aralin at remediation TAKDA
Magsaliksik sa magasin, libro o internet ng mga larawan ng
komunidad ng iba pang pangkat-etniko sa bansa. Idikit sa kuwaderno
at lagyan ng maikling paglalarawan tungkol sa larawan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking na
dibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
CARUHATAN EAST
Paaralan: ELEMENTARY Baitang: IV
SCHOOL
GRADE 1 SHARMAINE JANE D.
Guro: Asignatura: MAPEH
DAILY LESSON PLAN DEDOROY
Oras at
Ikalawang
Petsa ng November 15, 2022 Markahan:
Markahan
pagtuturo:

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa isang
pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-Ilb)
B. Pamantayan sa pagganap Nakakalikha ng sailing disenyo ng isang katutubong kasuotan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipagmamalaki ang kagandahan ng kasuotan ng mga pangkat-etniko sa
Isulat ang code ng bawat kasanayan pamayanang kutural sa pamamagitan ng pagsusuot ng likhang-sining na
kasuotan.
II. Nilalaman Kasuotan at Palamuting Etniko
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ARTS Teacher’s Manual Pahina 232 - 234
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- ARTS Leraner’s Manual Pahina 182 - 185
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula sa Powerpoint presentation, pictures
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Lapis, gunting, manila paper, gunting, water color, crayon
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Balik-aral Ipatukoy ang foreground, middle ground, at background sa
sumusunod na larawan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpakita ng larawan ng mga batang Pilipino na may iba't ibang
palamuti sa katawan. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang
katangian ng mga palamuti sa kaniyang katawan. (Hal. kuwintas,
hikaw, damit, singsing, at iba pa.)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sabihin sa mga bata na ang bawat pamayanang kultural ay may kani-
Bagong aralin kaniyang kasuotan at palamuti. Ang bawat pook o komunidad ay may
produktong likhang-sining na maipagmamalaki ng kanilang
mamamayan dahil sa taglay na kagandahan at pambihirang uri nito.
Ipakita ang makukulay na kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto T’boli
at
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Ang mga T'boli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao. Pangangaso,
pangingisda, at pangunguha ng mga prutas sa kagubatan ang kanilang
ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka.
Naghahabi sila ng tela para sa damit na ang tawag ay t'nalak na hinabi
mula sa hibla ng abaka. Sila ay tanyag sa kanilang kasuotan at
palamuting kuwintas, pulseras, at sinturon na yari sa metal at plastik.
Ang kuwintas ay yari sa maliliit na butil na tinuhog. Karaniwang
kulay ng mga butil ay pula, itim, at puti. Ang kuwintas na ito ay
nilalagyan ng palawit na yari sa tanso. Nangingibabaw sa mga kulay
na ginagamit ng T'boli ang pula, itim, at puti. Ipasuri sa mga bata ang
hugis at kulay na makikita sa mga disenyong kasuotan at palamuti ng
mga pangkat-etniko. Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita
rito.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin kung
paglalahad ng bagong kasanayan #2 maganda ang pagkakadiseny ng mga elemento ng sining tulad ng
hugis at kulay. Ang paggamit ng overlap ay nakatutulong upang
makatawag pansin ang isang disenyo.
Ang overlap ay ang pagpapatong-patong ng mga hugis at bagay sa
larawan. Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang
larawan at makatotohanan sa pamamagitan ng tamang proporisyon.
Nakatutulong din ang pagpiling kulay sa kagandahan ng disenyo. Ang
paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang mapusyaw na kulay ay
nakatutulong upang mapansin ang hugis o bagay sa larawan.
F. Paglinang sa Kabihasnan Itanong sa mga bata kung anong hugis at kulay ang makikita sa
(Tungo sa Formative Assessment) larawan. Paano naging maayos sa paningin ang pagkakaayos ng hugis
at kulay? Hayaang magbigay ang batang sariling kaisipan tungkol sa
pagkakaiba ng ayos ng mga bagay sa larawan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paano mo maipagmamalaki ang mga kasuotan at palamuti ng


araw-araw na buhay pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural sa ating bansa?
H. Paglalahat ng Aralin Ang paggamit ng pagpapatong patong ng mga hugis (overlapping) at
matitingkad na kulay ay nakatutulong upang maging kaakit-akit ang
disenyo sa paglikha ng disenyo ng kasuotan.
I. Pagtataya ng Aralin Kasuotan at Palamuting Etniko.

1. Mag-isip ng disenyo at tabas ng kasuotang maaring isuot para sa


nalalapit na pagdiriwang. Maaaring gumamit ng simbolo ayon sa
gawain o pamumuhay tulad ng pangingisda, pagsasaka, pangangaso,
o pangunguha ng prutas.
2. Igawa ng pattern sa manila paper at gupitin na parang kasuotan.

J. Karagdagang Gawain para sa


takdang- aralin at remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking na
dibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
CARUHATAN EAST
Paaralan: ELEMENTARY Baitang: IV
SCHOOL
GRADE 1 SHARMAINE JANE D.
Guro: Asignatura: MAPEH
DAILY LESSON PLAN DEDOROY
Oras at
Ikalawang
Petsa ng November 16, 2022 Markahan:
Markahan
pagtuturo:

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Natatalakay ang kultura ng mga pangkat-etniko sa pamayanang
kultural sa bansa.
B. Pamantayan sa pagganap Naiguguhit at naipipinta ang larawan ng kultura ng mga pangkat- etniko sa
pamamagitan ng watercolor
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipagmamalaki ang kagandahan ng kültura ng mga pangkat-etniko sa
Isulat ang code ng bawat kasanayan pamamagitan ng watercolor painting. (A4EL-IIC)
II. Nilalaman Pagpipinta ng Pangkat-Etniko
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ARTS Teacher’s Manual Pahina 235 - 237
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- ARTS Leraner’s Manual Pahina 186 - 188
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Magpakita ng larawan ng mga gawain sa kasalukuyan. Ipatukoy ito sa
mga bata at ipalarawan ang katangian ng bawat isa. Hayaan din silang
magkuwento ng kanilang karanasan kapag ginagawa nila o nakikita
ito.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sabihin sa mga bata na ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa mga
gawain na ginagawa din ng mga tao sa pamayanang kultural bilang
bahagi ng kanilang kultura
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Mahilig ka bang magpinta? Ano-ano ang mga nais mong ipinta?
Bagong aralin
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Kadalasan, ang kultura ng mga pangkat-etniko ay may kaugnayan sa
at kanilang hanapbuhay. Kaingin, pagsasaka, pangingisda, pangangaso
paglalahad ng bagong kasanayan #1 na pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay. Maraming
pangkat-etniko ang naniniwala sa dasal at pananampalataya. Sila ay
nagdaraos ng selebrasyon at ritwal tuwing may kasalan,
panggagamot, kapanganakan, paglilibing, at paglalakbay. Nag-aalay
din sila ng hayop bilang pasasalamat sa mga pangyayari.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang sining ng pagpipinta ay nakatutulong upang maipahayag ang
paglalahad ng bagong kasanayan #2 pagiging malikhain sa pagpapakita ngalue sa pagkulay. Sa watercolor
painting, maaaring makalikha ng ibang epekto sa likhang sining. Ang
value ay sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan at kadiliman
nito. Ang bahagi ng larawan na maliwanag ay may mapusyaw a kulay
subalit ang malalayong bagay at di-naabot ng sinag ng araw ay may
madilim na kulay. Sa pamamagitan ng value makatotohanan at
maganda ang larawan. sa pagkulay, nagiging makatotohanan at
maganda ang larawan.

F. Paglinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment) 1. Paano naipakikita ang value ng kulay sa pagkulay?

2. Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang disenyo?


G. Paglalapat ng aralin sa pang- 1. Ano ang nakatutuwang karanasan mo habang isinasagawa ang
araw-araw na buhay watercolor painting?

2. Ano ang kakaibang epekto ng paglalagay ng mapusyaw at madilim


na kulay sa paglikha ng larawan sa pamamagitan ng watercolor?
H. Paglalahat ng Aralin Naipakikita ang tamang value sa pagkulay gamit ang watercolor sa
mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagdadagdag ng tubig
upang maging mapusyaw at konting tubig upang maging mas
madilim ang kulay ng likhang sining.
I. Pagtataya ng Aralin Value Sa Pagkulay
Kagamitan: lapis, watercolor, lalagyan ng tubig, brush, bondpaper at
basahan

1. Umisip ng disenyo mula sa napag-usapan o nakitang larawan sa


Luzon, Visayas, at Mindanao ng komunidad na nais mong iguhit. Ito
ay maaaring gawain sa araw-araw o tradisyon na ginagawa sa inyong
lugar.
2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis.
3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa
mesang paggagawaan.
4. Isawsaw ang brush sa watercolor at ipang-kulay ayon sa kulay ng
bagay. Ulit-ulitin ang pagpipinta hanggang makuha ang nais na value.
5. Dagdagan ng kulay kung nais na maging madilim ang kulay at
tubig at puti naman kung gustong maging mapusyaw.
6. Patuyuin.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
J. Karagdagang Gawain para sa
takdang- aralin at remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking na
dibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
CARUHATAN EAST
Paaralan: ELEMENTARY Baitang: IV
SCHOOL
GRADE 1 SHARMAINE JANE D.
Guro: Asignatura: MAPEH
DAILY LESSON PLAN DEDOROY
Oras at
Ikalawang
Petsa ng November 17, 2022 Markahan:
Markahan
pagtuturo:

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Napaghahambing ang iba't ibang pagdiriwang sa mga pamayanang
kultural sa bansa.
B. Pamantayan sa pagganap Nakalilikha ng isang myural ng isang selebrasyon o pagdiriwang
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipagmamalaki ang pagdiriwang ng mga pamayanang kultural sa
Isulat ang code ng bawat kasanayan pamamagitan ng likhang sining. (A4EL-IIF)
II. Nilalaman Pista ng mga Pamayanang Kultural
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ARTS Teacher’s Manual Pahina 238 - 242
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- ARTS Leraner’s Manual Pahina 189 - 191
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Balik-aral Itanong:

1. Ipaliwanag ang value sa pagkulay.

2. Paano nagiging mapusyaw ang isang kulay? Madilim?


B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpahula sa mga bata tungkol sa sumusunod na bagay. Ipatukoy ito
sa mga bata at ipalarawan ang katangian ng bawat isa. Itanong sa mga
bata kung saan nila ito madalas makita. Hayaan din sillang
magkuwento tungkol sa kanilang karanasan pag may ganitong
okasyon.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Nakakapagbuklod tayo
Bagong aralin dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon ng
pagtatanim at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang
nagsasaya, nagbabatian, at gumagawa upang maisakatuparan ang
layunin ng kanilang pagdiriwang. Pistang Bayan Ang bawat lugar o
bayan ay may kani-kanilang panahon ng pista. Ito ay parangal sa
santong patron ng bayan at ginagawa isang beses sa isang taon. Ang
mahahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang misa at prusisyon. Dito
nagkakasama ang magkakaibigan at magkakamag-anak. Lahat ay
nagsasaya dahil sa mga palaro at masasayang tugtugin ng mga
musikong umiikot sa buong bayan habang ang iba naman ay
nagsasalo-salo sa masaganang pagkain.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-
at 15 ng Mayo sa Luban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito,
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pinasasalamatan ng mga magsasaka ang kanilang patron dahil sa
kanilang masaganang ani. Bahagi ng selebrasyon ang pagdidisenyo
ng mga bahay kung saan ito ay napapalamutian ng kanilang sariling
ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at
'kiping na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.

Ang
Pistang
Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan
sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.
Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio
gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya ito ay dinarayo taon-
taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang,
"panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Sa
selebrasyong ito makikita ang mga magarbong kaayusan ng bulaklak,
sayawan sa kalye, eksibit ng bulaklak, paglilibot sa hardin, paligsahan
ng pag-ayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok,
at iba pa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Nagagawa ng pintor na maipakita sa kaniyang likhang-sining ang


paglalahad ng bagong kasanayan #2 damdamin ng isang tao. Alam din niya kung paano ilalarawan ang
nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya o maligaya,
malungkot o payapa. Sa paggamit ng kulay tulad ng dilaw, kahel, at
pula, naipahihiwatig ng pintor ang tamang damdamin na nagpapakita
ng saya. Tingnan ang larawan sa susunod na pahina.

F. Paglinang sa Kabihasnan Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito. Itanong sa mga
(Tungo sa Formative Assessment) bata kung anong pakiramdam nila tuwing may mga ganitong
pagdiriwang. Ipapansin din sa mga bata ang mga kulay na
nangingibabaw kapag may mga pagsasaya tulad ng pista.

1. Paano nagagawa ng isang pintor na maipakita ang damdamin sa


kaniyang sining?

2. Ano-anong mga kulay ang nagpapahiwatig ng kasayahan na


kadalasang ginagamit sa mga pista?
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paano mo maipagmamalaki ang mga tanyag na pista sa ating bansa?
araw-araw na buhay
H. Paglalahat ng Aralin Naipakikita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit
ng kulay. Ang mga kulay tulad ng dilaw, dalandan, pula, at iba pa ay
ginagamit sa mga masasayang pagdiriwang o selebrasyon tulad ng
pista.
I. Pagtataya ng Aralin Larawan ng Pista

Kagamitan: manila paper, acrylic paint o acry-color, brush, lapis,


marker, water container, basahan, lumang dyaryo, at bondpaper

Mga Hakbang Sa Paggawa:


1. Bumuo ng pangkat na may 5-6 na kasapi.
2. Planuhin ang iguguhit na selebrasyon sa isang bondpaper upang
mapaghati-hati ang gawain ng pangkat.
3. Ang nabuong disenyo sa bondpaper ng bawat pangkat ay ilipat sa
manila paper sa pamamagitan ng lapis.
4. Kulayan ang larawan sa pamamagitan ng acrylic paint. Gumamit
ng mga masasayang kulay tulad ng dilaw, dalandan, pula at iba pa
upang maipakita ang masayang damdamin.
5. Patuyuin.
6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
J. Karagdagang Gawain para sa
takdang- aralin at remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking na
dibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
CARUHATAN EAST
Paaralan: ELEMENTARY Baitang: IV
SCHOOL
GRADE 1 SHARMAINE JANE D.
Guro: Asignatura: MAPEH
DAILY LESSON PLAN DEDOROY
Oras at
Ikalawang
Petsa ng November 18, 2022 Markahan:
Markahan
pagtuturo:

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nakikilala ang pamayanang tinitirhan
B. Pamantayan sa pagganap Nakaguguhit ng isang krokis na nagpapakita ng kanilang kapaligiran, ayon
sa wastong gamit ng espasyo, proporsyon, sukat, at iba pang detalye sa
pagguhit ng isang landscape.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipagmamalaki ang mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng
Isulat ang code ng bawat kasanayan likhang-sining. (A4EL-Ile)
II. Nilalaman Krokis ng Pamayanang Kultural
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ARTS Teacher’s Manual Pahina 243 - 246
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- ARTS Leraner’s Manual Pahina 192 - 195
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Balik-Aral Paano nakatutulong ang mga kulay at hugis sa
paglalarawan ng kultura ng isang pamayanang kultural?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Narito ang mga larawan ng pamayanang kultural mula sa Luzon,
Visayas, at Mindanao. Suriin ang bawat larawan. Ano ang
pagkakatulad ng bawat isa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa 1. Sa mga larawan na nakikita ninyo, ano-ano ang mga pagkakaiba sa
Bagong aralin uri ng kanilang kapaligiran?
2. Batay sa inyong obserbasyon, paano binuo ang krokis o detalye ng
apat na larawan?
3. Ano ang inyong napupuna sa mga linyang ginamit? Sa sukat ng
mga bagay sa larawan?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Kung magmamatyag ka sa iyong kapaligiran, mapapansin mong iba-
at iba ang hugis, laki, at kulay ng iba't ibang bagay tulad ng bundok,
paglalahad ng bagong kasanayan #1 dagat, gusali, at iba pang likas at di-likas na istruktura. May mga
bagay na malapit at mayroon ding mga bagay na malayo. Ang mga
malalayong bagay ay nagiging maliit sa paningin habang ang mga
bagay naman na malalapit ay mas malaki sa paningin kung
pagmamasdan mong mabuti ang isang tanawin. Sa sining, tinatawag
itong ilusyon ng espasyo. Ang landscape ay tanawin sa isang
pamayanan o lugar na itinatampok ang kapaligiran na karaniwang
mga tanawin tulad ng mga puno at bundok ang paksa. Magiging mas
makatotohanan ang iyong larawang iginuhit kung isasaalang-alang
mo ang prinsipyo ng proporsiyon.

Ang proporsiyon ay ang kaugnayan ng mga bagay-bagay base sa taas


at laki ng mga iguguhit. Kung guguhit ng isang puno at taong
magkatabi, mas mataas ang puno kaysa sa tao gayundin ang bahay at
ng mga tao nang sa gayo'y mas makatotohanan ang dibuho.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang mga bagay sa ating kapaligiran ay may iba't ibang hugis, laki, at
paglalahad ng bagong kasanayan #2 kulay gaya ng bundok, dagat, gusali, at iba pang likas at di-likas na
istruktura. May mga bagay na malapit at mayroon ding mga bagay na
malayo. Ang mga malalayong bagay ay nagiging maliit sa paningin
habang ang mga bagay naman na malalapit ay mas malaki sa paningin
kung ikukumpara mo sa mga bagay sa malalayo. Sa sining, tinatawag
itong ilusyon ng espasyo. Sa paggawa ng krokis o pagguhit ng
landscape o tanawin ng isang pamayanan na itinatampok ang
kapaligiran bilang paksa, kailangang isaalang-alang ang espasyo,
balanse, at proporsyon upang maging mas makatotohanan ang
larawang iguguhit.

F. Paglinang sa Kabihasnan Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat. Ang unang pangkat ay


(Tungo sa Formative Assessment) guguhit ng landscape ng pamayanan sa kabundukan. Ang
pangalawang pangkat ay pamayanan sa tabing-dagat, pamayanang
kultural sa urbanisadong lungsod ang sa ikatlong pangkat, at
pamayanan sa kagubatan naman sa pang-apat na pangkat. Bago ang
inyong pagawa, ibigay ang ating mga pamantayan na dapat sundin sa
pagguhit. (Sumangguni sa LM Aralin 5).

Pagpapalalim sa Pag-unawa Itanong:


1. Paano nakatutulong ang proporsiyon sa paggawa ng krokis ng
isang tanawin?
2. Sa ginawa mong mga detalye, paano ginagawang malayo ang isang
bagay at gayon din, paano mo ginagawang mas malapit ang isang
bagay sa iginuhit mong larawan?
G. Paglalapat ng aralin sa pang- 1. Paano mo maipagmamalaki ang pamayanang iyong
araw-araw na buhay kinabibilangan?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang paggalang at
pagpapahalaga sa kultura ng ating mga kapatid na kabilang sa mga
pamayanang kultural?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang kahalagahan ng proporsiyon sa paggawa ng krokis ng
landscape ng isang tanawin?
I. Pagtataya ng Aralin Pagguhit ng Isang Pamayanang Kultural

Kagamitan: papel o bond paper, lapis at pambura, at ruler

Mga Hakbang Sa Paggawa:


1. Ihanda ang ga kagamitang gagamitin sa pagguguhit. 2. Maglagay
ng mga palatandaan sa mga dakong paglalagyan ng paksa sa
background, middle ground, at foreground.
3. Siguraduhing nasusunod ang mga pamantayan sa pagguhit gamit
ang balanse sa larawan.
J. Karagdagang Gawain para sa
takdang- aralin at remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking na
dibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

SHARMAINE JANE D. DEDOROY

Binigyan Pansin:
____________________________
WINEFREDO L. ZURBANO
Punongguro

You might also like