You are on page 1of 11

4

MAPEH (Arts)
Unang Markahan – Modyul 1
Pagguhit:
Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan sa Luzon at Visayas
MAPEH (Arts) – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagguhit: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa
Luzon at Visayas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glenda I. Mosada

Editor: Myrna T. Parakikay

Tagasuri: Myrna T. Parakikay

Tagalapat: Jobelle M. Partido

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali lalong-lalo
na ngayong panahon ng “new normal.” Bilang isang tugon sa edukasyon, ang modyul na
ito ay tungkol sa Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon at Visayas ay
naghahamon sa iyo upang ikaw ay maging isang malikhain, mapamaraan at malayang mag-
aaral. Ang saklaw ng modyul ay magbigay ng iba-ibang gawain upang mapasigla at
mahikayat ang malaya at pansariling gabay sa kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa
modyul na ito ay maayos na sumunod sa naaayong pamantayan ng asignatura upang
matiyak ang pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang bawat
gawain, at maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.

Ito ay inihanda upang makatulong sa iyo bilang mag-aaral na tuklasin at pahalagahan ang
yaman ng ating bansa. Isa na dito ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Luzon at
Visayas.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga aralin at kasanayan sa:


 Mga disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Luzon at Visayas ayon sa uri ng
pananamit, palamuti sa katawan, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
 Mga elemento ng Sining sa disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Luzon at
Visayas.
 Mga prinsipyo at proseso ng Sining sa disenyo ng mga kultural na pamayanan sa
Luzon at Visayas.
 Pagpapahalaga sa disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Luzon at Visayas ayon
sa uri ng pananamit, palamuti sa katawan, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
 Pagguhit ng mga disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Luzon at Visayas.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang mga disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Luzon at Visayas ayon
sa uri ng pananamit, palamuti sa katawan, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
2. Nailalarawan ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Luzon at Visayas ayon
sa uri ng pananamit, palamuti sa katawan, paniniwala at paraan ng pamumuhay.
3. Nakalilikha ng disenyo sa kahon o karton gamit ang mga disenyo sa kultural na
pamayanan sa Luzon at Visayas.
4. Napahahalagahan ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Luzon at Visayas
ayon sa uri ng pananamit, palamuti sa katawan, paniniwala at paraan ng
pamumuhay.

Subukin

Subukin ang iyong galing Sagutan ang gawain sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa iyong
activity notebook
1. Saang pangkat etniko o katutubo kabilang ang nakalarawan?
2. Ano ang napapansin mo sa disenyo batay sa mga sumusunod:
A. Kasuotan:
B. Palamuti:
C. Kagamitan:
3. Ano-anong linya ang nakikita mo sa kanyang kasuotan at
kagamitan?
4. Ano-anong hugis ang nakikita mo sa kanyang kasuotan?
5. Ano ang dalawang paulit-ulit na disenyo ang makikita sa kanyang
kasuotan?

en.wikipedia.org 1
Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan ay naglalaman ng kani-
kanilang ipinagmamalaking obra na ginagamitan ng iba’t ibang linya,
kulay, at hugis na kadalasan ay hango sa kalikasan o sa kanilang
kapaligiran.

Aralin Pagguhit: Mga Disenyo sa


1 Kultural na Pamayanan
sa Luzon at Visayas
Ang mga disenyo ng mga kultural na pamayanan ay ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay
at hugis. Ang mga linya ay maaaring tuwid, pakurba, pahalang at patayo. Ang mga kulay
na ginagamit ay pula, dilaw, berde, puti at itim. Iba’t iba ang hugis ang makikita sa kanilang
mga disenyo tulad ng trianggulo, kawdrado, parisukat, bilog at bilohaba. Kadalasan, ito ay
hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran na mas lalong nagbibigay ng kaakit-akit na
disenyo sa kanilang sining.

Balikan

Noong ikaw ay nasa ikatlong baitang napag-aralan mo ang iba’t ibang uri ng maskara at
putong (headdress) na maaaring gamitin sa isang selebrasyon o pagdiriwang na
ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay at hugis.
A. Punan ng tamang titik ang loob ng kahon upang mabuo ang salita.

commons.wikimedia.org commons.wikimedia.org

a k a i - A i a
B. Anong elemento ng sining ang ipinakikita ng bawat larawan? Ayusin ang mga titik
upang mabuo ang salita.

publicdomainvectors.org
publicdomainvectors.org

g u i s H y u K l a

2
a L n i y

Mga Tala para sa Guro


Ipaalala sa mga bata na maghanda ng activity notebook upang masagutan ang
mga katanungan sa modyul na ito.

Tuklasin

Tingnan ang mga larawan. Pag-isipan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Nakakita ka na ba ng
ganitong putong o
headdress?
2. Saang selebrasyon mo
ito nakita?
3. Ano-ano ang mga kulay
na nakita mo sa putong o
headdress?

commons.wikimedia.org

Suriin

Mga Pangkat Etniko o Katutubo sa Luzon

IFUGAO

Ang mga Ifugao ay naninirahan sa gitnang bahagi ng kabundukan ng Cordillera sa Hilagang


Luzon. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay dito. Ang Banaue Rice Terraces o
Hagdan- Hagdang Palayan ang pangunahing atraksyon dito. Ito ay nabuo sa bundok gamit
lamang ang mga kamay.

3
Ang bale o bahay nila ay walang bintana at ang hagdanan ay tinatanggal sa gabi. Sila ay
sumasamba sa kapaligiran, diyos-diyosan at anito. Nagsasagawa sila ng mga ritwal at
sakripisyo dahil naniniwala sila na ito ang magdadala ng magandang pangyayari sa
kanilang tribo.
Mahilig din silang mag-ukit ng mga larawan sa mga troso. Isa ito sa mga natatanging sining
nila. Ang bul-ul (rice god) ay nilililok na anyong tao. Pinaniniwalaan na ito ay nagbabantay
sa kamalig, bigasan, taniman at ari-arian. Ito rin ay nagbibigay ng masaganang ani at
kanilang proteksyon sa anumang sakit.

commons.wikimedia.org sining101.weebly.com sining101.weebly.com

Makikita ang mga disenyo sa kanilang kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda,
ahas, butiki, puno at tao. Ang bahag ay isinusuot ng mga lalaki at tapis naman sa mga
babae bilang pang-ibabang kasuotan.
Kadalasan, ang mga babae ang
humahabi ng tela. Karaniwang
pula,puti at itim ang mga kulay nito.
Sila ay naglalala ng mga basket at
nagsusuot ng mga palamuti tulad ng
kuwintas at putong sa ulo na nilagyan
ng buto o kalansay ng hayop.
Ang mga ito ay nagpapatunay na
mayaman ang kanilang kultura lalo na
sa kanilang mga natatanging disenyo
sa kasuotan at kagamitan.

KALINGA
Ang Kalinga ay isa sa mga probinsiyang
kabilang sa Cordillera na matatagpuan sa
pinaka-Hilagang bahagi ng Luzon. Ang
pangunahing hanapbuhay nila ay pagtatanim
ng palay, mais, kape, bugnay at gulay.
Mayroon din silang malalawak na pastulan
kung saan pinararami ang kanilang sining101.weebly.com
inaalagaang mga hayop tulad ng kalabaw,
baka, manok at baboy.

Makukulay ang kanilang pananamit kaya


tinagurian silang “Peacocks of the North.” Isa
rin sila sa mga magagaling maglala ng mga
tela na mayroong iba’t ibang uri ng linya,
kulay at hugis.
Mahilig din silang gumawa at maglagay ng
mga palamuti sa kanilang katawan. Ito ay
nagpapakilala ng katayuan nila sa lipunan.
Madalas nilang gamitin ang kulay pula, dilaw,
at itim.
Magagaling din silang gumawa ng mga banga
at basket na may iba’t ibang hugis at disenyo
na ginagamit nilang putong tuwing may
selebrasyon o pagdiriwang.

flickr.com
flickr.com

flickr.com

Isa rin sa kanilang natatanging sining ay ang paglalagay ng tattoo sa katawan. Si Apo
Whang Od ay kilala bilang huling katutubong mambabatok (tattoo) sa kanilang
pangkat. Gumagamit siya ng tinik ng suha, patpat ng kawayan at uling.

sining101.weebly.com

GADDANG

Ang Gaddang o Ga’dang ay matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Sila ay matulungin


at masiyahin. Pagsasaka ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Ang kanilang itinatanim
ay gabi, sili, bawang, tubo at iba pang mga gulay. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang
ikinabubuhay ay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda ng kanilang produk

Kilala ang mga babae sa kanilang pangibabang


kasuotan na tinatawag na aken (skirt) at
bakwat (belt) na ginagamit pagkatapos
manganak. Ang mga lalaki naman ay ang
pangibabang kasuotan na bahag at ang kanilang
takip sa likod.
Ang kanilang mga putong sa ulo at palamuti sa
katawan ay kinabibilangan ng kuwintas, hikaw at
polseras.
Sila ay kilala at bantog sa paghahabi ng tela.
Tulad ng ibang pangkat etniko o katutubo,
gumagamit rin sila ng tradisyunal na hakbang sa
sining101.weebly.com paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga
palamuti sa tela gaya ng plastic beads at bato.

sining101.weebly.com
5
sining101.weebly.com
ANG ATI NG VISAYAS
Ang mga Ati ay isang pangkat etniko ng mga
Negrito na nasa isla ng Panay sa Kabisayaan.
Kilala sila sa lalawigan ng Aklan sa isla ng
Boracay. Sila ay maliliit, maiitim at kulot ang
buhok. Ang kanilang pangunahing hanapbuhay
ay pangingisda, pagtatanim, paggawa ng mga
banig at basket. Ang kanilang kasuotan ay simple
lamang tulad ng tapis sa mga babae. Ang kanilang
mga palamuti ay galing sa kalikasan tulad ng
kwintas o polseras na yari sa bulaklak at ang iba
naman ay galing sa buto ng hayop tulad ng ngipin
ng baboy. Ang ilan sa kanila ay Kristyano at ang
A
iba naman ay animismo na naniniwala sa mabuti
at masamang espiritu. Sila ay kilala sa
panggagamot na gumagamit ng iba’t ibang
halaman.

ATI–ATIHAN FESTIVAL
commons.wikimedia.org

Ang Ati-atihan ay may kahulugan na


“maging katulad ng Ati.” Tuwing ika-
lawang Linggo ng Enero idinaraos ang Ati-
atihan Festival sa Kalibo, Aklan. Upang
higit na sumigla, itinapat ito sa pista ng
Santo Niño, gamit ang makukulay na
maskara, uling sa katawan at ibat’ ibang
matingkad na kasuotan. Ang mga taong
kaisa sa pagdiriwang na ito ay sumasayaw
kasabay ang tunog ng tambol at sigaw na
commons.wikimedi “Hala, Bira!.”
a.org

Pagyamanin

Gawain: Isulat ang tsart sa activity notebook. Tukuyin ang pagkakaiba ng mga pangkat
etniko sa Luzon ayon sa uri ng kasuotan, palamuti, pamumuhay at paniniwala.

Pangkat Etniko sa Luzon Kasuotan Palamuti Paniniwala


Ifugao
Kalinga
Gaddang

Isaisip

Ang mga ____________________ sa Luzon at Visayas ay isa sa mga pamana ng


sining sa ating bansa.

 Ang mga kultural na pamayanan ay may mga natatangi at kani-kanilang


ipinagmamalaking disenyo o obra.
 Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa kapaligiran na makikita
sa kanilang kasuotan, palamuti at kagamitan na may iba’t ibang linya, hugis
at kulay.
 Maaaring makagawa ng sariling obra na gamit ang mga
disenyo ng pamayanang kultural o sariling disenyo.

6
Isagawa

GAWAING PANSINING

PAGGUHIT BATANG ARTISTIK

Panuto: Ihanda ang mga kagamitan at sundin ang mga hakbang sa paggawa.
Kagamitan: Isang lumang kahon o karton ng sapatos, lapis, pambura, ruler, krayola o oil
pastel.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Pumili ng isa lamang disenyo mula sa kultural na pamayanan ng Luzon tulad ng
Ifugao, Kalinga at Gaddang o Ati ng Visayas.
2. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang lapis. Maaari ring gumamit
o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay, linya at prinsipyo ng
paguulit.
3. Kulayan at punuin ang mga espasyo sa karton o kahon ayon sa disenyo na iyong
iginuhit, at sundan ito ng krayola o oil pastel upang lalong maging kaakit-akit ang
iyong likhang-sining.
4. Pagkatapos ay kunan ito ng larawan kasama ang magulang o ibang miyembro ng
pamilya na may pirma at ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng messenger.
5. Sundin ang rubriks.
RUBRIKS

Di-gaanong
Napakagaling Magaling
Magaling
Gawain
(2)
(5) (3)
1. Nakilala ang mga disenyong kultural ng
pamayanan sa Luzon at Visayas.
2. Nailarawan ang iba’t ibang kultural na
pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng
kanilang pananamit, palamuti sa katawan
at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga,
Gaddang at Ati sa Visayas.
3. Nakalikha ng sariling sining gamit ang
disenyong kultural ng pamayanan ng
Luzon at Visayas.
4. Naipagmalaki ang sariling likhang
sining sa iba.
5. Napahalagahan ang mga disenyong
kultural ng pamayanan ng Luzon at
Visayas sa pamamagitan ng isang maayos
na paggawa ng disenyo.

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Sagutan sa activity notebook.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa mga katutubong Ati?


a. Ang mga Ati ay bilog ang mata, matatangkad at maiitim.
b. Ang mga Ati ay maliliit, kulot ang buhok at maiitim.
c. Ang mga Ati ay maliliit, tuwid ang buhok at mapuputi.
d. Ang mga Ati ay matatangkad, pango ang ilong at kulot ang buhok.

7
2. Anong kulay ang kadalasang ginagamit ng mga Kalinga sa kanilang kasuotan at
palamuti?
a. maroon puti, dilaw c. pula, dilaw at itim
b. bughaw, pula, itim d. itim, pula, puti
3. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang naghahabi at naglalagay ng mga plastic
beads at bato sa tela?
a. Ati c. Ifugao
b. Gaddang d. Kalinga
4. Anong kulay ang kadalasang ginagamit ng mga Ifugao sa kanilang kasuotan at
palamuti?
a. pula, puti, itim
b. bughaw, pula, itim
c. pula, dilaw at itim
d. maroon, puti, dilaw
Blg. 5-7. Tukuyin kung saang pangkat etniko kabilang ang mga disenyong nakalarawan.

5. a. Ati
b. Kalinga
c. Ifugao
d. Gaddang
6. a. Gaddang
b. Ati
c. Kalinga
d. Ifugao
7. a. Ati
b.Gaddang
c. Ifugao
d. Kalinga
8. Saan kadalasan makikita ang disenyo ng pangkat etniko?
a. Pagkain
b. Papel
c. Bahay
d. Kasuotan at palamuti
9. Alin sa mga sumusunod na elemento ng sining ang napag-aralan?
a. Linya, hugis, kulay
b. Linya, value, espasyo
c. Value, kulay, espasyo
d. Tekstura, kulay, espasyo
10. Paano pahahalagahan ang mga disenyo ng mga katutubo?
a. Ipagwalang bahala ito.
b. Ikahiya ang mga disenyong katutubo.
c. Huwag bumili ng mga produktong may disenyong katutubo.
d. Gumawa ng sariling obra gamit ang katutubong disenyo.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang pahayag na binubuo


ng tatlong pangungusap tungkol sa
kung paano mapahahalagahan ng isang
Pilipino ang mga katutubong disenyo na
mayroon tayo.

8
9
Pagyamanin
Pangkat Etniko sa
Kasuotan Palamuti Paniniwala
Luzon
karaniwang
mula sa buto
pula, puti at nagsasagawa ng ritwal
Ifugao o kalansay ng
itim ang at sakripisyo
hayop
kulay
karaniwang
pula, dilaw sinusunod ang
gawa sa beads
Kalinga at “Budong”, naglalagay
o mga bato
itim ang ng tattoo sa katawan
kulay
may mga
nilalagyan gumagamit ng bakwat
beads
Gaddang ng plastic ang mga babae pagkatapos
at bato ang
beads at bato manganak
putong
Subukin Balikan Tayahin
1. Ifugao 1. maskara 1. b
2. makulay, 2. Ati-Atihan 2. c
natatangi 3. Hugis 3. b
3. patayo, pahiga 4. Kulay 4. a
4. pakurba 5. Linya 5. b
5. linya, kulay 6. a
7. c
8. d
9. a
10.d
Susi sa Pagwawasto

You might also like