You are on page 1of 11

ARTS 4

UNANG MARKAHAN
MODYUL 1

Kompetensi

Natatalakay ang mga


disenyong Kultural na
Pamayanan sa Luzon
Mga Disenyong Kultural
(1.1 LUZON- Ifugao, na Pamayanan sa Luzon
Kalinga, Gaddang)

A4EL-1a

HELEN Q. DE LUNA
Master Teacher –I
Punong Elementary School
Santa Cruz North District

Department of Education • Schools Division of Marinduque


Panimulang Mensahe
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts - Baitang 4 Modyul
bilang 1 para sa araling, Mga Disenyong Kultural na Pamayanan sa Luzon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong institusyon ng Sangay ng Marinduque
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts - Baitang 4 Modyul bilang 1 para sa


araling, Mga Disenyong Kultural na Pamayanan sa Luzon
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay ginawa para sa katulad mong mag-aaral na nasa
Ikaapat na Baitang upang magamit mo sa iyong pag-aaral ng Arts. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ito ay pinag-isipan at isinaayos ng may-akda upang maiangkop sa iyong
gulang, interes, at pangangailangan.

2
Inaasahan ng may-akda ng iyong susundin ang mga sumusunod:

1. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag


binubuklat ang mga pahina.
2. Huwag sulatan/ guhitan ang balat at mga
pahina nito.
3. Iwasang matupi ang gilid ng pahina.
4. Ingatan masira o mapunit ang bawat pahina
nito.
5. Huwag gamitin ang modyul na pantakip sa ulo
kapag umuulan.
6. Ibalik nang maayos pagkatapos gamitin.

3
PAUNANG PAGSUBOK (Pre-Test)

Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik nga tamang sagot.
Isulat ito sa iyong sagutang notbuk.

1. Ang mga sumusunod na larawan ay mga kultural na disenyo sa Luzon maliban sa


isa

A. B. C. D.

2. Sila ang kilala sa tradisyunal na paraan ng paglalala, ilan sa kanilang gawa ay ang
abag( g-string), bakwat (belt), at aken ( skirt)
A. Gaddang B T’ boli C. Ifugao D. Kalinga

3. Alin sa mga sumusunod na disenyo ang gawa ng mga Kalinga?

A. B. C. D.

4. Sila ay naninirahan sa hilagang Luzon. Makikita ang mga disenyo sa kanilang


mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno at tao.
A. Kalinga B. Ifugao C. Gaddang D. Aeta

5. Makukulay ang kanilang mga pananamit at palamuti, sila ay matatagpuan sa


pinakahilagang bahagi ng Luzon. Madalas nilang gamitin ang kulay na pula, dilaw,
berde at itim.
A. Kalinga B. Ifugao C. Gaddang D. T’ boli

4
ARALIN
MGA DISENYONG KULTURAL NG
1 PAMAYANAN SA LUZON
Sa araling ito ay malalaman natin ang Mga Disenyong Kultural na Pamayanan
sa Luzon. At ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang
ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng iba’t-ibang
linya, kulay, at hugis.

PAGTATALAKAY

. Tingnan ang mga sumusunod na larawan .

 May nakikita ba kayong pagkakaiba sa kanilang paggamit ng linya, hugis, at


kulay?
 Nakikita rin ba ang paulit ulit na disenyo sa kanilang mga gawa.

Ang mga kultura ng pamayanan ay may kani-kanilang ipinagmamalaking obra.


Ang kanilang mga desinyo ay ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay at hugis. Ang
mga linya ay maaaring tuwid, pakurba, pahalang, at patayo. Kadalasang ang kulay
na ginagamit ay pula, dilaw, berde, at itim. Ibat’ ibang hugis ang makikita sa mga
disenyo tulad ng trianggulo, kwadrado, parisukat, bilog, at bilohaba. Ito ay hango sa
kalikasan o maging sa kanilang kapaligiran tulad ng dahon, tao, bundok at mga
hayop.
Disenyong Gaddang

Bakwat o belt Abag o g-string Aken o skirt

5
Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya
ay kilala at bantog sa paghahabi ng tela. Ang
mga manghahabing Gaddang ay gumagamit
ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi na
may mabusising paglalagay ng mga palamuti
gaya ng plastic beads, at bato. Ilan sa kanilang
produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat
(belt), aken (skirt), at abag (G-string) na gawa sa
mga mamahalin at maliliit na bato.
Mga Disenyong Ifugao

Ang mga Ifugao ay naninirahan sa


hilagang Luzon. Makikita ang mga disenyo sa
kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad
ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno at tao.

Mga Disenyong Kalinga

Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga


Kalinga na matatagpuan sa pinakahilagang bahagi
ng Luzon. Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti
sa katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan
sa lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang
kulay na pula, dilaw, berde at itim.

6
Suriin
(Tingnan ang halibawa ng likhang sining sa araling ito)

1. Ano ang napansin mo sa disenyo likhang sining na nasa larawan?


2. Ano anong elemento ng sining ang ginamit?

3. Alin sa mga disenyong kultural na pamayanan sa Luzon ang ginamit sa likhang


sining?

Isaisip

Ang mga disenyong kultural na pamayanan sa Luzon ay isa sa mga


pamanang sining sa ating bansa. Kaakit –akit at kanaisnais sa paningin. Ang kanilang
mga likhang disenyo ay ginagamitan ng iba’tibang linya ,hugis, at kulay. Ilan sa
mga ito ay ang mga inukit o nililok na kahoy at mga damit na may iba’t ibang
burda. Karamihan ng kanilang ginagawang disenyo ay hango sa kalikasan o maging
sa kapaligiran tulad ng dahon, tao, bundok, at mga hayop.

Isagawa

Gumuhit ng iba’t ibang disenyo ng mga kultural na pamayanan ng Kalinga,


Ifugao, at Gaddang. Maaari mong gawin sa isang basong karton o mga bagay na
pwedeng guhitan tulad ng kawayan, tuyong dahoon at iba pa gamit ang krayola o
oil pastel.

7
Mga Disenyo sa Karton o Kahon

Kagamitan:
Mga bagay na karton gaya ng baso o mga kagamitan na maaaring
makuha sa kalikasan at iba pa, lapis, krayola, o oil pastel.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na mayroon sa
inyong lugar na maaaring gamitin para guhitan ng mga disenyo.
2. Umisip ng disenyo mula sa mga kultural na pamayanan ng Luzon tulad
ng Ifugao, Gaddang, at Kalinga.
3. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang lapis.Maaari
ring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay,
linya, at ang prinsipyong paulit-ulit.
4. .Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo ang inyong
iginuhit, at sundan ito ng krayola o oil pastel para lalong maging kaakit –
akit ang iyong likhang sining.
5. Kung wala nang idadagdag, pwede nang itanghal ang ginawang
likhang sining at humanda sa pagpapahalaga.

Pagyamanin

Pano mo isinagawa ang gawain?


Paano mo ginamit ang iba’t ibang uri ng linya,kulay,at hugis sa
paggawa mo ng mga disenyo?
Nakaramdam ka ba ng pagmamalaki sa iyong natapos na likhang
sining?

Ang makaguhit ka nang masaya gamit ang mga disenyong kultural


na pamayanan sa ating lalawigan o pulo na di gumagaya sa
gawang likhang sining ng iba ay maaari mong ipagmalaki sapagkat
ito’y sarili mong likha.
Isang paraan upang ipagmalaki natin ang ating kultura ay sa
pamamagitan ng paggamit nito sa paglikha ng isang sining
Ipagmalaki mo ating kultura likhang sining .maniwala ka sa iyong
sarili. Ikaw ay may kakayanan.

8
Pagtataya
Tingnan muli ang iyong likhang sining.
Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng inyong naisagawa sa buong
aralin.

Nakasunod sa
Nakasunod sa
pamantayan Hindi
pamantayan
Mga subalit may nakasunod sa
nang higit sa
Pamantayan ilang pamantayan
inaasahan
pagkukulang (1 )
(5)
( 3)
1.Natukoy ko ang iba’t
–ibang disenyo na
nagtataglay ng mga
element at prinsipyo
ng sining sa mga
gawa ng mga taga
Luzon.
2. Nalaman ko ang
mga disenyong
kultural na
pamayanan na
nagmula sa Luzon.
3.Nakagawa ako ng
isang likhang sining na
tulad ng mga
disenyong mula sa
Luzon.
4. Napahalagahan at
naipagmamalaki ko
ang mga katututbong
sining na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa Luzon.
5.Naipamalas ko nang
may kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

Karagdagang Gawain
Magsanay gumuhit ng iba’t ibang disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Luzon.
9
Susi sa Kasagutan

A 5.
B 4.
C 3.
A 2.
C 1.
Pre-Test

SANGGUNIAN

Department of Education. “K to 12 Music, Art, Physical Education and Health 4,


Curriculum Guide” May 2016

Department of Education. “ K to 12 Most Essential Learning Competencies


Matrix “ May 2020:

Department of Education. 2015. K to 12 Music, Art, Physical Education and


Health 4,Teacher’s Guide. 1st Edition, Republic of the Philippines. Bureau of
Learning Resources

Department of Education. 2015. K to 12 Music, Art, Physical Education and


Health 4. Kagamitan ng Mag-aaral. 1st Edition, Republic of the Philippines.
Bureau of Learning Resources

https://www.slideshare.net/rosaliecastillo942/e-lesson-sining-iv

10
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga dalubhasang
guro at pinaunang-suri ng mga eksperto sa larangan ng
edukasyon. Ito ay binuo para matugunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral at matiyak ang
kanilang pagkatuto habang nananatili sa bahay sa
panahong ito ng pandemya. Hindi po perpekto ang
pagkakabuo ng modyul na ito. Kasalukuyan pa po itong
nasa proseso ng pagsusuri, kung kaya’t ang anumang
puna buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga nilalaman
nito ay lubos po naming pinahahalagahan. Marami pong
salamat.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11

You might also like