You are on page 1of 15

UNANG MARKAHAN

ARALING PANLIPUNAN
2
MODYUL 1

Kompetensi:
Naipaliliwanag
ang konsepto ng
komunidad.
KONSEPTO
Code:AP2KOM-Ia- 1

NG KOMUNIDAD

SHIELA MARIE RAYOS


TEACHER-II
School: DON SEVERINO
LARDIZABAL MEMORIAL SCHOOL
District: BOAC SOUTH

Department of Education • Schools Division of Marinduque


Panimulang Mensahe

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan - Baitang 2 Modyul bilang 1 para sa araling, Konsepto
ng Komunidad!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon ng
Sangay ng Marinduque upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - Baitang 2
Modyul bilang 1 para sa araling, Konsepto ng Komunidad!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ngayong nasa iyong mga kamay na ang modyul na ito.
Gawin ang mga sumusunod:

Inaasahan ng may-akda na iyong susundin ang mga


sumusunod:

2
1. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang
mga pahina.
2. Huwag sulatan/ guhitan ang balat at mga pahina nito.
3. Iwasang matupi ang gilid ng pahina.
4. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagtataya at pagsasanay.
5. Ingatan masira o mapunit ang bawat pahina nito.
6. Huwag gamitin ang modyul na pantakip sa ulo kapag
umuulan.
7. Ibalik nang maayos pagkatapos gamitin.

3
Paunang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan


ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang komunidad?


A. pangkat ng mga sasakyan sa lansangan
B. limang tao na naninirahan sa isang lugar.
C. pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang
pook na magkatulad ang kapaligiran.
D. pangkat ng isang pamilya lamang.

2. Aling salita ang hindi kasali sa komunidad?


A. lapis
B. paaralan
C. Sentrong Pangkalusugan
D. simbahan

3. Ito ay malapit sa dagat kaya’t maraming


mangingisda sa komunidad na ito.
A. talampas C. tabing dagat
B. kapatagan D. kabundukan

4. Sa uri ng komunidad na ito makakakita ng mga


bundok, bukid, bahay-kubo, maraming mga puno at
halaman.
A. lungsod C. kabundukan
B. industriyal D. tabing dagat

5. Sa uri ng komunidad na ito matatagpuan ang mga


matataas na gusali, sementadong mga kalsada at
malalaking pamilihan.
A. ilog C. kabukiran
B. lungsod D. kabundukan

4
Aralin

1 Konsepto ng Komunidad

Ang salitang pamayanan o komunidad ay may dalawang


magkaibang mga kahulugan. Ito ay maaaring isang pangkat ng
nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay na magkakalapit, na
ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan. Ang
pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na
panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa
isang tahanan, mag-anak, o pamamahay (kabahayan) na may
pinagsasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may
matibay na pagsasamahang panlipunan.

Pagtatalakay
Tingnan ang larawan sa ibaba.

5
Ito ay isang komunidad. Ang komunidad ay binubuo ng
pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad
ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
Ang komunidad ay binubuo ng paaralan, pamilihan,
simbahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at mga
panahanan na tulad ng nasa larawan. Mayroon din namang mga
komunidad na hindi lahat makikita ang mga ito.
Maaaring ito’y matagpuan sa:

Kapatagan

Kabundukan

6
Tabing dagat/lawa

Talampas

Industriyal

7
Lungsod

Tanong:
1. Ano ang iyong nakikita sa larawan ng komunidad?
2. Saan maaaring matatagpuan ang isang komunidad?
3. Ano-ano ang bumubuo sa isang komunidad?
4. Ganito rin ba ang makikita sa iyong komunidad?
5. Ano ang kahulugan ng komunidad?

Suriin

Tingnan ang “graphic organizer”. Lagyan ng tsek ang kahon


na nagpapakita ng halimbawa ng isang komunidad.

Industriyal Palaruan

Lungsod Komunidad Kapatagan

Talampas Kabundukan

8
Isaisip

Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga


tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad
ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.

Isagawa

Iguhit ang iyong kinabibilangang komunidad sa loob ng


kahon.

9
Pagyamanin
Iguhit ang masayang mukha  sa patlang
kung tama ang isinasaad ng pangungusap tungkol
sa komunidad at malungkot na mukha  naman
kung mali.
____1. Kabilang ang tabing dagat sa uri ng
komunidad.
____2. Ang komunidad ay binubuo lamang ng
pamilihan at pook libangan.
____3. Walang taong nakatira sa isang komunidad.
____4. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay ng
mga taong nakatira sa tabing dagat.
____5. Hindi lahat ng komunidad ay may paaralan,
pamilihan, simbahan, pook libangan, sentrong
pangkalusugan at mga panahanan.

Pagtataya
Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Alin ang hindi kabilang sa isang komunidad?


A. panahanan
B. pook libangan
C. mga kagamitan sa bahay
D. pook pasyalan

2. Ito ang komunidad na maraming matataas na


gusali, mga sasakyan at pamilihan.
A. lungsod
B. talampas
C. kabundukan
D. kapatagan

3. Isang mahaba, patag at malawak na anyong


lupa. Mainam ito para sa pagsasaka,
pagtatayo ng bahay at sa pangangalakal.
A. industriyal
B. kapatagan

10
C. tabing dagat
D. kabundukan

4. Lahat ng komunidad ay may paaralan,


pamilihan, simbahan, pook libangan, sentrong
pangkalusugan at mga panahanan.
A. Oo
B. Hindi
C. Wala sa nabanggit
D. Di tiyak

5. Ito ang pangkat ng mga tao na naninirahan


sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran.
A. paaralan
B. komunidad
C. panahanan
D. simbahan

Karagdagang Gawain

Bilugan ang mga salitang natalakay natin sa ating aralin.

Komunidad Relihiyon

Lambak
Kapatagan

Paaralan

11
12
Ang komunidad ay binubuo ng mga pangkat ng mga tao na may matibay na pagsasamahang panlipunan.
Susi sa Pagwawasto
13
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon.“ Most Essential Learning


Competencies Matrix” May 2020: page 27

Kagawaran ng Edukasyon.“K to 12 Learners Material” May


2020: page 11-17

Mga mungkahing maaaring puntahang website:

https://www.google.com/search?q=komunidad&sxsrf=ALeKk
030sujZHtVlzYDJmHk6ChtdCUyRHg:1592099841138&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj0_-
iLmoDqAhXwxosBHZzWB_UQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1366&
bih=608#imgrc=2IOpznTwIFkk5M

https://www.google.com/search?q=studious&tbm=isch&ved
=2ahUKEwihnJ-PooDqAhUPe5QKHXRZAmgQ2-
cCegQIABAA&oq=studius&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIAD
IGCAAQChAYMgYIABAKEBgyBggAEAoQGDIGCAAQChAYM
gYIABAKEBgyBggAEAoQGDIGCAAQChAYMgYIABAKEBgyBg
gAEAoQGDoECCMQJzoHCCMQ6gIQJzoECAAQQzoFCAAQ
sQM6BQgAEIMBOgcIABCxAxBDUMPAAVjZ7AFgiP0BaAFwAHg
EgAGPAYgBsBeSAQQ2LjIxmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWe
wAQo&sclient=img&ei=a4zlXuG6MI_20QT0sonABg&bih=657&
biw=1366#imgrc=DDsvs_VErL97cM

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pamayanan

14
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga
dalubhasang guro at pinaunang-suri ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Ito ay
binuo para matugunan ang pangangailangan
ng mga mag-aaral at matiyak ang kanilang
pagkatuto habang nananatili sa bahay sa
panahong ito ng pandemya. Hindi po perpekto
ang pagkakabuo ng modyul na ito.
Kasalukuyan pa po itong nasa proseso ng
pagsusuri, kung kaya’t ang anumang puna
buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga
nilalaman nito ay lubos po naming
pinahahalagahan. Marami pong Salamat.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

15

You might also like