You are on page 1of 4

DADIANGAS WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 2
1ST SUMMATIVE TEST
SY 2020 - 2021

Pangalan:___________________________________________________ II - _________________
I. Piliin sa loob ng kahon ang wastong salita upang mabuo ang kahulugan ng komunidad.
magkatulad tao pangkat pook pisikal

Ang komunidad ay binubuo ng 1. _______________ ng mga 2. ______________ na

naninirahan sa isang 3. ________________ na 4. _____________________ ang kapaligiran at

kalagayang 5. ________________.

II. Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
_____ 6. Ang komunidad ay binubuo ng mga _________ na nakatira sa isang pook.
a. tao b. hayop c. alaga d. kaibigan
_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa bumubuo sa komunidad?
a. sugalan b. Restawran c. Tindahan d. tahanan/pamilya
_____ 8. Ito ay bumubuo sa komunidad kung saan dito pumapasok ang mga bata para magkaroon
ng kaalaman.
a. Tahanan b. Simbahan c. Paaralan d. Pook-Libangan
_____ 9. Alin ang naglalarawan sa papel na ginagampanan ng Simbahan?
a. Dito tayo natututo para tayo ay umunlad.
b. Dito tayo bumibili ng ating pangunahing pangangilangan
c. Dito hinuhubog ang kaisapan natin para sa kagandahang asal at pananalig sa Diyos.
d. Dito tayo naglilibang.
_____ 10.Ano ang gawain ng simbahan?
a. Magtinda ng mga bilihin sa tamang presyo
b. Turuan ang mga mamamayan ng pagmamahal sa Diyos at kapwa
c. Turuan ang mga batang bumasa at sumulat
d. Siguraduhing ligtas at malusog ang mga mamamayan
III. Kilalanin ang mga sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
_____11. Ito ay ang dami o bilang ng mga taong naninirahan sa isang lugar o komunidad?
A. pangalan B.populasyon C.wika
_____12. Tumutukoy ito sa pagkakakilanlan ng isang lugar, ano ito?
A.pangalan B.wika C. populasyon
_____13. Ito ay tumutukoy sa inang salita o”mother tongue” na ginagamit ng mga tao sa lugar o
dayalektong ginagamit sa tahanan?
A.wika B.lokasyon C.relihiyon
_____14 . Ito ay tumutukoy sa pangkat etniko na naninirahan sa isang lugar?
A. Grupong etniko B. wika C. pangalan
_____15. Ito ay tumumutukoy sa namumuno ng isang komunidad?
A. relihiyon B.populasyon C.pinuno
IV. Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa komunidad. Kulayan ito. (5 pts.)
DADIANGAS WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 2
2ND SUMMATIVE TEST
SY 2020 - 2021

Pangalan:___________________________________________________ II - _________________
I. Iugnay ang larawan na nasa Hanay A sa estruktura ng komunidad na tinutukoy sa Hanay B.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B

1.

2.

3.

4.

5.

II. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
____ 6. Simbahan/ Mosque A. Isang bahagi ng komunidad na pinamumunuan ng Kapitan
____ 7. Barangay B. Dito hinuhubog ang kaalaman ng mga kabataan/ mamamayan tungo sa
pag-unlad
____ 8. Pamilihan C. Dito nagsasamasama ang mga tao upang maglibang
____9. Pamilya D.Gumawa ng batas, at patakaran para sa kabutihan at kaunlaran ng komunidad
____10. Pamahalaan E.Itanataguyod ang pangangailangan ng mga anak
____ 11. Palaruan F. Dito pumupunta ang mga tao upang magpakunsulta.
____ 12. Paaralan G. Dito nagtitipon ang mga tao upang magbigay ng papuri sa Diyos.
____ 13.Health Center H. Dito namimili ang mga tao ng kanilang mga pangangailangan
III. Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
____14. Alin ang gawain ng pamilihan?
a. Panatilihin ang kaligtasan b. Magtinda ng mga pangunahing pangangailangan
c. Nagbibigay ng libreng gamot
____15. Saan pumupunta ang mga tao upang magpagamot kung maysakit?
a.. Simbahan b. paaralan c. hospital
____16. Sino ang bumubuo sa pamilya?
a.bahayan b. kagubatan c. tatay, nanay, ate, kuya
____17. Alin ang tungkulin ng paaralan?
a. mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.
b. matugunan ang pangangailangan c. pagbibigay ng papuri sa Diyos
____18. Tungkulin ng institusyong ito na gumawa ng batas, alituntunin at patakaran ng komunidad.
a. Pamahalaan b. paaralan c. parke
____19. Ang institusyong ito ang nagtataguyod ng serbisyong pangkalusugan.
a. Pamilihan b. hospital c. simbahan
____20. Tungkulin nito na tumugon sa pangangailangan ng mag-anak.
a. Pamilya b. kapitan c. mayor
DADIANGAS WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 2
3rd SUMMATIVE TEST
SY 2020 - 2021

Pangalan:___________________________________________________ II - _________________
I. Pag-aralan ang mapa at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

_____1. Ano ang makikita sa direksyon ng Silangan?


a.paaralan b. talon c. simbahan
_____ 2. Ang makikita sa direksyong Kanluran ay __________.
a.paaralan b. talon c. simbahan
_____3. Ang simbahan ay nasa direksyon ng __________.
a.Timog b. Hilaga c. Silangan
_____ 4. Ang estasyon ng pulis ay makikita sa gawing __________.
a.Timog b. Hilaga c. Silangan
_____ 5. Saang direksyon sumisikat ang araw?
a.Silangan b. Kanluran c. Hilaga
_____6. Ilan ang mga pangunahing direksyon?
a. 3 b. 4 c. 5
II. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
_____7. Kung tag-ulan, ang komunidad nina Alyssa ay palaging bumabaha.
Ano ang maaari nilang gawin?
a. Linisin ang mga kanal at estero b. Ipagbigay alam sa pamahalaan
c. Pabayaan na umagos ang tubig
_____8. Iniaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-ulan sa kanilang
komunidad. Alin ang angkop na kasuotan?
a. maninipis na damit c. makakapal na damit
b. payong, dyaket, kapote at bota
_____9. Ibinabagay ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-init. Alin ang dapat
nilang isuot?
a. kapote b. makapal na damit c. maninipis na damit
_____10. Tuwing tag-ulan, bumabaha sa inyong komunidad.
Ano ang maaari mong imungkahing gawin?
a. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at estero
b. Huwag lumabas ng bahay c. Unahing iligtas ang sarili
_____11. Hindi makapasok sa paaralan ang batang si Kayla. Baha sa kanilang lugar.
Maraming gumuhong lupa sa kanilang daraanan. Anong uri ng panahon ang
kanilang nararanasan?
a. tag-init b. tag-ulan c. tag-araw d. tagtuyo
_____12. Ang pagpuputol ng mga puno at pagmimina sa kagubatan ay sanhi ng
pagkakaroon ng _______.
a. ulan b. lindol c. baha d. bagyo
_____13. Alin sa sumusunod ang mangyayari kung hindi maayos ang linya ng kuryente
sa bahay at iba pang gusali?
a. ulan b. sunog c. lindol d. bagyo
_____14. Maaliwalas ang paligid sa komunidad nina Ramon. Maraming bata ang
naglalaro. Ang mga magsasaka ay nagbibilad ng palay. Anong uri ng
panahon ang nararanasan nila?
a. taglamig b. tag-ulan c. Tag-init d. Tagtuyot
_____15. Ang sumusunod ay natural na kalamidad na nagaganap sa komunidad,
maliban sa ______.
a. bagyo, baha b. kulog, kidlat c. lindol, el nino d. brown out, sunog
III. Iguhit sa loob ng kahon ang mga sagisag o simbolo na hinihingi sa ibaba.
Kulayan ito.
16. Palengke 17. Paaralan 18. Simbahan 19. Kabahayan 20. Hospital

You might also like