You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Division of Bulacan
District of Pulilan
TAAL ELEMENTARY SCHOOL
Pulilan, Bulacan

Ikalawang Mahabang Pagsusulit


Ikalawang Kwarter
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Pangalan:______________________________ Iskor: ___________

Seksyon:_____________________ Petsa: ____________________

I. Iguhit ang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng

paggalang at kung hindi.

________1. Kumakatok ako bago pumasok sa pintuan.

________2. Gumagamit ako ng salitang “pakiusap” at “salamat”.

________3. Hindi ako nagpapaalam kung lalabas ng silid-aralan.

________4. Nanghihiram muna ako bago gamitin ang bagay na hindi

sa akin.

________5. Magalang akong bumabati sa mga guro sa paaralan.


II. Unawain ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang

sagot.

1. Papasok ako sa paaralan. Ano ang sasabihin mo kay Nanay at

Tatay?

a. Aalis na ako. b. Papasok na po ako.

2. Binigyan ka ng regalo ng iyong kapatid sa iyong kaarawan. Ano

ang sasabihin mo?

a. Salamat! b. Ayoko niyan.

3. Nag-uusap sa may pintuan ang iyong guro at punongguro. Gusto

mong pumasok sa loob ng inyong silid-aralan. Ano ang

sasabihin mo?

a. Paraan nga! b. Makikiraan po.

4. Naligaw ka ng daan pauwi sa inyong bahay. Nakakita ka ng

tindahan at ikaw ay nagtanong. Ano ang sasabihin mo?

a. May itatanong ako. b. Maaari po bang

magtanong?

5. Dumating ang lola mo isang umaga sa inyong bahay. Ano ang

sasabihin mo?
a. Magandang gabi po lola, mano po.

b. Magandang umaga po lola, mano po.

III. Lagyan ng ang patlang kung nagsasabi ng pagiging

matapat.

_________1. Isauli ang labis na sukli.

_________2. Iwasan ang pagkuha ng pag-aari ng iba.

_________3. Huwag aminin ang nagawang kasalanan.

_________4. Isauli ang hiniram na bagay.

_________5. Sabihin ang tunay na halaga ng kailangang pera.

You might also like