You are on page 1of 32

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Kakayahan Mo, Ipakita Mo:
Edukasyon sa Pagpapakato – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 1: Kakayahan Mo, Ipakita Mo!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Mae B. Abinasa, Jomellah B. Abinsay, Jana Larisa B. Abinsay, Lie T. Chatto
Editors: Kumipang M. Balah, Rebecca Sambas, Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Ma. Mae B. Abinasa, Jomellah B. Abinsay, Jana Larisa B. Abinsay, Lie T. Chatto
Tagalapat: Ma. Mae B. Abinasa, Jomellah B. Abinsay, Jana Larisa B. Abinsay, Lie T. Chatto
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Kakayahan Mo, Ipakita Mo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikalawang


Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa Unang Aralin: Kakayahan Mo,
Ipakita Mo.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang
pampagtutturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at
maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamng kaalman upanag mapalawak at
malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Kakayahan Mo, Ipakita Mo! Ang
inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit
ang ating layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama
ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda
para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin
para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang
pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Baitang ng Self-


Learning Module (SLM) ukol sa Aralin 1: Kakayahan Mo, Ipakita Mo.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa inyong


kaalaman at pagkatuto sa mga aralin at upang higit na
malinang ang inyong mga natatanging kakayahan na
may tiwala sa sarili at pagpapasalamat sa Diyos kahit
kayo ay nasa bahay lamang.
Ang mga gawaing inilahad sa modyul na ito ay
simple upang lubos mong maunawaan ang inyong
leksyon.
Ang aralin ay nakapokus lamang sa inyong
kakayahan sa pag-awit at pagguhit. Mapag-aaralan
mo dito kung anu-anong kakayahan sa pag-awit at
pagguhit ang dapat mong taglayin at sanayin.

Most Essential Learning Competencies


1. Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang
pamamaraan:
1.1 pag-awit
1.2 pagguhit
1.3 pagsayaw
1.4 pakikipagtalastasan
(EsP2PKP- Ia-b – 2)
Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisakikilos ang sariling kakayahan sa pag awit at
pagguhit.

1
Subukin

Panuto A: Basahin ang mga salitang nasa loob ng lobo.


Piliin at kopyahin sa iyong kwadernong panggawain
ang mga salitang may kaugnayan sa pag-awit.

tiyempo

Tamang
tono
Interpretasyon
o ekspresyon

2
Panuto B: Basahin ang mga salitang nakasulat sa pisara.
Piliin at kopyahin sa iyong kwadernong panggawain
ang mga salitang may kaugnayan sa pagguhit.

imahinasyon paglalaro ng bola

kagalingan pagdisenyo tiyempo

pagkonsepto pagiging natatangi

tamang tono

3
Balikan

Panuto A: Piliin ang iyong sagot sa mga salitang nasa


ibaba at isulat ito sa iyong kwadernong panggawin.

• tindig at paghawak ng mikropono


• napaindak sa pag-awit
• madamdaming pag-awit
• sabayang pag-awit

1. 2.

3. 4.

4
Panuto B: Piliin ang mga salitang may kinalaman sa
pakikipagtalastasan. Isulat ito sa iyong kwadernong
panggawain.

Tinig Reklamador

Pagtindig

Ensayo Boses

Tayming

Ekspresyon Pagsayaw

5
Tuklasin

Panuto: Kantahin ang awiting Sampung mga Daliri.

Ako si Awi, tayo ay umawit ng


mga awiting pambata na tiyak
kagigiliwan mo!

Ako naman si Tin,


alam mo ba ang kantang
“Sampung mga Daliri” na
tungkol sa isang alimango?
Kantahin natin!

Sampung mga Daliri

Sampung mga daliri, kamay at paa,


Dalawang tainga, dalawang mata,
Ilong na maganda.
Maliliit na ngipin, masarap kumain,
Dilang maliit, nagsasabing
Huwag magsinungaling.

6
Suriin

Panuto A: Base sa iyong nabasang awit. Unawain at


sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang naramdaman mo habang inaawit mo


ang mga ito?

2. Nasundan mo ba ang tamang tono?

3. Nabigkas mo ba nang maayos ang mga salita o


liriko?

4. Sinabayan mo ba ng aksyon ang iyong pag-


awit?

5. Maaawit mo ba ang awitin nang hindi nakatingin


sa kopya?

7
Panuto B: Ibalangkas ang mga parte ng katawan na
nabanggit sa awiting Sampung mga Daliri. Gawin ito sa
iyong kwadernong gawain.

1. 2.

3. 4.

5.

8
Tandaan:
Ang pag-awit ay maaaring hindi
gaanong likas na talento dahil ito ay isang
natututunang kasanayan. Mapalad ang
may talento sa pag-awit ngunit ang
palagiang pag-ensayo at pagkanta ay
makatutulong upang maging mahusay na
mang-aawit ang isang bata.

Sa pag-awit, mahalagang taglay


mo ang mga sumusunod na kakayahan.

Tamang tono – ang pagsunod sa pataas at


pababang tono ng kanta.
Kalinawan sa pagbigkas ng liriko – maayos na
pagbigkas ng mga salita upang maintindihan ang
mensahe ng awit.
Tiyempo o tayming – ang pagsunod sa bilis o bagal
ng musika.
Interpretasyon o ekspresyon – tumutukoy sa kilos o
aksyon na ginagawa ng mang-aawit ayon sa
mensahe ng kanta.
Mastery o kasanayan – pagsaulo sa kanta upang
maawit ito nang tuluy – tuloy.

9
Ang pagguhit ay isang uri ng sining na
nagpapahayag ng damdamin at nag-
iiwan ng marka gamit ang linya para
makita ng lahat.

Gaya ng pag-awit ang pagguhit ay


isang kasanayan na dapat sanayin sa
pamamagitan ng ensayo at maging
determinado para gumaling.
Mahalagang taglay mo ang mga
sumusunod na kakayahan.

1. Pagiging natatangi – naiiba sa pagguhit ng mga uri


ng bagay.
2. Pagkonsepto – sariling kaalaman o ideya na
napaligiran ng iba’t ibang paksa.
3. Imahinasyon – nakalilikha nang malayang sining at
imbensyon.
4. Pagdisenyo – ang pagpaplanong nagbibigay ng
basehan para sa pagguhit ng mga bagay.
5. Kagalingan – gawaing may kalidad at sariling
abilidad

10
Pagyamanin

Panuto A: Basahin at unawain ang sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa kwadernong
panggawain.

1. Nasasabayan ni Aya ang ang mabilis na musika


habang siya ay kumakanta.Anong kakayahan sa
pag-awit ang pinapakita ni Aya?

A. Ekspresyon
B. kasanayan
C. tiyempo

2. Laging nag-eensayo si Pam upang maisaulo niya


ang liriko ng knyang aawitin. Anong kakayahan sa
pag-awit ang ipinapakita ni Pam?

A. kasanayan
B. pagbigkas ng mga liriko
C. tamang tono

3. Nakikita sa mukha ni Onex na damang-dama niya


ang kanyang pag-awit. Anong kakayahan sa pag-
awit ang ipinapakita ni Onex?

A. ekspresyon
B. tamang tono
C. tiyempo

11
4. Laging nagpapaturo si Maya sa kanyang ina sa
pagbabasa ng liriko upang mabigkas niya ito nang
maayos. Anong kakayahan sa pag-awit ang
ipinapakita ni Maya?

A. ekspresyon
B. kalinawan sa pagbikas ng mga liriko
C. tiyempo

5. Kuhang-kuha ni Beth ang pagtaas at pagbaba ng


tono ng kanta kaya siya ang nanalo sa patimpalak.
Anong kakayahan sa pag-awit ang ipinapakita ni
Beth?

A. kasanayan
B. pagbigkas ng mga liriko
C. tamang tono

12
Panuto B: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at
sabihin kung anong kakayahan sa pag-awit ang
ipinakikita ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwadernong panggawain. Gawing gabay ang mga
salita sa ibaba sa pagpili ng sagot.

tayming/tiyempo
tamang tono
kalinawan sa pagbigkas ng tono
mastery/kasanayan
interpretasyon at ekspresyon

1. Naawit ni Karla ang kantang “Bahay Kubo”


hanggang dulo nang tuloy – tuloy.
2. Naintindihan ng mga bata ang mensahe ng awitin
kaya napaawit din sila.
3. Nakangiting inawit ni Kent ang awiting “Kung Ikaw
ay Masaya”.
4. Habang umaawit si Joy, nasundan niya ang
pataas at pababang himig ng awit.
5. Mabilis ang pag-awit ni Shaine sa kanta dahil
sinabayan niya ng musika.

13
Panuto C: May mga sitwasyon akong ibibigay. Suriin at
maglagay ng tsek ( ) kung sumasang-ayon ka sa
sitwasyon at ekis ( ) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa kwadernong panggawain.

_____1. Ikahiya ang sariling gawa kaya kopyahin ang


gawa ng iba.
_____2. Sasanayin ko ang aking kakayahan sa pagguhit
upang manalo sa patimpalak.
_____3. Lawakan ang imahinasyon upang makalikha ng
magandang sining.
_____4. Planuhin nang maaga ang tema ng iguguhit.
_____5. Pahintulang angkinin ng iba ang iyong sariling
disenyo.

14
Panuto D: Isulat sa kwadernong panggawain ang Tama
kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng kakayahan sa
pagguhit at Mali naman kung hindi.

_______1. Ginamit ni Ruby ang kanyang makulay na


imahinasyon upang makaguhit ng magandang
larawan.
_______2. Bumubuo ako ng konsepto bago ko
inuumpisahan ang aking pagguhit.
_______3. Gagaling ako sa pagguhit kahit ako’y hindi
mag-eensayo.
_______4. Gagamitin ko ang angking galling upang
makabuo ng natatanging disenyo sa pagguhit.
_______5. Magiging mahusay ako sa pagguhit kahit hindi
ako makikinig sa payo ng iba.

15
Isaisip

Panuto A: Punan ang mga patlang ng angkop na salita


para mabuo ang tulang “Kasanayan sa Pag-awit”.
Gawing gabay ang mga salitang na nasa ibaba. Isulat
ang iyong sagot sa kwadernong panggawain.

ekspresyon Kasanayan
tiyempo tamang tono
pagbigkas ng mga liriko

Ang pag-awit ay kakayahan


Pag-eensayo ay kailangan.
Pagsunod sa (1.) __________________, pataas at pababa
Ay dapat magawaKalinawan sa
(2)___________________ay dapat maisagawa
Upang mensahe ng awit ay maipadama
Bilis o bagal ng musika sabayan muna
(3)______________________ dapat maipasa. Liriko ng awitin
wag kaligtaan
(4) ______________________ay dapat na makamtan
Kilos o galaw isabay muna (5) ___________________
Ng bawat kilos ay mahalaga!

16
Panuto B: Basahin ang bawat sitwasyon at suriin kung
anong kakayahan sa pagguhit ang ipinapakita nito.
Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng kahon.
Isulat ang iyong sagot sa kwadernong panggawain.

Pagiging Natatangi Pagkonsepto

Imahinasyon Pagdisenyo

Kagalingan

_________1. Nag-iisip si Jana ng mga bagong ideya na


naangkop sa tema upang makabuo siya ng bagong
piyesa.
_________2. Pinaplano muna ni Joy kung ano ang
kanyang mga guguhitin bago siya magsimula.
_________3. Bata pa lamang si Mia ay mahilig na talaga
siyang gumuhit kaya napalago niya ang kanyang
talento.
_________4. Napakalawak ng pag-iisip ni Roy kaya
marami siyang piyesang magaganda.
_________5. Hinahangaan ng marami si Denver dahil
mayroon siyang kakaibang teknik sa pagguhit.

17
Isagawa

Panuto A: Basahin at unawain ang mga sumusunod na


sitwasyon. Isulat sa iyong kwadernong panggawain ang
tsek ( ) kung dapat mo itong gawin at ekis ( ) naman
kung hindi.

_____1. Aawitin ko ang Lupang Hinirang nang may puso


at damdamin.
_____2. Paulit-ulit na basahin ang liriko upang mabigkas
nang maayos ang mga salita ng awit.
_____3. Palagiang mag-ensayo upang makuha ang
tamang tono ng kanta.
_____4. Pakinggan nang Mabuti ang musika upang
masundan ang tayming nito.
_____5. Isaulo ang awit upang makanta ito nang tuluy-
tuloy.

1. Paano mo maipakikita ang iyong


kakayahan sa pag-awit?
2. Bakit mahalaga ang pag-ensayo?

18
Panuto B: Sundin ang mga sumusunod na panuto at
iguhit sa iyong kwadernong panggawa ang mga
hinihingi nila.

Iguhit ang inyong bahay sa loob ng kahon.

Kulayan ang bahay ayon sa napili mong


kulay.

Sa harap ng pintuan iguhit mo ang iyong


pamilya na magkahawak ang mga kamay.

Sa magkabilang bahagi ng bahay, gumuhit


ng malaking puno na kulay berde.

Sa taas, gumuhit ng isang masinag na araw


at kulayan ito ng dilaw.

Sa tabi ng araw, gumuhit ng mga ulap.

19
Tayahin

Panuto A: Gumuhit nang kung kakayahan ay


nauugnay sa pag-awit at kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong kwadernong panggawain.

Kakayahan Hugis

1. pag-awit nang may damdamin

2. paglalaro ng bola

3. pagsabay sa tono ng awit

4. pagsaulo sa mga liriko

5. panunukso

20
Panuto B: Kilalanin ang sariling kakayahan. Piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat ang iyong napiling sagot sa
kwadernong panggawain.

1. Naipahayag ko ang aking damdamin sa


pamamagitan ng paggawa ng aking sariling
dibuho gamit ang angking abilidad. Ano ang
kakayahan ko?

a. kagalingan sa pagguhit
b. paglikha ng konsepto
c. pagpalawak ng imahinasyon

2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa


pagguhit?

a. Pagbabalangkas ng bahay sa gitna ng hardin.


b. Paglalapat ng tono sa isang awitin.
c. Pagsusulat ng kwento.

3. Anong kakayahan sa pagguhit ang pagpaplano


para sa paggawa ng mga bagay?
a. kagalingan
b. pagdesinyo
c. pagkonsepto

21
4. Naipakita ko ng mabuti sa aking pagguhit ang aking
sariling kalaman o ideya tungkol sa paksa kaya ako ay
nagwagi sa paligsahan. Anong kakayahan ang
ipinakita ko?

a. Pagbuo ng konsepto
b. Pagiging natatangi
c. Pagpapakita ng angking galling

5. Alin sa mga gawain ang dapat gawin upang


makabuo ng natatanging mga guhit?

a. Hindi ko na kailangan ang pag-eensayo


b. Palagi akong maglalaro
c. Papalawakin ko ang aking imahinasyon

22
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong kwadernong panggawain gumuhit ng


limang bagay o gamit na may kaugnayan sa pag-awit
at kulayan ang mga ito.

Kriteria ng Gawain

Kriteria 5 4 3
1. Galing sa
pagguhit
2. Kaalaman
3. Natapos
ang
Gawain
sa
takdang
oras

23
24
Subukin Balikan
A. B. A. B.
1. pagtula 1. tinig
1. malinaw na pagbigkas ng liriko 1. imahinasyon
2. pagsayaw 2. pagtindig
2. tiyempo 2. pagdisenyo
3. paglalaro 3. boses
3. tamang tono 3. kagalingan
4. pag-awit 4.tayming
4. interpretasyon o ekspresyon 4. pagkonsepto
5. pagguhit 5.ekspresyon
5. mastery o kasanayan 5. pagiging natatangi
Pagyamanin
A. B. C. D.
1. C 1. Mastery/kasanayan 1. 1. Tama
2. A 2. Kalinawan sa pagbigkas ng liriko 2. 2. Tama
3. A 3. Interpretasyon at ekspresyon 3. 3. Mali
4. B 4. Tayming/tiyempo 4. 4. Tama
5. C 5. Tamang tono 5. 5. Mali
Isaisip Isagawa
A B. A. B.
1. tamang tono 1. pagkonsepto 1.
2. pagbigkas ng mga liriko 2. pagdisenyo
2.
3. tiyempo 3. kagalingan 3.
4. kasanayan 4. imahinasyon 4.
5.
5. ekspresyon 5. pagiging natatangi
Tayahin
A. B.
1. 1. a
2. 2. a
3. 3. b
4. 4. a
5. 5. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan,
Rolan Baldonado Catapang, Isabel Montezero-
Gonzales. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Tagalog, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog,
Patnubay ng Guro. Unang Edisyon.

25
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like