You are on page 1of 14

44

ARTS
Unang Markahan – Modyul 1b:
Mga Katutubong Disenyo ng Kasuotan at Kagamitan,
Kagawian ng Iba’t Ibang Pamayanang Kultura at
Pagguhit Gamit ang Crayon Resist Technique.
Arts – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 1: Mga Katutubong Disenyo ng Kasuotan at Kagamitan,
Kagawian ng Iba’t ibang Pamayanang Kultura at Pagguhit Gamit ang Crayon
Resist Technique
First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor MagtolisBriones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arlyn B. Amamag, Fe Marie B. Sabanal


Editor: Emma L. Baga, Jhon Elien B. Nano, Marynell G. Maquiling
Tagasuri: Maria Lourdes T. Funtilon, Florence M. Pinili
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Jenith C. Cabajon
Joelyza M. Arcilla, Ed.D Rosela A. Abiera
Marcelo K. Palispis, Ed.D Maricel R. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D Elmer L. Cabrera
Inilimbag sa Pilipinas ng__________________
Department of Education – Region VII, Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tele #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at pagkamakasining. Ito ay
minana natin sa ating mga ninuno. Sa ilang salinlahi ay nakikita ang
mga masining na likha ng mga katutubo.
Ang mga disenyo noong unang panahon ay ginawang batayan ng
mga disenyo sa kasalukuyan. Ito ay isa sa mga nagsilbing paraan para
maisalin ang mga kaalaman ng sinaunang Pilipino.
Hindi maipagkakaila na ang ating bansa ay mayroong iba’t ibang
kultural na pamayanan. Ang mga pamayanang ito ay may
kaniyakaniyang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay
hango

sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran. Maari ring nakabatay ito sa mga


kaugalian na kanilang kinagisnan.
Maraming pangkat-etniko sa ating bansa na may sariling
pamamaraan ng pamumuhay na nakikitaan ng pagiging malikhain.
Makikita ito sa mga kagamitan, mga palamuti sa katawan, mga
kasuotan, at iba pa.
Sa araling ito ay iyong matututunan ang pagmamalaki sa mga
katutubong sining ng iba’t ibang pamayanang kultural. Matututunan
mo
rin ang paggamit ng crayon resist technique sa iyong mga likhang
sining na nagpapakita ng mga iba’t ibang disenyo ng etniko.

Mga Layunin
1.Natatalakay ang mga kaalaman tungkol sa mga ibat’t ibang
pamayanang kultural.
2.Naipaliliwanag ang crayon resist technique.
3.Nakaguguhit ng iba’t ibang disenyo na nagpapakita ng paraan ng
pananamit , kagamitang pantahanan, at palamuti sa katawan.
4. Nagagamit ang crayon resist technique sa pagpapakita ng
disenyong etniko o patterns.

1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng simbolong ito?
A. Bagobo C. Kalinga
B. Ifugao D. Panay- Bukidnon
2. Alin sa mga sumusunod ang na disenyo ang galling sa pangkat -etniko
na Kalinga?

A. C.

B. D.
3. Ang mga ng mga pamayanang kultural ay isa
sa mga pamana ng sining sa ating bansa.
‘A. hindi pagkakaunawaan B. magulong disenyo
C. kaguluhan D. masining na disenyo
4. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo na
gawa ng ating mga ninuno?
A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan na
gawa ng ating mga katutubo.
B. Itapon na lamang ito sa basurahan.
C. Ipagbili ang mga bagay na ito.
D. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.
5. Pagkatapos gumawa ng isang likhang sining, ano ang
maaaring gawin sa mga kagamitang ginamit?
A. Hayaan na lamang ito sa mesa kung saan ito ginawa.
B. Iligpit nang maayos at ilagay sa tamang lalagyan ang mga
kagamitang ginamit.
C. Itapon sa basurahan kahit puwede pang pakinabangan ito.
D. Ikalat sa loob ng silid ang mga kagamitang ginamit. Hayaan
na lamang ang guro ang magligpit nito.
6. Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga
pangkatetniko ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa kanilang
.
A. pamayanang kultural C. modernong pamayanan
B. panahon noon D. pamayanan ngayon
2
7. Tingnan ang larawan. Ano ang ginagawa
ng bata?
A. Gumuguhit C. Natutulog
B. Kumakain D. Sumasayaw

8. Tingnan ang larawan. Anong kagamitan ang ginagamit ng


mga bata?
A. Papel C. Lapis
B. Krayola D. Notebook

9. Anong pangkat ang may pamamaraan sa


kanilang pamumuhay na nakikitaan ng pagiging malikhain?
A. Pangkat-pankatan B. Pangkat-etniko C. Pangkat ng bata
D. Pangkat ng tao
10. _______ ay paraan ng sining na hindi maaring haluan ng
tubig dahilan sa katangian ng krayola na malangis at madulas.
A. crayon resist B. crayon etching C. doodling D. printmaking

Panuto: Iayos ang mga jumbled na mga letra upang mabuo ang mga
pangalan ng iba’t ibang pangkat-etniko ng ating bansa. Isulat
ang mga sagot sa iyong kwaderno.

1. IUFAGO 3. AGAT 5. TAGABWNA


2. KIANLGA 4. BOAGBO

Panuto: Suriin ang mga disenyo na ipinapakita sa bawat larawan sa


ibaba. Anong pangkat-etniko kaya ang lumikha ng mga
disenyong ito?

3
https://bit.ly/3jpel71; https://bit.ly/3fNUQ5R; Lrmds.depedldn.com

Mga Katutubong Disenyo sa mga Kasuotan at Kagamitan


Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng ating mga pangkat-
etniko. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipakikita
nila sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan, palamuti sa
katawan, kasuotan, at iba pa.
Makikita sa sumusunod na mga larawan ang mga halimbawang
dibuho ng iba’t ibang pangkat-etniko. Pag-aralang iguhit ang bawat isa
dahil magagamit ito sa paggawa ng ating likhang-sining.

Mga Dibuho ng Araw (Sun Motif)

Kalinga Ifugaw Muslim Bagobo

4
Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga
pangkatetniko ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa kanilang
pamayanang kultural. Ang mga pamayanang kultural sa ating bansa ay
may kakaibang kaugalian na kanilang nakagisnan. Halimbawa ay
kapag may namatay na mahal sa buhay, sila ay nag-aalay ng mga
pagkain upang hilingin sa diyos ng kamatayan na samahan ang
kaluluwa sa pagtawid sa kabilang buhay. Inilalagak ang labi nito sa
Manunggul Jar na kakikitaan ng masining at kakaibang disenyo.
Naniniwala sila na ang mga nakikita sa kapaligiran tulad ng bundok,
mga halaman, mga hayop, at anumang makikita sa kalikasan ay
sagrado at may espirito kaya madalas ang kanilang pag-aayuno at pag-
aalay upang sila ay mapangalagaan laban sa anumang masasamang
espirito. Ang kanilang paniniwala ay
makikita sa mga masisining na
dibuho sa kanilang kasuotan,
palamuti sa katawan, at mga
kagamitan. Ang pamayanang kultural
na ito ay yaman ng ating bansa.
Pansinin ang larawan.
Ang kanilang kasuotan ay kakikitaan
ng mga disenyong etniko na
nagtataglay ng mga maninipis at makakapal na linya, mga
mapapusyaw na kulay at mga dibuhong kanilang pinagyaman. Ang
mga disenyong ito ay maaari nating gamitin sa paggawa ng mga
magagandang likhangsining tulad ng bookmark.
Masining na Disenyo ng Pamayanang Kultural
Ang mga disenyong etniko o pattern na iyong pinag-aralan ay
maaaring gamitin sa paggawa ng isang obra. May iba’t ibang paraan
din sa paggawa ng mga ito gamit ang krayola. Isa ang crayon resist
technique na maaaring gamitin sa pagbuo ng obra.
Alam mo ba na may mga bagay na hindi maaaring maghalo tulad
ng langis at tubig? Ang kaisipang ito ay mapatutunayan sa sining na
crayon resist na ang ibig sabihin ay “naiiwasan ng krayola na matakpan
ng watercolor”. Dahilan sa katangian ng krayola na malangis at
madulas ay hindi ito maaaring matakpan ng watercolor.
Ipinakita ng iba’t ibang disenyo na halos magkakatulad ang
paggamit ng dibuho, kulay at linya ng disenyo ng pamayanang kultural
sa disenyo ng makabagong panahon. Ang katangiang pagkamalikhain

5
ay hindi nawala bagkus ay lalo pang pinagyaman para sa lalo pang
ikagaganda ng mga disenyong atin nang nakagisnan.
Hindi lamang sa mga kasuotan at mga kagamitan makikita ang
mga disenyo. Makikita din ito sa mga gamit sa bahay, mga pang
dekorasyon, at mga palamuti sa katawan.

Halimbawa ng Lumang Disenyong Etniko ng mga Pamayanang Kultural

https://bit.ly/2BfUi9Q https://bit.ly/32FD7d1 https://bit.ly/3hmLY7O https://bit.ly/2CXQuKP

Halimbawa ng Disenyong Etniko Gamit ang Crayon Resist Technique

https://bit.ly/3jl4 https://bit.ly/32FFC
Rt w

Tuklasin
Panuto: Gumawa ng isang disenyong etniko gamit ang Crayon Resist
Technique. Gawin itong nang malinis.

Kagamitan: lapis, krayola, brush, ¼ cartolina o recycled cardboard,


watercolor, at recycled paper
Mga Hakbang Sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Kumuha ng malinis na papel o bond paper nais lagyan ng
disenyong etniko.

6
3. Pumili ng disenyo na makikita sa mga kagamitan, kasuotan at
palamuti ng mga pangkat-etniko.
4. Iguhit ang mga napiling disenyong etniko o patterns.
5. Kulayan ang iyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang
paggamit ng krayola sa papel upang hindi matakpan ng watercolor.
6. Ihanda naman ang watercolor para sa gagawing pamaraang
crayon resist.
7. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang
madilim na kulay para lumitaw ang kagandahan ng disenyong
iginuhit at kinulayan ng krayola.
Patuyuin ang ginawang disenyo.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kwaderno.

Natutunan ko na bigyang halaga ang iniambag ng pangkat


mundo ng sining dahil . _______________________
Napagtanto ko na maipapakita ang kahalagahan ng likhang
pamamagitan ng
___________________________________________.

Panuto: Suriin ang iyong likhang -sining at lapatan ng kaakibat na


puntos ang Rubrics.
Nasunod
Hindi
Lubos na ang
nasunod ang
nasunod ang pamantaya
pamantayan
pamantayan n sa
SUKATAN sa pagbuo
sa pagbuo ng pagbuo ng
likhang- ng
likhang-sining
sining likhangsining
3
2 1

7
1. Nakilala ko ang iba’t ibang
disenyo sa mga kagamitan at
kasuotan na mayroon sa ang
iba’t ibang pangkatetniko.

2. Nakaguhit ako ng napili kong


disenyong etniko mula sa
isang pangkat-etniko.
3. Nasunod ko nang tama ang
mga hakbang sa paggawa ng
likhang-sining gamit ang
crayon resist technique.
4. Nakabuo ako ng disenyo
nang hindi kumopya sa
gawa ng iba.

5. Naipakita ko ang
pagpapahalaga sa mga
disenyong etniko ng iba’t
ibang pangkat-etniko sa
aking nabuong likhang
sining.

Panuto: Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang hindi masining na disenyo ng isang


pamayanang kultural?

A B C D
. . . .
. .

8
2. Alin sa sumusunod ang hindi makabagong disenyo?

A B C D
. . . .

3. Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng


simbolong ito?
‘A. Bagobo C. Kalinga
‘B. Ifugao D. Panay-Bukidnon
4. Sa paggawa ng likhang-sining makikita ang iba’t ibang _____
sa isang obra.
‘A. elemento B. kasabihan C. kilos D. awit

5. Ito ay isang paraan ng sining na hindi maaaring haluan ng


tubig dahilan sa katangian ng krayola na malangis at madulas.
A. crayon etching B. crayon resist C. printmaking D. doodling
6. Dapat _______ ang mga naiambag sa sining ng mga
pangkat- etniko.
A. itapon B. isantabi C. pahalagahan D. isawalang bahala
7. Makikita sa sumusunod ang mga disenyong etniko maliban
sa isa.
A. Kasuotan B. Kagamitan C. Pagkain D.
Palamuti
8. Ano ang katangian ng krayola na siyang dahilan na hindi sya
mahaluan ng watercolor?
A. Matigas at matubig C. Malangis at madulas
B. Malabnaw at maputi D. Magaspang at matigas
9. Bakit mahalagang maipakita ang kahalagahan ng sining sa
ginawang obra?
A. dahil sa ginawang obra, maipapahiwatig ng gumawa nito ang
pagiging malikhain
B. Hindi mahalaga ang mga obrang sining dahil hindi naman ito
nakapagbibigay yaman.
C. Hindi na kailangang ipakita pa ang kahalagahan ng sining
dahil hindi naman ito importante sa mundo.

9
D. Wala akong pakialam sa mga likhang sining.
10. Dapat bang bigyang halaga ang iniambag ng mga pangkat-
etniko sa sining? Bakit?
A. Oo, dahil ito ay mapagkakakitaan.
B. Oo, dahil ito ay natatangi sa ating bansa.
C. Oo, dahil ito ay tunay na yaman sa ating bansa.
D. Lahat na nabanggit

Talahulugan
crayon krayola, pangkulay na hugis lapis, ginagamit sa
pagguhit
disenyo ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang makabuo
ng dibuho
disenyong radial disenyong nakaayos na
ginagamitan ng linya

etniko may kaugnayan sa pangkat panlipunan na may


iisang tradisyong pangkultura.

pangkatetniko grupo ng mga sinaunang tao

resist maiwasan

10
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro, pp.208-212, 213-215


Sining 4, kagamitan ng Mag-aaral, pp.159-162, 166-168
Most Essential Learning Competencies, pp. 282-283
MAPEH: Sining- Mga Katutubong Disenyo sa kasuotan at kagamitan May 2020
Youtube Channel.
Curriculum Guide, pp.33

Presentation for K-12 Art. “Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan” Published June 6, 2015.
https://www.slideshare.net/vicdonosoiii/mga-disenyo-sa-kultural-na-pamayanan Lrmds.depedldn.com
https://artfulparent.com/wp-content/uploads/2015/05/6-watercolor-resist-techniques-to-try-
1.png https://i.pinimg.com/originals/a9/2c/4b/a92c4b4b13a91b933348e2f3d1b8fa15.jpg

11

You might also like