You are on page 1of 24

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Tamang Pagpapasiya
sa Balitang Narinig at Nabasa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Self Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Tamang Pagpapasiya sa Balitang Narinig at Nabasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christine Y. Padrogane
Editor: Lenith C. Linda
Tagasuri: Lenith C. Linda, Maribeth F. Palma, Rima D. Magdayao
Tagaguhit: Querobin Joyce Isla
Tagalapat: Christine Y. Padrogane
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Cynthia G. Diaz- REPS, ESP
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- Division EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Juliet L. Sison- EPS , ESP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Tamang Pagpapasiya
sa Balitang Narinig at Nabasa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao IV ng Self

Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Tamang Pagpapasiya, Aking
Tatangkilikin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV ng Self Learning

Module (SLM) Modyul ukol sa Tamang Pagpapasiya, Aking Tatangkilikin!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka? Narito na naman ang

panibagong aralin na iyong pananabikan. Ang araling ito ay may
pamagat na Tamang Pagpapasiya, Aking Tatangkilikin! Handa
ka na ba?

Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang paraan

upang mahasa ang tamang pagpapasiya.

Ang pagsisiyasat sa mga bagay na narinig o nabasa ay

nagpapakita ng pagkakaroon ng mapanuring kaisipan na siyang
humhubog sa pagkatangkilik ng tamang pagpapasiya.

Bilang mag-aaral, paano mo malalaman na ang pahayagang

iyong napakinggan o nabasa ay totoo at hindi haka-haka lamang?
Ano ba ang magiging dulot nito kung basta-basta niyo na lang
pinagkakalat ang anumang pahayag na walang katuturan?

Ang modyul na ito ay mayroong isang aralin:

• Lesson 1 – Tamang Pagpapasiya, Aking Tatangkilikin!

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagbibigay ng tamang pagpapasiya sa mga balita at
palatastas na napakinggan o nabasa.

1
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang

titik ng tamang sagot.

1. Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga palatastas na

nabasa o narinig?
a. Oo, dahil ito ay maganda.
b. Hindi, sapagkat dapat muna itong suriin.
c. Hindi, dahil lahat ng narinig o nabasa ay
kasinungalingan.
d. Lahat ng nabanggit.
2. Sabi sa isang patalastas, kapag iinom ka ng kanilang
produkto, puputi ka. Bibilhin mo ba kaagad ang
nasabing produkto kung gusto mong pumuti?
a. Hindi b. Oo c. Siguro d. Walang pakialam
3. Narinig mo sa iyong kaklase na ibinibida ang patalastas
na nabasa niya tungkol sa paraan upang maging artista.
Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang para
masigurado mo na totoo ang nabasang patalastas?
a. Tatanungin ko ang aming guro tungkol dito.
b. Makikipag-away ako sa kaniya dahil hindi ito totoo.
c. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para
tingnan at masuri ang patalastas.
d. Bibili ng maraming klase ng pahayagan at titingnan
kung naroon nga ang patalastas.
4. Kapag nabasa mo ang unang parte ng patalastas, maaari
mo ng ibahagi ito sa iyong kaibigan o kaklase. Sang-ayon
ka ba sa pahayag na ito?
a. Oo, dahil nalaman ko na ang unang parte.
b. Oo, maniniwala naman sila kaagad sa akin.
c. Hindi, sapagkat nabitin ako sa aking nabasa.
d. Hindi, dapat ko munang basahin ang buong parte
ng patalastas bago ibahagi sa iba.

2
5. Kung ikaw ay pipili ng isang patalastas na iyong
ibabahagi sa iyong mga kaibigan, ano ang dapat mong
isaalang-alang?
a. Kung maganda ang patalastas, maniniwala ako.
b. Kung pangit ang patalastas, pagtatawanan ko ito.
c. Susuriin ko muna ang patalastas at pinagmulan
nito.
d. Hahanapin ko ang gumawa ng patalastas at
tatanungin kung totoo ito.
6. Nabasa mo ang isang bastos na patalastas, ano ang
iyong gagawin?
a. Babasahin ko pa rin ito.
b. Titigilan ko ang pagbabasa.
c. Isusumbong ko sa pulis ang nabasa ko.
d. Tatawagin ko ang aking kapatid na magbasa rin.
7. Alin sa mga sumusunod ang mayroong tamang
pagpapasiya?
a. Si Dave ay nakikinig ng patalastas na hindi pwede
sa kaniya.
b. Si John ay nagsisiyasat muna bago paniwalaan ang
napakinggang patalastas.
c. Ang nakababatang kapatid ni Charlen ay nagbabasa
ng mga malalaswang patalstas.
d. Sina Alea at Paul ay basta-bastang nagbabasa at
naniniwala sa patalastas na narinig o nabasa.
8. Sang-ayon ka ba sa pahayag na, “Ugaliin ang tamang
pagapasiya upang mapalinang ang kaisipan” ?
a. Walang pakialam
b. Oo, sang-ayon ako.
c. Hindi ako sang-ayon.
d. Depende sa sitwasyon
9. Nakita mong pinagkakalat ng iyong kaibigan ang
patalastas na wala namang idudulot na maganda sa
kapuwa kundi gulo lamang. Ano ang iyong gagawin?
a. Makikisali ako sa kanila.
b. Hahayaan ko lamang sila.
c. Pagtatawanan sila nang malakas.
d. Tatawagin ko ang aking kaibigan at pagsasabihan
siya na tigilan niya ito.
10. “Piliin muna ang patalastas bago ito pakinggan o
basahin”, tama ba ito?
a. Oo b. Hindi c. Siguro d. Walang paki-alam

3
Aralin
Tamang Pagpasiya, Aking
1 Tatangkilikin!
Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa mga patalastas
na napakinggan o nabasa ay nakatutulong upang mapaunlad ang
iyong kaisipan sa pagpapasiya. Mahahasa niyo rin ang iyong
ugaling mapanuri.

Balikan

Kumusta ang pagsagot mo sa iyong panimulang gawain

kaibigan? Alam ko kayang-kaya mo. Ngayon naman, babalikan
natin ang iyong nakaraang aralin.

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.

1. Bakit kailangan mong suriin ang balitang narinig?

___________________________________________________________________________

2. Paano mo malalaman kung ang balita ay maganda o

mapaghamon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4
Mga Tala para sa Guro
Tuklasin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kahalagahan sa sa
tamang pagpapasiya gamit ang ating mapanuring pag-iisip.
Panuto: Basahin ang balita.
Ito rin ay makapabubuti ng kakayahan sa pagbabasa lalo na
sa pagsisiyasat ng patalastas.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang o sa
nakatatandang kapatid kung kinakailangan.

Tuklasin

Patalastas, Paniniwalaan Ba Kaagad?

Kevin: Magandang umaga po Gng. Mira!

Gng. Mira: Magandang umaga naman sa iyo Kevin! Narinig mo ba

ang patalastas noong nakaraang araw?

Kevin: Hindi po. Bakit niyo naitanong?

5
Gng. Mira: Alam mo ba na may binebentang gamot ayon sa
patalastas na magiging matangkad ka kaagad?

Kevin: Talaga po? Nais ko sanang tumangkad kaagad.

Gng. Mira: Mayroon akong binebenta dito. Baka gusto mong

bumili? Mura lamang ito. Inumin mo agad ito upang
tumangkad ka. (Tila may masamang balak)

Kevin: Isang daan lamang ang pera ko sa aking pitaka

Gng. Mira.

Gng. Mira: Ayos na iyan iho. Isang daan naman talaga ang presyo
nitong gamot. Kukunin mo na ba ngayon?

(Biglang napa-isip si Kevin. Naalala niya ang itinuro ng kaniyang

guro na huwag maniwala agad sa mga patalastas na napakinggan
o nabasa lalo na’t hindi ikaw ang nakarinig o nakabasa.)

Kevin: Gng. Mira, paumanhin na po. Hindi ko po bibilhin ang

gamot na iyan.

Gng. Mira: Bakit nag-iba ang desisyon mo Kevin? Kani-kanina

lang aba’y gusto mong bumili nito. Napaka-epektibo
nito.

Kevin: Pasensya na po. Hindi ko maaaring paniwalaan

kaagad ang mga sinasabi ninyo sapagkat hindi ko
narinig o nabasa ang patalastas na iyong sinasabi.
Ayon sa aking guro, magsiyasat muna ako bago ko
paniwalaan kung totoo o hindi ang isang balita o
patalastas. Hindi ko rin pwedeng inumin kaagad ang
gamot dahil hindi naman po kayo doktor at hindi rin
alam ito ng aking mga magulang.

(Umalis si Gng. Mira nang hindi nagpapaalam kay Kevin)

6
Suriin

Simulan mo ang iyong mga gawain ng may ngiti sa iyong

mga labi. Galingan mo, kaibigan!

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang natutuhan mo sa diyalogo na iyong nabasa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Kevin, ano ang iyong

magiging reaksiyon sa alok ni Gng. Mira? Ipaliwanag ang
dahilan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
3. Nagkaroon ba ng tamang pagpapasiya si Kevin?
Ipaliwanag.

Tandaan Mo

Ang mga patalastas na iyong narinig at nabasa ay hindi

palaging totoo. Dapat munang siyasatin ang tungkol dito. Ang
pagkakaroon ng tamang pagpapasiya sa kalagitnaan ng mga
mahihirap na sitwasyon ay nagpapakita lamang ng iyong
masusing pag-iisip.

May mga ibang impormasyon na nais kang linlangin upang

maniwala ka. Mayroon naman talagang totoo. Ang susi dito ay
dapat mag-isip ka nang malamin bago ka magbigay ng iyong
pasiya. Bigyang pansin ang pagiging mapanuri sa lahat ng
nakalap na ipormasyon.

Maaaring ikapahamak mo ang pagpapasiya agad-agad. Pag-

isipan ng ilang beses bago maniwala sa mga narinig o nabasa
upang maiwasan ang anumang kaguluhan. Palawakin ang iyong
pag-iisip sa pagbigay ng desisyon sa iyong mga naririnig at
nababasa.

8
Pagyamanin
Maligayang pagbati sa iyo kaibigan dahil nasagot mo ang mga
katanungan. Nalaman mo rin ang mga magagandang epekto nang
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip. Ngayon, maaari mo na
itong gamitin sa susunod na mga pagsubok sa modyul na ito.

Panuto: A. Tukuyin ang magiging bunga ng mga gawaing

nasa Hanay A. Piliin ang sagot sa Hanay B at isulat
ang titik ng iyong sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
___1. Nagbabasa ng patalastas A. Hindi ako maniniwala
ang nakababata mong kapatid sa kaniya kaagad dahil
para sa 18 anyos kailangan ko pa
munang magsiyasat
___2. Pinagkakalat ni Jenny ang B. Upang masigurado
patalastas na narinig na ang buong laman ng
walang katotohanan patalastas mula
umpisa hanggang huli
___3. Nakikinig sa buong parte C. Pagsasabihan na tigilan
ng patalastas si Kisha ang pagbabasa nito at
huwag ng ulitin
___4. Sinusuri ni Sheena ang D. Kakausapin siya na
patalastas kung ito’y totoo tigilan ang pagkakalat
nito at huwag ng ulitin
___5. Inalok ka ng isang ale na E. Upang malaman kung
maniwala sa patalastas na ang patalastas ay
nabasa niya totoo
9
B. Kumpletuhin ang slogan tungkol sa pagiging mapanuri upang
mabuo ang diwa nito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ito sa patlang.

• bago magsalita
• ito’y nakakasakit sa buong madla
• bago ipagsabi

1. Patalastas na narining suriing mabuti _______________________.

2. Ugaliing maging sensitibo sa patalastas, _____________________.
3. Hindi lahat ng nakalap na impormasyon ay tama, suriin
muna, ________________________.

Isaisip

Maligayang araw sa iyo kaibigan! Galingan mo ang

pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.

10
1. Bakit importante ang tamang pagpapasiya sa mga
narinig at nababasang patalastas?
____________________________________________________________________

2. Ano ang maaring dulot ng ugaling pagbabahagi ng

patalastas na hindi naman totoo? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa

Isang maligayang pagbati sa iyo! Maaari mong simulan ang

iyong gawain ng may mapanuring pag-iisip.

11
Panuto: Awitin ang Tayo nang mag “Stay at Home” sa
tunog na “Birahe Cha-cha Waray”. Pagkatapos umawit,
sagutin ang mga tanong sa ibaba ng awitin.

Tayo nang mag “Stay at Home”

kompositor: Reycil C. Landerio

Tayo ay nasa bahay, kain tulog at tambay,

Minsa’y di naliligo walang ayos laway tumutulo.
Maglinis ng katawan, kamay ay dapat hugasan.
Ito ay ating kailangan, COVID ay maiwasan.
Huwag lang puro reklamo sa ayuda ng gobyerno,
Pagkain ay unahin hindi na sa ibang gawain.
Kumain na ng prutas katawan natin ay lalakas,
Gulay ay iyong ihain, tigok ang COVID-19.

Halina’t magtiktok tiktok, o di kaya’y mag facebook facebook,

Pwede ring mag youtube youtube at ating e upload.

Tayong lahat ay mag “stay at home”, COVID-19 di dapat e- “at

home”.
Frontliners natin ay dapat tulungan, ‘wag matigas ang ulo bagsak
mo kulungan.
Sundin ang utos ni presidente, pumasok sa bahay ‘wag nang mag-
iinarte.
May Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19.

1. Ano ang mensahe ng awitin? Ito ba ay maganda o

mapaghamon? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12
2. Ayon sa awitin, ano-ano ang mga dapat gawin para
maiwasan ang COVID-19?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin

Galingan mo sa araw na ito. Sana mataas ang iyong

makukuhang marka. Kaya mo yan!

Panuto: A. Tukuyin ang bawat pangyayari kung ito ay may

Tamang Pagpapasiya o Maling Pagpapasiya. Isulat
ang sagot sa patlang.

_________1. Magbahagi ka sa hindi kilalang tao ng mga patalastas

na iyong narinig.
_________2. Unang parte lamang ng patalastas ang dapat mong
pakinggan sapagkat matalino ka naman.
_________3. Unawain mo nang mabuti ang mensaheng hatid ng
patalastas na binabasa.
_________4. Kapag nakita mo ang larawan ng iyong idolo sa
binabasang patalastas, maniwala kaagad.
_________5. Turuan mo ang nakababatang kapatid na suriin
muna ang narinig at nabasa bago ito paniwalaan.
_________6. Hayaan mo ang iyong kaibigan na makinig ng
malalaswang patalastas.
_________7. Iwasan ang pakikinig ng patalastas na walang aral.
_________8. Tangkilin ang pagkakaroon ng tamang pagpapasiya.
_________9. Huwag ng suriin ang nakalap na impormasyon.
_________10. Magsanay sa pagbabasa at pakikinig ng mga
impormasyong galing sa lehitimong pinagkukunan.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano-ano ang mga aral na iyong natutunan sa pagbabasa

at pakikinig ng mga patalastas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
2. Paano mo maisasagawa ang tamang pagpapasiya?
Magbigay ng isang sitwasyon at ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mahusay ka! Naipakita mo ang iyong kakayahang maging

mapanuri at naisagawa mo ng buong puso ang pagsuok sa
linggong ito.

Maari ka nang tumungo sa susunod na aralin.

15
16
Pagyamanin A. Tayahin
1. C 1. Maling Pagpapasiya
2. D 2. Maling Pagpapasiya
3. B 3. Tamang Pagpapasiya
4. E 4. Maling Pagpapasiya
5. A 5. Tamang Pagpapasiya
6. Maling Pagpapasiya
7. Tamang Pagpapasiya
8. Tamang Pagpapasiya
9. Maling Pagpapasiya
10. Tamang Pagpapasiya
Pagyamanin B.
1. bago ipagsabi
2. bago magsalita Isagawa Isaisip
3. ito’y nakakasakit sa Maaaring Maaaring
buong madla magkakaiba magkakaiba
ang mga ang mga
sagot. sagot.
Balikan Subukin
Maaaring 1. B
magkakaiba 2. A
ang mga 3. A
sagot. 4. D
5. C
Suriin 6. B
Maaaring 7. B
8. B
magkakaiba
9. D
ang mga
10.A
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Abac et alEdukasyon sa Pagpapakatao 4, Meralco Avenue, Pasig

City, Philippines: DepEd-IMCS, 2015.

Waray Republic. Birahe – Waray Waray Chacha.

Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=tcS2gOnc2Hm , 2019, July
28

17
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng

Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN

Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

18

You might also like