You are on page 1of 25

4

EDUKASYONG
PAGKATAWAN IV
Quarter 1 – Module 2:
Ang Pagsubok sa mga Sangkap
ng Physical Fitness( Pre-test)
Edukasyong Pangkatawan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Renato A. Borra Jr.


Editors: Ariel S. Dumalogdog, Nap Ransel F. Gio
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Napoleon G. Comicho, Rolex H. Lotilla, Alvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Precious Joy A. Ubas
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS, MAPEH
Belen L. Fajemolin PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – Division EPS In Charge of LRMS
Bernadita M. Villano – ADM Coordinator
Napoleon G. Comicho – EPS, MAPEH Supervisor
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong SOCCSKSARGEN
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 228-8825/ (083) 228- 1893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

EDUKASYONG
PANGKATAWAN
Unang Markahan 1 – Module 2:
Ang Pagsubok sa mga Sangkap
ng Physical Fitness (Pre-test)

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang EDUKASYONG PANGKATAWAN – 4 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical
Fitness (Pre-test)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggapsa EDUKASYONG PANGKATAWAN -4 ng Self-Learning


Module (SLM) ukol sa Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness (pre-test)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

3
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Nasusunod ang kahalagahan sa kalusugan ng mga pagsubok sa sangkap ng


physical fitness sa kalusugan
2. Nagagawa ang kahalagahan ng pagsubaybay sa sariling kakayahang gamit
ang Physical Fitness Passport Card.
3. Naisasagawa ang mga pagsubok sa sangkap ng physical fitness ayon sa
nararapat na pamamaraanng mga ito
4. Naisasagawa ng may kaukulang pag-iingat ang mga pagsubok sa sangkap ng
physical fitness.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Aralin Ang Pagsubok sa mga
1 Sangkap ng Physical Fitness
(Pre-test)

Balikan

Ang pokus sa modyul na ito, ay ang pagpapakilala sa mga


gawaing makapagpapaunlad ng physical fitness upang
malaman ang kahalagahan nito sa kalusugan ng katawan. Ang
Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay
bibigyang-pansin upang lubos na maunawaan ang kahalagahan
ng mga gawaing iyong ginagawa at dalas ng paggawa ng mga ito
para sa iyong kalusugan.

Mga Tala para sa Guro

Ang pagsubok sa mga sangkap (components) ng


Physical fitness ay nakakatulong upang malaman
ang estado ng Physical fitness.

5
Tuklasin

1. Gamitin ang hintuturo at gitnang daliri sa iyong pulsuhan


(wrist). Siguraduhing mararamdaman ang pagpitik ng pulso.
Sa hudyat ng guro, umpisahang bilangin ang iyong pitik ng
pulso o resting heart rate hanggang sa sabihin ng guro na
itigil o ihinto ang pagbilang.

https://www.businessinsider.com/what-is-a-good resting-heart-rate

2. Isulat ang huling nabilang na pagpitik ng pulso sa talaang


Physical Fitness Passport Card na ibibigay ng iyong guro.
Gagamitin ang talaang ito upang maipaskil ang mga marka
sa mga iba’t ibang pagsubok.

6
Ngayon na nakuha mo na ang iyong resting heart rate, itala mo ito
sa Physical Fitness Passport Card na ibibigay ng iyong guro. Ang
Physical Fitness Passport Card ay magsisilbing talaan ng iyong
mga iskor sa mga susunod pang mga gawain upang makita mo
ang iyong pag-unlad sa bawat pagsubok sa katapusan ng taon.

TALAAN NG ISKO SA MGA PAGSUBOK NG PHYSICAL FITNESS


Pangalan:_______________________________________________________________
__
Baitang at
seksyon:_______________________________________________________
Edad:________________ Bigat:______________(kg) Taas:______________(cm)
Guro:___________________________________________________________________
__
Petsa Pre-test____________________________
Post-test____________________________
PRE-TEST REMARKS POST-TEST REMARKS
1. Step-Test
Resting Heart
Rate
(15 sec x 4)/ (10
sec x 6)

Pulse Rate
(15 sec x 4)/ (10
sec x 6)
2. Partial Curl-up
3. Push-up
4. Stork stand Left Right Left Right
5. 50m Run
6. Shuttle run
7. Alternative Hand
Wall Test
8. Ruler Drop Test
9. Sit and Reach
10. Vertical Jump

7
Sagutin ang mga tanong:

1. Mabagal o mabilis ba ang iyong pulso? Bakit kaya mabilis o


mabagal ang pag pitik nito?

2. Ano-ano ang mga mabuting maitutulong ng mga physical


activity para mapaunlad ang pintig ng iyong puso?

Suriin

Ayon Forniz, et. al (2015), Ang mga sangkap ng physical fitness ay


nasusukat sa pamamagitan ng mga pagsubok na sadyang
maingat na inihanda upang sukatin ang antas ng kakayahan. Ang
mga pagsubok na ito ay may kanya-kanyang sariling paraan ng
paggawa na dapat sundin upang tumpak ang makuhang iskor. Ito
ay ginagawa sa simula ng antas para malaman ang kasalukuyang
estado ng physical fitness (pre-test) at pagtatapos ng antas upang
malaman kung umunlad ba ang mga sangkap na ito (post-test).

Matatawag ang isang indibidwal na malusog o physically fit kung


siya ay hindi kaagad napapagod o nanghihina sa kaniyang
ginagawa. Batay sa makukuhang iskor sa iba’t ibang pagsubok sa
pre-test, malalaman kung anong sangkap ng physical fitness ang
lubos na napauunlad sa pamamagitan ng mga gawaing ginagawa
sa pang-araw-araw. Gayundin, malalaman sa mga pagsubok kung
anong sangkap ng physical fitness ang dapat pang paunlarin. Ang
8
layunin ay maabot ang iskor na rekumendado sa kasarian at edad
ng isang indibidwal. May iba’t ibang uri ng pagsubok para sa mga
sangkap ng physical fitness. Ang pagpili nito ay nakasalalay sa
guro kung saan dapat isaalang-alang ang oras na nilaan para sa
pagsubok, mga kagamitan at lugar na kailangan, pati na rin ang
mismong pagbibigay ng mga paraan ng pagsubok.

Sa pagsasagawa ng mga pagsubok, dapat isaalang-alang ang


pagkakasunod-sunod ng mga ito. Makaaapekto nang malaki sa
pagsasagawa ng pagsubok at resulta o iskor ng isang indibidwal
ang tamang pagpaplano ng mga ito. Sa araling ito, hinati sa
dalawa ang mga pagsubok para sa mas mainam na pagbibigay
nito.

Sa pamamagitan ng regular o madalas na pakikilahok sa isports,


laro, sayaw, at iba pang pang-araw-araw na gawain, mas
mapauunlad ang mga sangkap ng physical fitness. Ang pag-unlad
na ito ay maitatala sa pamamagitan ng pangalawa at huling
pagsubok o post-test. Ito ay isinasagawa sa pagtatapos ng antas
na layon. Makikita ang pag-unlad ng mga sangkap ng physical
fitness sa pamamagitan ng mga araling gumagamit ng isports,
laro, sayaw, at iba pang pang-araw-araw na gawain. Kaakibat nito
ang tuloy-tuloy na pakikilahok sa iba’t ibang gawain maging sa
labas ng paaralan.

Iyong malalaman kung ikaw ay physically fir sa pamamagitan ng


paggawa ng iba’t ibang pagsubok. Tiyaking angkop ang mga
kasuotan sa mga pagsubok na gagawin.

9
Pagyamanin

Pag-aralang mabuti ang Talaan ng Iskor sa Pagsubok ng Physical


Fitness.

TALAAN NG ISKO SA MGA PAGSUBOK NG PHYSICAL FITNESS


Pangalan:_______________________________________________________________
__
Baitang at
seksyon:_______________________________________________________
Edad:________________ Bigat:______________(kg) Taas:______________(cm)
Guro:___________________________________________________________________
__
Petsa Pre-test____________________________
Post-test____________________________
POST-TEST REMARKS POST-TEST REMARKS
1. Step-Test
Resting Heart Rate
(15 sec x 4)/ (10
sec x 6)

Pulse Rate
(15 sec x 4)/ (10
sec x 6)
2. Partial Curl-up
3. Push-up
4. Stork stand Left Right Left Right
5. 50m Run
6. Shuttle run
7. Alternative Hand
Wall Test
8. Ruler Drop Test
9. Sit and Reach
10. Vertical Jump

10
PAGSUBOK
(Sipi mula sa Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 ni Forniz GM, et.al, 2015)

1. 3-Minute Step Test (Cardiovascular Endurance) - napapatatag


ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang o pagkilos

a. Gamit ang isang tuntungan o hagdan (8


pulgda/inches), ihakbang ang kanang paa
pataas. Ilapit ang kaliwa sa kanang paa.
b. Ihakbang ang kanang paa pababa.
c. Gawin ito sa loob ng tatlong minute.

Hawakang muli ang iyong pulsuhan (wrist) gamit


ang hituturo at gitnang kamay. Siguraduhing nararamdaman ang
pintig ng pulso. Sa loob ng 15 segundo, bilangin ang iyong pulse
rate at i-multiply ito sa 6 o kaya ay sa loob ng 30 segundo, bilangin
ang pintig ng pulso at i-miltiply ito sa 2.

2. Partial Curl-up (Muscular Endurance) – tatag ng kalamnan ng


tiyan sa patuloy na pag-angat
a. Humiga na nakabaluktot ang tuhod,
ituwid ang braso, at ilagay ang mga
kamay sa hita.
b. Dahan-dahang abutin ang iyong
tuhod. Hindi kailangang umangat nang tuluyan ang iyong
likod sa sahig.
c. Bumalik sa pagkakahiga.
d. Ulitin ang (a, b, at c) hanggang sa makakaya sa loob ng isang
minuto.

11
Kapag ang indibidwal ay tumigil nang matagal bago gawin ang
kasunod na bilang, kailangan nang itigil ang pagsubok at ang
pagbibilang. Kailangan ding itigil na kapag naiiba na ang paraan
ng paggawa ng partial curl-up gaya kapag umaangat na ang mga
paa.

3. Push-up (Muscular Strength) – lakas ng kalamnan sa braso at


dibdib sa patuloy na pag-angat.
a. Dumapa sa sahig na nakatukod ang
dalawang kamay na kapantay ng mga
balikat at nakatapat sa mukha. Itukod ang
mga paa.
b. Iunat ang mga braso at ituwid ang buong
katawan.
c. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan at
lumapit ang dibdib sa sahig.
d. Iunat ang mga braso upang muling itaas ang katawan.
e. Ulit-ulitin hanggang makakaya.
f. Bilangin kung ilang ulit ang nagawa nang maayos.

Kapag ang indibidwal ay tumigil nang matagal bago gawin ang


kasunod na bilang, kailangan nang itigil ang pagsubok at ang
pagbibilang. Kailangan ding itigil na kapag naiiba na ang paraan
ng paggawa ng push-up gaya kapag naiiwan sa sahig ang ibabang
bahagi ng katawan.
Balanse naman ang susubukin sa susunod na pamamaraan.

12
4. Stork Stand Test (Balance) – pagbalanse gamit ang isang paa
lamang.
a. Tanggalin ang sapatos at ilagay ang mga
kamay sa baywang.
b. Iangat ang isang paa at ilapat ito sa
kabilang tuhod na nakatuwid.
c. Tumingkayad gamit ang isang paa.
d. Simulan ang oras kapag nakatingkayad na ang paa.
e. Itigil ito kapag natanggal ang kamay sa baywang, naalis ang
nakaangat na paa sa pagkakadikit sa tuhod, naalis sa
puwesto ang nakatingkayad na paa, o bumaba nang tuluyan
ang paa sa pagkakatingkayad.
f. Itala nang tama ang oras na nagawa ito.

5. 50 m Sprint (Speed) – pagsubok sa bilis ng pagtakbo patungo


sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.
a. Sa hudyat, tumakbo nang mabilis mula
sa panimulang lugar hanggang sa
itinakdang lugar na 50 m ang layo.
b. Sisimulan ang oras sabay ng hudyat at
itigil ito kapag nakarating na ang
tumatakbo sa itinakdang lugar.

6. Shuttle Run (Agility) – pagsubok sa liksi ng pagkilos habang


tumatakbo at naglilipat ng kapiraso ng kahoy mula at patungo sa
itinakdang lugar.
a. Ilagay ang dalawang piraso ng kahoy o katulad na gamit sa
likuran ng isang guhit na may layong 30 ft. sa kabilang guhit.
b. Ang mananakbo ay tatayo sa likuran ng kabilang guhit.
c. Sa hudyat, tumakbo patungo sa kabilang guhit at susubok
at dadamputin ang isang piraso ng kahoy o katulad na gamit.

13
Tatakbo pabalik sa kabilang guhit at ilalagay ang piraso ng
kahoy o katulad na gamit sa likuran ng guhit.
d. Tumakbo pabalik muli, dadamputin ang ikalawang piraso ng
kahoy o katulad na gamit, tatakbo papunta sa kabilang
guhit, ilalagay ang kahoy o katulad na gamit at tuloy-tuloy
na tatakbo upang makalampas sa guhit.
e. Simulan ang oras sa hudyat at itigil ito paglampas sa guhit.
7. Alternate Hand Wall Test (Coordination) – koordinasyon ng
mga mata at kamay gamit ang isang bolang pinatatalbog sa
dingding.
a. Tumayo nang tuwid na naka-stride sa
harap ng isang dingding na may layong 2
m/3 ft.
b. Hawakan ang isang bola (tennis ball o
baseball o katulad na gamit). Gamit ang
kanang kamay, ihagis ito sa dingding na
may marka (3 ft. mula sa sahig at 24 in. x
24 in. ang sukat) nang pailalim. Saluhin ito gamit ang
kaliwang kamay. (Paalala: Maaaring gamitin ang kaliwang
kamay sa paghagis at saluhin naman ng kanan.)
c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo at itala ang bilang ng salo
na nagawa.

Hindi ititigil ang oras kahit na hindi masalo ng sumusubok


ang bola. Tuloy-tuloy lamang ang oras at ang pagbilang ng
nasalo.
Nahirapan ka ba sa pagsalo ng bola? Ano ang paraang
ginawa mo para mas madali mong masalo ang bola?

8. Ruler Drop Test (Reaction Time) – bilis ng reaksyon ng pagsalo


ng ruler na nilaglag na walang hudyat gamit ang mga daliri.

14
a. Umupo sa tabi ng isang mesa at itukod
ang siko sa dulo nito. Tiyaking nakaunat
ang bisig. Nakatayo sa harap ang
kapareha na may hawak na ruler o meter
stick.
b. Itapat ang hintuturo at hinlalaki (thumb)
sa dulo ng ruler o meter stick (zero na marka) nang hindi ito
hinahawakan habang ang kapareha ay sa kabilang dulo ng
ruler o meter stick nakahawak.
c. Bitiwan ng kapareha ang ruler o meter stick nang walang
hudyat. Saluhin ang ruler o meter stick gamit ang mga daliri.
Kunin ang sukat (sentimetro/cm) sa itaas ng daliri.
d. Gawin ito ng ilang beses (mga 5-10 beses) at kunin ang
average score.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagsalo ngunit


mas mainam kung ang iyong kamay na panulat ang iyong
gagamitin dahil mas sanay ka nang gamitin ito. Dapat ay
pareho nang handa ang tagahawak at tagasubok bago pa
bitawan ang ruler o meter stick.

Mabilis ba o mabagal ang reaction time mo? Mas mataas ba


ito sa mga panghuling beses mo ng pagsubok dito?

Ang flexibility naman ang iyong susubuking alamin.

9. Sit and Reach (Flexibility) – pag-unat sa abot ng makakaya ng


iyong kalamnan sa pata (likod ng hita), binti, at likod.
a. Umupo sa sahig na may panukat sa
pagitan ng mga binti at sumandal
sa dingding. Iunat ang mga braso sa
harap na magkapatong ang mga

15
kamay. Itapat ang 0 (zero) na marka sa dulo ng mga daliri.
b. Iunat ang katawan paharap at pababa sa panukat nang
hindi niyuyugyog ang katawan patalikod at paharap.
Subuking mahawakan ito ng daliri.
c. Gawin ito nang dalawang beses. Itala ang average na iskor
(sentimetro/cm.)

Malayo ba ang naabot mo? Nakaramdam ka ba ng sakit o


kirot sa pata (likod ng hita), binti, o likod? Bakit kaya?

10. Vertical Jump (Power) – puwersa na maibubuhos sa pagtalon


nang mataas
a. Hawak ang yeso (chalk), tumayo sa tabi ng
dingding na may panukat.
b. Itaas ang braso ng iyong panulat na kamay
at itapat ang mga daliri sa panukat.
c. Itala ang sukat (sentimetro/cm.) sa tapat ng
gitnang daliri. Ito ay ang iyong standing
reach height.
d. Lumundag nang mataas sa abot ng iyong
makakaya at siguraduhing maimarka sa
dingding ang yeso (chalk). Kunin ang sukat
at ibawas ito sa standing reach height. Itala
ang sukat na nakuha.
e. Gawin ito ng dalawang beses at itala ang pinakamataas
nakuha.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagmarka sa


dingding ngunit mas mainam kung ang iyong kamay na
panulat ang iyong gagamitin dahil mas sanay ka nang
gamitin ito. Dapat ay may sapat na taas ang dingding na
gagamitin para mailagay ang panukat.

16
Tumaas ba ang iyong talon sa pangalawang pagsubok? Ano
ang ginawa mo para tumaas pa ito?

Isaisip

Ang pagsubok sa mga sangkap (components) ng physical


fitness ay nakatutulong upang malaman ang estado ng
physical fitness. Mahalagang matukoy kung anong sangkap
ang napauunlad nang mahusay ng mga pang-araw-araw na
gawain at kung anong sangkap naman ang dapat pang
pagtuunan ng pansin. Ang layunin ng pre-test ay maitala ang
kasalukuyang estado ng physical fitness. Sa pamamagitan
ng pakikilahok sa mga gawain sa aralin tulad ng isports, laro,
sayaw, at iba pa sa loob at maging sa labas ng paaralan,
inaasahang mapauunlad ang resulta o iskor sa pre-test.
Malalaman ang pag-unlad na ito sa dulo ng aralin gamit ang
post-test.

Isagawa
(PRE-TEST)

Shuttle
run

Wall test
Vertical
Jump

Seat and Ruler drop


reach 17
LIMANG PAGSUBOK

Tandaan na dapat mauna ang shuttle run para hindi pa pagod ang
susubok nito. Dapat namang mahuli ang vertical jump para may
sapat na pahinga ang mga hita at binti pagkatapos ng shuttle run.
Ang alternate hand wall test, ruler drop test, at sit and reach ay
maaaring mag-iba-iba ng pagkakasunod-sunod.

Bukod sa mga pagsubok na iyong ginawa, mayroong pang isang


sangkap ng physical fitness na dapat bigyan ng pansin. Ito ang
body composition. Ang isa sa pinakamadaling paraan para
masukat ito sa pamamagitan ng pagkuha ng iyong timbang at
taas. Ang paraang ito ay tinatawag na Body Mass Index (BMI).
Sinasabi ng BMI na may rekomendadong timbang batay sa taas
ng isang tao.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap at bilugan ang


tamang titik.

1. Ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong


tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa
na kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar o sa pag-ikot
sa ere ay tinatawag na___________.

a. Balance c. Body Composition


b. Endurance d. Flexibility

1
2. Ang kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan
nang mabilisan at paayon sa pagkilos ay tinatawag na_________.

a. Balance c. Body Composition


b. Endurance d. Flexibility

3. Ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na


gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman
hanggang mataas na antas ng kahirapan ay tinatawag
na____________.

a. Body Composition c. Cardiovascular


b. Endurance d. Flexibility

4. Ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa


pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan ay
tinatawag na____________.

a. Body Composition c. Cardiovascular


b. Endurance d. Flexibility

5. Ang dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto) sa


katawan ay tinatawag na_______________.

a. Balance c. Body Composition


b. Endurance d. Flexibility

Karagdagang Gawain

Sa larong hagisan ng bola, ano-ano ang mga sangkap ng physical


fitness ang palagiang ginagamit. Papaano?

2
3
Tayahin
1. A
2. A
3. C
4. D
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

100 meter dash clipart - Clip art library. (n.d.). Free Clip art - Clip Art Collection -
Download Clipart on Clipart Library. https://clipart-
library.com/clipart/236090.htm
Baseline sit-and-reach box. (n.d.). Physical Enterprise.
https://physicalenterprise.com/baseline-sit-and-reach-box/
Depositphotos. (n.d.). Black white vector illustration woman silhouettes Womens
different weight normal. https://depositphotos.com/265451890/stock-
illustration-black-white-vector-illustration-woman.html
Download HD boy running HTTP Www Wpclipart com cartoon people kids - People
running cartoon transparent PNG image - NicePNG.com. (n.d.). NicePNG.com.
https://www.nicepng.com/maxp/u2q8r5y3a9t4a9e6/
The experiment. (n.d.). Year 10 Investigation Task.
https://cindyzhanginvestigation.weebly.com/the-experiment.html
Forniz, G. M., Jimeno, R. T., Meneses Jr., S. F., Evangelista, T. T., Santos,
PhD, G. V., Sabas, J. B., Peña, R. B., & Ampong, A. B. (2015). Pagpapatuloy
sa mga Gawaing Makapagpapaunlad ng Physical Fitness. In Edukasyong
Pangkatawan at Pangkalusugan- Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-
aaral (pp. 24-39). vicarish ublication and trading, Inc.
HAND-EYE coordination: Ball toss challenge on Konkura. (n.d.).
https://konkura.com/challenge/?uid=22975f3a-1563-42d3-ac3d-
47ab25bdf130
(n.d.). Pinterest. https://www.pinterest.com/pin/377880224966939833/
Shuttle run. (n.d.). Education-Health-Science. https://education-health-
science.blogspot.com/p/shuttle-run.html
Silhouette of a man doing push UPS stock vector - Illustration of silhouette, pose:
133300977. (2018, December 4). Dreamstime.
https://www.dreamstime.com/silhouette-man-doing-push-ups-black-
silhouette-man-doing-push-ups-isolated-white-background-
image133300977
Sit UPS clipart black and white - Clip art library. (n.d.). Free Clip art - Clip Art
Collection - Download Clipart on Clipart Library. https://clipart-
library.com/clipart/1197943.htm
Standing long Jump steps sequence health fitness exercise PE secondary. (n.d.).
Twinkl. https://www.twinkl.com/illustration/standing-long-jump-steps-
sequence-health-fitness-exercise-pe-secondary
Stork balance steps sequence health fitness exercise PE secondary BW RGB. (n.d.).
Twinkl. https://www.twinkl.com/illustration/stork-balance-steps-sequence-
health-fitness-exercise-pe-secondary-bw-rgb
Writing black and white - Clip art library. (n.d.). Free Clip art - Clip Art Collection -
Download Clipart on Clipart Library. https://clipart-
library.com/clipart/kiKBMXgRT.htm
Ww1.speechfoodie.com. (n.d.). Step up fitness test. Cake Ideas.
https://ww1.speechfoodie.com/step-up-fitness-test/

4
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing
layunin na inihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng Modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELCS) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito
ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

5
6

You might also like