You are on page 1of 13

Elementary

Baitang 5
tang 3
Music, Arts, Physical Education and Health

KAMAPEHMILYA
Kagamitang Angkop sa Malikhain at Aktibong Pagsasanay sa Edukasyong Hahasa sa Mag-aaral
upang Isaalang-alang ang Lahat ng Yamang Angkin
Physical
Physical Education Education-Week
5 – Quarter 1 - Week 3 3

Naisasagawa ang Iba’t-ibang Kasanayan na


Kasali saLaro
(Batuhang Bola)

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Physical Education - Baitang 5
Eduksyong Pangkatawan at Pangkalusugan
Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang Physical Education Guide o anumang bahagi nito ay inilathala


upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay higit
na ipinagbabawal.

Development Team of the P.E. Learning Guide

Author/Writer: Joy B. Porras

Editors: Dr. Ma. Fe L. Brillantes


Katheryn F. Tamayo
Illustrator: Marc Clemens J. Ortaliz
Layout Artist: Lilibeth E. Larupay
Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay
Dr. Ma. Fe L. Brillantes
Niel C. Cortuna, Ian Paul L. Edang
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo
Dr. Nordy D. Siason
Dr. Lilibeth T. Estoque
Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque
Lilibeth E. Larupay
Dr. Ma. Fe L. Brillantes

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education, Baitang 5.

Ang Physical Education Guide ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo,


nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang maipamalas ang kahalagahan ng P.E. sa pang-
araw-araw na pamumuhay, kaugalian at kultura sa pamamagitan ng mga
angkop na kilos kaugnay ng mga physical activity.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Physical Education Guide na ito ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa.
Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga
mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa Learning
Guide na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang P.E. Learning Guide na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon
ka ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob
dito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Batuhang Bola

Kompetensi:

●Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng


Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness) batay sa Philippines Physical
activity Pyramid PE5PF-Ib-H-18
● Nakamamasid sa mga pag iingat sa kaligtasanPE5GS-Ib-h-3
● Naisasagawa ang ibat ibang kasanayan na kasali sa laroPE5GS-Ic-
h-4
● Naipakikita ang kasiyahan, paggalang at pantay na paglalaro sa
pakikisali sa kasanayang pisikalPE5PF-Ib-h-20

PAUNANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik na may
tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano-anong mga kasanayan ang kailangan sa larong Batuhang


Bola?
A. pagtakbo, pag-iwas at pagbato
B. pag-iwas, paglundag at paghagis
C. paggulong, pagiwas at paglundag
D. pagtakbo, paglundag at paggulong

2. Ang larong batuhang bola ay isang larong Pinoy na hango sa


Amerikanong larong_______________.
A. baseball B. volleyball C. softball D. dodgeball

3. Ilang grupo ng mga manlalaro ang kailangan sa larong Batuhang


bola?
A. Isa B. Dalawa C. Talo D. Apat

4. Sa paglalaro ng batuhang bola, kailangan ang galing sa


_____________.
A. pagsalo, pagpasa at pagpalo
B. pag iwas, pagsalo at pag takbo
C. pagtakbo, pagsipa at pagpasa
D. pagtakbo, pagdribol at pagsipa

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
5. Anong uri ng bola ang dapat gamitin sa paglalaro ng Batuhang
Bola?
A. malaking bola C. malambot na bola
B. matigas na bola D. mabigat na bola

6. Ilang minuto ang dapat itagal ng larong batuhang bola?


A. apat hanggang limang minuto
B. dalawa hanggang tatlong minuto
C. lima hanggang sampung minuto
D. hanggang pitong minuto

7. Ang paglalaro ng batuhang bola ay mainam na paraan upang


malinang o mapaunlad ang ____________________.
A. kahukutan C. tatag ng kalamnan
B. Lakas ng klalamnan D. Tatag ng puso at baga

8. Aling paraan ang maaring luminang ng tatag ng puso at baga?


A. curl-ups B. push-up C. 3-minute step test D. Sit and reach

9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng gawain na


nagpapatatag ng puso?
A. pag-akyat sa hagdanan C. pagtulak sa isang bagay
B. pagbubuhat nang paulit ulit D. pagpalo nang malakas sa bola

10-15. Bilugan ang titik ng bawat gawain sa ibaba na nagpapakita ng


mabuting kaugalian ng isang manlalaro:
A. Pagtulong sa mga gawaing pangkatan.
B. Pagsunod sa mga alituntunin ng laro.
C. Maglaro nang may kasiyahan.
D. Magmasid sa mga alituntuning pangkaligtasan.
E. Paggalang sa mga kasamahan sa laro.
F. Mandaya para manalo.
G. Pagtanggap ng pagkatalo

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
INTRODUKSIYON
Sa araling ito, ang larong pagtutuunan ng pansin ay isang larong
nangangailangan ng mga kasanayang pagtakbo, pag-iwas, pagbato,
at pagsalo na nakalilinang o nagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng
puso (cardiovascular endurance) at power.

BALIK-ARAL

Sagutin ang nga tanong tungkol sa nakaraang leksiyon.

1. Anong kakayahan ang kailangan mo upang makalundag nang


mataas at maabot ang mga matataas na bagay?
2. Anong laro ang maaring luminang ng power?
3. Sa anong paraan naipapakita ang iyong power sa larong kickball?
4. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang ipakita ang
power na larong kickball?

PAG-ARALAN MO

Tingnan ang larawan sa ibaba at alamin ang tungkol dito.

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Ano ang kanilang ginawa?
Kaya mo bang maglaro nito?
Masayang laro ba ito?
Ano kayang mga sangkap ng kaangkupang pisikal ang kakailanganin
mo sa paglalaro nito?

BATUHANG BOLA

Mga Kagamitan:

●Malambot na bola o ginusot na papel na binilog o lumang medyas


na pinagsama-sama

●Yeso o chalk

Paraan ng Paglalaro:

1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t isa.


Magmanuhan ang lider ng bawat pangkat. Ang mananalo ay pilpili
kung magiging unang tagataya o tagaiwas.

2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato sa


tagaiwas. Ang tagaiwas ay tatayo sa gitna ng palaruan sa pagitan ng
dalawang guhit.

3. Ang bawat tatamaan ng bola ay “out” na. Maari itong buhayin


upang makabalik sa laro kung masasaulo ng kamiyembro ang bolang
binato.

4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito sa


loob ng tatlo hanggang limang direktang pagbato. Kung hindi ito
nagawa, mabubuhay ang lahat ng kamiyembro na “out”. Kung nataya
naman, magpapalit ng posisyon ang magkabilang pangkat at uulitin
ang paraan ng paglalaro.

5. Ang bawat yugto ng laro ay magtatagal hanggang limang minuto.

6. Kung sa loob ng apat hanggang limang minute ay hindi lang isang


tagaiwas ang natitira, ang bilangg ng natamaang miyembro ang
bibilangin. Ang pangkat na may pinakamaraming miyembro ang
natamaan sa loob ng apat hanggang limang minuto ang siyang
panalo.

Gawain:

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-anong mga kasanayan ang kailangan sa larong Batuhang


Bola?
2. Bakit kailangan natin malaman ang mga kasanayan na iyan?
3. Sa iyong palagay, bakit napakahalaga ang laro sa buhay ng
isang bata?

PAGSANAYAN MO
Gawain 1.

Lagyan ng gawaing pisikal ang pyramid base sa


Philippines Physical Pyramid Guide. Kunin ang sagot sa kahon.

Paglakad patungo sa paaralan, paghiga, paglaro gamit ang telepono,


pag-akyat sa kahoy, pagfacebook gamit ang tablet, pagbiseklita sa parke,
paglakad kasama ang alagang aso, paglaro ng batuhang bola,
pagsasayaw, pagtumbling, paglaro ng basketball

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Gawain 2

Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap kung ito ay nagsasad tungkol sa


sa pag-iingat sa kaligtasan at ekis (X) naman kung hindi.

1. Pagsunod sa pamamaraan ng laro


2. Pagsuot ng uniporme habang naglalaro
3. Kailangan mag-ingat sa lahat ng gawaing pisikal
4. Marunong rumespito sa kapwa
5. Paglaro sa palaruan na may maraming bato at kalat ng basura

Gawain 3

Gawin ang mga sumusunod na warm-up exercise:

1. Pag jogging nang limang ikot sa palaruan

2. Head Twist
Tumayo nang bahagyang nakabuka ang mga paa at ang mga
kamay ay nasa baywang.
A. Ibaling ang ulo sa kanan – bilang 1
B. Bumalik sa posisyon – bilang 2
C. Ibaling ang ulo sa kaliwa – bilang 3
D. Bumalik sa posisyon – bilang 4
E. Ulitin mula sa A-D – 16 na bilang

3. Shoulder rotation

Tumayo nang bahagyang nakabuka ang mga paa,


nakapatong sa balikat ang mga kamay at tuwid ang ulo
A. Paikutin ang balikat paharap – 8 beses
B. Paikutin ang balikat patalikod – 8 beses
C. Ulitin mula A – B – 16 beses

4. Arm circles

Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga braso


A. Iunat ang mga braso sa gilid na pantay sa balikat at paikutin
paharap – 8 beses
B. Paikutin pabalik – 8 beses
C. Ulitin ang A nang malaki ang bilog – 8 beses
D. Paikutin nang pabalik katulad sa C – 8 beses

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
5. Half-knee bend

Tumayo nang tuwid at nasa baywang ang mga kamay


A. Dahan-dahang ibaluktot ang mga tuhod – 8 na bilang
B. Iunat ang tuhod – 8 na bilang
c. Ulitin ang A at B nang tatlong beses

6. Jumping Jack

Tumayo nang magkadikit ang paa at nasa gilid ang mga kamay
A. Tumalon at ibuka ang mga binti kasabay ng pagpalakpak ng mga
kamay sa ibabaw ng ulo – bilang 1
B. Bumalik sa panimulang posisyon – bilang 2
C. Ulitin ang A at B nang 3 Beses – 6 na bilang
D. Ulitin ang A – C – 8 bilang

ISAISIP MO
Ang paglalaro ng batuhang bola ay mainam na paraan upang
malinang o mapaunlad ang tatag ng kalamnan (cardiovascular
endurance) at power.

Ang mga kasanayan sa larong ito gaya ng pagsalo, pagtakbo,


pag iwas at pagbato ang siyang mga gawaing makatutulong sa
paglinang ng mga sangkap (component) ng physical fitness.
Makabubuti para sa kalusugan kung madalas ang pakikilahok sa
ganitong uri ng mga gawain ng batang katulad mo.

SUBUKIN MO
Maglaro ng Batuhang Bola kasama ang mga kaibigan.

Suriin ang iyong pakikilahok sa batuhang bola. Lagyan ng tsek (/)


ang akma sa ipinakita mong kagalingan.

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Pinaka Mas Bahagyang Hindi
Mga
Mahusay Mahusay Mahusay Mahusay Mahusay
Kasanayan
(5) (4) (3) (2) (1)

Pagtakbo

Pag iwas

Pagsalo

Pagbato

HULING PASUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik na may
tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang larong batuhang bola ay isang larong Pinoy na hango sa


Amerikanong larong _______________.
A. baseball B. volleyball C. softball D. dodgeball

2.Ano-anong mga kasanayan ang kailangan sa larong Batuhang


Bola?
A. pagtakbo, pag-iwas at pagbato
B. pag-iwas, paglundag at paghagis
C. paggulong, pagiwas at paglundag
D. pagtakbo, paglundag at paggulong

3. Anong uri ng bola ang dapat gamitin sa paglalaro ng Batuhang


Bola?
A. malaking bola C. malambot na bola
B. matigas na bola D. mabigat na bola

4. Ilang minuto ang dapat itagal ng larong batuhang bola?


A. apat hanggang limang minuto
B. dalawa hanggang tatlong minuto
C. lima hanggang sampung minuto
D. hanggang pitong minuto

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
5. Ilang grupo ng mga manlalaro ang kailangan sa larong Batuhang
bola?
A. Isa B. Dalawa C. Talo D. Apat

6. Sa paglalaro ng batuhang bola, kailangan ang galing sa


_____________.
A. pagsalo, pagpasa at pagpalo
B. pag iwas, pagsalo at pag takbo
C. pagtakbo, pagsipa at pagpasa
D. pagtakbo, pagdribol at pagsipa

7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng gawain na


nagpapatatag ng puso?
A. pag-akyat sa hagdanan C. pagtulak sa isang bagay
B. pagbubuhat nang paulit ulit D. pagpalo nang malakas sa bola

8. Ang paglalaro ng batuhang bola ay mainam na paraan upang


malinang o mapaunlad ang ____________________.
A. kahukutan C. tatag ng kalamnan
B. Lakas ng kalamnan D. Tatag ng puso at baga

9. Aling paraan ang maaring luminang ng tatag ng puso at baga?


A. curl-ups B. push-up C. 3-minute step test D. Sit and reach

10-15. Bilugan ang titik ng bawat gawain sa ibaba na nagpapakita ng


mabuting kaugalian ng isang manlalaro:
A. Mandaya para manalo.
B. Pagtanggap ng pagkatalo
C. Maglaro nang may kasiyahan
D. Pagsunod sa mga alituntunin ng laro.
E. Paggalang sa mga kasamahan sa laro.
F. Pagtulong sa mga gawaing pangkatan.
G. Magmasid sa mga alituntuning pangkaligtasan.

Halintang 5-Edukasyong Pisikal


Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
batay sa Philippines Physical activity Pyramid PE5PF-lb-h-18
Kompetensi: Nakikilahok at napahahalagahan ang Pagsasagawa ng Kaangkupang Pisikal (Physical Fitness)
Halintang 5-Edukasyong Pisikal
Pagsanayan Gawain 1
1
2
3
4
1. Paghiga, paglaro gamit ang telepono, pagfacebook gamit ang tablet
2. Pag-akyat sa kahoy, pagtumbling, pagsasayaw
3. Pagbiseklita sa parke, paglaro ng basketball, paglaro ng batuhang bola
4. Paglakad patungong paaralan, paglakad kasama ang alagang aso
Gawain 2
1. /
2. X
3. /
4. /
5. X
Pag-aralan M0 Huling Pagsusulit Unang Pagsusulit
1. Pagsalo, 1. D 1. A
pagtakbo, pag- 2. A 2. D
iwas at pagbato 3. C 3. B
2. Depende sa 4. C 4. B
sagot ng bata 5. B 5. C
3. Depende sa 6. A 6. C
sagot ng bata 7. A 7. C
8. C 8. C
9. C 9. A
10. B, C, D, E, F, G, 10. A, B, C, D, E, G
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like