You are on page 1of 32

1

Physical
Education
Unang Markahan-Modyul 2:
Pagbalanse ng Katawan
Physical Education – Unang Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 2: Pagbalanse ng Katawan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Vineza C. Solidanio
Editor: Marybeth F. Palma
Tagasuri: Marybeth F. Palma
Tagaguhit: Vineza C. Solidanio
Tagalapat: Vineza C. Solidanio, Jim Ryan S. Dela Cruz
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang- ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag, Jr. – REPS, MAPEH
Ismael M. Ambalgan – Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Nelly S. Bragado – EPS, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1
Physical
Education
Unang Markahan-Modyul 2:
Pagbalanse ng Katawan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education 1
ng Self-Learning Module para sa araling Pagbalanse ng
Katawan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Physical Education 1 ng Self-
Learning Module ukol sa Pagbalanse ng Katawan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

v
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa
iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang araw! Alam mo ba na ang mga bahagi


ng ating katawan na iyong natutunan mula sa
nakaraang modyul ay maaaring magamit sa
pagbabalanse? Ang mga larawan sa ibaba ay ilan sa
mga halimbawa ng kasanayan sa pagbalanse ng
katawan

Dalawang braso, isang tuhod

Isang kamay, dalawang paa

Pagtayo sa isang paa na


nakataas ang dalawang braso
at pantay ang balikat

Sa modyul na ito ay masaya mong matututunan


ang pagbabalanse gamit ang isa hanggang limang
bahagi ng katawan.
1
Subukin

Paunang Pagsusulit

Panuto: Suriin ang larawan na tinutukoy sa bawat bilang.


Bilugan ang titik ng tamang sagot sa kalakip na
sanayang papel.

1. Ilang bahagi ng katawan ang nasa sahig?

a. 1
b. 2
c. 3

2. Anong bahagi ng katawan ang


ginagamit sa paglalakad?

a. kamay
b. paa
c. ulo

3. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng


pagbabalanse gamit ang isang paa?

a. b. c.

2
4. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pag-unat
ng katawan?

a. b. c.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pagbalanse ng katawan?

a. b. c.

3
Aralin
Pagbalanse ng Katawan
1
Mahalaga ang pagbalanse ng katawan upang
maiwasan ang aksidente sa katawan. Ang mga
gawaing pisikal tulad ng pagtayo, pagyuko, pag-unat
at iba pa ay nangangailangan ng pagbalanse ng
katawan.

Balikan

Kumusta ka na? Natatandaan mo pa ba ang iyong


napag-aralan mula sa nakaraang modyul tungkol sa
mga bahagi ng katawan at ang paglikha ng mga hugis
gamit ang kilos di-lokomotor?

 ulo
 balikat
 braso
 kamay
 daliri
 katawan
 dibdib
 hita
 tuhod
 paa

4
Ngayon, gagamitin mo ang iyong natutunan
mula sa nakaraang modyul sa kasanayang
pagbalanse ng katawan. Handa ka na ba?

Mga Tala para sa Guro


Sa modyul na ito ay iba’t ibang galaw
ang iyong masusubukan. Maaari lamang na
magsuot ng damit na pang-isports o
anumang kasuotang kumportable sa
paggalaw.
Huwag pilitin ang sarili na gawin ang
mga kasanayan kung may karamdaman.
Humingi ng tulong sa mga magulang o
nakatatanda na kasama sa bahay kung
kinakailangan.

5
Tuklasin

Tayo nang Umawit at Sumayaw

Awitin at sayawin ang kantang


“Tayo’y Mag-ehersisyo” ni Leonora P. Valera. Sundan
ang bawat galaw na Ipinapakita sa larawan o
maaaring sumunod sa link na ito: https://youtu.be/-
AkZ2ZpSaAs. Maaari naman itong bigkasin o basahin
kapag hindi pamilyar sa inyo ang awiting ito at sundan
din ang galaw na ipinapakita sa larawan.

Simulan ang gawain nang buong sigla.


Kung kaya’t ang katawan ay ihanda na.
Tayo’y mag-ehersisyo, ulo hanggang paa.
Isa, dalawa, tatlo tayo’y mag-umpisa.

Dahan-dahan ang ulo ay iikot.


Iikot dahan-dahan ang ulo mong bilog.
Ang balikat iikot sa iyong harap.
Bumilang hanggang walo ulit-ulitin mo.

Ang ating bewang iikot at hawakan.


Iikot ng iikot katawan ay lulusog.
Maglakad ka gamit ang iyong paa.
Lumakad ng marahan, kaliwa at kanan.

6
Tumakbo, tumakbo tayo ay tumakbo.
Tumalon, tumalon tayo ay tumalon.
Tumakbo, tumakbo tayo ay tumakbo.
Tumalon, tumalon tayo ay tumalon.

Maglakad ka gamit ang iyong paa.


Lumakad ng marahan, kaliwa at kanan.
Ang kamay sa bewang ilagay.
Huminga tayo ng sabay-sabay.

7
Suriin

Tara nang Subukin

Mahalaga ang ehersisyo sa pagpapalakas ng


ating katawan. Isang halimbawa nito ang pagbalanse
ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Maaari mong
subukin ang mga halimbawa ng nasa larawan.

Tumayo ng matuwid at ibaluktot ang katawan,


pakanan, pakaliwa, papunta sa unahan at likuran.

Mula sa patayong posisyon, itaas nang bahagya


ang isang paa sa unahan, tagiliran, at likuran.

8
Pagtayo sa isang paa na
nakataas ang dalawag
braso at pantay ang balikat

Dalawang braso, isang


tuhod

Isang kamay, dalawang


paa

9
Pagyamanin

Gawain 1: Sabayan Mo!

Subukin ang mga kasanayan sa pagbalanse ng


katawan. Maghanap ng kasama na siyang
maglalagay ng tsek sa kahon kung ito ay
naisagawa mo ng tama at ekis kung hindi sa
kalakip na sanayang papel.

10
Gawain 2: Tukuyin Mo!

Panuto: Tingnan nang mabuti ang larawan sa bawat


bilang at bilugan ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang
iyong sagot sa kalakip na sanayang papel.

1.

a. Pagbalanse gamit ang ulo


b. Pagbalanse gamit ang isang paa
c. Pagbalanse gamit ang dalawang kamay at tuhod

11
2.

a. Pagbalanse gamit ang dalawang kamay at isang


paa
b. Pagbalanse gamit ang isang tuhod at dalawang
kamay
c. Pagbalanse gamit ang isang kamay at dalawang
paa

3.

a. Pagtayo ng matuwid
b. Paglakad tayo gamit ang isang paa
c. Pag-unat ng katawan pakaliwa at pakanan

4.

a. Pagbalanse gamit ang isang kamay at isang paa


b. Pagbalanse gamit ang dalawang kamay at isang
tuhod
c. Pagbalanse gamit ang dalawang kamay at
dalawang tuhod

12
5.

a. Pagtayo ng matuwid
b. Pag-unat ng katawan pakaliwa
c. Pagyuko ng katawan papunta sa unahan

Isaisip

Gawain 1: Kulayan mo!

Panuto: Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng


pagbalanse ng katawan. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

1.

13
2.

3.

4.

5.

14
Gawain 2: Tamang Gawi!

Panuto: Iguhit sa kahon ang tala kung mabuti sa


katawan ang kasanayang isinasaad sa bawat bilang
at bilog kung hindi. Ilagay ang sagot sa kalakip na
sanayang papel.

_____1. 1. Pag-unat ng katawan tuwing umaga

_____2. 2. Panunood ng telebisyon buong maghapon

_____3. 3. Paglalakad sa parke o palaruan

_____4. 4. Paglalaro ng cellphone buong araw

_____5. 5. Pag-eehersisyo

15
Isagawa

Gawain 1: Subukin Natin!

Sa pang-araw-araw na gawain, may mga kilos na


nagpapakita ng pagbalanse gamit ang iba’t ibang
bahagi ng katawan. Ano ang iyong naramdaman
matapos isagawa ang mga kasanayan sa pagbalanse
ng iyong katawan?

Panuto: Iguhit sa kahon ang mukhang masaya


kung naisagawa nang madali ang pagbalanse ng
katawan at nakasimangot naman kung ito ay
mahirap. Ilagay ang sagot sa kalakip na sanayang
papel.

16
Gawain 2: Gamit ng Bahagi ng Katawan

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng katawan ang


ginagamit sa kasanayan sa bawat larawan na may
pagbalanse ng katawan. Isulat ang sagot sa sanayang
papel.

1. Pagsipa ng bola

a. kamay b. paa c. ulo

17
2. Paghagis ng bola

a. kamay b. paa c. ulo

3. Pagyuko papunta sa harapan

a. balikat b. bewang c. paa

4. Pagmartsa sa iisang lugar

a. braso b. paa c. ulo

5. Pagtalon sa iisang lugar

a. balikat b. kamay c. paa

18
Tayahin

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng larawan na tinutukoy sa bawat


bilang. Isulat ang sagot sa kalakip na sanayang papel.

1. Pagbalanse gamit ang isang paa

a. b. c.

2. Pagbalanse gamit ang dalawang kamay at isang


tuhod

a. b. c.

3. Pagbalanse gamit ang dalawang paa at isang


kamay

a. b. c.

4. Paggalaw ng katawan pakaliwa at pakanan

a. b. c.

19
5. Pagsasagawa ng pagbalanse ng katawan

a. b. c.

Karagdagang Gawain

Tara na at Gumalaw

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na kasanayan sa


pagbalanse ng katawan.

Pag-unat ng katawan pakaliwa


1. pakanan ng 10 bilang

Pag-angat ng kaliwang paa ng 5


2.
bilang, at kanang paa ng 5
bilang

3. Pag-ikot ng dalawang braso ng 8


bilang paharap at 8 bilang
palikuran

Pag-unat ng katawan papunta sa


4. harapan at likuran ng 10 bilang

Pagbalanse gamit ang dalawang


5. kamay at isang tuhod

20
Panuto: Suriin ang iyong pagsagawa ng gawain.
Lagyan ng tsek ( √ ) ang akma sa iyong ipinakita.

Mga Kasanayan Mahusay Bahagyang Hindi


Mahusay Mahusay
(5) (4) (3)
Pag-unat ng katawan
pakaliwa pakanan ng
10 bilang

Pag-angat ng
kaliwang paa ng 5
bilang at kanang paa
naman ng 5 bilang
Pag-ikot ng
dalawang braso ng 8
bilang paharap at 8
bilang palikuran
Pag-unat ng katawan
papunta sa harapan
at likuran ng 10 bilang

Pagbalanse gamit
ang dalawang
kamay at isang tuhod

21
22
Subukin Pagyamanin Isaisip
Gawain 1 Gawain 1
1. c Ang sagot ay 1. May kulay
2. b
batay sa 2. Walang kulay
3. a
4. b kakayahang 3. May kulay
5. c naisagawa. 4. May kulay
5. Walang kulay
Gawain 2 Gawain 2
1. b 1.
2. c 2. O
3. c 3.
4. b 4. O
5. c 5.
Isagawa Tayahin Karagdagang
Gawain 1 Gawain
Ang sagot ay 1. a
2. c Ang sagot ay
batay sa
3. b batay sa
kakayahang 4. c kakayahang
naisagawa. 5. a naisagawa.
Gawain 2
1. b
2. a
3. b
4. b
5. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Favila, Salve A., Phd. Music, Art, Physical Eucation and


Health - Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Pasig
City. DepEd Instructional Materials Council Secretariat,
2013.

Ong, Zaldy. Tayo'y Mag-ehersisyo. January 16, 2019.


https://youtu.be/_UKStXbWgVc.

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

24

You might also like