Professional Documents
Culture Documents
Physical
Education
Unang Markahan – Modyul 1:
Hugis ng Katawan
Physical Education – Unang Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Hugis ng Katawan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pangkatawan 1 ng
Self-Learning Module ukol sa Hugis ng Katawan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!
vi
Alamin
1
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang matutunan
ang mga sumusunod na layunin:
1. Natutukoy ang mga hugis na maaaring malikha
ng mga bahagi ng katawan
2. Nakalilikha ng mga hugis gamit ang iba’t ibang
bahagi ng katawan (PE1BM-Ic-d-2)
3. Naisasagawa ang mga kawili-wiling gawain na
may koordinasyon (PE1PF-Ia-h-2)
Subukin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Sagutin ito sa
kalakip na sanayang papel.
1. Pinaikot-ikot ni Miko ang kanyang paa sa lupa.
Anong hugis kaya ang kanyang nagawa?
a.
b.
c.
2
2. Gamit ang lapis, nakagawa si Kara ng hugis na
makikita sa papel. Anong hugis ang nabuo niya?
a. parisukat
b. puso
c. tatsulok
a. b. c.
a. b. c.
a. Hindi.
b. Oo.
c. Siguro.
3
Aralin
1 Hugis ng Katawan
Balikan
Nasagutan mo ba lahat ng mga tanong? Mahusay!
Tingnan nga natin kung naaalala mo pa ang iyong
napag-aralan tungkol sa mga bahagi ng katawan.
Ano-ano ang mga bahagi ng ating katawan?
Matutukoy mo pa kaya nang tama ang mga ito sa
katawan nina Ben at Ana?
4
Mga Tala para sa Guro
Maaaring magsuot ng kumportableng
damit sa paggawa ng mga gawain na
masusubok ang iba’t ibang galaw.
Huwag pilitin ang mga mag-aaral
kapag hindi kaya ang mga gawain.
Paaalalahanan ang mga magulang na
subaybayan ang kanilang mga anak sa
paggawa ng mga gawain sa modyul na ito.
Tuklasin
Awitin natin ang “Mga Hugis.”
Mga Hugis
(Tono: Row Your Boat)
Bilog, Biluhaba
Pati Tatsulok
Dyamante, Parihaba
Parisukat
(Ulitin ng 2 beses)
5
Naawit mo ba ang “Mga Hugis” nang maayos? Ano-
anong mga hugis ang natutunan mo sa awit?
Maiguguhit mo ba ang mga hugis na ito gamit ang
iba’t ibang bahagi ng iyong katawan? Kayang-kaya mo
ba itong gawin? Kung handa ka na, tayo’y magsisimula
na!
Suriin
Naaalala mo pa ba ang mahiwagang kahon ni
Yana? Ano-anong mga hugis ang laman nito? Ilan kaya
ang sulok at gilid ng bawat hugis? Umpisahan na natin.
May iba’t ibang hugis gaya ng bilog, parihaba,
parisukat, tatsulok, biluhaba, at dyamante.
Tara! ating alamin kung sino-sino sila.
6
Mabuhay! Ako naman si
parisukat. Gaya ni parihaba
may apat na sulok o gilid din
ako. Magkakapareho ang
sukat ng aking sulok at gilid.
7
Ngayon, pag-aralan mo naman kung makagagawa
ba ng iba’t ibang hugis ang ating katawan.
Makagagawa ka kaya ng ibat’ ibang hugis gamit
ang mga bahagi ng iyong katawan? Paano mo ito
gagawin?
Gaya ng iyong mga daliri, paa, siko, ulo, baywang,
at iba pa, kailangan lamang ikilos ang mga bahagi ng
katawan ayon sa hugis na gusto mong gawin.
Igiling lamang ang baywang
at paikut-ikutin ito. Tiyak
makagagawa ka ng bilog kapag
gagawin mo ito. Kaya mo ba?
Sundin lamang ang ginagawa ni
Mika sa ibaba.
Kahit anong hugis kaya mong
iguhit gamit ang iyong mga daliri
at lapis. Igalaw lamang ang mga
daliri at kamay. Gusto mong hugis
ay maiguguhit mong tunay.
8
Maaari ka ring makaguguhit o makagagawa ng
iba’t ibang hugis gamit ang iyong paa. Igalaw lamang ito
sa hugis na iyong gusto. Gaya ng larawan sa ibaba,
pinaiikot ni Lito ang kanyang paa para makaguhit ng
bilog sa lupa. Kaya mo rin ba itong gawin? Kaya mo rin
bang paikutin ang iyong paa para makagawa ng bilog?
9
Pagyamanin
Gawain 1 – Mga Hugis, Kilalanin Mo
Panuto: Pagtambalin ang mga hugis sa awiting “Mga
Hugis” sa kani-kanilang pangalan gamit ang linya. Gawin
ito sa kalakip na sanayang papel.
Hanay A Hanay B
1. ● bilog
2. ● dyamante
3. ● parihaba
4. ● parisukat
5. ● tatsulok
10
Gawain 2 – Pagdugtungin at Buuin
Panuto: Pagdugtungin ang mga linya upang mabuo ang
mga hugis gamit ang kamay at lapis. Buuin ang
pangalan ng mga hugis. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.
4. b ___ l ___ g
11
Gawain 3 – Galaw, Galaw, Hugis Lumitaw!
Panuto: Balikan natin ang awiting “Mga Hugis.” Habang
inaawit, gawin ang hinihingi ng mga sumusunod:
12
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Iguhit ang
kung ang sagot mo sa mga katanungan ay OO at
kung HINDI.
TANONG SAGOT
Isaisip
13
Panuto: Isulat ang mga nawawalang letra upang mabuo
ang iba’t ibang hugis. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.
1. b __ l __ g
2. p __ r i s __ k a t
3. p __ r i __ a b a
4. t __ t s __ l o k
5. b __ l u h __ b a
6. d __ a m __ n __ e
14
Isagawa
Gawain 4 – Mga Hugis, Iguhit Mo
Panuto: Gamit ang iyong lapis, iguhit ang mga iba’t
ibang hugis ayon sa awiting “Mga Hugis.” Kulayan at
lagyan ng pangalan ang mga ito. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.
15
Gawain 5 – Hugis ng Katawan Mo, Likha Mo
Panuto: Habang inaawit ang “Mga Hugis,” gumuhit ng
hugis na gusto mo gamit ang mga sumusunod na bahagi
ng katawan. Kilalanin ang mga hugis na ginawa.
1. daliri
2. paa
3. kamay
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Iguhit ang tsek ( √ )
kung ang sagot ay OO at ekis ( X ) naman kung HINDI.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.
TANONG OO HINDI
1. Naisagawa ko lahat na hinihingi
ng gawain.
2. Nakagawa ako ng mga hugis
gamit ang aking daliri, paa, at
kamay.
3. Nagkaroon ako ng interes na
matuto sa gawain.
Tayahin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Sagutin ito sa
kalakip na sanayang papel.
1. Aling hugis na may tatlong sulok at gilid ang iguguhit
ni Leo gamit ang kanyang ulo?
a. b. c.
16
2. Anong hugis ang iguguhit ni Elsa sa paggawa ng
parihabang tulay gamit ang kanyang paa?
a. b. c.
a. Ibaluktot ito.
b. Iunat ito.
c. Paikutin ito.
17
4. Anong hugis na may apat na gilid at sulok ang
iguguhit mo gamit ang iyong paa?
a.
b.
c.
a. bilog
b. parihaba
c. tatsulok
18
Karagdagang Gawain
Karagdagang Gawain 1 – Hanapin at Kulayan Mo
Panuto: Hanapin ang mga hugis na makikita sa awiting
“Mga Hugis.” Kulayan ang bilog ng kayumanggi, ang
tatsulok ng dilaw, ang parisukat ng asul, ang parihaba ng
lila, ang biluhaba ng dalandan, at ang dyamante ng
berde. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.
19
Karagdagang Gawain 2 – Buuin Mo
Panuto: Gamitin ang iyong kamay at mga daliri para
makabuo ng isang bahay sa loob ng kahon gamit ang
iba’t ibang hugis. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.
20
Karagdagang Gawain 3 – Isakilos Mo
Panuto: Isakilos ang bahagi ng katawan para makagawa
ng hugis. Sundin ang hakbang na ipinapakita sa larawan.
2. Kumuha ng papel at
lapis. Igalaw ang kamay at
gumuhit ng tatsulok.
21
3. Gamitin ang mga daliri
upang sa hangin, bilog ay
maiguhit.
22
Susi sa Pagwawasto
naisagawa. 5. a
kakayahang 4. a naisagawa.
batay sa 3. c kakayahang
Ang sagot ay 2. b batay sa
1. c Ang sagot ay
Gawain
Karagdagang Tayahin Isagawa
dyamante 6. 5. b
biluhaba 5.
naisagawa. 4. c
tatsulok 4.
parihaba 3. kakayahang 3. a
parisukat 2. batay sa 2. a
bilog 1. Ang sagot ay 1. a
Isaisip Pagyamanin Subukin
Sanggunian
Department of Education. K to 12 Curriculum Guide
Physical Education. May, 2016.
https://www.deped.gov.ph/wpcontent/uploads/2019/01/
PE-CG.pdf.
23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.