You are on page 1of 32

1

Physical Education
Ikaapat na Markahan-
Modyul 2:
Tumalon o Lumundag
nang Paulit-ulit, Pasulong-Paatras,
at Patagilid
Physical Education – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Tumalon o Lumundag nang Paulit-ulit, Pasulong-
Paatras, at Patagilid
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronald F. Ramirez
Editor: Nelly S. Bragado
Tagasuri: Nelly S. Bragado
Tagaguhit: Marvin P. Suarez
Tagalapat: Ronald F. Ramirez
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Atty. Nelyn B. Frinal – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. – REPS, MAPEH
Ismael M. Ambalgan – Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Nelly S. Bragado – EPS, MAPEH
Josevic F. Hurtada – EPS, ADM
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Physical
Education
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Tumalon o Lumundag
nang Paulit-ulit, Pasulong-
Paatras, at Patagilid
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong
Pangkatawan 1 ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling
Tumalon o Lumundag nang Paulit-ulit, Pasulong-Paatras, at
Patagilid!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pangkatawan 1 ng Self-
Learning Module (SLM) ukol sa Tumalon o Lumundag nang Paulit-
ulit, Pasulong-Paatras, at Patagilid!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka? Handa ka na ba sa


bagong aralin? Naranasan mo na bang maglaro ng
luksong-tinik? Kaya mo na bang tumalon o lumundag
gaya ng nasa larawan? Kung naransan mo na, nasiyahan
ka ba habang ginagawa ito?

Gaya ng nasa larawan, maaari kang tumalon o


lumundag sa ibabaw ng isang bagay na hindi
gumagalaw. Maaari mo itong gawin nang paulit-ulit,
pasulong, paatras o hindi kaya ay patagilid.

Gusto mo bang masubok ang iyong kakayahan sa


pagtalon o paglundag? Magaling!
1
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang matutunan
ang mga sumusunod na layunin:
1. naisasagawa ang pagtalon nang sunod-sunod at
ilang ulit sa ibabaw ng isang bagay na hindi
gumagalaw gamit ang kilos na pasulong-paatras
at patagilid (PE1BM-IVf-h-14);
2. nakikilahok sa mga kawili-wiling gawaing
pampisikal (PE1PF-IIIa-h-6); at
3. nakasusunod sa mga simpleng panuto at
panuntunan (PE1PF-IVa-h-10).

Subukin mo muna ang iyong paunang kaalaman


tungkol sa ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot ng
mga tanong. Handa ka na bang subukin ang iyong
kaalaman? Magaling! Magsimula ka na. Galingan mo
ha?

Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa iyong sanayang papel.
1. Ano ang maaaring mangyari kapag HINDI mo
sinunod ang mga panuto ng isang gawain?
a. Magtatagumpay ka.
b. Makakakuha ka ng mataas na marka.
c. Maaari kang maaksidente o masaktan.

2
2. Aling larawan ang nagpapakita ng paglundag o
pagtalon nang paulit-ulit, pasulong?

a.

b.

c.

3. Tatalon o lulundag si Ana sa ibabaw ng isang


bagay na hindi gumagalaw. Alin ang HINDI niya
maaaring gamitin?

a. b. c.

3
4. Ano ang dapat na gawin bago isagawa ang
pagtalon o paglundag?
a. Basahin muna ang mga panuto.
b. Gumawa ng panuto ayon sa sariling
kagustuhan.
c. Tumalon o lumundag kaagad kahit hindi pa
alam ang gagawin.

5. Aling larawan ang nagpapakita ng paglundaag


sa ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw?

a.

b.

c.

4
Aralin Pagtalon o Paglundag nang

1 Paulit-ulit, Pasulong-Paatras,
at Patagilid
Ang pagtalon o paglundag ay isang kawili-wiling
gawaing pisikal. Kaya mo itong gawin gamit ang iyong
mga paa at binti.

Balikan
Naaalala mo pa kaya ang iyong napag-aralan sa
nakaraang modyul? Balikan ito sa pamamagitan ng
pagsagot ng isang gawain. Simulan mo na!

1. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang kahon kung ang


larawan ay nagpapakita ng paggalaw at ekis ()
naman kung walang paggalaw.

1. 2. 3.

5
Mga Tala para sa Guro
Paaalalahanan ang mga mag-aaral na
magsuot ng kumportableng damit upang
maisagawa nang maayos ang mga gawain.
Paaalalahanan din ang mga magulang na
subaybayan ang kanilang mga anak sa pagsagot
ng modyul na ito.

Tuklasin
Simulan mo ang aralin sa pagsagot sa Gawain 1.
Handa ka na ba? Umpisahan mo na!
Gawain 1 – Gayahin Mo
Panuto: Gayahin ang kilos na ipinapakita sa mga
larawan.

Lumundag Pasulong Lumundag Paurong


Niasagawa mo ba ang paglundag nang pasulong
at paurong? Magaling!

6
Suriin

Anong kilos lokomotor ang iyong isinagawa batay sa


mga larawan na makikita sa pahina 6? Tama! Ito ay ang
paglundag, pagtalon, o paglukso.

Naranasan mo na ba ito? Paano mo kaya ito


ginawa?
Ang pagtalon o
paglundag ay ang pag-angat
gamit ang isa o dalawang
paa. Pagkatapos ay ang
paglapag sa sahig o lupa. Sa
paglapag, ibaluktot ang
tuhod.

Ang paglundag ay
maaaring pasulong, paurong, patagilid, pakanan,
pakaliwa, o paikot.

7
Maaari mong gawin ang pagtalon o paglundag sa
ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw gaya ng
patpat o stick o hula hoop.

patpat
hula hoop

Maaari ka ring gumamit ng iba pang mga bagay.


Tiyakin lamang na ito ay ligtas gamitin at hindi maging
sagabal sa pagsasagawa ng gawain.

Sa pagsagawa ng isang gawain, nararapat lamang


na sundin ana mga sumusunod:

Basahin at
unawaing
mabuti ang
panuto.

8
Isa-isahing
basahin ang
mga panuto
upang
maisagawa
nang tama.
ang gawain.

Kung may nakita o nabasang


panuto na STOP o HUMINTO,
tumigil muna sa pagtalon o
paglundag.

Samantala, kapag nakita o nabasa


naman ang GO, magpatuloy sa
pagtalon o paglundag.

9
Humingi ng
tulong sa
mga
magulang o
mga kapatid
kung hindi
naiintindihan
ang panuto.

Laging tandaan na ang pagsunod sa mga ito ay


makatutulong upang maiiwasan ang anumang
aksidente, maisasaayos ang paggawa ng isang gawain,
at mapapanatili ang kaligtasan sa paggawa.

Kaya mo kayang gawin ang pagtalon o paglundag


nang paulit-ulit o ilang beses sa ibabaw ng isang bagay
na hindi gumagalaw? Kaya mo kaya itong gawin ng
pasulong, paurong, o patagilid?

Ihanda na ang sarili. Tandaan lamang na maging


maingat sa pagkilos upang hindi maaksidente o
masaktan. Gawin ito sa isang ligtas na lugar.

Magsuot ng kumportableng damit upang maging


maayos ang paggalaw. Magpatulong sa mga magulang
o nakatatanda kung kinakailangan.

10
Pagyamanin
Gawain 2 – Talon! Lundag!
Panuto: Isagawa nang maayos ang isinasaad sa gawain.
Pagkatapos, suriin ang kakayahang ipinakita batay sa
isinasaad sa checklist.
Kagamitan: patpat o stick
Mga dapat gawin bago ang isagawa ang gawain:
a. Pumili ng isang ligtas na lugar para sa gawain.
b. Ihanda ang kagamitan na gagamitin.

Warm-up Exercise bago ang gawain:


1. Iikot ang braso paharap
(8 bilang) at patalikod (8
bilang).

2. Ibaluktot ang katawan


paharap (8 bilang) at patalikod
(8 bilang).

11
3. Ibaluktot ang mga tuhod, kaliwa
(8 bilang) at kanan (8 bilang).

4. Mag-jog sa kinatatayuan
(16 bilang)

5. Mag-inhale (4 bilang)
at exhale (4 bilang).

Gawin ito bago simulan ang gawain:


a. Ihanda ang patpat o stick na may sukat na 1 metro
ang haba.
b. Ilapag ang patpat sa lupa o sahig nang pahiga.

12
c. Ihanda ang mga panuto na GO at STOP. Maaari
itong isulat sa malinis na karton at ilagay sa bahagi
ng playing area.

Mga Hakbang para sa Gawain 2


Unang Hakbang: Paglundag o pagtalon nang paulit-ulit,
pasulong-paatras
a. Kapag nabasa o nakita ang
panutong GO, simulan na ang
unang hakbang.

b. Lumundag o tumalon sa
ibabaw ng patpat o stick nang
paulit-ulit, pasulong-paatras.
Gawin ito ng apat na beses.

13
c. Huminto (STOP) sandali.

d. Pagkatapos, kumandirit (hop)


pasulong ng limang beses.

Ikalawang Hakbang: Paglundag o pagtalon ng paulit-ulit


sa larong luksong tinik
a. Tawagin sina ate at kuya para maglaro ng luksong
tinik. Gawin ito sa isang ligtas na lugar. Huwag
maglaro sa labas ng bahay.

b. Lumundag o tumalon
nang paulit-ulit sa
ibabaw ng mga daliri
ng mga kasama o
kalaro.

c. Gawin ito ng tatlong beses.

14
d. Pagkatapos, tumayo
nang matuwid.

e. Mag-inhale, exhale.

Checklist ng Kakayahan
Panuto: Suriin mo ang iyong awtput sa Gawain 2. Lagyan
ng tsek (✓)ang nakangiting mukha kung naisagawa nang
maayos ang bawat kasanayan at i-ekis ()naman ang
nakasimangot na mukha kung hindi ito naisagawa nang
maayos.

Mga Kasanayan

1. Paglundag o pagtalon nang paulit-


ulit, pasulong-paatras sa ibabaw ng
patpat o stick

2. Paglundag o pagtalon nang paulit-


ulit sa larong luksong-tinik

3. Pagsunod sa mga panuto

15
Binabati kita dahil natapos mo ang gawain. Ano ang
naramdaman mo habang ikaw ay lumulundag o
tumatalon nang paulit-ulit, pasulong-paatras at patagilid
sa ibabaw ng patpat o stick? Nasiyahan ka ba habang
nilalaro ang luksong-tinik? Magaling!
Ang paglahok o pagsali sa mga gawaing pampisikal
ay nakatutulong sa iyo upang lumakas ang iyong
resistensiya laban sa COVID-19.

Isaisip

Marami ka bang natutunan? Ano-ano ang mga ito?


Sagutin ang gawain sa ibaba. Simulan mo na!

Panuto: Punan ng mga nawawalang titik ang patlang


upang mabuo ang salita at pangungusap. Gawin ito sa
iyong sanayang papel.

1. Ang p___gta___on o pag___unda___ ay maaaring


gawin nang paulit-ulit o ilang beses.

2. Maaari mo itong gawin nang pas___lo___g,


pa___r___ng, at patag___li___.

16
Isagawa

Gawain 3 – Gayahin si Kaka Palaka!


Panuto A: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sanayang
papel.
Kaka Palaka
ni: Ronald F. Ramirez

Siya si Kaka, isang palakang mahilig


lumundag, pakanan at pakaliwa sa itaas
ng natumbang sanga ng
puno.

Sa tubig, hilig niyang


lumusong. Kung lumundag
nama’y paatras pasulong.
Lukso dito, lukso doon pati
na rin sa itaas ng dahon.

Kahit saang lugar siya mapadpad, parati siyang


tumatalon. Ginagawa niya ito buong maghapon.
Paalala ni Inang palaka kanyang sinusunod upang hindi
mapahamak at mapagod.

17
Kaya, kinagigiliwan
siya ng ibang mga
palaka dahil si Kaka ay
hindi lamang listo. Siya
rin ay masunuring bibo.

Mga Tanong:
1. Sino ang palakang bibo at listo?
a. Bibo b. Kaka c. Inang palaka
2. Siya ay tumatalon sa ibabaw ng _____________.
a. hula hoop
b. patpat
c. sanga ng natumbang puno
3. Paano siya lumulundag o tumatalon sa itaas ng
sanga ng natumbang puno?
a. pakanan at pakaliwa
b. pasulong at paurong
c. pataas at pababa
Panuto B: Gayahin si Kaka Palaka. Kumuha ng sanga ng
puno at lumundag o tumalon sa ibabaw nito nang paulit-
ulit:

18
a. pakanan at pakaliwa
b. pasulong at paurong
Paalala: Tiyakin ang kaligtasan habang ginagawa ang
gawain. Humingi ng tulong sa mga magulang.
Binabati kita at natapos mo rin sa wakas ang mga
gawain sa modyul na ito.
Handa ka na ba sa pangwakas na pagsusulit? Kunin
na ang iyong sagutang papel at umpisahang sagutin
ang bahaging Tayahin. Handa ka na ba? Simulan mo na!

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot


sa iyong sanayang papel.
1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng
paglundag nang paulit-ulit, pasulong?

a.

19
b.

c.
2. Aling larawan ang nagpapakita ng paglundaag
sa ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw?

a.

b.

c.
20
3. Tatalon o lulundag si Ana sa ibabaw ng isang
bagay na hindi gumagalaw. Alin ang HINDI niya
maaaring gamitin?

a. b. c.

4. Ano ang dapat na gawin bago isagawa ang


pagtalon o paglundag?
a. Basahin muna ang mga panuto.
b. Gumawa ng panuto ayon sa sariling
kagustuhan.
c. Tumalon o lumundag kaagad kahit hindi pa
alam ang gagawin.
5. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi mo
sinunod ang mga panuto ng isang gawain?
a. Magtatagumpay ka.
b. Makakakuha ka ng mataas na marka.
c. Maaari kang maaksidente o masaktan.

Karagdagang Gawain
Gawain 4 – Guhit Ko, Gawin Ko!
Panuto: Gumuhit sa bond paper ng isang batang
lumulundag o tumatalon nang paulit ulit, pasulong at
-

paurong sa ibabaw ng isang patpat o stick. Kulayan ito.


Pagkatapos, gawin kung ano ang iginuhit.

21
22
Subukin Balikan
1.  Isaisip
1. Ang pagta l on o
1. c 2.  pag l undag ay maaaring
-
3. ✓ gawin nang paulit ulit o
2. b ilang beses.
Pagyamanin
3. c Isasagawa ng bata ang
2. Maaari mo itong gawin
4. a gawain batay sa kanyang
Sanggunian
kaalaman sa aralin. nang pasu long, paurong,
at patag ilid.
5. b Sasagutan nito ang
checklist batay sa kung
paano niya ito isinagawa.
Isagawa Tayahin Karagdagang
A. Gawain
1. b. 2. c 3. a 1. b
2. b Ang sagot ay
B. batay sa
Isasagawa ng bata ang
3. c
gawain batay sa 4. a kakayahang
kanyang kaalaman sa 5. c naisagawa.
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Favila, Salve A, PhD, Music, Art, Physical Eucation and
Health Unang Baitang. Pasig City: DepEd Instructional Mater ials
-

Council Secretariat, 2013.

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like