You are on page 1of 32

1

Araling
Panlipunan
Unang Markahan-Modyul 1:
Ang Aking Sarili
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Ang AkingSarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad saBatas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amelia A. Ligtas
Editors: Pablo L. Eulatic Jr.
Tagasuri: Norma D. Layagan, Lorelie C. Salinas
Tagaguhit: Mark Y. Garcia
Layout Artist: Herminio L. Carnaje Jr.,Ysmael Yusoph E. Alamada
Tagalapat: Jennifer A. Suba
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, CESO VI - Schools Division Superintendent
Carlos S. Susarno, PhD. - Assistant Schools
Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Gilda A. Orendain – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, PhD. - CID Chief
Nelida A. Castillo, PhD. - Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz, PhD. - Division ADM Coordinator
Sally Jabido II- Subject Area Supervisor

Inilimbang sa Pilipinasng Department of Education –SOCCSKSARGENRegion

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Aking Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling Ang Aking Sarili

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunanng Self-Learning Module (SLM)
Modyul ukol sa Ang Aking Sarili!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang

iii
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi ng Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang buhay!
Ang modyul na ito ay binuo upang lubusang makilala
ang iyong sarili. Ipinahiwatig dito ang pinagmulan ng iyong
pangalan. Napagtanto rin ang araw ng kapanganakan,
edad at tirahan.
Inaasahang magagamit mo ang mga ito sa
pagpapakilala ng mga bagong kaibigan, kamag-aral at
kalaro.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naipapakilala ang iyong sarili. Napapahalagahan
ang pagtukoy ng sariling impormasyon tulad ng pangalan,
kaarawan, edad at tirahan. Higit sa lahat naipagmamalaki
ang pag-unawa sa tunay na buhay na may kabuluhan sa
lipunang ginagalawan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa limang aralin:
Aralin 1 Ang Aking Pangalan
Aralin 2 Ang Aking Kaarawan
Aralin 3 Ang Aking Edad
Aralin 4 Ang Tirahan
Aralin 5 Panapos na Pagsusulit
Pinakamahalagang pamantayan sa pagkatuto:

1
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili:
pangalan, kaarawan, edad, tirahan at iba pang
pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino. CG
Code:APINAT-la-1
a. Natutukoy ang mga sariling impormasyon tulad ng
pangalan.
b. Nakagagawa ng name tag.
c. Napapangalagaan ang mga batayang
impormasyon ng sarili tungo sa paglinang ng
katauhan.
d. Naisusulat ang impormasyon tungkol sa sariling edad.
e. Nakaawit ng isang “Maligayang Kaarawan”.
f. Naipapakita ang kasiyahan sa pagsagot ng iba’t
ibang gawain.
g. Natutukoy ang sariling edad.
h. Nakapagkuwento tungkol sa sarili.
i. Nasisiyahan sa mga nagaganap sa sarili.
j. Natutukoy ang sariling tirahan.
k. Nakabubuo ng isang graphic organizer.
l. Nabibigyang-halaga ang sariling tirahan.

2
Subukin
Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangalan. Ito ay
ibinigay sa atin ng ating mga magulang.
Basahin at unawain mo ang mga katanungan at isulat ang
sagot sa patlang.
1. Ano ang iyong pangalan?
______________________________________________
2. Sino ang nagbigay ng iyong pangalan?
______________________________________________
3. Ilang taon ka na? __________
4. Saan ka nakatira?
______________________________________________
5. Makakatulong ba ang mga impormasyon ng iyong
sarili sa iyong mga kamag-aral, kalaro at kamag-
aral?________

3
Aralin

1 Ang Aking Sarili

Layunin:
1. Natutukoy ang mga sariling impormasyon tulad ng
pangalan.
2. Nakagagawa ng name tag.
3. Napapangalagaan ang mga batayang
impormasyon ng sarili tungo sa paglinang ng
katauhan.
Magandang araw! Kumusta ka! Isang maganda at
kapaki-pakinabang na bagay ang magagawa mo sa
araling ito. Masayang merong nakakilala sa atin di
ba? Halina’t kilalanin natin ang bawat isa!

Balikan

Mga mag-aaral, tunay na kay gandang balikan ang mga


naging karanasan ninyo noong kayo ay nasa
kindergarten. Dito kayo unang natutong magsulat,
magbilang at matuto ng maraming bagay.

4
Ano-anong mga gawain ang natutuhan mo noong ikaw
ay nasa kindergarten? Piliin at ikahon ang mga ito.

magsulat magkulay maglaro


magluto magbilang

Tuklasin

Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang kasunod na


katanungan.
Ang Aking Pangalan
Rosa ang tawag sa akin
Pangalang nagbibigay-ningning,
Sa mga magulang ko nanggaling,
Humihiling sa Diyos na pagpalain.

Mahal ko ang aking pangalan


Ako ay mabait at palakaibigan,
Masasayang araw ay laging nararanasan,
Sa pamilya at mga kaibigan.

Gusto mo rin ba ang iyong pangalan ? Bakit?Isulat ang


sagot sa patlang.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5
Suriin
Panuto. Basahin nang mabuti ang mga pahayag. Iguhit
sa patlang ang masayang mukha (☺) kung ito ay
naglalarawan ng iyong sarili at malungkot na mukha ()
naman kung hindi.

___1. Sinasabi ko ang aking totoong pangalan.

___2. Mahal ko ang aking pangalan.

___3. Gusto kong palitan ang aking pangalan.

___4. Masaya kong ipinakilala ang aking sarili sa aking


mga kamag-aral.

___5.Ayaw ko ng alamin ang pinagmulan ng aking


pangalan.

Pagyamanin
Gamit ang alphabet board. Bilugan ang mga letra ng
iyong pangalan.

6
Ang pagkakaroon ng pangalan ay isang biyaya sa atin.
Masaya tayo kapag tinawag tayo sa ating pangalan.
Isulat ang iyong pangalan sa linya.

Isaisip

Magaling! Malapit mo ng matapos ang araling ito.


Kakaiba talaga kapag tinawag tayo sa ating pangalan.
Nakapagbibigay ito ng sigla sa ating katauhan.
Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Mahalaga ba ang magkaroon ng pangalan?
a. opo b. hindi po c. walang sagot
2. Bakit mahalaga ang magkaroon ng pangalan?
a. ginagamit ito sa gawaing bahay
b. ginagamit ito sa pagpapakilala sa sarili
c. ginagamit ito sa pag-iingay

Isagawa

Panuto. Gumawa ng name tag na nakasulat ang iyong


pangalan. Maaari rin itong kulayan ayon sa gusto mo.

7
Tayahin

Panuto: Markahan ng tsek(/) ang patlang kung ang


pangungusap ay tama at ekis(x)naman kung ito ay mali.
____ 1. Mahalaga ang pangalan.
____ 2. Kalimutan ko ang aking sariling pangalan.
____ 3. Ibahagi ko ang aking sarili sa iba.
____ 4. Ayaw kong makilala ng kahit sino.
____ 5. Ipinagmalaki ko ang aking sarili.

Karagdagang Gawain

Panuto: Alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan.


Itanong sa magulang kung bakit ito ang ibinigay na
pangalan sa iyo.
________________________________________________________
Kaygandang isipin ng ating pinagmulan!

Siguradong alam mo na paano ipakilala ang iyong sarili


sa iyong mga kamag-aral, kalaro at kaibigan. Manalig
kang ang tiwala sa sarili ay mapapasaiyo. Isang ngiting
tagumpay sa araw na ito.

8
Aralin
Ang Sariling Kaarawan
2
Mga Layunin:
• Naisusulat ang impormasyon tungkol sa sariling
edad.
• Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling
edad.
• Naipapakita ang kasiyahan sa pagsagot ng iba’t
ibang gawain.
Ang mga bagay na dumarating sa atin ay
ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Ang mga sumunod na
kabanata ng ating buhay ay mahalaga kaya’t dapat
nating pangalagaan ang araw ng ating kapanganakan
upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.
Nasasabik ka na ba sa iyong kaarawan? Siyempre,
oo ang maging sagot mo. Ibig sabihin ipinagkaloob sa iyo
ang isa pang panibagong buhay.
Kaya pumalakpak, sumayaw at magpasalamat sa
biyayang ito ng Diyos. Ang saya talagang mabuhay!

Balikan

Balikan natin ang ating nakaraang leksyon.

9
Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon tungkol sa
sarili. Isulat ang sagot sa patlang.
Tinanong ka ng iyong guro, Saan nagmula ang iyong
pangalan? Ano ang iyong isasagot?
__________________________________________________
Magaling! Nasagot ninyo ang takdang-aralin. Ngayon ay
handa na kayo sa susunod na aralin.

Tuklasin

Basahin ang usapan ng dalawang bata:

Bata 1: Kailan ang iyong kaarawan?

Bata 2: Ang aking kaarawan ay tuwing ika 5, ng Mayo, 2012.

Suriin
Balikan ang usapan sa itaas. Sagutin ang mga
katanungan.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tungkol saan ang usapan ng dalawang bata?


a. tirahan b. kaarawan c. edad
2. Kailan daw ipinanganak ang pangalawang bata?
a. ika 5, ng Mayo, 2012
b. ika 10, ng Hunyo, 2012
Pagyamanin
c. ika 23, ng Setyembre, 2012
10
Ang kaarawan ay isang espesyal na araw ng pagdiriwang.
Ipinaalala sa atin ang buhay na dapat nating ingatan.
Pinatunayan sa atin ang pagiging matatag sa anumang pagsubok
na darating.
Panuto. Lagyan ng tsek (/) ang larawan na nagpapakita
ng kaarawan at ekis (x) naman kung hindi.

1. 4.

2. 5.

3.

Ano-anong mga bagay ang makikita tuwing may


kaarawan? Tingnan ang larawan sa graphic organizer.
Piliin sa loob ng kahon ang mga bagay na ito at isulat sa
loob ng bilog.

pagkain keyk bulaklak


lobo bahay regalo

11
Isaisip

Siguradong nagugustuhan ninyo ang mga gawain sa


araw na ito. Inaasahan kong masasagot mo nang
maayos ang mahalagang tanong na ito.
Bakit kailangan mong malaman ang impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong kaarawan?
a. Upang malaman ang araw ng kapanganakan
b. Upang malaman ang tirahan
c. Upang malaman ang pangalan

Isagawa
Kaya mo na bang isulat ang petsa ng iyong kaarawan?
lIagay ito sa loob ng lobo.

12
Tayahin

Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha(☺)kung


Ito ay nagpapahayag ng pagpapahalaga sa kaarawan
at malungkot na mukha () naman kung hindi.
___ 1. Masaya kong ipinagdiriwang ang aking kaarawan.
___ 2. Mahalaga sa akin ang aking kaarawan.
___3. Gusto kong palitan ang aking kaarawan.
___4. Kalimutan ang araw ng kapanganakan.
___5. Nagpapasalamat ako sa buhay na ibinigay ng Diyos
sa akin.

Karagdagang Gawain

Magpatulong sa magulang. Idikit ang iyong larawan. Isulat


ang iyong kaarawan. Sabihin mo ang magagandang
pangyayari sa iyong kaarawan.

Ang aking kaarawan ay tuwing


ika____________________________.

13
Aralin

Ang Aking Edad


3
Mga Layunin:
• Natutukoy ang ang sariling edad.
• Nakapagkuwento tungkol sa sarili.
• Nasisiyahan sa mga nagaganap sa sarili.
Sa araling ito ay masusubok ang iyong kaalaman
tungkol sa iyong edad. Ito ay sumusuporta sa
pagpapahalaga ng iyong paglaki bilang mag-aaral sa
unang baitang. Ito ay nakakatulong bilang batayang
impormasyon din ng komunidad na ginagalawan.
Sa araling ito, maging handa na tayo sa pagsabi ng
ating edad sa ating kamag-aral, kalaro at kaibigan.Isa rin
itong paraan upang maintindihan natin ang mundo
nating ginagalawan.

Balikan

Balikan natin ang ating nakaraang aralin. Sagutin ang


ilang katanungan sa sitwasyon nakalakip sa ibaba.

May kaunting salo-salo sa inyong bahay. Dumating


ang bisita ng iyong nanay. Tinanong ka niya kung kailan
ang iyong kaarawan. Ano ang isasagot mo?

14
Tuklasin

Kumusta mga minamahal kong mag-aaral. Isang


kapaki-pakinabang na bagay ang maranasan mong
gawin sa araling ito. Ang edad ay nagpapakita ng iyong
kabuuan bilang mag-aaral. Higit kang makilala batay sa
iyong impormasyon. Tuklasin kung ano ang naidulot nito sa
iyong buhay. Halina’t tayo’y magsimula.

Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang mga


impormasyon tungkol sa iyong sarili.

Ako si __________________________________________________________
Kilala sa tawag na ______________________________________________
Ipinanganak ako noong ________________________________________

Suriin

Basahin at sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa patlang.


1. Mahalaga bang alamin ang iyong edad? _________

Pagyamanin

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang kasunod na tanong.


Isulat ang sagot sa patlang.
Nakita mo ang iyong tiyahin na matagal mo hindi
nakakasama. Tinanong ka niya kung ilang taon ka na.
Ano ang iyong isasagot?_____________
15
Isaisip

Maraming pagpapalang binigay ang Diyos sa bawat isa


sa atin. Isa na rito ang edad. Magagamit mo ito sa
pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kamag-aral at
kalaro.
Isulat ang nawawalang titik sa patlang upang mabuo
ang salita.
1. 6 2. 5 3. 7 4. 4 5. 8
__ nim lim__ p__to __pat w__ lo

Isagawa

Panuto: Ikahon ang lahat ng bunga ng puno na


nagpapakita ng iyong edad.

Tayahin

16
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag
ay naglalarawan ng edad at Mali kung hindi.
______1. malapit sa ilog
______2. anim na taong gulang
______3. pitong taong gulang
______4. tindahan ni lola
______5. limang taong gulang

Karagdagang Gawain

Ang dami na nating napag-usapan sa araling ito.


Madagdagan pa ang inyong kasanayan sa gawaing ito.
Kumpletuhin ang pagpapakilala sa sarili. Idikit ang iyong
larawan sa kahong nakalaan.

Ako po ay si__________________________________
Ikinagagalak ko kayong makilala.
Masaya kong ipinagdiwang ang aking kaarawan.
Ako po ay _________ taong gulang na.

17
Aralin

4 Ang Aking Tirahan

Mga layunin:
• Natutukoy ang sariling tirahan.
• Nakabubuo ng isang graphic organizer.
• Nabibigyang-halaga ang sariling tirahan.
Sa araling ito ay siguradong matutuwa ka. Mararanasan
mong maging designer. Bubuuin mo ang isang kard na
magpapatunay na masarap talagang manirahan sa
sariling tirahan.

Balikan
Isulat sa loob ng bituin ang iyong edad.

Tuklasin

Tingnan ang nasa larawan. Ano ang iyong nakikita?


Bilugan ang titik ng iyong sagot

a. tirahan
b. palaruan
c. paaralan

18
Suriin

Sagutin mo ang ilang mga katanungan batay sa nakita


mong larawan sa Tuklasin. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
1. Masasabi mo bang mainam itong tirhan?_________
2. Gusto mo rin bang tumira rito?_____________

Pagyamanin

Tingnang mabuti ang mga larawan. Lagyan ng hugis-


puso ang patlang kung ito ay nagpapakita ng tirahan
at tatsulok naman kung hindi.

_____1. ______4.

_____ 2. _______5.

_____3.

19
Mga bata, magbasa tayo ng isang kuwento na
pinamagatang, “Ang Nawawalang Bata”. Basahin itong
mabuti. Halina, tutok na sa pagbasa!

Ang Nawawalang Bata


Isang araw ay biglang napahiwalay ang bata sa kanyang
nanay sa palengke. Naguluhan siya kung ano ang
gagawin. Maya-maya ay nakita ng bata ang mamang
pulis. Sinabi niyang nawawala siya.” Mamang pulis,
nawawala po ako! Ang sabi ng mamang pulis,“ Huwag
kang mag-alala bata, ihahatid kita sa inyong bahay”.
Tuwang-tuwa ang bata dahil naihatid siya sa sariling
tirahan.

Isaisip
Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong binasa.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng bata, ano kaya


ang iyong gagawin?
a. magpapatulong sa mamang pulis
b. biglang aalis
c. iiyak nang malakas

20
Isagawa
Panuto: Bilugan ang larawan na nagpapakita ng
tirahan.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek(/)


ang patlang kung ito ay naglalarawan ng inyong tirahan.
at ekis(x) naman kung hindi
____1. Ang aming tirahan ay maliit.
____2. Ito ay nasa ibabaw ng mataas na puno.
____3. May mga gulay na nakapalibot sa aming bahay.
____4. Ang aming tirahan ay nasa gitna ng dagat.
____5. Malamig ang simoy ng hangin sa aming tirahan.

Karagdagang Gawain

21
Basahin at isaulo ang taludtud ng tula sa loob ng kahon.

Kay inam tumira sa mapayapang tirahan,


Halika, pasok na!
Punta ka rito nang makita mo ang nakapaligid
na gulayan.

Maligayang pagtatapos ng aralin mga bata! Ang


galing ninyo!
Kayang-kaya ninyo ang lahat na gawain. Maging
mabait at masunurin lagi sa magulang. Patnubayan sana
kayo ng Diyos!

Aralin

5 Panapos na Pagsusulit

Panapos na Pagsusulit

22
Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Piliin ang
tamang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_____ 1.Ito ay isang halimbawa ng pangalan ng tao.
a.Rolly b. rosas c. kurtina
____ 2. Alin ang naiiba sa pangkat?
a.radyo b. anim c. bulaklak
____ 3. Ito ang araw ng kapanganakan.
a.kasal b. kaarawan c. binyag
____ 4. Ilang taon ka na? Ano ang maaari mong isagot?
a. Ako ay nasa paaralan.
b. Ako ay si Mickael
c. Ako ay anim na taong gulang.
____ 5. Ito ay naglalarawan ng tirahan ng tao.
a. Daanan b. bahay c. puno

23
24
Panapos na Tayahin:
Pagsusulit
1. /
1. a
2. X Isagawa:
2. b
3. /
3. b
4. X
4. c
5. /
5. b
Aralin 5 Aralin 4
Pagyamanin: Tayahin:
Isaisip:
1. 1. Mali
1. a
2. 2. Tama
2. a
3. 3. Tama
Isaisip: Tuklasin: 3. i
4. 4. Mali
1. a 1. a 4. a
5. 5. Tama
5. a
Aralin 4 Aralin 3
Tayahin:
Suriin:
1.
1.
2. Pagyamanin: Tayahin:
2.
1. / 1. /
3.
2. X 2. X 3.
4. 3. / 3. /
Suriin: Isaisip: 4.
4. X 1. b 4. X
5. 1. a
5. X 2. a 5. / 5.
2. b
Aralin 2 Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
"K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING
PANLIPUNAN (Q1-Q4)". 2020. Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-
learners-material-in-araling-panlipunan-q1q4.

"Grade 1 Teacher's Guide (TG) K To 12 Curriculum". 2020.


Deped Tambayan. https://depedtambayan.org/grade-1-
teachers-guide-tg-k-to-12-curriculum/.

MELCs

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

26

You might also like