You are on page 1of 17

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Lokasyon at Klima ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat/ Tagalikom
Tagakontekstuwalisa: Alma B. Largado,T3-Carreta Elementary School
Ailene S. Banogbanog, T3-Carreta Elementary School
Doreen B. Bancaya, T3-Carreta Elementary School

Mga Patnugot/: Alice S. Ganar, OIC-PSDS SD8/SHS Assisting

Mga Tagasuri Ma. Elgie R. Englis, Punongguro- Banawa Elementary School


Jinky M. Alama , Punongguro- Napo Elementary School
Myrna S. Firme , Punongguro- Cantipla Integrated School
Lunesa Pogoy, Assisting Principal-San Nicholas Elementary School
Alchan Y. Dumdum ,Assisting Principal-Banawa Elementary School
Maria Suna L. Quitara, MT2- San Nicholas Elementary School
Emilyn A. Jario, MT1- San Nicholas Elementary School
Rhea Kristine U. Elnar, T3, Guadalupe Elementary School
Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelosao, Asst. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, Chief-Curriculum Implementation Div
Luis O Derasin, EPS -Araling Panlipunan/SHS Coordinator
Vanessa L. Harayo, EPS- LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, Region VII


Office Address: New Imus Road Avenue, Cebu City
Telefax: 255-1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Lokasyon at Klima ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan para sa araling Ang


Lokasyon at Klima ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ukol sa Lokasyon at Klima


ng Pilipinas !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

2
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Aralin
Lokasyon at Klima ng
1 Pilipinas

Naipapaliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan.

Alamin
Magandang araw mag-aaral! Ngayon ay nandito ka na sa Ikalimang
Baitang. Nakatuon sa modyul na ito ang kinalalagyan ng ating bansa at klima na
may kaugnayan sa paghubog ng ating kasaysayan. Pagkatapos ng araling ito,
inaasahang ikaw ay:
a. nakatutukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas sa daigdig gamit ang globo at mapa
b. nakapagmamalaki ang lokasyon at uri ng klima na nararanasan sa Pilipinas
c. nakapag-uugnay sa klima ng Pilipinas ayon sa lokasyon nito sa daigdig

Subukin
Hanapin sa loob ng palaisipan ang pito hanggang sampung mga salita
na may kaugnayan sa lokasyon at klima ng Pilipinas. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.(10pts.)

G O L A T I T U D E
L B I S I N A L P K
O I A X I S O B A W
B T S U D U L N M A
O P O L K L T P I D
H A B A G A T O H O
N A M N L R M W A R
T R O P I K A L N S

Balikan
Sariwain ang mga napag-aralan mo sa Ikaapat na Baitang. Ilang kontinente
mayroon ang ating daigdig? Sa anong kontinente matatagpuan ang Pilipinas?

Ang Pilipinas ay bahagi ng pinakamalaking kontinente sa daigdig--


-ang Asya. Nahahati ang daigdig sa 7 kontinente. Ang Hilagang Amerika,
Timog Amerika, Europa, Aprika, Asya, Australia at Antartika. Ang Pilipinas
ay nasa bahagi ng Asya, ito ang pinakamalaking kalupaan sa buong
daigdig.

4
Tuklasin
Pag-aralan ang larawan at hanapin ang Pilipinas.
Saan matatagpuan ang Pilipinas?
Gamit ang dalawang paraan sa pagtukoy ng
lokasyon, ibigay ang lokasyon ng ating
bansa. Anu-anong mga bansa at mga
katubigan ang nakapalibot nito

Ang Pilipinas ay nasa


bahagi ng Timog-silangang
Asya gawing itaas ng
ekwador.

Suriin

Paraan sa Pagtukoy ng Lokasyon


A. Tiyak na Lokasyon o Absolute Location
Matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar gamit ang mga latitude at
longitude sa globo at mapa. Ang globo ay modelo o representasyon ng daigdig at ang
mapa naman ay patag na representasyon ng bahagi ng mundo.
Mga Imahinasyong Guhit na Makikita sa Globo
Meridian o Latitude - ay patayong guhit sa globo mula hilaga patimog ng
globo. Hilagang Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole) ang tawag sa
magkabilang dulo ng globo sa hilaga at timog.

Dalawang Espesyal na Meridian


Prime Meridian – ang naghahati sa dalawang
hating globo at silangang hatingglobo at ang
kanlurang hatingglobo. Ito ay nasa O° longhitud.
International Date Line (IDL) - ang imahinasyong
guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang
araw. Ang bahagi ng mundo sa silangan ng IDL
ay nauuna ng isang araw kaysa sa bahaging
kanluran ng guhit na ito.Matatagpuan ang IDL
katapat ng prime meridian sa kabilang panig ng
daigdig.

5
Parallel o Latitude ay pahigang imahinasyong guhit sa globo o ang angular na
distansya pahilaga o patimog mula sa ekwador.
Limang Espesyal na Parallel sa Globo
Ang ekwador ay matatagpuan sa gitnang bahagi
ng globo, may pantay na layo mula sa Hilagang Polo
at Timog Polo. Ito ay humahati sa daigdig sa hilagang
hatingglobo at timog hatingglobo. Ito ay nasa O°
latitud. Hilagang Hatingglobo (Northern Hemisphere)
ang tawag sa bahaging patungo sa Polong Hilaga at
Timog Hating-globo (Southern Hemisphere) ang
tawag sa bahaging patungo sa Polong Timog (South Pole).

Tropiko ng Kanser oTropic of Cancer ay ang pinakahilagang bahagi ng daigdig


na tuwirang nasisinagan ng araw. Ito rin ang nagsisilbing hilagang hangganan ng
tropics o ang rehiyon malapit sa ekwador at may mainit na klima.Ito ay nasa 23.5°
Hilaga.

Tropiko ng Kaprikornyo o Tropic of Capricorn ay ang


pinakatimog na bahagi ng mundo na tuwirang nasisinagan
ng araw. Ito ay nasa 23.5 ° Timog.
Kabilugang Arktiko o Arctic Circle ang pinakadulong
bahagi ng daigdig sa timog na naaabot ng pahilis na sinag
ng araw.Ito ay nasa 66.5° Hilaga.
Kabilugang Antartiko o Antartic Circle ay ang
pinakadulong bahagi ng daigdig sa timog na naaabot ng
pahilis na sinag ng araw. Ito ay matatagpuan sa
66.5 ° Timog.

B. Relatibong Lokasyon o Relative Location

Ang pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga


karatig na kalupaan o katubigan na nakapalibot sa Pilipinas.

Dalawang Paraan sa Pagtukoy ng Relatibong Lokasyon


Insular – ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa isang lugar.
Bilang bansang arkipelago, napapalibutan ang Pilipinas ng mga katubigan, Bashi
Channel ang hilaga nito, Pacific Ocean ang sa silangan ,Celebes Sea ang sa timog at
West Philippine Sea naman sa kanluran.
Bisinal – ang paraan sa pagtukoy ng mga kalupaang nakapalibot sa isang lugar. Mga
bansa na nakapalibot sa Pilipinas ay ang timog ng Taiwan; hilaga ng Malaysia at
Indonesia; kanluran ng Guam; at silangan ng Vietnam.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 4º 23’ at 21 º 25’


hilagang latitude at 116º at 127º silangang longitude gamit ang tiyak na
lokasyon. Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador kaya ito ay isang bansang
tropikal. Gamit naman ang relatibong lokasyon, pinapalibutan naman ito ng
mga katubigan at mga kalapit na bansa.

6
Klima sa Pilipinas
Ang klima ay tumutukoy sa kainamang kondisyon ng atmospera sa loob ng
mahabang panahon o inaasahang pangkalahatang kalagayan ng himpapawid na
naglalarawan ng karaniwang nararanasan sa bawat taon o sa nakaraan.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima:
1. Latitude ay iba-iba ang tindi ng sikat ng araw sa bawat bahagi ng mundo
depende sa anggulo at ang kalagayan nito.
May tatlong sonang pangklima sa daigdig:
A. Sonang Tropikal ay nasa mababang latitude na nasasakop sa rehiyong
pagitan ng Tropic of Cancer ( nasa 23 ½ º Hilaga) at Tropic of Capricorn (nasa
23 ½ º Timog). Ito ang sonang pinakamalapit sa ekwador kaya may 2 uri ng
klima ang mararanasan dito ang tag-init at tag-ulan.
B. Sonang Katamtaman ay nasa gitnang latitud. Ang mga bansang nasa
pagitan ng 23 ½ º latitude hanggang 66 ½ º latitude o sa pagitan ng Tropic of
Cancer at Arctic Circle sa hilaga; at ang mga lugar na nasa 23 ½ºT latitude
hanggang 66 ½ º latitude o sa pagitan ng Tropic of Capricorn at Antartic Circle
sa timog. Ang mga bansa rito ay makakarananas ng apat na panahon;
taglamig ( winter), tagsibol ( spring ), tag-init ( summer) at taglagas (fall).
C. Sonang Polar ay nasa mataas na latitude at pinakamalamig na bahagi
ng daigdig.Ito ay rehiyong nasa 66 ½ º H latitude hanggang 90º H latitude o sa
pagitan ng Arctic Circle at North Pole; at ang rehiyong nasa 66 ½ º T latitude
hanggang 90º T latitude o sa pagitan ng Antartcic Circle at South Pole.

2. Topograpiya ay ang mga kabundukan o ang uri ng kalupaan ng isang lugar ay


nakakaapekto sa isang lugar.
3. Altitude o taas ng lugar kung mataas ang isang lugar ay bumababa ang
temperatura kagaya sa Baguio City na matatagpuan sa mataas na
lugar kaya mababa ang temperatura at malamig dito kumpara sa
mababang lugar sa bansa.Temperatura ay ang tumutukoy sa lamig at
init ng atmospera sa isang lugar. Thermometer ang gamit panukat sa
temperatura.
4. Galaw at uri ng hangin ay isa rin sa nakakaapekto sa klima dahil ang hanging
nararanasan sa Asya ay nagbabago ng direksyon na tinatawag na
monsoon.

7
Tatlong Uri ng Hanging Nakakaapekto sa Klima ng Bansa
A. Hanging silangan o trade winds na umiihip ang hanging silangan mula sa
hilagang silangan o silangan pagkatapos na bagtasin ang Pacific
Ocean. Nararanasan ito sa Pilipinas mula Pebrero hanggang Marso.
B. Hanging amihan o northeast monsoon –umiihip ang hanging amihan mula
sa hilagang-silangan.Nagdadala ng malamig at tuyong hangin na
nagmumula sa China at Siberia. At mararanasan ito dito sa atin mula
Nobyembre hanggang Pebrero.
C. Hanging habagat o southwest monsoon – umiihip ang hanging habagat
mula sa timog-kanluran bahagi ng Pilipinas at umiihip sa buong Asya
na nagdadala ng malakas na pag-ulan sa ating bansa. Nararanasan ito
sa Pilipinas mula Mayo hanggang Oktobre. Anemometer ang ginagamit
upang masukat ang bilis ng hangin.
5. Distansya mula sa karagatan – dahil ang karagatan ang humihigop sa
temperatura at ang tubig nito ay hindi madaling umiinit, naapektuhan nito
ang klima ng mga nasa baybaying lugar.
Dahil malapit sa ekwador ang Pilipinas kaya tayo ay may dalawang
klimang nararanasan. Ang Pacific Ocean naman ang silangan ng Pilipinas kaya
madalas tayong dalawin ng mga bagyo. Sa lokasyon nitong nahahanay sa typhoon
belt kaya taun-taon may 19 hanggang 20 bagyo ang dumaraan sa ating bansa.
Nagbabago ang panahon at klima sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa paggalaw
nito.
Uri ng Paggalaw ng Daigdig
Rotasyon – ito ay ang pag-ikot ng mundo sa kanyang sariling axis kaya may araw at
gabi. Axis ang tawag sa imahinasyong guhit na tumatagos mula Hilagang
Polo patungong Timog Polo na nakahilig sa anggulong 23.5 º.
Rebolusyon – tumatagal nang 365 ¼ na araw ang pag-ikot ng mundo sa araw at dahil
sa nakahilig na posisyon ang mundo paikot sa araw kaya tumatama ang sinag
nito sa magkakaibang panig ng mundo na naging dahilan sa pagkakaroon ng
iba’t ibang klima sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pagyamanin
A. Ngayon, subukin mo ang iyong natutuhan. Gawin mo ang mga
pagsasanay sa ibaba. Punan ang patlang ng tamang sagot at ilagay ito sa
iyong kwaderno.
1. Ang ______ay imahinasyong guhit na naghahati sa daigdig sa magkaibang araw.
2. Ang pag-ikot ng daigdig sa sarili nitong axis ay tinatawag na ___________.
3. Ginagamit ang ____________ sa pagsukat ng bilis ng hangin.
4. Ang ________ ang naghahati sa daigdig sa silangan at kanlurang hating-globo.
5. Ang hanging __________ang nagdudulot ng malimit na pag-ulan sa Pilipinas.

8
B. Ibigay ang mga katubigan at mga bansa na nakapalibot sa
Pilipinas. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Isaisip
Sagutin sa iyong kwaderno ang mga tanong. Ang bawat sagot ay may
katumbas na dalawang puntos.
1. Ano ano ang mga paraan para matukoy ang lokasyon ng Pilipinas?
2. Saan matatagpuan ang Pilipinas gamit ang tiyak na lokasyon?
3. Ano ang kahalagahan sa pag-alam ng lokasyon at klima ng isang lugar?
4. Ano ang kinalaman ng lokasyon sa isang lugar sa klimang nararanasan nito?
5. Kalimitan sa tuwing buwan ng Mayo hanggang Oktubre ay makakaranas tayo ng
pag-ulan. Bilang estudyante, paano ka makakatulong upang maihanda ang iyong
pamayanan?

Isagawa
Gumawa ng liham sa isang kaibigan na taga ibang bansa. Ipakilala mo ang
ating bansa ayon sa lokasyon at uri ng klima na nararanasan ng Pilipinas. Gawin ito
sa iyong AP na kwaderno. Ang rubriks sa ibaba ay siyang maging batayan sa
pagbibigay ng puntos.

9
Tayahin

A. Pag-aralan ang mga guhit at kilalanin ang mga ito. Pumili sa loob ng
kahon sa gilid ng larawan at isulat ang inyong sagot sa AP na kwaderno.

Latitud
Longhitud
Hilagang Polo
Timog Polo
Prime Meridian

B. Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.
1. Si Nash ay nakatira sa Baguio. Malamig ang klima doon dahil sa _______.
A. altitude C. distansya sa karagatan
B. latitude D. galaw at uri ng hangin
2. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang bansang tropikal?
A. nakararanas ng tag-init at tag-ulan
B. nasa mataas na latitud ang isang lugar
C. nakararanas ng apat na uri ng panahon
D. nakararanas ng matinding lamig ng panahon
3. Kung ang prime meridian ang naghahati sa globo sa silangang- hatingglobo
at kanlurang- hatingglobo, ano naman ang kahalagahan ng International Date
Line (IDL)?
A. May araw at gabi.
B.Naghahati sa mundo sa magkaibang araw.
C.Nagkakaroon ng iba’t ibang klima ang mundo.
D.Naghahati sa mundo sa timog at hilagang hating globo
4. Bakit madalas dalawin ng bagyo ang bansa natin?
A. May maraming bundok
B. Nakaharap ang Pilipinas sa Karagatang Pasipiko
C. Iba’t ibang uri ng hangin ang bumibisita sa Pilipinas
C. Naiipon ang bagyo dahil sa init at ulan na narararanasan sa bansa
5. Gustong-gusto ni Kent na pumunta sa Amerika para makaranas ng snow o
yelo. Bakit nagkakaroon ng snow sa nasabing bansa? Dahil ito ay ________.
A. Malaking bansa
B. Nakararanas ng apat na panahon
C. Matatagpuan sa Pacific Ring of Fire
D. May kakayahang gumawa ng sariling yelo

10
Karagdagang Gawain
Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang T kung tama at M kung
ito ay mali sa inyong kwaderno.

1. Walang epekto ang paghilig ng daigdig sa axis nito sa klima ng Pilipinas.


2. Ang ekwador ay nasa Oº latitude.
3. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal.
4. Ang mga bundok ang naging sanhi ng mataas na temperaturang
nararanasan sa mga lugar na pinalilibutan ng mga ito.
5. Ginagamit ang latitude at longitude sa pagtukoy sa relatibong lokasyon
ng Pilipinas sa daigdig.
6. Ang kompletong rebolusyon ng daigdig sa araw ay umaabot ng 365 ¼
na araw.
7. Matatagpuan ang Pilipinas sa gitnang latitude.
8. Ang hanging amihan ay nagdudulot ng malimit na pag-ulan sa Pilipinas.
9. Ang Sonang Katamtaman ay ang may pinakaminit na klima at may
dalawang panahon.
10. Ang Japan ay nasa hilagang-silangan ng Pilipinas.

11
Sanggunian
yy9pajlTw&sa=X&ved=2ahUKEwjHgc2io7bqAhVF_GEKHS6zBF0Q9QEwAnoECAUQNA&biw=1366&
bih=608#imgrc=REMxlIEfOqvPYM
LRMD Hekasi4 MISOSA
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Revolution_of_earth.jpg
Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa
Powerpoint Presentation ni Mam Inkay Peralta sa Taga Deped Ako5
https://www.google.com/search?as_st=y&tbm=isch&hl=en&as_q=asia+map&as_epq=&as_oq=&as_e
q=&imgsz=&imgar=&imgc=&imgcolor=&imgtype=&cr=&as_sitesearch=&safe=active&as_filetype=&tb
s=sur%3Af#imgrc=I0ilRBdnv9cvvM
https://www.google.com/search?q=klima+at+panahon&safe=active&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=2ahUKEwilzdrsxtbqAhWxKqYKHSZDCLAQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=yyeZ
iLx32Ok3MM
https://www.remove.bg/upload
https://www.google.com/search?q=rainy+season+clip+art&lr=&safe=active&hl=en&tbs=sur:f&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiw7IqjydbqAhW1w4sBHfiTAp4Q_AUoAXoECAsQAw&biw=136
6&bih=608#imgrc=6BBVkpsyA7kkCM

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Cebu City Division, Region VII

Imus Avenue, Cebu City

Telefax: (632) 255-1516

Email Address: cebu.city@deped.gov.ph

14

You might also like