You are on page 1of 20

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Isip at Kilos-Loob
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Modyul 1: Isip at Kilos-Loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KagawaranngEdukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Ailene Leaño-Dulay


Ko-Awtor - Editor : Wilmalyn S. Ramirez
Ko-Awtor - Tagasuri : Jessa P. Patiño
Ko-Awtor - Tagaguhit : Jennina Elaine T. Naguit
Ko-Awtor - Tagalapat : Ailene Leaño-Dulay
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Wilmalyn S. Ramirez

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Isip at Kilos-Loob
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng


Ikapitong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 para sa araling Isip
at Kilos-Loob

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Ikapitong Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Isip at Kilos-Loob.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at


sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ipinaliliwanag sa modyul na ito ang paggawa ng isang desisiyon at ang kalayaan ng


pagpapasiya gamit ang isip at kilos- loob. Sa aralin ding ito ipauunawa ang pagpili
ng tama sa halip na mali, pag gawa ng kabutihan sa halip na kasamaan at
pagsasaalang-alang ng kapakanan ng ibang tao upang makapamuhay ng
matiawasay bunga ng wastong pagpapasiya.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


EsP7PS-IIa-5.1

2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at


kilos-loob. EsP7PS-IIa-5.2

1
Subukin

Isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA at M naman kung ito ay MALI.
1. Mas mataas ang kilos-loob ng isang hayop.
2. May kakayahang mag-isip nang tama ang mga hayop.
3. Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan.
4. May limang mahahalagang sangkap ang isang tao.
5. Ang puso ang nagpapasiyang isagawa ang isang aksyon.
6. Ang obheto ng isip ay kung ano ang mabuti o makabubuti.
7. Ang katawan ang nagpapahayag ng nilalaman ng isip o puso ng isang tao.
8. Ang pangunahing gamit ng puso ay umunawa.
9. Ang kilos-loob ay bulag.
10. Ang tao ay may tungkuling sanayin, gawing ganap at paunlarin ang isip at
kilos-loob.
11. Ang kilos-loob ang nagbibigay sa tao ng kakayahang makilala ang tama at
mali o nang moral sa di moral.
12. Sa bawat pananaliksik ng tao upang matuklasan ang katotohanan, siya ay
nagtatapos sa pagkakaroon ng intellect.
13. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang karunungan.
14. Nang hingahan ng Diyos ng hininga ng buhay ang taong Kaniyang nilikha, ito
ay naging kaluluwang may buhay.
15. Nagmula kay Dr. Chu ang mga mahahalagang sangkap ng tao .

2
Aralin

1 Isip at Kilos Loob

Balikan

Halina’t subukin natin ang inyong pag-iisip kung naisabuhay at naisaisip ninyo ang
mga nagdaang talakayan.

Gawain 1

Tukuyin ang mga larangan ng hilig batay sa sitwasyon.

1. Mahilig magkumpuni si Jerwin ng sasakyan.

2. Nakahiligan ni Athena ang pagsusulat ng mga maiikling kwento.

3
3. Si Annie ay magaling umawit.

4. Bata pa lamang si Amber ay magaling na siya sa pagbibilang at pagkakalkula ng


numero

5. Mabilis na nakatutuklas ng mga makabagong kaalaman at nakapag-iimbento ng


makabagong disenyo si Eross.

4
Tuklasin

Gawain 2
Ano nga ba ang dapat masunod ang puso o ang isip? Pangatuwiranan sa
pamamagitan ng pagsulat ng limang pangungusap sa napiling sagot.

5
Suriin

Halina’t alamin sa araling ito paano nga ba ginagamit ang puso at isip at sino ang
nag sasakatuparan ng lahat ng iniisip at nararamdaman ng isang tao.

Tao ang pinaka espesyal na ginawa ng Diyos dahil ito ay kawangis Niya at binigyan
ang tao ng kaluluwa, hiningahan Niya ang butas ng ilong ang hininga ng buhay
kaya’t ang tao ay naging kaluluwang may buhay Hindi lamang tao ang nilikha ng
Diyos kundi pati na rin ang hayop, halaman at maraming pang iba, ngunit nilikha
Nya ang mga ito ng may iba’t ibang katangian at kakayahan. Ang mga katangian at
kakayahang ito ang nagpapatingkad sa isang bagay. Ayon kay Dr. Dy Jr., ang tao ay
may tatlong mahahalagang sangkap ito ay ang mga:
1. Isip siya ang may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang
bagay. Ito ay may kapangyarihang manghusga, mangatwiran, magsuri, mag-
alaala at umunawa ng kahuligan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag
na katalinuhan( intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (
intellectual consciousness), konsenya (conscience) ay intelektuwal na
memorya ( intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
2. Puso ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng
isang tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay.
Dito nanggagaling pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad
ng tao. Lahat ng kabutihan at kasamaan ng isang tao ay ditto natatago.
3. Kamay o katawan ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw
paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit
sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao
ang iba’t- ibang bahagi ng kanyang katawan, ang mahalaga ay maunawaan
niya kung ano-ano ang gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao
ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip
at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng
tao ang nagaganap sa kanyang kalooban.

6
Pagyamanin

Gawain 3

Batay sa napag-aralan na leksyon, sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat


sa hugis bilog sa ibabaang marapat na kaisipan sa bawat sitwasyon at sa hugis
parihaba naman ang marapat na kilos ukol ditto.

1. Naglalakad ka mag-isa sa lansangan nang makapulot ka ng isang bag na


naglalaman ng maraming pera. May malubhang sakit ang iyong kapatid at
wala kayong kakayahang ipagamot ito. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

2. Naglalaro ka ng Mobile Legend nang bigla kang tinawag ng iyong ina upang
utusan sa palengke, subalit pag ikaw ay umalis sa paglalaro matatalo ang iyong
grupo. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

3. Nakita mo ang matalik mong kaibigan na gumagamit ng kodigo habang may


Pamanahunang Pagsusulit kayo subalit hindi ito napapansin ng iyong guro? Ano
ang iyong iisipin at gagawin?

7
4. Niyaya ka ng iyong kaibigan na sumali sa fraternity. Ano ang iyong iisipin at
gagawin?

5. Nakita mo ang kasintahan ng iyong kaibigan na may kasamang ibang


babae/lalaki habang sila ay magkahawak ang kamay? Ano ang iyong iisipin at
gagawin?

Isaisip

Gawain 4

Sadyang natatangi ang tao dahil sa kanyang isip at kilos-loob na taglay. Hindi
tayo magiging tao kapag hindi natin ginamit sa tama. Malaking gampanin ang
kumilos tayo nang tama bilang isang taong mapanagutan sa paggamit ng isip at
malayang kilos-loob.

Punan ang mga patlang ng angkop na salita na makikita sa loob ng kahon.


1. ________ lamang ang nilikha ng Diyos sa kawangis Niya.
2. ________ sa kanya nagmula ang tatlong mahahalagang sangkap ng isang tao.
3. Ang _______ ang bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
4. Ginagamit ang _______ sa pagsasakatuparan ng kilos o gawa.
5. Ang ________ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang
bagay.

Puso isip

kamay/katawan hayop

tao Dr. Manuel Dy Jr.

8
Isagawa

Gawain 5

Ilagay sa loob ng hugis isip ang pangalan ng tao na nagpapakita ng simbolo na sa


tingin mo ay nagpapaala sa iyo na alamin ang katotohanan, at sa hugis puso naman
kung siya ay nagpapahiwatig ng tamang pagpili ng kabutihan at hugis kamay kung
siya yung taong nagsasabi na dapat isinasagawa ang mga tama. Ipaliwanag ang
iyong sagot.

9
Tayahin

Gawain 6

Tukuyin kung anong sangkap ng tao ang inilarawan ng mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Puso B. Isip C. Kamay/Katawan

1. Ito ay may kakayahang alamin ang buong diwa ng isang bagay.


2. Ito ang bumabalot sa buong pagktao ng tao
3. Ito ay sumasagisag sa pandama, paggalaw at paggawa.
4. Ginagamit ito sa pagsasakatuparan ng kilos o gawa.
5. Nararamdaman nito ang lahat ng bagay na nararamdaman o nangyayari sa buhay
ng tao.
6. Ito ay may kakayahang maghusga, mangatuwiran at magsuri.
7. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
8. Dito hinuhubog ang personalidad ng tao.
9. Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong
paraan.
10. Naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban
11. Malaman kung ito ay tama o mali.
12. Humuhusga ng mabuti o masama.
13. Ito rin ay tinatawag na intellectual consciousness.
14. Dito malalaman ang tunay na pagkatao ng isang tao.
15. Dito isinasagawa ang nararamdaman at naiisip ng tao.

Karagdagang Gawain

Sa iyong kwaderno, sumulat ng isang talata na naglalaman ng sampung


pangungusap kung papaano mo mapauunlad ang pag gawa o pagpili ng mabuti
gamit ang iyong puso, isip at katawan o kamay.

10
11
Tayahin
1. B
2. A
3. C
4. C
5. A
6. B
7. A
8. A Isaisip
9. C
1. Tao
10. C
2. Dr,Manuel Dy Jr.
11. B
3. Puso
12. A
4. Kamay o katawan
13. B
5. Isip
14. A
15. C
Pagyamanin
Gawain 1: Isagawa Subukin
Ang sagot ay naka Gawain 1:Ang sagot 1. M
depende sa pang- ay naka depende sa 2. M
unawa ng mag-aaral. pang-unawa ng mag- 3. T
aaral. 4. M
5. M
6. M
7. T
8. T
Balikan 9. T
Tukalsin
10. T
Ang sagot ay naka 1. Mechanical 11. T
depende sa pang- 2. Literary 12. T
unawa ng mag-aaral. 3. Musical 13. M
4. Computational
14. T
5. Scientific
15. M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://www.coursehero.com/file/40237219/MODYUL-5-quiz-2docx/

Lilok 10 pp. 3,10

Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material pp. 127-128

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like