You are on page 1of 24

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Makataong Kilos: Layunin,
Paraan at Sirkumstansya
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Makataong Kilos: Layunin, Paraan at
Sirkumstansya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Viola T. De Guzman


Ko-Awtor - Editor : Christine A. Naragdao
Ko-Awtor - Tagasuri : Winnie B. Victoriano
Ko-Awtor - Tagaguhit : Ruth Ann M. Verdera
Ko-Awtor - Tagalapat : Ruth Ann M. Verdera
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Christine A. Naragdao

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-210
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Makataong Kilos: Layunin,
Paraan at Sirkumstansiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Makataong Kilos: Layunin,
Paraan at Sirkumstansya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Makataong Kilos: Layunin, Paraan at Sirkumstansya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng
pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong
lubos ang Layunin, Paraan at Sirkumstansya ng Makataong Kilos. Ang saklaw ng
araling napapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala ang iyong
mga kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang upang
malagpasan ang mga kahinaang ito.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:


1.1 Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng
makataong kilos (EsP10MK-IIg-8.2).

1.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang


sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito (EsP10MK-IIh-8.3).

1
Subukin

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na


pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Isulat ito sa sagutang
papel.

1. Ang Makataong kilos ay kilos na ginagawa ng isang tao nang may pagpili at
ito ay ginagamitan ng isip, pananagutan at responsibilidad.

2. Ang Konsensya ang tumutukoy sa tinig o boses na umiiral sa loob ng


kaisipan ng isang tao na nagbibigay ng hudyat o gabay tungo sa kamalian o
katumpakan ng isang gawain, wika, o pangyayari.

3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa


masama.

4. Ang pagsasagawa ng makataong kilos ay hindi dapat ginagawa ng isang tao.

5. Ang paggawa ng mabuti ng isang tao ay dikta ng kanyang puso at isip.

PANUTO: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang kasagutan.

6. KMAAATNOG LISKO

7. RISMUKSNTAYSA

8. YHANAAKAK

9. IOKLS BOLO

10. ULANYNI

2
PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito
sa sagutang papel.

11. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.


a. pasiya
b. kilos
c. kakayahan
d. damdamin

12. Ano ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang


makamit ang layunin.
a. layunin
b. Kilos
c. Sirkumstansya
d. kahihinatnan

13. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
b. Ito ang pinakatunguhin ng isang kilos
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng
kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

14. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano


naman ang papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon
b. Tumungo sa layunin o intensyon ng isip
c. Tumulong sa kilos ng isang tao
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos

15. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Sirkumstansya?


a. Ito ay tumutukoy sa isang kundisyon o kalagayan kung saan ang kilos
ginawa ay nakaapekto sa kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon
ang kilos-loob
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng
isang kilos
d. Ito ay nakapagbabago sa halaga ng isang kilos.

3
Aralin
LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA
1

Balikan

Sa nakaraang aralin ay lalo pang napalawak ang iyong kaisipan sa masusing


paggamit ng iyong isip na kaloob ng Diyos at maging mapanagutan sa bawat
isasagawang kilos at pasiya.

PANUTO: Tukuyin kung ang mga sumusunod na yugto ay nakategorya sa isip o kilos-
loob.

1. Pagkaunawa sa layunin 6. Paggamit


2. Nais ng layunin 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili
3. Intensyon ng layunin 8. Bunga
4. Paghuhusga sa nais makamtan 9. Utos
5. Paghuhusga sa nakaraan 10. Paghuhusga sa paraan

PANUTO. Isulat sa loob ng hagdan ang mga hakbang sa Moral na Pagpapasiya.

4
Tuklasin

Gawain 1: Tukuyin Mo!

PANUTO: Pag-aralan ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at


sirkumstansya sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Layunin____________________________
Ang nanay ni Juan ay may ___________________________________
sakit. Pumasok siya sa ___________________________________
botika at nagnakaw ng
gamut. Paraan_____________________________
___________________________________
___________________________________

Sirkumstansya______________________
___________________________________
___________________________________

Layunin____________________________
Gusto ni Ana na masabitan ng ___________________________________
2. medalya pagdating ng kanyang ___________________________________

graduation kaya pinagbubuti Paraan_____________________________


niya ang kanyang pag-aaral. ___________________________________
___________________________________

Sirkumstansya______________________
___________________________________
___________________________________

5
Layunin____________________________
Namili si Gabriel ng bigas sa ___________________________________
3. ___________________________________
tindahan, nang tingnan niya
Paraan_____________________________
ang sukli ay sobra pala ito. ___________________________________
___________________________________
Naisip niyang wala siyang
pambili ng ulam kaya hindi Sirkumstansya______________________
___________________________________
na niya binalik ang sobrang ___________________________________

sukli.

4. Naghiwalay ang magulang Layunin____________________________


___________________________________
ni Ben. Siya ay nalungkot ___________________________________

kaya nakipagbarkada sa Paraan_____________________________


___________________________________
mga masasamang ___________________________________
impluwensya at hindi na Sirkumstansya______________________
nag-aral. ___________________________________
___________________________________

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang pagkakaiba ng kilos sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag

2. Tama ba ang mga ginawa nila sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag.

6
Gawain 2: Sagutan ang mga tanong

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Batay sa Gawain 1. Isulat ang iyong mga konsepto tungkol sa kahulugan ng


layunin, paraan at sirkumstansya ng makataong kilos.
2. Ano ang iyong natuklasan sa kahulugan ng layunin, paraan at sirkumstansya ng
makataong kilos?
3. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at pasiya?

Gawain 3: PAGSUSURI SA SITWASYON

PANUTO: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama
ang ginawang pasya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng mabuting
kilos kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at lagyan ng ekis (X) ang kolum ng
masamang kilos kung naniniwala kang ito ay masama. Lagyan ng paliwanag ang
bawat napiling sagot.

Mga Sitwasyon Mabuting Kilos Masamang Kilos Paliwanag

1. Nakita ni Nelson na
tumatawiid ang
matandang babae kaya
ito ay tinulungan niya.
2. Nais ni Rose na siya
ang manguna sa
kanilang klase kung
kaya siya ay nangodigo.
3. May sakit ang anak ni
Jose kaya napilitan
siyang magnakaw sa
kapitbahay ng pera.
4. Mataas ang pangarap
ni Hannah kung kayat
ginawa niya ang lahat
para lang umangat sa
buhay kahit na may
naapakan na siyang
ibang tao,
5. Nagnanakaw si Leo
ng pagkain sa kantin
upang may maipakain sa
kanyang mga kapatid

7
Suriin

“Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin”.

Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang Makataong Kilos ay


bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at
kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya. Nangangahulugan
ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos
sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan
ng isip ay humusga at mag-utos.
Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel nman ng
kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensyon ng isip. ang panloob na kilos ay
nagmula sa isip at kilos-loob. Samantalang ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan
na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos. Hindi maaring maging hiwalay
ang dalawang ito, sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong
kilos, kahit mabuti ang panlabas.

Ano ang Makataong kilos?


◼ Ito ay ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating
katangian. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos batay sa
ating pagpapasiya.

Mga Salik na nakakaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na


mabuti o masama. Ang mga ito ay ang batayan sa paghuhusga kung ang
kilos ay moral o hindi.

1. Layunin - ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang


kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer).

2. Paraan - ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang


makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto
ang kilos.

3. Sirkumstansya - ito ay tumutukoy sa isang kundisyon o kalagayan ng kilos


na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

8
Pagyamanin

Gawin 4:
Panuto: Hanap - Salita. Hanapin ang mga salitang may kaugnayan
sa aralin. Kopyahin sa kwaderno, guhitan at isulat ang sagot.(15 pts).

M A K A T A O N G K I L O S

A A M M U G H J L I S I P O

B C N Y T D B S M L N O R Y

U R L A Y U N I N A L K D I

T S P R E S T R O S N H J D

I L O Y Y Q U K Y E K S W C

G S S A H N E U U K I P O M

H R A M A S A M G L L M I N

I G S O L I K S F P O H L P

K H Q R F G D T P A S I Y A

L J S A J V C A N N L A K N

M I C L L E R N G L O S O L

T I F L T A U S Y O O C I A

E U R O A G L Y U O B D U B

R L T N U H K A O B L E W A

U M H P K U Y H I Y O R E S

B N J U L K C F L T I G R E

O U L Y R L N E K R Y T H D

I Y K H E D W W M U U B U G
Isaisip

GAWAIN 5: KUMPLETUHIN!

PANUTO: Hanapin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa kwaderno.

Moral Sto. Tomas De Aquino Makataong Kilos

Intensyon Kilos-Loob panloob na kilos

panlabas na kilos doer Mag-utos layunin

Aristotle masama hiwalay pamamaraan

Sa etika ni (1)__________, ang (2)__________na kilos ay ang (3)__________ sapagkat

malayang patungo ito sa (4)__________na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan ng

isip ay humusga at (5)__________. Ang papel naman ng kilos-loob ay tumutungo sa

layunin o(6)__________ng isip. Ang (7)__________ay nagmumula sa isip at kilos-loob.

Samantalang ang (8)__________ay ang(9)__________ na ginagamit upang isakatuparan ang

panloob na kilos. Hindi maaaring maging(10)__________ang dalawang ito.

10
Isagawa

GAWAIN 6: PAGPILI NG KILOS

PANUTO: Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagpapakita


ng iyong kilos. Isulat sa loob ng kahon at gawin sa iyong kuwaderno. Tukuyin ang
layunin, paraan, at sirkumstansya ng iyong pasya o kilos sa sitwayon.

Sitwasyon na nagsagawa ng pasiya at kilos

Layunin Paraan

Sirkumstansya

Mga Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa ginawa mong kilos? Ito ba ay masama o mabuti? Ipaliwanag.
2. Naging matagumpay ba ang ginawa mong kilos? Patunayan
3. Pinag-isipan mo muna bang mabuti ang iyong kilos bago ito isagawa? Paano ito
nakatulong sa iyo? Ipaliwanag.

11
Tayahin

GAWAIN 7: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

PANUTO: Para sa unang bahagi. Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ayon kay _______________ sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ay tumutugon sa

isang layunin.

2. Ito ay bunga ng isip at kagustuhan, nasasalamin ng ating pagkatao.

3. Nakabatay kung ano tayo at ano ang kalalabasan ng ating kilos.

4. Ito ay tumutungo sa layunin at intensiyon ng isip.

5. Pamamaraan upang mapatupad ang panloob na kilos

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang
TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
6. Humusga, mag-utos a. doer

7. Mula sa isip at kilos-loob b. isip

8. Taong gumagawa ng kilos c. Panloob na kilos

9. Panlabas na kilos upang makamit d. sirkumstansya


ang layunin

10. Kondisyon o kalagayan na e. paraan


nakadaragdag o nakababawas ng
kasamaan o kabutihan ng isang kilos

12
PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang
papel.
11. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?

a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos,
kahit mabuti ang panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.

12. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin.

a. Layunin
b. Paraan
c. Kilos
d. kahihinatnan

13. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil inuna mo
ang inutos sa iyo ng iyong magulang. Nakikita mo ang sagot sa iyong katabi. Tama
ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.

b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.


c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.

d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na
sagot sa pagsusulit.

14. Nagsimba ang magkakaibigan na sila Rose, Ana at Lisa. Habang nasa simbahan
pinag-uusapan nila ang mga nasa loob ng simbahan. Ang kilos ng magkakaibigan ay
masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kanilang ginawa dahil_____
a. Pinag-uusapan nila ang mga tao
b. Pinag-uusapan nila ang mga tao ng walang pahintulot ng mga ito
c. Pinag-uusapan nila ang mga tao at ginawa pa nila ito sa loob ng simbahan
d. Wala sa nabanggit

15. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang
papel ng kilos-loob?

a. Umunawa at magsuri ng impormasyon


b. Tumungo sa layunin o intensyon ng isip
c. Tumulong sa kilos ng isang tao
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos

13
Karagdagang Gawain

GAWAIN 8:

A. PANUTO: Ibigay ang kahulugan at magbigay ng halimbawa

1. Layunin

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
____________________________________________

2. Paraan

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
____________________________________________

3. Sirkumstansya

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
____________________________________________

14
B. Hindi sa lahat ng pagkakaton ang ating intensyon sa ating kilos ay hindi
mabuti. Minsan tayo ay nakakaisip ng mga bagay na hindi maganda at atin itong
isinasagawa. May mga bagay na dinadaan natin sa hindi mabuting paraan upang
makamit natin ang ating nais. Kung kaya’t may pagkakataon na tayo ay may
nasasaktan, hindi lamang an gating mga sarili. Inaanyayahan kitang pagnilayan
ang iyong mga naging pasiya bago gawin ang iyong nais, anong kaparaanan ang
iyong ginawa at sinu-sino ang mga apektado nito. Upang matulungan kang suriin
an gang kasamaan at kabutihan ng iyong pasiya. Gawin mo ito.

PANUTO. Isipin at alalahanin ang iyong mga nagawang pasiya sa buhay. Suriin
kung ito ba ay mabuti o hindi batay sa layunin, paraan at sirkumstansya. Isulat sa
loob ng hugis puso kung ito ay mabuti. Isulat naman sa loob ng larawan ng
basurahan kung ito ay nakapagdulot ng hindi maganda.

TRASH BIN

15
16
SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN
1.Tama 1. Layunin
2.Tama 1. Isip 2. Paraan
2. Kilos-Loob
15. B
3.Tama 3.Sirkumstansya
3. Kilos-Loob
14. C
4. Mali 4.Makataong kilos
4. Isip
13. D
5.Tama 5.Mabuti
5. Kilos-Loob
12. B
6.Makataong Kilos 6. Masama
6. Kilos-Loob
11. A
7.Sirkumstansya 7. Moral
7. Isip
10. Sirkumstansya
8.Kakayahan 8.Pasiya
10. Hiwalay
8. Kilos-Loob
9. Paraan
9.Kilos-Loob 9.Kilos
9. Pamamaraan
9. Isip
8. Doer
10.Layunin 10.Panloob
8. Panlabas na Kilos
10.Kilos-loob
7. Panloob na kilos
11.B 11.Panlabas
7. Panloob na Kilos
6. Isip
12.B 12.Salik
6. Intensyon
5. Panlabas na kilos
13.C 13.Isip
5. Mag-utos
4. Kilos-loob
14.B 14.Kilos-loob
4. Layunin
3. Pagpapasiya
15.B 15.Diyos
3. Makataong Kilos
2. Makataong Kilos 2. Moral
1. Sto. Tomas De Aquino 1. Sto. Tomas De Aquino
ISAISIP
ISAISIP
1. Isip 1. Tama
Diyos 15.
2. Kilos-Loob 2. Tama
Kilos-loob 14. I19 Tomas
1.Sto. 3. TamaDe Aquino
3. Kilos-Loob
Isip 1.Sto. Tomas De Aquino
13. 2.Makataong
4. Mali Kilos
4. Isip
Salik 2.Moral 12. 3.Pagpapasiya
5. Tama
5. Kilos-Loob
Panlabas3.Makataong Kilos
11. 4.Kilos-loob
6. Makataong Kilos
6. Kilos-Loob
Panloob 4.Layunin 10. 5.Panlabas na kilos
7. Sirkumstansya
7. Isip
Kilos 5.Mag-utos 9. 6.Isip 8. Kakayahan
8. Kilos-Loob
Pasiya 6.Intensyon 8. 7.Panloob na kilos
9. Kilos-Loob
S
9. Isip
Moral 7.Panloob na Kilos
7. 8.Doer10. Layunin
10. Kilos-loob
Masama 8.Panlabas na Kilos
6. 9.Paraan
11. B
Mabuti 9.Pamamaraan5. 10.Sirkumstansya
12. B
10.Hiwalay
Makataong kilos 4. 11.A 13. C
Sirkumstansya 3. 12.B 14. B
Paraan 2. 13.D 15. b
Layunin 1. 14.C
15.B
PAGYAMANIN BALIKAN SUBUKIN
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing


Corporation Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Mula sa Internet

https://www/scribd.com/document/Esp10-modyul2

www.quizlet.com

https://www/slideshareapp.c

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like