You are on page 1of 29

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 40:
Kilos ng Paggalang at Pagsunod
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 40: Kilos ng Paggalang at Pagsunod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Prescilla P. Capisnon
Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Ponciano G. Alngog, Prudenciana D. Mallari,
Jezzine F. Salar, Judith E. Ecoben, Rashiel Joy F. Lepaopao,
Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit,
Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas,
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno,
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education - Caraga Region


Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 40:
Kilos ng Paggalang at Pagsunod
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 40 para sa Aralin 1 - Kilos ng Paggalang at
Pagsunod!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 40 para sa Aralin 1 - Kilos ng Paggalang at
Pagsunod!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Naipapamalas ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng pagpapakita


ng kilos tulad ng pagmamano sa mga nakatatanda, pagsasambit ng ―po‖ at ―opo‖,
pagpapaalam bago umalis at pagsunod sa mga tuntunin o batas na ipinanukala ng
mga taong may awtoridad tulad ng guro, pulis, mga opisyales sa pamayanan at iba
pa.
Bilang isang mamamayan ikaw ay inaasahang magpamalas ng mga angkop
na kilos bilang tanda ng pagsunod at paggalang sa awtoridad at nakatatanda sa
iyo. Inaasahan din na sa iyong pagpapamalas ng paggalang at pagsunod ay
maimpluwensyahan at mahihikayat ang kapwa kabataan o nakababatang kapatid
na magpakita rin ng mga kilos ng paggalang at pagsunod.

Sa modyul na ito ay malilinang mo ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa
kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito. (EsP8PB-IIId-10.4)

1
Subukin

Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang
sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Kanino unang natututunan ng bata ang paggalang at pagsunod?


A. kaibigan
B. kapatid
C. kasambahay
D. magulang

2. Anong pagpapahalaga ang dapat na pagyamanin upang maisapuso ang


pagsunod at paggalang? Pagiging:
A. malikhain
B. masinop
C. masipag
D. masunurin

3. Ang pagsunod sa mga batas tungkol sa Enhanced Community Quarantine na


sanhi ng paglaganap ng pandemiyang COVID 19 ay ipinatutupad ng:
A. awtoridad
B. magulang
C. nakatatanda
D. nakatatandang kapatid

4. Maliit pa lamang si Francis, tinuruan na siya ng kaniyang magulang na


tumawag ng ate sa kaniyang panganay na kapatid na si Lily. Anong
pagpapahalaga ang itinanim sa isipan ni Francis ng kanyang magulang?
A. kabutihan at kabaitan sa kapwa
B. pagsunod at pagsasagawa ng kilos
C. paggalang at pagsunod sa nakatatanda
D. pag-aaral at pagpapalawak ng kaalaman

2
5. Iniidolo ng mga kabataan si Mario bilang SK Chairman sa kanilang barangay.
Maliban sa pagiging palakaibigan, mahusay rin niyang ginagampanan ang
kaniyang tungkulin. Kapalit naman nito ang aktibong kooperasyon ng mga
kabataan sa mga gawain ng kanilang organisasyon. Paano nakaimpluwensya
ang kilos ni Mario sa kapwa kabataan?
A. paghanga kay Mario
B. pagsunod sa utos ni Mario
C. pakikipagkaibigan kay Mario ng mga kabataan
D. paglilingkod ng may kahusayan sa kanyang tungkulin

6. Paano maisasagawa ang mga kilos na nagpapakita ng paggalang?


A. pagtawag sa pangalan ng nakatatanda
B. pagmamano sa ama, ina at iba pang nakatatanda
C. pagbati ng ―hi‖ sa mga nakakasalubong na matanda
D. ipinagsasawalang bahala ang mga payo ng magulang

7. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa kapwa kabataan?


A. tumutulong sa kanilang mga gawain
B. nakikiramay sa kaniyang pagdadalamhati
C. nakikipagsabayan sa uso na ginagawa ng kabataan
D. nagpapahalaga sa mabubuting gawi na ipinakikita ng kapwa kabataan

8. Paano maipapamalas ang kilos nagpapakita ng paggalang sa awtoridad?


A. Ipaglalaban ang dignidad ng pagkatao.
B. Malayang maipahayag ang mga kamalian.
C. Tinutupad nang may kondisyon ang mga kautusan.
D. Nakikiisa at laging sumusuporta sa mga mabubuting programa at
proyekto.

9. Sinisikap ng mag-asawang Rodulfo na turuan ang kanilang mga anak ng


angkop na kilos at ginagawa nila ang lahat ng paraan upang lumaking
mabuting mamamayan ang mga ito. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng angkop na kilos?
A. pagtupad sa sariling kagustuhan
B. laging namamasyal nang sama-sama sa ibang lugar
C. sama-sama at laging magkasasabay sa oras ng pagkain
D. paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap ng mga anak sa kanilang mga
magulang

10. Alin sa sitwasyon ang nakaiimpluwensya ng pagsunod sa kapwa kabataan?


A. isang bata na nambubulas ng kapwa bata
B. pagsasagawa ng palarong pambarangay
C. pangangampanya upang maging lider ng kabataan
D. mga kawani ng barangay na matapat sa kanilang tungkulin

3
11. Pinara at pinahinto ng traffic enforcer si Arniel dahil nakagawa ito ng paglabag
sa batas trapiko, sa halip na magdabog at magyabang ay humingi ito ng
paumanhin. Anong kilos ang ipinamalas ni Arniel?
A. pakikipagtalo sa awtoridad
B. pakikipag-areglo sa traffic enforcer
C. paggalang sa batas na ginawa ng awtoridad
D. pagsasawalang bahala sa kasalanang nagawa

12. Hindi biro ang ginagawa ng mga kinauukulan upang masolusyonan ang COVID
19. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod ng mamamayan sa may
awtoridad?
A. Hindi pagsuot ng face mask kahit saan magpunta.
B. Piliin ang mga batas na susundin ng mga awtoridad.
C. Manatili sa bahay hanggang ipinatutupad ang community quarantine.
D. Makipagkaibigan sa mga doctor para may madaling malalapitan sa oras
ng pangangailangan.

13. ―Galangin mo ang iyong ama at ina‖. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapamalas
ng pinakaangkop na kilos ng pahayag?
A. Kung kailan inuutusan ay saka lamang kikilos.
B. Tumutupad sa mga utos ng magulang kung may kapalit.
C. Sinusunod nang buong paggalang ang mga turo ng magulang.
D. Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.

14. Ang pagmamalasakit sa mga nakatatanda ay pagpapakita ng paggalang. Alin sa


mga sumusunod ang angkop na kilos ng paggalang sa nakatatanda?
A. ipaubaya na lang sila sa DSWD
B. hindi nakikialam sa nais nilang gawin
C. paggabay sa matandang tumatawid sa kalsada
D. namimili ng panahon ng pagbisita sa lolo at lola

15. Ang mayor ng inyong barangay nagpanukala ng isang malawakang clean-up


drive, bilang isang mamamayan ano ang maari mong gawin upang maipakita
ang pagsunod at paggalang sa utos ng awtoridad?
A. pagbibingi-bingihan sa napakinggang panukala
B. pakikiisa sa panukala ng awtoridad ng bukal sa kalooban
C. ipagwalang bahala dahil sa mas importante ang pansariling gawain
D. unahin munang linisin ang sariling bakuran bago maglinis ng kalat ng
ibang tao

4
Aralin
Kilos ng Paggalang at
1 Pagsunod

“Ang paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at


may awtoridad ay katumbas ng paggawa nito sa Poong
Maykapal.”

-anonymous

Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang


hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.

Balikan

Gawain 1: Kilos ng Pagmamahal!

Panuto: Suriing mabuti ang mga parirala. Isulat ang (/) kung ang parirala ay
nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad dahil sa pagmamahal, pananagutan at pagkilala na
hubugin ang pagpapahalaga ng kabataan at (x) kung ang parirala ay
nagpapakita ng paglabag sa pagsunod at paggalang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. pagmamano sa magulang
2. pitong- taong gulang na bata na nakasuot ng face mask sa paglabas ng
bahay sa panahon ng ECQ
3. pagsunod sa mga alituntunin sa paaralan
4. pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamunuan ng barangay
5. agad na tumatalima sa iniuutos ng magulang kung ibinibigay ang
hinihingi
6. tumutulong sa mga proyekto ng Sangguniang Kabataan
7. sumusunod sa payo ng lolo at lola
8. gumagawa ng takdang –aralin habang nagkaklase ang guro
9. pagsusuot ng ID sa paaralan
10. tumutulong sa mga gawaing bahay kahit hindi inuutusan

5
Mga Tal a para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa


Bal i k an ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

6
Tuklasin

Gawain 2: Ganito Ako sa Kanila

Panuto: Suriin ang mga larawan na nagpapakita ng mga kilos sa pagsunod at


paggalang sa mga magulang, nakatatanda at awtoridad. Pagnilayan ang
mga gabay na tanong.

MAGULANG

7
NAKATATANDA

AWTORIDAD

Gabay na tanong:

1. Bilang kabataan, paano mo maisasagawa ang paggalang sa mga magulang,


nakatatanda at may awtoridad?

8
Suriin

Isang matibay na batayan ng bawat tao ang kaniyang mataas na pagkilala


sa magulang-- ang mahalin, igalang at sundin sila sa anumang mabubuting turo.

Kung babalikan ang unang larawan sa bahaging Tuklasin, makikitang ang


anak ay nagmamano sa kararating na ina. Ang kilos na ito ay isang tanda ng
paggalang sa magulang at nakatatanda dahil nangangahulugan itong nirerespeto
at kinalulugdan ng anak presensya ng magulang. May iba pang angkop na kilos sa
pagsunod at paggalang sa magulang ito ay ang sumusunod:

 Isaalang-alang ang kanilang opinyon o pananaw.


 Bumuo ng isang positibong saloobin sa iyong mga magulang.
 Gawing prayoridad ang magulang.
 Kung hindi sang-ayon sa gusto ng magulang, huwag maging
bastos ang pagsagot ditto.
 Maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon.
 Ugaliing magpasalamat sa magulang.
 Maging mapagkumbaba at iwasan ang pagiging mapagmataas.

Mapapansin naman sa pangalawang larawan ang angkop na kilos na


kailangang pairalan upang maipakita ang paggalang sa nakatatanda tulad na
lamang nang nasa pangalawang larawan, ibinigay ng bata ang kanyang upuan
para sa matanda upang ipakita ang paggalang. Narito ang ibang angkop na kilos sa
pagsunod at paggalang sa mga nakatatanda:

 Maging magalang sa pakikipag-usap.


 Ugaliing gumamit ng ―po‖ at ―opo.‖
 Humingi ng payo.
 Pagsilbihan sila ayon sa makakaya.

Ipinakita naman sa pangatlong larawan ang pagsunod at paggalang sa


awtoridad. Halimbawa nito ay ang pagsunod sa panukalang magsuot ng face mask
upang makaiwas sa nakamamatay na COVID 19 ipinahihiwatig nito na iginagalang
ang awtoridad. Narito ang ibang angkop na kilos sa pagsunod at paggalang sa may
awtoridad:

 Palawakin ang isipan hinggil sa batas na ipinatutupad.


 Maging isang modelo at inspirasyon sa kapwa kabataan.
 Magprotesta sa tamang paraan.
 Makipag-ugnayan sa awtoridad.

9
Kung maisasagawa ang mga angkop na kilos na ito ay tiyak na
mapapanatili ang matibay na ugnayan ng tao sa kapw at maaaring
makaimpluwensiya sa kapwa kabataan. Ang aktibong pakilalahok sa mga gawaing
pampamayanan, pagsunod sa magulang at paggalang sa mga nakatatanda ay
simbolo lamang na ang tao ay marangal.

Bilang kabataan kailangan natin na masunod at maisagawa ang mga


angkop na kilos sa paggalang kahit sa mga simpleng bagay upang magsilbi tayong
huwaran at makaimpluwensiya tayo sa iba pang kabataan na sundin at gawin din
ang nararapat sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad sa lipunan.

10
Pagyamanin

Gawain 3: Kaya mo bang gawin?

Panuto: Suriin ang nilalaman ng akrostik at piliin ang mga kilos na nagpapamalas
ng pagsunod o paggalang na kaya mo ring gawin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
P- amilya ang ugat at dito sumibol A- lalayan ang kapwa lalo na ang
Ang mabuting gawi, dangal kabataan
nahuhubog Magtaguyod ng tamang pananaw sa
Gabay sa paglaki, asal ay susulong buhay
Respeto sa kapwa sayo’y dumadaloy Pagmamahal sa puso sa tuwina’y
taglay
A- ral, payo, utos, sinusunod ng Tunay na batayan ng pagkamagalang
maluwag
Mapayapang damdamin sa kapwa ay L- ayon ng pagsunod magbunga ng
galak mabuti
Dangal ng magulang sa mabuting Kamtin ang pangarap iyong minimithi
anak Tupdin, tangkilikin tatak nitong lahi
Sa lahat ng oras batas tinutupad Maipagmalaki mabubuting gawi

G- abay sa landasin ang mga magulang A- te, kuya, impo anumang katawagan
Mga nakatatanda at may awtoridad Kung iyong ginagamit tanda ng
Laging naririyan mapagpalang kamay paggalang
Kaya sa kanila mali ang pagsuway Tatak Pilipino iyong itatanghal
Puno ng pag ibig ang pagsasamahan
G- olden Rule ang katumbas ng bawat
N- ang mapabilang ka sa isang pamilya
salita
Sa isang lipunan, maging isang bansa
Ng mga magulang at nakatatanda
May responsibilidad itong kaagapay
Pati naatasan ng pamamahala
Na maipakikita at maiaalay
Kaya tangkilikin kanilang pagpapala
G- awa at kilos ang magpapatunay
Ng pagpapahalaga sa ganda ng buhay
Sa Diyos at sa bansa, sa kapwa iaalay
Tiyak makakamit ang mithing
tagumpay

11
Gawain 4: A- K- B- Chart

Panuto: Punan ng mga angkop na kilos na isasagawa upang maipamalas ang


pagsunod at paggalang, isulat din ang magiging bunga kung naipamalas
mo ito sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Tatak ng Pagsunod at Paggalang

Magulang Nakatatanda
Aktor
(Ikaw)
May Awtoridad Kapwa tao

Kaganapan
(Paano isasagawa o
maipapakita ang
tatak ng pagsunod
at paggalang?)

Bunga
(Ano ang magiging
resulta kung
gagawin ang mga
angkop na kilos ng
pagsunod at
paggalang)

Rubrik sa Pagmamarka ng Sagot


Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad (5
(10 puntos) (7 puntos)
puntos)
Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang
pagkalalahad ng pagkalahad ng pagkalahad ng
mensahe at mensahe at mensahe at
kaisipan hinggil sa kaisipan hinggil sa kaisipan hinggil sa
Malinaw na
mga angkop na mga angkop na mga angkop na
naipahayag ang
kilos sa pagsunod kilos sa pagsunod kilos sa pagsunod
mensahe at kaisipan
at paggalang sa at paggalang sa at paggalang sa
magulang, magulang, magulang,
nakatatanda at nakatatanda at nakatatanda at
awtoridad awtoridad awtoridad
Kabuoang Puntos= 10

12
Gawain 5: Larawan-Impluwensiya!

Panuto: Humanap o gumupit ng larawan na nagpapamalas ng pagsunod at


paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Maglahad ng
mga paraan kung paano mo isabuhay ang kilos upang
makaimpluwensiya ng kapwa kabataan.

Rubriks sa Pagmamarka

Mga Pamantayan 5 4 3 2

1. Naipamalas sa larawan ang angkop na kilos


sa pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad
2. Naipaliwanag ang mga gagawing kilos na
makakaimpluwensiya sa kapwa kabataan
3. Malinis at malikhain ang presentasyon ng
awtput
Kabuoan:

Batayan sa Pagmamarka:

5- nasunod ang lahat ng pamantayan

4 –may 1 pamantayan na hindi nasunod

3- may 2 hindi nasunod na pamantayan

2-Hindi nasunod ang pamantayan

13
Isaisip

Gawain 6: Punan-Kaalaman!

Panuto: Punan ang mga sumusunod na patlang upang mabuo ang diwa ng
talata. Piliin at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang (1.) _______________ at (2.) _______________ sa mga magulang, mga (3.)


_______________ at maging sa may (4.) _______________ ay katumbas ng
pagsunod sa kalooban ng Poong (5.) _______________. Ang aktibong (6.)
_______________ sa mga gawaing pampamayanan, pagsunod sa magulang at
paggalang sa mga nakatatanda ay (7.) _______________ lamang na ang tao ay (8.)
_______________.

a. pakikilahok b. nakatatanda c. marangal

d. awtoridad e. simbolo f. Maykapal

g. pagsunod h. paggalang

14
Isagawa

Gawain 7: Kilos Sarbey!


Panuto: Lagyan ng tsek ang hanay kung ang pagsunod o paggalang ay naisagawa
sa magulang, nakatatanda o may awtoridad. Sa ikalimang hanay
ipaliwanag paano makaiimpluwensya ang kilos sa kapwa kabataan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Mga Gawain Paano


na makaiimpluwensya
Magulang Nakatatanda Awtoridad
Nagpapakita ang kilos sa kapwa
ng Pagsunod kabataan
at Paggalang

1.Pananatili sa
loob ng bahay
dahil sa
pandemic na
COVID 19

2.Pagtawag ng
kuya, manang,
impo, lolo, tiyo,
ditse, atbp.

3.Pagsasagawa
ng gawaing
bahay

4.Hindi
pakikialam o
pagsira ng mga
ari-arian ng
gobyerno

5.Pagmamano
sa lolo at lola

15
Tayahin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang
sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Paano maisasagawa ang mga kilos na nagpapakita ng paggalang?


A. pagtawag sa pangalan ng nakatatanda
B. pagmamano sa ama, ina at iba pang nakatatanda
C. pagbati ng ―hi‖ sa mga nakakasalubong na matanda
D. ipinagsasawalang bahala ang mga payo ng magulang

2. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa kapwa kabataan?


A. tumutulong sa kanilang mga gawain
B. nakikiramay sa kaniyang pagdadalamhati
C. nakikipagsabayan sa uso na ginagawa ng kabataan
D. nagpapahalaga sa mabubuting gawi na ipinakikita ng kapwa kabataan

3. Paano maipapamalas ang kilos nagpapakita ng paggalang sa awtoridad?


A. Ipaglalaban ang dignidad ng pagkatao.
B. Malayang maipahayag ang mga kamalian.
C. Tinutupad nang may kondisyon ang mga kautusan.
D. Nakikiisa at laging sumusuporta sa mga mabubuting programa at
proyekto.

4. Sinisikap ng mag-asawang Rodulfo na turuan ang kanilang mga anak ng


angkop na kilos at ginagawa nila ang lahat ng paraan upang lumaking
mabuting mamamayan ang mga ito. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng angkop na kilos?
A. pagtupad sa sariling kagustuhan
B. laging namamasyal nang sama-sama sa ibang lugar
C. sama-sama at laging magkasasabay sa oras ng pagkain
D. paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap ng mga anak sa kanilang mga
magulang

5. Alin sa sitwasyon ang nakaiimpluwensya ng pagsunod sa kapwa kabataan?


A. isang bata na nambubulas ng kapwa bata
B. pagsasagawa ng palarong pambarangay
C. pangangampanya upang maging lider ng kabataan
D. mga kawani ng barangay na matapat sa kanilang tungkulin

16
6. Pinara at pinahinto ng traffic enforcer si Arniel dahil nakagawa ito ng paglabag
sa batas trapiko, sa halip na magdabog at magyabang ay humingi ito ng
paumanhin. Anong kilos ang ipinamalas ni Arniel?
A. pakikipagtalo sa awtoridad
B. pakikipag-areglo sa traffic enforcer
C. paggalang sa batas na ginawa ng awtoridad
D. pagsasawalang bahala sa kasalanang nagawa

7. Hindi biro ang ginagawa ng mga kinauukulan upang masolusyonan ang COVID
19. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod ng mamamayan sa may
awtoridad?
A. hindi pagsuot ng face mask kahit saan magpunta
B. piliin ang mga batas na susundin ng mga awtoridad
C. manatili sa bahay hanggang ipinatutupad ang community quarantine
D. makipagkaibigan sa mga doctor para may madaling malalapitan sa oras
ng pangangailangan

8. ―Galangin mo ang iyong ama at ina‖. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapamalas
ng pinakaangkop na kilos ng pahayag?
A. Kung kailan inuutusan ay saka lamang kikilos.
B. Tumutupad sa mga utos ng magulang kung may kapalit.
C. Sinusunod nang buong paggalang ang mga turo ng magulang.
D. Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.

9. Ang pagmamalasakit sa mga nakatatanda ay pagpapakita ng paggalang. Alin sa


mga sumusunod ang angkop na kilos ng paggalang sa nakatatanda?
A. ipaubaya na lang sila sa DSWD
B. hindi nakikialam sa nais nilang gawin
C. paggabay sa matandang tumatawid sa kalsada
D. namimili ng panahon ng pagbisita sa lolo at lola

10. Ang mayor ng inyong barangay nagpanukala ng isang malawakang clean-up


drive, bilang isang mamamayan ano ang maari mong gawin upang maipakita
ang pagsunod at paggalang sa utos ng awtoridad?
A. pagbibingi-bingihan sa napakinggang panukala
B. pakikiisa sa panukala ng awtoridad ng bukal sa kalooban
C. ipagwalang bahala dahil sa mas importante ang pansariling gawain
D. unahin munang linisin ang sariling bakuran bago maglinis ng kalat ng
ibang tao

11. Kanino unang natututunan ng bata ang paggalang at pagsunod?

A. kaibigan
B. kapatid
C. kasambahay
D. magulang

17
12.Anong pagpapahalaga ang dapat na pagyamanin upang maisapuso ang
pagsunod at paggalang? Pagiging:
A. malikhain
B. masinop
C. masipag
D. masunurin

13.Ang pagsunod sa mga batas tungkol sa Enhanced Community Quarantine na


sanhi ng paglaganap ng pandemiyang COVID 19 ay ipinatutupad ng:
A. awtoridad
B. magulang
C. nakatatanda
D. nakatatandang kapatid

14.Maliit pa lamang si Francis, tinuruan na siya ng kaniyang magulang na


tumawag ng ate sa kaniyang panganay na kapatid na si Lily. Anong
pagpapahalaga ang itinanim sa isipan ni Francis ng kanyang magulang?
A. kabutihan at kabaitan sa kapwa
B. pagsunod at pagsasagawa ng kilos
C. paggalang at pagsunod sa nakatatanda
D. pag-aaral at pagpapalawak ng kaalaman

15.Iniidolo ng mga kabataan si Mario bilang SK Chairman sa kanilang barangay.


Maliban sa pagiging palakaibigan, mahusay rin niyang ginagampanan ang
kaniyang tungkulin. Kapalit naman nito ang aktibong kooperasyon ng mga
kabataan sa mga gawain ng kanilang organisasyon. Paano nakaimpluwensya
ang kilos ni Mario sa kapwa kabataan?
A. paghanga kay Mario
B. pagsunod sa utos ni Mario
C. pakikipagkaibigan kay Mario ng mga kabataan
D. paglilingkod ng may kahusayan sa kanyang tungkulin

18
Karagdagang Gawain

Gawain: Pagsulat ng Journal!!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa sariling karanasan sa pagsunod


at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad na
nakaimpluwensya sa kapwa kabataan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Rubriks sa Pagmamarka

Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit


inaasahan inaasahan nakamit ang ang inaasahan
Krayterya
inaasahan
(10 puntos) (7 puntos) (2 puntos)
(5 puntos)

Nilalaman Komprehen- Kompleto ang May ilang Maraming


sibo ang nilalaman ng kakulangan sa kakulangan sa
nilalaman ng teksto. nilalaman ng nilalaman ng
teksto. Nakapag- teksto. May 2 teksto. Walang
Naibahagi ang bahagi ng 3 karanasan naibahaging
karanasan at karanasan ngunit hindi karanasan at
higit na nakaimplu- masyadong hindi
nakaimplu- wensya sa nakaimpluwen nakaimplu-
wensiya sa kapwa siya sa kapwa wensya sa
kapwa kabataan kabataan kapwa kabatan
kabataan

Organisasyo Organisado at Malinaw at Hindi Walang


n ng mga may malinaw maayos ang masyadong kaayusan ang
kaisipan na kaisahan paglalahad maayos at paglalahad ng
ang daloy ng ng kaisipan malinaw ang kaisipan sa
paglalahad ng sa teksto. paglalahad ng teksto.
kaisipan sa kaisipan sa
teksto. teksto.

Kabuoang
Iskor

= 20

19
20 ISAGAWA
GAWAIN 7
1. Awtoridad
2. Nakatatanda
3. Magulang
4. Awtoridad
5. Nakatatanda
BALIKAN
Gawain 1
1. /
2. /
3. /
4. /
5. /
6. /
7. /
8. /
9. /
10. /
Subukin Tayahin Subukin
1. D 1. B 1. D
2. D 2. D 2. D
3. A 3. D 3. A
4. C 4. D 4. C
5. D 5. D 5. D
6. B 6. C 6. B
7. D 7. C 7. D
8. D 8. D 8. D
9. D 9. C 9. D
10. D 10. B 10. D
11. C 11. D 11. C
12. C 12. D 12. C
13. D 13. A 13. D
14. C 14. C 14. C
15. B 15. D 15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:

Bognot Regina Mignon C. et. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Vival Publishing


House Inc.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Vival Publishing House Inc.

Hanguang Elektroniko:

Abello, J. n.d. inspiring.com. Accessed June 6, 2020.


https://inspiringtips.com/ways-to-respect-your-parents/.

n.d. bayviewhealthcare.org. Accessed June 6, 2020.


https://www.bayviewhealthcare.org/9-ways-honor-respect-elders/.

Gupta, P. 2017. parentcircle. February 15. Accessed June 6, 2020.


https://www.parentcircle.com/article/5-ways-to-teach-children-to-respect-
law-and-authority/.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like