You are on page 1of 29

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 38:
Iwasan: Paglabag sa Paggalang
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 38: Iwasan: Paglabag sa Paggalang
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: May Marie O. Eviota
Editor: Mark Lorenz C. Luib, Michael C. Paso
Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Linda T. Geraldino, Junny D. Ramirez, Judith
E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M.
Lillo at John Rey C. Clarion
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit,
Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education - Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 38:
Iwasan: Paglabag sa Paggalang
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 38 para sa Aralin 1 - Iwasan: Paglabag sa
Paggalang!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 38 para sa Aralin 1 - Iwasan: Paglabag sa
Paggalang!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang pagtanggap ng paggalang mula sa iba ay napakalaking bagay kung saan


nakatutulong upang maipakita ang tiwala sa sarili. Ang pagrespeto ay may
malaking epekto sa sarili at kapwa na nagtuturo sa bawat isa kung paano maging
magalang sa iba.
“Ang paggalang sa magulang ay tunay na karangalan.” Ang kasabihang ito
ay nagpababatid na ang taong marangal ay marunong gumalang, hindi lamang sa
mga magulang kung hindi pati na rin sa ibang tao, gaya ng mga nakatatanda at
may awtoridad.
Ikaw ba ay magalang sa iyong mga magulang? Ano ang maaaring
kahihinatnan kung wala kang paggalang sa iyong magulang, sa nakatatanda at sa
may awtoridad?

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,


nakatatanda at may awtoridad. (EsP8PB-IIIc-10.2)

1
Subukin

Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga ang paggalang sa magulang at nakatatanda? Dahil:


A. matanda na sila
B. inaalagaan nila tayo
C. utang natin ang buhay natin sa kanila
D. ito ay pagpapakita ng kabutihang asal at pagpapahalaga

2. Habang kausap ni Aling Norma ang kanyang kumare ay sumabat sa usapan


ang si Jamaica kahit hindi tinatanong. Anong uri ng paggalang ang nalabag ni
Jamaica? Paggalang sa:
A. awtoridad
B. kaibigan
C. magulang
D. nakakatanda

3. Nagmamadali si Lourdes na pumasok sa paaralan. Upang mapabilis ay


tumawid siya sa maling tawiran. Hinuli siya ng pulis dahil sa jay-walking.
Anong uri ng paggalang ang nalabag ni Lourdes? Paggalang sa:
A. awtoridad
B. kaibigan
C. tmagulang
D. nakatatanda

4. Ano ang palatandaan na nalabag mo ang paggalang? Kapag:


A. hindi nagbigyang halaga ang isang tao
B. hindi nakibahagi sa mga gawaing pambarangay
C. hindi kinikilala ang mga taong naging bahagi ng buhay
D. hindi pakikipag-ugnayan sa mga taong nakahahalubilo

5. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Ang paggalang sa kapwa ay paggalang


sa Dakilang Lumikha?”
A. Igalang ang mga dakila.
B. Marapat na igalang ang kapwa sapagkat sila ay dakila.
C. Kailangan pairalin ang paggalang sa sanlibutan.
D. Maipakikita ang paggalang sa Diyos kapag ginagalang ang mga taong
kanyang nilikha.

2
6. Si Lola Marta ay may iniindang karamdaman kaya nahihirapan itong paliguan
ang sarili kaya humingi siya ng tulong sa kanyang apo ngunit hindi siya
pinansin nito. Anong paglabag sa paggalang ang nagawa ng kanyang apo?
A. awtoridad
B. magulang
C. nakatatanda
D. sarili

7. Nadatnan ng tanod si Pedro sa tapat ng itinapon na basura sa gilid ng kalsada,


napagbintangan siyang nagtapon nito kaya uminit ang kanyang ulo, paano
maipakikita ni Pedro ang kanyang paggalang sa may awtoridad?
A. manahimik na lamang kahit walang kasalanan
B. ipaglaban ang kanyang karapatan dahil siya ay nasa katuwiran
C. magpaliwanag nang mahinahon ngunit panagutin sa barangay ang tanod
na nambintang sa kanya
D. magpaliwanag nang mahinahon at humiling na tanungin ang mga
nakakita o panoorin nalang ang cctv ng barangay

8. Si Mang Romualdo na isang pulis ay naatasang magbantay sa kanilang


barangay upang mapangalagaan ang mga mamamayan laban sa COVID 19. Sa
kanyang pagpapatrolya nakita niya ang mga kabataang nag-iinuman sa tapat
ng isang tindahan at hindi sinusunod ang DOH protocols patungkol sa social
distancing kaya kanya itong sinita, sa halip na makinig ay nakipagtalo pa ang
mga kabataan sa pulis. Anong uri ng paglabag ang nagawa ng mga kabataan?
A. pagsunod sa magulang
B. pakikinig sa nakatatanda
C. pakikipag-away sa awtoridad
D. pakikipagbangayan sa kaibigan

9. Bakit sinasabing “Ang anak na may paggalang sa magulang ay hindi pasimuno


ng gulo sa lipunan?”
A. Ang batang magalang ay maraming kaibigan.
B. Ang bata ay natatakot na mapagalitan ng kanilang magulang.
C. Ang batang magalang ay likas na magalang sa lahat ng nilalang.
D. Ang batang menor de edad ay hindi natatakot managot sa batas.

10. Ginabi ng uwi si Ana dahil sumama ito sa mga kaibigang mamasyal sa plaza,
kaya napagalitan ng kanyang ina. Bakit siya pinapagalitan ng kanyang ina?
Dahil siya ay dinidisiplina upang:
A. mapaaga ang pag-uwi
B. hindi makagawa ng maling desisyon
C. mailayo sa kapahamakan at hindi mapariwara
D. hindi makapaglakwatsa kasama ang mga barkada

11. Bakit pinapatawan ng parusa ang mga lumabag sa batas ng pamahalaan?


A. dahil ito ang nararapat sa kanila
B. para sa kapakanan ng nakararami
C. upang magtanda at huwag ng umulit pa
D. upang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa lipunan

3
12. Si Dave ay nagpumilit na pumunta sa internet café dahil sa kanilang proyekto
na kailangang maipasa ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ama dahil gabi
na. Patago itong tumakas ng bahay at hindi pinakinggan ang ama, sa halip na
sa computer café ang punta ay nakipagkita ito sa kanyang nobya. Kaya
napagalitan ng ama. Anong paglabag ang nagawa ni Dave?
A. pagsunod sa batas ng tahanan
B. pagsunod sa payo ng magulang
C. pagsasabi ng totoo sa awtoridad
D. pagsunod sa sariling kagustuhan

13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa


nakatatanda?
A. nagsasalita nang walang paggalang
B. sumusuway sa oras ng curfew sa barangay
C. pinababayaan ang hiniram na kagamitan sa kapitbahay
D. nagbabawal sa kanila ng mga ordinaryong gawaing bahay

14. Si Temothy ay sobrang bilis magpatakbo ng kanyang motorsiklo ni hindi niya


pinapansin ang senyas ng traffic enforcer. Ano ang ipinapakitang paglabag ni
Temothy? Paglabag sa paggalang sa:
A. awtoridad
B. magulang
C. nakakatanda
D. pamahalaan

15. Si Jenny ay inutusan ng Ina na ligpitin ang mga gamit sa sariling kwarto dahil
masyado ng makalat. Sinunod niya naman ito ngunit padabog nagliligpit at
pinagsasalitaan ng pabalang ang Ina. Anong paglabag ang nagawa ni Jenny?
A. paglilinis ng labag sa kalooban
B. hindi pagrespeto sa nakatatanda
C. kawalan ng paggalang sa magulang
D. pabalang na nakikipag-usap sa magulang

4
Aralin
Iwasan: Paglabag sa
1 Paggalang

“Ang paggalang sa kapwa ay paggalang sa dakilang Lumikha.”

-anonymous

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang


tanda na may lubos kang pagkatuto sa nakaraang modyul. Alam kong kayang-
kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.

Balikan

Gawain 1: Kamay ng Paggalang!


Panuto: Magbigay ng limang halimbawa ng mga kilos na tanda ng paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad ayon sa iyong sariling opinyon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Kilos na Tanda


ng Paggalang sa mga
Magulang,
Nakatatanda at sa
may Awtoridad

5
Mga Tal a para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa


Bal i k an ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

6
Tuklasin

Gawain 2: Suri-Tula!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula at pagnilayan ang mga gabay na
tanong.

Magulang
May Marie O. Eviota

Sa isang punla, ako nagmula


Nagisnan wagas na pag-aaruga
Nilabanan hirap sa pag-aalaga
Aking kapakanan binigyang kalinga.

Lumaking sagana, walang inaalala


Lumaki sa layaw, sa inyo’y naging problema
Mga payo ninyo’y di inaalintana
Sakripisyo’y isinawalang bahala.

Panahon ay lumipas, naligaw aking landas


Lagim ang kinahinatnan, naging salot sa lipunan
Nangangapa sa kawalan, magulang ko’y nasaan?
Labis aking pagsisisi, kailangan kong makabawi.

Pabigat man sa buhay, magulang handang umalalay


Talikuran man ng mundo, buhay nila’y handang ialay
Sa pagsubok ng buhay, may sisibol na bukang-liwayway
Salamat mahal na magulang, nararapat kayong igalang.

Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang mga paglabag sa paggalang sa magulang ang inilalarawan sa tula?

2. Ano ang sinapit ng batang sumuway sa payo ng kanyang magulang?

7
Suriin

Naranasan mo na rin bang sumuway sa iyong magulang gaya ng nasa tula?


Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing ikaw ay pinapangaralan ng iyong
magulang?
Ang pagsunod sa payo at kautusan ng magulang at nakatatanda ay
palatandaan ng paggalang. Ang paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad ay isang kabutihang-asal na kadalasan ay ating natututunan sa loob ng
tahanan, sa paaralan at sa lipunang ginagalawan.
Ang paglabag sa paggalang sa kapwa ay maaaring makasasama sa sarili
maging sa ibang tao kung kaya pinapangaralan at dinidisiplina ng magulang ang
anak upang mailayo ito sa kapahamakan. Tanda ito ng kanilang pagmamalasakit
at pagmamahal. Binigyang-linaw sa tulang “Magulang” sa bahaging Tuklasin na
ang batang sumuway at lumaki sa layaw ay hindi malayong maligaw ng landas at
maging salot sa lipunan. Makikita rin kung paano pinagsisisihan ng tauhan sa
tula ang mga ginawang paglabag sa magulang.
May mga awtoridad rin na inaatasang mamahala sa pagpatutupad ng mga
batas upang mapangalagaan ang kapayapaan at kapakanan ng mga mamamayan,
kaya pinaparusahan at pinapanagot sa batas ang sinumang lumabag at nagkasala
rito.
Ayon sa kasabihan ang mga kabataang marunong gumalang sa magulang
ay hindi lapastangan sa kapwa, sa may awtoridad at hindi kailanman
pinagmumulan ng gulo sa lipunan.
Ang mga sumusunod ay ang mga paglabag sa paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.

Paglabag sa paggalang sa magulang:

 Kapag ikaw ay gumawa ng mga bagay na walang pahintulot ng


magulang gaya ng pag-alis ng bahay na walang paalam, pagpasok sa
silid nang hindi kumakatok at pagkuha ng bagay nang walang
pahintulot.
 Pakikialam ng gamit ng iba at ang hindi pag-iingat ng gamit na
hiniram.
 Hindi pagtupad sa usapan, gaya ng takdang oras sa pag-uwi ng
bahay.
 Pagiging iresponsable, gaya ng pagiging burara sa mga gamit.
 Kawalan ng malasakit at pagmamahal sa magulang, gaya ng
pagbigkas ng hindi magalang na pananalita at pagsuway sa kanilang
mga payo.

8
 Pagdadala ng mga barkada sa bahay na walang pahintulot ng
magulang.
 Hindi pagsunod sa utos ng magulang.
 Sumasabat sa usapan ng nakatatanda.
 Pagsuway sa kagustuhan ng magulang na para sa ikabubuti ng anak.
 Pagsagot nang pabalang sa magulang.
 Padabog na gumawa sa ipinag-uutos ng magulang.

Paglabag sa paggalang sa nakatatanda:

 Pagpapabaya at di-maayos na pakikipag-usap sa mga taong may edad na.


 Walang pagpapahalaga sa kanilang opinyon at saloobin, sa kabila ng
kanilang mayamang karanasan.
 Hindi maayos na pakikitungo at hindi pagsama sa kanila sa oras na sila ay
kinakailangan.
 Pagiging insensitibo sa kanilang mga kagustuhan.
 Hindi pagsabi ng po at opo.
 Hindi pagmamano.

Paglabag sa paggalang sa may awtoridad:

 Paglabag sa batas ng pamahalaan.


 Pagsuway at pakikipagtalo sa mga kawani ng gobyerno tulad ng guro, pulis
at iba pang awtoridad na naatasan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa
lipunan.

9
Pagyamanin

Gawain 3: Suri-Teksto!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

Humugot ng isang malalim na hininga si Gabriel, dinama niya ang sariwang


hangin na ngayon niya lamang muling nalanghap matapos ang ilang buwang
pananatili sa bilangguan. Dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata dahil sa
labis na tuwa at nangakong hindi na uulitin ang mga nagawang pagkasasala.
Masayahing tao si Gabriel, palakaibigan subalit napasama sa masamang
barkada. Panay ang gala nila kaya napabayaan ang kaniyang pag-aaral. Lagi silang
lumiliban sa klase at hindi sinusunod ang mga payo ng kanilang guro. Nag-iba rin
ang kanyang pag-uugali at humantong sa puntong sinusuway niya ang kanyang
ama at hindi niya pinakikinggan ang pangaral ng kanyang lola.
Isang gabi, nasangkot ang grupo nina Gabriel sa isang gulo sa lansangan,
may mga nadamay at napinsala na kanilang kagagawan, nanlaban sila sa
kapulisan kaya sila ay dinampot at pinarusahan. Napagtanto niya ang kanyang
kamalian hanggang sa dumating ang araw ng kanyang kalayaan.
Sa araw ng kanyang paglabas sinundo siya ng kanyang mga magulang,
mahigpit na niyakap at humingi ng kapatawaran.

Mga Tanong:
1. Ano-anong kilos ang nagawa ni Gabriel na nagpapakita ng kawalan ng
paggalang?

2. Ano ang maaaring gawin ni Gabriel upang makaiwas sa kapahamakan?

3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Gabriel, ano ang nararapat gawin upang hindi
na muling makulong?

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng


(10 puntos) (7 puntos) Pag-unlad
(4 puntos)
Nailahad ang Hindi gaanong Hindi nailalahad ang
wastong kaisipan nailahad ang wastong wastong kaisipan at
Nilalaman at nasagutan ang kaisipan at nasagutan nasagutan ang isang
tatlong ang dalawang katanungan.
katanungan. katanungan.
Kabuuang
Puntos 20

10
Gawain 4: Suriin natin!

Panuto: Suriin ang mga pahayag batay sa paglabag sa paggalang. Isulat ang tsek
(√) kung ito ay kawalan ng paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Pagmamaneho ng sasakyan nang walang lisensya.


2. Pagpapakalat sa social media ng mapanirang opinyon ukol sa isang barangay
kagawad.
3. Pagtulong sa matanda na tumawid sa kalsada.
4. Pag-upo sa pampasaherong sasakyan habang may nakatayong matanda dahil
walang maupuan.
5. Hindi pagpasa ng proyekto sa isang asignatura.

Gawain 5: Suri-Larawan!

Panuto: Basahin ang komik strip at sagutin ang graphic organizer. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Pepe, kanselado daw ang
klase natin dahil may low
Mag-iingat ka, Pepe. Uwi pressure. Tara sama ka sa
ka agad dito sa bahay amin!
pagkatapos ng klase mo, Gano’n ba? Ay,
anak. uuwi nlang ako ng
bahay para di
mag-alala si Inay.

Paalam po Inay,
papasok na po ako
sa paaralan!
Opo!
Inay.

Sama ka na sa amin,
maliligo kami sa ilog.
Mataas ang tubig kaya
masarap lumangoy!

11
Graphic Organizer:
Si Pepe

Paano ipakita ang pag Halimbawa ng paglabag


galang sa ina sa paggalang sa ina

Mga positibong epekto sa Mga negatibong epekto sa


paggalang sa payo ng Ina paglabag sa payo ng Ina

Rubrik sa Pagmamarka ng Sagot

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)

Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang


Malinaw na pagkalalahad ng pagkalahad ng pagkalahad ng
naipahayag ang mensahe at mensahe at mensahe at
mensahe at kaisipan hinggil sa kaisipan hinggil sa kaisipan hinggil sa
kaisipan paglabag sa paglabag sa paglabag sa
paggalang paggalang paggalang

Kabuoan

12
Isaisip

Gawain 6: Suri-Pahayag!

Panuto: Suriin ang mga pahayag at kompletuhin ang hinihinging kasagutan sa


kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ayon kay K’ung Fu Tze, “Iilan lamang sa mga masunuring anak at


magalang na kapatid ang magpapamalas ng kawalang-pitagan sa nakakataas,
at kailanman walang taong di lapastangan ang lumikha ng gulo… nasa
paggalang sa mga magulang at pagpipitagan ng mga kapatid ang ugat ng
pagmamahalan.”
Kompletuhin ang pangungusap.
Sapagkat ako ay batang may paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad, iiwasan ko ang _______________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______
Rubrik sa Pagmamarka

Nangangailangan ng
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)

Malinaw na Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang


naipahayag ang pagkalalahad ng pagkalahad ng pagkalahad ng
mensahe at mensahe at kaisipan mensahe at kaisipan mensahe at kaisipan
kaisipan hinggil sa mga hinggil sa mga hinggil sa mga
umiiral na paglabag umiiral na paglabag umiiral na paglabag
sa paggalang sa sa paggalang sa sa paggalang sa
magulang, magulang, magulang,
nakatatanda at may nakatatanda at may nakatatanda at may
awtoridad awtoridad awtoridad

Organisasyon Napakaayos ang Maayos ang Hindi maayos ang


ng Ideya pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
sunod ng ideya sa sunod ng ideya sa sunod ng ideya sa
talata talata talata

Kabuoan

13
Isagawa

Gawain 7: Sulat-Teksto!

Panuto: Sumulat ng isang tekstong naglalahad ng adbokasiyang magpapalaganap


ng kahalagaan ng paggalang. Isa-isahin ang mga paglabag sa paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad na dapat iwasan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Batayan sa Pagmamarka
Krayterya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi
inaasahan inaasahan nakamit ang nakamit ang
10 puntos 8 puntos inaasahan inaasahan
5 puntos 2 puntos
Nilalaman Komprehensibo Kumpleto ang May ilang Maraming
ang nilalaman nilalaman ng kakulangan sa kakulangan
ng teksto. teksto. Wasto nilalaman ng sa nilalaman
Wasto ang ang lahat ng teksto. May ng teksto.
lahat ng impormasyon ilang maling
impormasyon impormasyon
Organisasyon Organisado at Malinaw at Hindi Walang
ng mga may malinaw maayos ang masyadong kaayusan
kaisipan na kaisahan paglalahad ng maayos at ang
ang daloy ng kaisipan sa malinaw ang paglalahad
paglalahad ng teksto. paglalahad ng ng kaisipan
kaisipan sa kaisipan sa sa teksto.
teksto. teksto.
Kabuuang
Puntos = 20

14
Tayahin

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang
sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Si Lola Marta ay may iniindang karamdaman kaya nahihirapan itong paliguan


ang sarili kaya humingi siya ng tulong sa kanyang apo ngunit hindi siya
pinansin nito. Anong paglabag sa paggalang ang nagawa ng kanyang apo?
A. awtoridad
B. magulang
C. nakatatanda
D. sarili

2. Nadatnan ng tanod si Pedro sa tapat ng itinapon na basura sa gilid ng kalsada,


napagbintangan siyang nagtapon nito kaya uminit ang kanyang ulo, paano
maipakikita ni Pedro ang kanyang paggalang sa may awtoridad?
A. Manahimik na lamang siya kahit walang kasalanan.
B. Ipaglaban ang kanyang karapatan dahil siya ay nasa katuwiran.
C. Magpaliwanag nang mahinahon ngunit panagutin sa barangay ang tanod
na nambintang sa kanya.
D. Magpaliwanag siya nang mahinahon at humiling na tanungin ang mga
nakakita o panoorin nalang ang cctv ng barangay.

3. Si Mang Romualdo na isang pulis ay naatasang magbantay sa kanilang


barangay upang mapangalagaan ang mga mamamayan laban sa COVID 19. Sa
kanyang pagpapatrolya nakita niya ang mga kabataang nag-iinuman sa tapat
ng isang tindahan at hindi sinusunod ang DOH protocols patungkol sa social
distancing kaya kanya itong sinita, sa halip na makinig ay nakipagtalo pa ang
mga kabataan sa pulis. Anong uri ng paglabag ang nagawa ng mga kabataan?
A. pagsunod sa magulang
B. pakikinig sa nakatatanda
C. pakikipag-away sa awtoridad
D. pakikipagbangayan sa kaibigan

4. Bakit sinasabing “Ang anak na may paggalang sa magulang ay hindi pasimuno


ng gulo sa lipunan?”
A. Ang batang magalang ay maraming kaibigan.
B. Ang bata ay natatakot na mapagalitan ng kanilang magulang.
C. Ang batang magalang ay likas na magalang sa lahat ng nilalang.
D. Ang batang menor de edad ay hindi natatakot managot sa batas.

15
5. Ginabi ng uwi si Ana dahil sumama ito sa mga kaibigang mamasyal sa plaza,
kaya napagalitan ng kanyang ina. Bakit siya pinapagalitan ng kanyang ina?
Dahil siya ay dinidisiplina upang:
A. mapaaga ang pag-uwi
B. hindi makagawa ng maling desisyon
C. mailayo sa kapahamakan at hindi mapariwara
D. hindi makapaglakwatsa kasama ang mga barkada

6. Bakit pinapatawan ng parusa ang mga lumabag sa batas ng pamahalaan?


A. dahil ito ang nararapat sa kanila
B. para sa kapakanan ng nakararami
C. upang magtanda at huwag ng umulit pa
D. upang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa lipunan

7. Si Dave ay nagpumilit na pumunta sa internet café dahil sa kanilang proyekto


na kailangang maipasa ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ama dahil gabi
na. Patago itong tumakas ng bahay at hindi pinakinggan ang ama, sa halip na
sa computer café ang punta ay nakipagkita ito sa kanyang nobya. Kaya
napagalitan ng ama. Anong paglabag ang nagawa ni Dave?
A. pagsunod sa batas ng tahanan
B. pagsunod sa payo ng magulang
C. pagsasabi ng totoo sa awtoridad
D. pagsunod sa sariling kagustuhan

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa


nakatatanda?
A. nagsasalita nang walang paggalang
B. sumusuway sa oras ng curfew sa barangay
C. pinababayaan ang hiniram na kagamitan sa kapitbahay
D. nagbabawal sa kanila ng mga ordinaryong gawaing bahay

9. Si Temothy ay sobrang bilis magpatakbo ng kanyang motorsiklo ni hindi niya


pinapansin ang senyas ng traffic enforcer. Ano ang ipinapakitang paglabag ni
Temothy? Paglabag sa paggalang sa:
A. awtoridad
B. magulang
C. nakakatanda
D. pamahalaan

10. Si Jenny ay inutusan ng ina na ligpitin ang mga gamit sa sariling kwarto dahil
masyado ng makalat. Sinunod niya naman ito ngunit padabog nagliligpit at
pinagsasalitaan ng pabalang ang ina. Anong paglabag ang nagawa ni Jenny?
A. paglilinis ng labag sa kalooban
B. hindi pagrespeto sa nakatatanda
C. kawalan ng paggalang sa magulang
D. pabalang na nakikipag-usap sa magulang

16
11. Bakit mahalaga ang paggalang sa magulang at nakatatanda? Dahil:
A. matanda na sila
B. inaalagaan nila tayo
C. utang natin ang buhay natin sa kanila
D. ito ay pagpapakita ng kabutihang asal at pagpapahalaga

12. Habang kausap ni Aling Norma ang kanyang kumare ay sumabat sa usapan si
Jamaica kahit hindi tinatanong. Anong uri ng paggalang ang nalabag ni
Jamaica? Paggalang sa:
A. awtoridad
B. kaibigan
C. magulang
D. nakakatanda

13. Nagmamadali si Lourdes na pumasok sa paaralan. Upang mapabilis ay


tumawid siya sa maling tawiran. Hinuli siya ng pulis dahil sa jay-walking.
Anong uri ng paggalang ang nalabag ni Lourdes? Paggalang sa:
A. awtoridad
B. kaibigan
C. tmagulang
D. nakatatanda

14. Ano ang palatandaan na nalabag mo ang paggalang? Kapag:


A. hindi nagbigyang halaga ang isang tao
B. hindi nakibahagi sa mga gawaing pambarangay
C. hindi kinikilala ang mga taong naging bahagi ng buhay
D. hindi pakikipag-ugnayan sa mga taong nakahahalubilo

15. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Ang paggalang sa kapwa ay paggalang


sa Dakilang Lumikha?”
A. Igalang ang mga dakila.
B. Marapat na igalang ang kapwa sapagkat sila ay dakila.
C. Kailangan pairalin ang paggalang sa sanlibutan.
D. Maipakikita ang paggalang sa Diyos kapag ginagalang ang mga taong
kanyang nilikha.

17
Karagdagang Gawain

Gawain 8: SA ISIP, PUSO AT GAWA!

Panuto: Isulat sa bilog ang mahalagang natutunan sa araling ito, sa puso naman
isulat ang kahalagahan ng iyong magulang sa iyong buhay at sa kamay
isulat ang mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang paglabag sa
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

18
Rubrik sa Pagmamarka

Higit na Nakamit na Bahagyang Hindi nakamit


Krayterya inaasahan inaasahan nakamit na na inaasahan
10 puntos 8 puntos inaasahan 2 puntos
5 puntos
May ilang Maraming
Komprehensibo Kompleto at kakulangan kakulangan at
Bilog: at malinaw ang maayos ang at di gaanong walang
Mga pagkakalahad pagkakalahad maayos ang kaayusan ang
Naiintidihan sa mga sa mga pagkakalahad pagkakalahad
sa aralin naintindihan naintindihan sa mga sa mga
sa aralin sa aralin naintindihan naintindihan sa
sa aralin aralin

May ilang
Maraming
Komprehensibo Kompleto at kakulangan
kakulangan at
at malinaw ang maayos ang at di gaanong
Puso: walang
pagkakalahad pagkakalahad maayos ang
Kahalagahan kaayusan ang
sa sa pagkakalahad
ng magulang pagkakalahad
kahalagahan kahalagahan sa
sa buhay sa kahalagahan
ng magulang ng magulang kahalagahan
ng magulang sa
sa buhay sa buhay ng magulang
buhay
sa buhay

May ilang Maraming


Komprehensibo Kompleto at kakulangan kakulangan at
Kamay: at malinaw ang maayos ang at di gaanong walang
Mga bagay pagkakalahad pagkakalahad maayos ang kaayusan ang
na dapat sa mga bagay sa mga bagay pagkakalahad pagkakalahad
gawin upang na dapat gawin na dapat sa mga bagay sa mga bagay
maiwasan upang gawin upang na dapat na dapat gawin
ang paglabag maiwasan ang maiwasan gawin upang upang
sa paggalang paglabag sa ang paglabag maiwasan maiwasan ang
paggalang sa paggalang ang paglabag paglabag sa
sa paggalang paggalang

Kabuoang
Puntos = 30

19
20
BALIKAN
Gawain 1
 Maging sensitibo sa
pananalita.
 Pagrespeto sa kanilang
desisyon
 Maging mapagkumbaba.
 Pagpapakita ng kapitagan
 Pakikipag-usap nang maayos.
 Pagiging mabuting ehemplo sa
kapwa at komunidad
 Pagkakaroon ng kaalaman sa
batas
Tayahin Subukin
Pagyamanin 1. D
1. C 2. D
2. D Gawain 4 3. A
3. C 4. A
4. C 1. √ 5. D
5. C 2. √ 6. C
6. D 3. X 7. D
7. B 4. √ 8. C
8. A 5. X 9. C
9. A 10. C
10. C 11. D
11. D 12. B
12. D 13. A
13. A 14. A
14. A 15. C
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Anjeli45. 2018. brainly.ph. July 1. https://brainly.ph/question/1203477.

Bognot, et. al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao. FEP Printing Corporation.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like