You are on page 1of 21

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Grace B. Bumungcag
Editor:
Tagasuri: Remedios A. Loque, Jeannie Pearl Y. Niňonuevo
Tagaguhit: Efren S. Hoyla at Lovely Delos Santos
Tagalapat:
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Basilio P. Mana-ay Jr.
Emma A. Camporedondo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Printed in the Philippines by ________________________________________________

Department of Education – Davao City Division, Region XI


Office Address: Elpidio Quirino Ave., Poblacion District, Davao City 8000 Davao del Sur
Telefax: (082) 224-3274, (082) 222-1872
E-mail Address: davao.city@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
maisakatuparan ang gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Mag-aaral, ang sumusunod ay ang mga layuning nararapat mong maisagawa


pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang
nakasama, na obserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o
kawalan ng bukas na komunikasyon (EsP8PBIe-3.1);

b. Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood (EsP8PBIe-3.2);

c. Nahihinuha na:

1. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak


ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa kapuwa.
2. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na
uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
(EsP8PBlf-3.3)

d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad


ng komunikasyon sa pamilya. (EsP8PBlf-3.4)

Kapag natapos mo ang mga layuning ito, mas madali mo nang maiintindihan ang
kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya.

Simulan mo na.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang hamon sa komunikasyon sa pamilya ng modernong panahon?


a. Kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
b. Ang kahirapan sa pagsalin ng pagpapahalaga
c. Entitlement mentality
d. Lahat ng nabangggit

2. Ano ang pinakamabisang paraan sa komunikasyon na kung saan ito ay pinag-


iisa ang puso at isip ng dalawang tao?
a. Paggalang c. Pagtutulungan
b. Pagmamahal d. Pagbibigayan

3. Pinagagalitan ni Aling Remy si Mila dahil sa ginawa nitong pag-alis nang


walang paalam. Walang magawa si Mila kundi ang umiyak. Lubos siyang
nagsisi sa pagsuway sa kaniyang ina. Ano ang ugnayang umiral sa sitwasyon?
a. Diyalogo c. Monologo
b. I-thou d. I-it

4. Sa isang pamilya, mahalaga ang komunikasyon. Alin sa mga sumusunod ang


hadlang sa komunikasyon ng pamilya?
a. Pagiging mahinahon c. Matapat at pagpuna
b. Pagsasawalang kibo d. Pagpuri

5. Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila


pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa
argumento ang dalawa. Anong uri ng komunikasyon ito?
a. Diyalogo c. Mabuting komunikasyon
b. Epektibong pakikipag-usap d. Monologo

2
Aralin Ang Kahalagahan ng
1 Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya

Ang unang salita ay sa pamilya natin natutuhan. Dito unang nahubog ang ating
kasanayan sa komunikasyon. Dito tayo unang natutong makipagkapuwa at bumuo ng
pamayanan. Ayon sa Banal na Papa Juan Paulo II, isa sa mga pangunahing tungkulin
ng pamilya ay ang bumuo ng pamayanan. Hindi posible ang pakikipagkapuwa o ang
pagbuo ng pamayanan nang walang komunikasyon, pasalita man o di-pasalita.

Balikan

Gawain 1: Larawang Suri


Panuto: Tukuyin kung anong uri ng komunikasyon ang mga larawan sa ibaba at isulat
sa patlang ang iyong sagot.

1. 2. 3.

Sagot __________ Sagot __________ Sagot __________

4. 5.

Sagot __________ Sagot __________

3
B. Base sa mga larawan at sagot ninyo, ano ang salita na pwede mong mahinuha?
Ito ay nagsisimula sa titik K:

K M U I K Y N

Sagutin Mo:
1. Ano-ano ang mga uri ng komunikasyon ang nasa larawan?
2. Sa mga larawan, alin ang lagi mong naoobserbahan sa iyong kapamilya at sa
iyong kapuwa? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya?

Sa nakaraang aralin, nalaman at naintindihan natin ang kahalagahan ng


misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon upang may sapat tayong kaalaman.
Ang pamilya ang gumagabay sa atin sa tamang pagpapasiya at upang di tayo malihis
sa masamang landas. Dito nahubog ng ating pananampalataya upang di tayo
makalimot na tumawag sa Maykapal sa anumang oras sa lahat ng ating
napagdadaanan. Kaya, ganito kahalaga ang modyul na pag-aaralan mo ngayon. Ito
ay naging isa sa mga sangkap sa pagpapatatag ng ating pamilya. Kaya, Tara na!

Mga Tala para sa Guro


Ito ang tamang pagkakataon na isabuhay ang konsepto sa
komunikasyon. Hinihikayat namin ang mga magulang na gabayan ang
mga anak sa pagbuo ng konsepto gamit ang mga gawain dito. Maaaring
magkaroon ng talakayan sa mga pangyayari sa pamilya lalong-lalo na
sa panahon ng pandemiya.

Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti.

Habang patungo sa ilog Ganges upang maligo ang isang gurong Hindu,
nadaanan niya ang isang pamilyang nagtatalo at galit na nagsisigawan ang bawat isa.
Tinanong nito kanyang mga mag-aaral, “Bakit sumisigaw ang tao sa pakikipag-usap

4
kung siya ay nagagalit?” Sumagot ang isa, “Nawawalan tayo ng pasensya kaya’t
tayo’y sumisigaw.”

“Ngunit bakit kailangan nating sumigaw gayong ang ating kausap ay nasa tabi
lang natin? Maaari namang sabihin ang ating ikinagagalit sa mahinahong paraan?”,
tanong muli ng guro. Nagbigay pa ng sagot ang ilan sa mga mag-aaral ngunit hindi
nasiyahan ang guro sa kanilang mga ibinigay na pangangatwiran. Sa huli’y
nagpaliwanag ang guro, “Pinaglalayo ng galit ang mga puso ng tao sa isa’t isa.
Dahil dito kailangan nilang sumigaw upang marinig ang isa’t isa. Samakatuwid, mas
lumalakas ang pagsigaw habang lalong tumitindi ang galit at lalong naglalayo ang
kanilang mga damdamin. “
“Ano naman ang nangyayari kung nagmamahalan ang dalawang tao?” tanong
uli ng guro. Hindi sila sumisigaw, sa halip ay mahina at mahinahon ang kanilang pag-
uusap sapagkat magkalapit ang kanilang mga puso. Habang lalo nilang minamahal
ang isa’t isa, lalo namang naglalapit ang kanilang mga kalooban, kaya’t sapat na ang
mga bulong upang ipahayag ang damdamin.”
“Sa huli’y ni hindi na kailangan pa ang mga pangungusap o salita. Ang kanilang
mga tingin at kilos ay sapat na. Ganyan sila nagiging kalapit sa isa’t isa.” Matapos ang
paliwanag ay sinabi ng guro, “Kung kayo’y nakikipagtalo o nakikipagpaliwanagan,
lalo’t sa minamahal, huwag ninyong hayaang maglayo ang inyong mga kalooban.
Maaaring dumating ang panahong malimot na ang daan patungo sa isa’t isa. Maaaring
maging dahilan ito ng inyong tuluyang paghihiwalay ng landas.”
Ipinahihiwatig sa anekdotang ito ang halaga ng mabuting komunikasyon sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Nararapat na gamitin natin ang salita upang
magpahayag ng nasasaisip at niloloob sa paraang makalilikha ng pag-unawa at
nakapaglalapit sa kapwa. Ipinahihiwatig din dito na ang pagmamahal ang
pinakamabisang paraan ng komunikasyon, sapagkat ang tunay na pagmamahal ay
ang pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao. Samakatuwid, hindi ito
nangangailangan pa ng salita.

Sagutin ang mga Sumusunod


1. Naranasan mo ba ang ganitong uri ng komunikasyon sa iyong pamilya?
Magbigay ng halimbawa.
2. Anong uri ng komunikasyon ang umiiral sa loob ng pamilya?
3. Bakit sumisigaw ang tao sa pakikipag-usap kung siya ay nagagalit? Ipaliwanag.
4. Ano ang iyong pag-unawa sa kasabihang, “Pinaglalayo ng galit ang mga puso
ng tao sa isa’t isa”?

5
Suriin

“Ang Halaga ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya”

Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), “Sa pagwiwika, sumasalipunan ang tao.”
Hindi posible ang mabuhay sa lipunan kung walang salita o wika. Upang maging
ganap na tao, kailangan nating magsalita at makipagtalastasan sa kapuwa tao.
Mahalaga ang komunikasyon sa patuloy na paghahanap ng tao sa katotohanan.

Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang


ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono
ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.

Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng


pasalita at di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang
mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahan na magbigay ng tuon sa
iniisip at sa nadarama ng kapuwa. Tulad nga ng nasabi na, hindi lamang pagsasalita
ang mahalagang bahagi ng komunikasyon, mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng
kausap at ang pag-unawa sa kaniyang mga hindi sinasabi.

Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya


ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t
isa. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi
ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang-ayon. Gayon din ang kanilang
pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng komunikasyon,
nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning dumarating.

Hindi nakapagtataka na ang hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay


nagiging sanhi ng hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito. Ang hindi maayos na
komunikasyon ay maaaring maging sanhi ng madalas na pagtatalo sa pamilya,
kakulangan sa kakayahang malutas ang mga suliranin, paglalayo ng loob sa isa’t isa,
at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito. Kaya nga’t mahalagang mapabuti ang
daloy ng komunikasyon sa pamilya upang maging matatag ito.

Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa


pamilya sa modernong panahon. Ang pamilya ay nahaharap sa maraming
pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay nakaaapekto sa daloy ng komunikasyon at
sa uri ng ugnayan ng mga kasapi ng pamilya. Ang ilan ay mga positibong pagbabago
at ang ilan naman ay mga hamong kailangang malampasan nito.

6
Ilan sa mga positibong pagbabago:

• Pagkakaroon ng mga kasapi nito ng kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan


bilang tao
• Kamalayan tungkol sa kanilang pakikipagkapuwa
• Mapanagutang pagmamagulang
• Edukasyon

Ilan naman sa mga negatibo ay:

• Entitlement mentality - Ito ay ang pag-iisip o paniniwala na anumang inaasam


ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.
• Kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
• Kahirapan sa pagsasalin ng pagpapahalaga
• Legal na paghihiwalay ng mga mag-asawa o pagsasawalang-bisa ng
matrimonya ng kasal
• Pagpapalaglag
• Kahirapan o kasalatan sa buhay

Nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong ito sa pamilya sa labis na


materyalismo at pangingibabaw ng paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang
pamilya. Natural lamang na kung sira ang ugnayan sa pamilya, sira rin ang
komunikasyon at gayon din naman, kung sira ang komunikasyon ay sira rin ang
ugnayan ng pamilya.
Ang pinakamabisang tugon dito ay ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng
komunikasyon sa pagitan ng tao. Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao
ay tinawag ni Martin Buber na diyalogo. Ang tunay na diyalogo ay hindi lamang pag-
uusap o pakikipagtalastasan. Hindi ito tulad ng teknikal na pakahulugan nito. Hindi ito
pakikipagkasundo o pakikipagpalitan ng impormasyon upang makumbinsi ang
kapuwa na magkaroon ng katulad na pananaw. Ang diyalogo ay nagsisimula sa
sining ng pakikinig. Ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalogo nang may lubos na
pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa. Umaalis sila sa diyalogo na kapuwa may
pagbabago kung hindi man ay napabuti kaysa dati dahil sa karanasang ito. Hindi ito
pagkumbinsi, kundi ang pakikinig sa kapuwa upang maunawaan ang kaniyang
pananaw at pinanggagalingan at pagpapahayag naman ng sariling pananaw sa
kapuwa. Sa huli’y hindi nila kailangang magkaroon ng parehong pananaw o
kompromiso tungkol sa isang bagay. Katarungan ang pinakamababang hatid ng tao
sa diyalogo at pagmamahal naman ang pinakamataas.

Ang diyalogo ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at natututuhan.


Ang diyalogo ay nararapat na higit na madali para sa isang pamilya kaysa sa
hindi magkakapamilya. Kailangan lamang na pairalin ang pagmamahal na natural na
nagbibigkis sa mga kasapi nito. Kung mas pinahahalagahan natin ang pamilya at ang

7
kapamilya kaysa ating sarili, mas magiging madaling dumulog sa isang diyalogo nang
may kababaang loob at kahandaang umunawa.

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong gampanin ang maaring mong magawa sa pagpapatatag ng sarili mong
pamilya? Ipaliwanag.
2. Paano mo maisasabuhay ang komunikasyon sa loob ng bahay, paaralan,
kumunidad gamit ang mga ibat-ibang uri ng komunikasyon?
3. Paano nakatutulong ang komunikasyon sa pagbuo ng maayos na pakikipag-
ugnayan sa kapuwa?

Pagyamanin

Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin ang tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang


ipahayag ang kaniyang iniisip at pinapahalagahan?
A. Diyalogo B. Facebook C. Komunikasyon D. Tawag

2. “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.” Sino ang maysabi nito?


A. Dr. Manuel Dy B. Martin Buber C. Esteban D. Licuanan

3. Anong uri ng komunikasyon ang nagsisimula sa sining ng pakikinig?


A. Diyalogo B. Facebook C. Komunikasyon D. Tawag

4. Ang mga sumusunod ay mga positibong pagbabago dulot ng magandang


komunikasyon MALIBAN sa isa. Alin sa mga sumusunod ang hindi?
A. Edukasyon
B. Kamalayan tungkol sa kanilang pakikipagkapuwa
C. Entitlement mentality
D. Mapanagutang pagmamagulang

5. Ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalogo nang may lubos na pagbubukas


ng kanilang:
A. Sarili at tiwala sa isa’t isa.
B. Kapuwa at sipag sa isa’t isa
C. Sarili at pananalig sa isa’t isa
D. Kapuwa at katotohanan sa isa’t isa

8
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat patlang gamit ang mga salita mula sa kahon ayon
sa iyong natutunan sa araling ito.

Pasalita Komunikasyon Diyalogo

Mahalagang Pagpapatatag Kasapi

Di-Pasalita Pamilya Virtual

Ang ________________ sa ay isa sa pinaka

PAMILYA

____________ sangkap sa ______________________ nito.

Ang sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng

komunikasyon

____________ at di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga ____________ nito.

Kaya napakahalaga na maunawaan natin ang tunay na kahulugan ng ____________


at nararapat na sa pamilya nagsisimula at natututuhan ito.

9
Isagawa

Punan ang graphic organizer. Paano mo maisalalarawan ang komunikasyon


ng pamilya na maiugnay ang iyong sarili sa panahon ng pandemya? Ipaliwanag.

Pamilya

______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________

SARILI MAGULANG
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
KAPATID KAMAG-ANAK

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

Basahing mabuti ang mga katanungan, piliing mabuti ang tamang sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-


pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya?
A. Diyalogo B. Salita C. Komunikasyon D. Pagsasadula

10
2. Anong ang dapat nating isagawa tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng
komunikasyon sa pamilya?
A. Salita B. Kilos C. Pag-iisip D. Kalooban

3. Bakit sinasabi na ang komunikasyon ay mahalaga sa isang pamilya?


A. Nakakasama sa pamilya C. Nagpapatatag ng relasyon pamilya
B. Nakakabuti sa kapwa D. Nagpapaunawa ng damdamin

4. Saan dapat nagsisimula at natututunan ang pakikipagdiyalogo?


A. Pamilya B. Kapwa C. Kaibigan D. Guro

5. Ano ang nagiging sanhi sa hindi maayos na komunikasyon sa pamilya?


A. hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito
B. Entitlement Mentality
C. maagang pagbubuntis
D. masayahin

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Kopyahin ang tsart at punan ng pagpapaunlad ng kasanayan ng


komunikasyon mo sa iyong sariling pamilya. Mag-isip ng mga
pagpapahalaga na nagpatatatag ng komunikasyon. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

TSART NG PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA KOMUNIKASYON


Mga Paraan Mga Petsa Mga Epekto O Mga
Upang Mapabuti Situwasyon Resulta Ng Natuklasan Ko
Ang Kung Saan Ginawa Ko Sa Sarili Ko
Komunikasyon Nagamit Ito
(Values o
Pagpapahalaga)
Halimbawa:
Pagpapasalamat Nakapagtapos Marso 30, Nasiyahan Kaya ko
ako ng 2018 ang aking palang
elementarya mga maipadama
na may magulang ang
matataas na pasasalamat
marka. ko sa aking
pamilya sa
aking
mabuting
nagawa.
Ikaw Naman:

12
13
Tayahin Isaisip
1. C • Komunikasyon
2. B • Mahalagang
3. C • Pagpapatatag
4. A • Pasalita
5. A • Kasapi
• diyalogo
Unang pagtataya
1. D
2. C
3. C
4. D
5. A
Subukin Pagyamanin
1. Telepono 1. C
2. Liham 2. A
3. Sosyal Medya 3. A
4. Diyalogo 4. C
5. Taong nag-uusap 5. A
Sagot sa B:
KOMUNIKASYON
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya. Edukasyon sa
Pagpapakatao 8 (Modyul para sa Mag-aaral) Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, Pahina 53-70.

14
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Davao City Division
Elpidio Quirino Ave., Poblacion District, Davao City, 8000 Davao del Sur
Telefax: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail Address: davao.city@deped.gov.ph
15

You might also like