You are on page 1of 7

Modyul 2: LIPUNANG POLITIKAL, PRINSIPYO NG

SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

Mga Inaasahan

Sa pamamagitan ng aralin na ito, inaasahan na maipamamalas mo ang pag-unawa kung bakit


may lipunang pulitikal at ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa
 Naipaliliwanag ang dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa (EsP9PL-Ic-2.1)
 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o
lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa (EsP9PL-Ic-2.2)
 Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na
makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan
at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-
alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng
pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag angat ng kahirapan, dahil nakasalalay
ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).
(EsP9PL-Ic-2.3)
 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at
lipunan/bansa (EsP9PL-Ic-2.4)

Alam kong sabik ka ng umpisahan ang ating aralin, ngunit bago iyon ay dapat mo
munang masagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Paunang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat
isa ay malayang magkaroon ng pamumuhay, makamit ang kabutihang panlahat.
A. lipunan C. lipunang politikal
B. lipunang sibil D. lipunang ekonomiya
2. Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa _____.
A. kalayaan C. kakayahan
B. dignidad D. pananagutan
3. Ang pag-unlad ng lipunan ay hindi gawa ng pinuno lamang kundi gawa ito ng:
A. mga proyekto ng bansa
B. sama-samang lakas ng iilang tao
C. galing ng isang pinuno
D. pagtutulungan at pakikiisa ng mamamayan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng subsidiarity?
A. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
B. Pagtatayo ng mga pampublikong paaralan
C. Pagpapalakas ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan
D. Pakikipag-ugnayan upang mapalakas ang mga pribadong kompanya
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng solidarity?
A. Si Totoy na umiibig sa kanyang kaklase
B. Si Itang na nangangalap ng boto para sa darating na eleksyon ng SK
C. Si Lita ay may lakad at di na inasikaso ang mga kapatid sa kanilang kalagayan
D. Si Dudong na nangunguna tuwing sabado sa mga kabataan upang linisin ang estero
ng kanilang pamayanan

Balik Tanaw
Panuto: Paghambingin ang mga salita sa Hanay A sa salitang kahulugan nito sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

___1. Pamilya a. nagpapalago ng ispiritwal na buhay


___2. Simbahan b. nagsasaayos ng lipunan
___3. Pamahalaan c. tumutugon sa kaalaman ng tao
___4. Paaralan d. maliit na yunit ng lipunan

Pagpapakilala ng Aralin
Ang lipunan ay hango sa wikang Pilipino “Lipon” na ang ibig sabihin ay tipon o sama-
sama. Kung kaya’t ang lipunan ay sama- sama, lipon o binubuo ng mga tao mula sa iba’t-ibang uri
at antas ng pamumuhay. Pinagkaloob ng Diyos ang lipunan sa tao upang ito ang tumugon sa pag-
unlad ng kanyang pagkatao, kabuuan at maging ang kanyang kakayahan.

Ang lipunan ay hindi pinatatakbo ng iilan lamang, kailangang makilahok ang taong bayan
upang maisaayos ito.

1. Isa rito ang pagsunod sa mga batas at pakikiisa sa gawaing panlipunan.


2. Ang pagboto sa halalan ay isa sa ating karapatan na dapat nating gampanan at ito ay
nararapat na mapangalagaan. Ang mananalo sa halalan na tunay na ibinoto ang siyang
mangangasiwa sa pagsasaayos ng pangangailangan ng tao sa lipunan.

Lipunang Politikal Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na


ang mga bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling
mithiin at sikaping matugunan ang layunin ng lipunan: ang kabutihang panlahat. Ang pag-unlad
ng lipunan ay hindi gawa ng mga pinuno, gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga
mamamayan sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Karagdagang babasahin: Brainly.ph - https://brainly.ph/question/378602#readmore

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Itala sa tsart ang mga proyekto ng pamahalaan na nagbibigay tulong sa
mamamayan at paano nila ito napakikinabangan.

Mga Proyekto ng Pamahalaan na


Naitutulong nito sa mamamayan
nagbibigay tulong sa taong bayan
Hal. Libreng pag-aaral mula kinder hanggang Nakatutulong ito sa pamamagitan ng
kolehiyo pagbibigay ng libreng pagtuturo sa kaalaman
ng ating mga mag-aaral, bawas gastos sa mga
magulang, natutugunan ang pangarap ng mga
kabataan na makatapos ng pag-aaral.
1.
2.
3.
Mga Tanong:

1. Sa paanong paraan natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng


mamamayan? Ipaliwanag __________________________________________________
2. Sa inyong mga nabanggit na mga proyekto ng pamahalaan, umiiral ba ang Prinsipyo ng
Subsidiarity at Pagkakaisa sa lipunan/bansa?Paano?_____________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng nagaganap na gawain o sitwasyon na
may pag-iral o kawalan ng pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa at Prinsipyo ng
Subsidiarity sa ating pamilya, paaralan at pamayanan. Itala ang mga ito gamit ang
graphic organizer.

PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY

PAMILYA
PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY

PAARALAN
PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY

PAMAYANAN
PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Mga Tanong:
1. Bakit mahalaga na matamo ng isang pamayanan o lipunan ang prinsipyo ng subsidiarity
at pagkakaisa o solidarity? __________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano ang magaganap sa isang lipunan o bansa kung hindi iiral ang prinsipyo ng
subsidiarity at solidarity? ___________________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na puntos


Nailalahad ang konsepto ng maliwanag 5 – taglay ang tatlong pamantayan
Kumpleto ang ibinigay na sagot 3 - taglay ang dalawang pamantayan
Gumagamit ng angkop na salita 1 - isang pamantayan lamang ang naibigay

Tandaan natin
Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay nagsisimulang mahubog sa loob ng pamilya. Dito
binubuo ang pagkatao ng bawat kasapi. Binibigyang halaga dito ang pagmamahalan, pagkukusa,
pagmamalasakit at pagkakaisa. Ang prinsipyo ng subsidiarity at solidarity (pagkakaisa) ay
kaisipan na dapat isagawa ng bawat kasapi ng lipunan.
Ginagamit ng bawat isa ang kani-kaniyang kakayahan upang makatulong sa kapwa at
lipunang ginagalawan. Sa Prinsipyo ng Subsidiarity –ang bawat kasapi ay nagtatalaga ng
sariling kakayahan upang matugunan o punan ang pagkukulang ng iba upang anumang
gawain ay mapagtatagumpayan.
Sa Prinsipyo ng Solidarity –mula sa salitang “solid” “buo” o tinatawag na may pagkakaisa.
Mahalaga ang mga prinsipyong ito upang maging maunlad ang ating lipunan kung ang bawat
mamamayan ay mulat sa prinsipyo ng pagtutulungan at pagkakaisa. Mapapabilis at mapapagaan
ang pagkamit ng ating tagumpay.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Suriin ang mga program o proyekto ng pamahalaan. Tukuyin kung ito ay
prinsipyo ng subsidiarity o prinsipyo ng solidarity.

PANTAWID PAMILYANG
PILIPINO PROGRAM
(4P’s)

PAMPUBLIKONG
PAARALAN

BOLUNTERISMO SA
PANAHON NG
KALAMIDAD

LIBRENG PABAHAY
PROGRAM

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang mga kinasasakupang mamamayan sa


isang bansa?
A. batas C. mamamayan
B. kabataan D. inihalal na politiko
2. Ano ang tawag sa proseso ng pagpili ng mga mangunguna sa pamamalakad sa
pamahalaan na isa sa ating karapatan pagdating ng takdang edad?
A. pagboto C. komisyon
B. pagkakaisa D. pagsasaayos
3. Alin ang pinakamabisang paraan sa pag-unlad ng isang bansa?
A. Magkaroon ng matalinong pinuno
B. Pagkakaroon ng masayahing mamamayan
C. Pagkakaroon ng matatag na saligang batas
D. Pagkakaroon ng pagtutulunga at pakiisa ng mamamayan sa pamahalan
4. Alin sa mga sumusunod ang proyekto ng pamahalaan na nagpapakita ng prinsipyo ng
subsidiarity?
A. 4P’s C. bayanihan
B. SPED center D. bolunterismo para nasalanta ng bagyo
5. Alin sa mga sumusunod ang proyekto ng pamahalaan na nagpapakita ng prinsipyo ng
solidarity?
A. Pagtatayo ng mga imprastraktura
B. Pagpapatuloy sa pandinig sa ABS-CBN prangkisa
C. Pagbibigay diin sa pagbatikos sa sistema ng edukasyon
D. Sama-samang pagkilos ng mamamayan upang mahatiran ng tulong ang
nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Pagninilay

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Punan ang kahon sa


sagutang papel ng iyong sagot.

Matapos nating mapag-aralan ang prinsipyo ng subsidiarity at solidarity, paano ka


magiging kapaki-pakinabang sa iyong pamilya at sa pamayanan?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
SAGUTANG PAPEL
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan – Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Aralin 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa
Pangalan:________________________________________________
Guro:_______________________
Baitang at Pangkat: _____________________________

Paunang Pagsubok
1. 4.
2. 5.
3.
Balik-Tanaw
1. 3.
2. 4.
Gawain 1
Mga Proyekto ng Pamahalaan na
Naitutulong nito sa mamamayan
nagbibigay tulong sa taong bayan

Mga Tanong:
1. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Gawain 2

PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY


PAMILYA
PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY

PAARALAN
PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY

PAMAYANAN
PAG-IRAL AT DI PAG-IRAL NG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

Mga Tanong:
1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Pag-alam sa Natutuhan
PANTAWID PAMILYANG
PILIPINO PROGRAM
(4P’s)

PAMPUBLIKONG
PAARALAN

BOLUNTERISMO SA
PANAHON NG
KALAMIDAD

LIBRENG PABAHAY
PROGRAM

Pangwakas na Pagsusulit
1. 4.
2. 5.
3.

Pagninilay

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo

You might also like