Professional Documents
Culture Documents
III. Pamamaraan
B. Motibasyon.
1.Ano ang msasabi mo sa larawan?
2.Ano kaya kinalaman nito sa ating paksa?
COVID SHELTER
Panuto: Isipin na ikaw ay may isang shelter para sa mga
tao upang ma protektahan sa sakit na covid. Mamili ng
apat na ipapasok sa loob ng shelter para sila ay maging
Ligtas sa sakit.
1. Pari
2. Buntis
3. Matandang lalake
4. Bata
5. Guro
6. Pasyente na malapit ng mamatay
7. Doctor
Gabay na tanong:
C. Pagpapakilala sa aralin
Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malaking pagtingin, ay ang mga pagkilos na masiguro na ang
bawat bahay ay magiging tahanan. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga magkakaibaa-
ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang
mga tunguhin at kakayahan.
Patas. Ito ang prinsipyong sinusunod ng lipunang pang-ekonomiya. Ang ating pamahalaan ay
nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa mga pangangailanan ng tao. Ang ating
gobyerno ay humahanap ng paraan upang ang mga negosyante ay makapamuhunan sa ating bansa. Ito ang
magbubukas ng oportunidad upang maipamalas ng tao ang kaniyang angking talento, kakayahan at husay
sa paghahanapbuhay. Napakaganda ng wikang Filipino para sa salitang trabaho. Ang tawag natin dito ay
hanapbuhay. Ang hinahanap ng gumagawa ay ang katuturan ng kaniyang buhay. Hindi lamang pera at pag-
aari ang hinahanap ng tao. Ginagamit lamang niya ito upang matulungan siyang matupad ang kaniyang
mga layunin at mahanap ang kaniyang buhay. Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili sa
pamamagitan ng mahusay at tapat na paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon
siya o wala, ang humuhubog sa tao. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay nagreresulta
sa pag-unlad ng bansa.
Gabay na tanong: Sa iyong palagay napapamahalaan ba ng wasto ang yaman ng bansa? Kung oo , o
hinde ang iyong sagot, ipaliwanag
Gabay na Tanong:
1. Ano ang opinyon mo tungkol sa larawan?
2. Ano sa dalawa ang tumutukoy sa PANTAY? Ang PATAS?
F. Paglalapat: GROUPINGS
PAnuto: I – ulat ang kalagayan ng EKONOMIYA sa inyong lugar, ang pag- uulat ay maaring gawin sa
pamamagitan ng:
a. Newscasting d. awit g. anumang malikhaing pamamaraan na
b. infographics e. spoken poetry naiisip Ninyo.
c. tula f. drawing
G. Pagtataya
______ 1. Binibilhan ni Aling Maria ang kaniyang dalawang anak ng bagong sapatos para sa Christmas
party.
______ 2. May mga tao na sobrang mayayabang kapag sila ay nakakangat na sa buhay.
______ 3. Lahat ng tao ay pantay-panty sa mata ng ating maykapal.
______ 4. Ang tunay na mayayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang pagsisikap.
_______5. Kailangan maging patas ayon sa kakayahan at panganagilangan.
IV. Pagninilay
Ang ACTIVITY OR GAWAIN NA COVID SHELTER ay pagLALAPAT sa kanilang pagkaunawa sa salitang PANTAY at PATAS, sa
pamamagitan ng pamimili nila ng mga tauhan na dapat ipasok sa shelter ay malalaman nila kung sila ba ay naging pantay o
patas. Sa pagpapaunawa ng husto ng lkonsepto ng pantay at patas ay gumamit ako ng larawan upang makita nila ang
piangkaiba.Sa huli ay nag groupings ako upoang maipakita nila nag kanilang talent habang tulong tulong na tinatakaly ang
paksa upang mapalwak ang kanilng pagkaunawa sa paksa
V. Takdang-aralin
Panuto: Gumawa ng isang slogan gamit ang paunang salita.
Sa ikauunlad ng ekonomiya ng bayan __________________________________