You are on page 1of 5

Banghay-Aralin

Filipino 5
Quarter 3 Week 6

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng leksyon ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Natutukoy at naikukumpara kung ang Pahayag ay Opinyon o
Katotohanan
B. Nakabubuo ng Opinyon at katotohanan na mga pahayag
C. Napapahalagahan ang pagsasabi ng katotohanan at pagpapahayag ng
opinyon
III. LEARNING CONTENT: The learner…
A. Content Standards: Naipamamalas ang pag-unawa sa Opiniyon at
katotohanan na pahayag
B. Performance Standards: Nakabubuo ng mga Opiniyon
C. Learning competencies: Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o
katotohanan (F5PB-IIIf-h-19)
III. NILALAMAN: Pagsusuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan
Mga Kagamitang Panturo: TV, Laptop, Mga Larawan.
Mga Sanggunian (Source): CO_Q3_Filipino 5_ Module 6 pg. 5-9,
https://teacherguro.weebly.com/blog/katotohanan-o-opinion
Pagsasama (Integration): Science, Art, ICT
Estratehiya: 4’s & Differentiated.

IV. PAMAMARAAN (PROCEDURE):


ACTIVITY:
A. Panimulang gawain (Preliminary Activites):
A. Pagdarasal
B. Pampasigla(Energizer)
C. Pagtatakda ng mga pamantayan (Setting of standards):
Mga patakaran sa klase
D. Dril (Drill):
 Ano ang inyong napansin sa larawan A at larawan B?

A B
E. Balik-aral sa nakaraang aralin:

Panunto: Isaayos at isulat sa patlang ang mga pangungusap ayon


sa maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang
1-5.
__ sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balita sa
pagsama ng panahon.
__ mag-imbak ng mga sumusunod: bigas, ulam, pagkaing de-lata
at kandila.
__ siguraduhing nakahanda ang flashlight, baterya, first aid kit at
iba pang gamit.
__ maging mahinahon at kalmado sa lahat ng pagkakataon upang
makaiwas sa dagdag na sakuna.
__ palaging makinig sa balita tungkol sa pagbabago ng panahon.

B. Gawain sa pag-unlad (Developmental Activities):


A. Pagganyak:
 Hulaan ang Salita
 Op_n_y_n
 K_t_t_h_n_n
 Ano ang nabuo salita?

ANALYSIS
B. Pagsusuri :
 Sa umagang ito ay tatalakayin natin ang mga pahayag kung
ito ay Opinyon o Katotohanan.
Ano ang ibig sabihin ng Opinyon?
Ang opinyon ay mga pahayag ayon sa paniniwala o ideya ng isa o
iilang tao lamang batay sa kanilang karanasan o napapansin sa mga bagay at
mga pangyayari sa paligid na hindi pa lubusang napatunayan at walang
mabigat na pruweba o ebidensya.
HALIMBAWA:
1. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.

Ano ang ibig sabihin ng Opinyon?


Samantala ang katotohanan ay mga tunay na kaganapan, bagay at
kaalaman na napatunayan na ng nakararami o ng siyensya. Ito ay masusing
pinagaralan at napatunayan ng mga propesyunal at mga eksperto na may
mabigat na pruweba.
HALIMBAWA:
1. Ang Pusa ay merong apat na paa.

ABSTRACTION
C. Paglalahad :
 Ano ang mga salitang ginagamit upang matukoy natin kung ang
pahayag ay opinyon o katotohanan?

OPINYON 
Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinyon:
* sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
* para sa akin, sa ganang akin
* daw/raw, sa palagay ko
* sinabi, sang-ayon
 Sino sainyo ang makakabuo ng Opinyon na pahayag? Isulat ito sa
pisara.

KATOTOHANAN 
Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang katotohanan:
* batay sa, resulta ng
* mula sa, tinutukoy na/sa
* mababasa sa, pinatutunayan ni

 Sino sainyo ang makakabuo ng Katotohanan na pahayag? Isulat ito


sa pisara.

APPLICATION
A. Paglalapat :
 Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat
 Pangkatang Gawain:
Pangkat 1- Panuto: Bumuo ng Opinyon na pahayag o pangungusap.
1.
2.
3.
Pangkat 2- Panuto: Bumuo ng Katotohanan na pahayag o pangungusap.
1.
2.
3.
Pangkat 3- Panuto : Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay Opiniyon o
katotohanan.
________1.Ang mga komunidad ay may mga alituntunin at mga batas. 
________2.Hindi nakabubuti sa mga tao ang ibang mga alituntunin. 
________3.Makakakita ng matataas na gusali sa urban na komunidad. 
________4. Ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo.
________5.Mas masarap mamuhay sa rural kaysa sa urban na komunidad.

Pangkat 4- Panuto: Isulat sa patlang ang (✔) kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan. Isulat ang (X) kung Opiniyon.
1. __ Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa barko.
2. __ Masaya ang magkaroon ng alagang hayop sa bahay.
3. __ Lahat ng imbensiyon ay nakabubuti sa buhay ng tao.
4. __ Ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.
5. __ Karapatan ng bawat batang Pilipino ang makapag-aral.

B. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay (VALUING):


 Dapat ba tayong maniwala agad-agad sa mga sinasabi ng ibang
tao? Bakit?

C. Paglalahat ng aralin:
 Naintindihan nyo baa ng tinalakay natin sa umagang ito?
 Tungkol saan ang ating tinalakay?
 Ano-ano ang mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng
Opinyon at Katotohanan?
 Paano mo matutukoy kung ang pahayag ay Opinyon o
Katotohanan?
 Tandaan: Ang OPINYON ay pala-palagay, kuru-kuro o
haka-haka lamang ng isa o ilang tao na hindi pa
napapatunayan. Samantala ang KATOTOHANAN ay ang
mga pangyayaring umiiral o nangyari na may batayan at
tiyak.

IV. PAGTATAYA NG ARALIN:


Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.
__1. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw.
__2. Sinabi ni Angel na mainit sa Baguio ngayon.
__3. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
__4. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Lucas ay may sala.
__5. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay pula kaysa sa dilaw.

V. TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay
nagsasaad ng Opinyon o Katotohanan.
___________ 1. Ang pagsasaka ay isang marangal na trabaho.
___________ 2. Pakiwari ko marami tayong kababayan ang maghihirap dahil sa
mabilis na pataas ng presyo ng mga bilihin.
___________ 3. Sa tingin ko mawawalan tayo ng pasok bukas.
___________ 4. Ayon sa ating batas, karapatan ng mga bata ang mag-aaral.
___________ 5. Sa aking palagay, matatagalan pa ang pagsuot ng facemask.

Prepared by:
JUDY MAR C. OLIVAR
Student Intern

Checked and Observed:

ANELI L. AÑASCO
Teacher III

You might also like