You are on page 1of 10

Masusing Banghay sa Aralin sa Filipino: Ika-anim na Baitang

I. Layunin
a. Natutukoy kung papaano napapangkat ang mga salitang magkakaugnay.
b. Naipapamalas ng mga bata ang pagkakaisa at kooperasyon sa papangkat ng
mga salitang magkaugnay.
c. Napapangkat ang mga salitang magkaugnay

II. Paksang Aralin


Paksa: Napapangkat ang mga Salitang Magkaugnay
Sanggunian: PAGPAPANGKAT NG MAGKAKAUGNAY NG MGA SALITA
(youtube.com)
Kagamitan: Powerpoint presentation, tsarts, plaskard, mga larawan.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Bata
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo mag simula sa ating aralin,
tumayo tayong lahat para sa ating
panalangin. Pwede mo bang
Panginoon, maraming salamat po sa
pangunahan Ricardo.
araw na ito, patawarin niyo po kami sa
aming mga kasalanan, ingatan niyo po
kami sa panimula at hanggang sa pang
wakas, sa makmapangyarihang
Pangalan Ni Hesus Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga! Magandang buhay!


Mabuting tao!

3. Pagtala ng lumiban sa klase

Mayroon bang lumiban sa klase, mga


bata? Wala pong lumiban sir.

Mabuti naman mga bata!

4. Pagtsek ng takdang aralin

Mga bata natatandaan niyo ba kahapon


ako ay nagbigay ng takdang aralin na
inyong sasagutan sa inyong mga bahay. Opo sir

Pakipasa ang inyong mga takdang


aralin dito sa harapan. Sige po sir

5. Balik Aral

Mga bata bago tayo tuluyang tumungo


sa ating baong aralin, naalala niyo ba Opo sir tungkol po sa mga salitang
ang pinag-aralan natin kahapon? magkaugnay.

Magaling! Ang salitang magkaugnay ay


magkapareho o magkatulad.

Halimbawa:

Sir ang napapansin ko po sa mga


Pagmasdan ang mga larawan, Ano ang larawan ay mga salitang magkaugnay
napapansin niyo mga bata? dahil po ang bangka ay ginagamit pong
sakayan ng mga tao sa karagatan.

Magaling mga bata!

Dito naman sa ikalawang larawan ano Sir ang larawan pong ito ay
ang napapansin niyo? nagpapakita ng salitang magkaugnay
dahil po ang ibon po ay ginagamit ang
pugad para limliman ang kanilang mga
itlog.
Mahusay!

Ano ang napapansin niyo sa mga


larawan?
Sir ang nasa larawan po magkaugnay
dahil po ang ballpen ay ginagamit po
Magaling mga bata! Ang mga pinakita pang sulat sa kwaderno.
kong larawan ay nagpapakita ng mga
salitang magkaugnay na ang ibig
sabihin ay magkapareho o
magkapartner.
6. Pamantayan sa Pag-aaral

Mga bata bago tayo tuluyang tumungo


sa ating bagong aralin para sa araw na
ito. Ano ang dapat nating gawin habang
tayo ay nag-aaral? Sir dapat po tayong,
Makinig ng mabuti,
Unawain ang aralin,
Makilahok sa mga gawain
at maging magalang.

Magaling mga bata!


7. Pagganyak

Mga bata gusto niyo bang maglaro?


Opo sir
Mayroon akong inihandang laro para
sainyo ang tawag sa larong ito ay
“Kapareho Mo, Hanapin Mo.”

Mamimili ako ng dalawang


representante bawat pangkat, ang mga
napiling representante ay pag-
uugnayin ang mga bagay na magkaka-
ugnay na makukuha nila sa loob ng
kahon.

Naintindihan ba mga bata? Opo sir

HANAY A HANAY B

1.

2.
3. (Hahayaang sagutan ng mga bata)

4.

5.

B. Palinang Gawain
1. Paglalahad at Pagtatalakay

Ang pangkat ay tumutukoy sa grupo o


lipon ng mga bagay na may kaugnay
sa isa’t isa. Ang kaugnayan naman ay
tumutukoy sa relasyon o koneksyon
ng mga bagay.

Ang pagpapangkat ng mga salitang


magkaugnay nagiging madali ang pag-
unawa sa mga kahulugan nito. Nagiging
maayos at organisado sa paggamit ng
pakikipag-komunikasyon.

Ngayon mga bata para mas


maunawaan niyo pa ng mas mabuti ang
ating aralin magbibigay ako ng mga
halimbawa, handa na ba kayo?
Opo sir

Mga bata suriin niyo ng mabuti ang


larawan, ano ang masasabi niyo? Sir ang mga larawan po ay pinapakita
ang mga kultura ng pilipinas.

Magaling mga bata! Sa tingin niyo ba


magkakaugnay ang mga ito?
Opo sir magkakaugnay.
Mahusay mga bata! Dahil ang kalabaw,
sampaguita, mangga at watawat ng
Pilipinas ay magkakaugnay dahil
nagpapakita ang mga ito ay pawing
mga pambansang sagisag ng Pilipinas.

Mga bata dito sa mga larawan na


nakikita niyo, ano ang napapansin
niyo? Sir ang mga nasa larawan po ay
pinapakita ang mga kagamitan pang
eskwela.
Mahusay mga bata! Ang tanong ko
magkakaugnay ba sila? Sir magkakaugnay po sila.

Magaling! Dahil ang kwaderno, ballpen,


bag, at krayola ay magkakaugnay dahil
ang mga ito ay kagamitan pang
eskwela.

Mga bata naintindihan niyo na ba ang


pagpapangkat ng mga salitang
magkakaugnay? Opo sir

Mga bata sa pagpapangkat ng mga


salitang magkakaugnay, karaniwang
pinagsasama-sama ang mga salitang
may koneksiyon ayon sa uri, gamit,
bahagi, katangian o kahulugan ng mga
ito. Maaari ring iayon ang
pagpapangkat sa mga salita sa
pamamagitan ng pagpapares sa mga
salitang magkaugnay.
Ang mga salita ay magkakaugnay.
Maiuugnay ang mga salita ayon sa
gamit, lokasyon, at bahagi nito.

Halimbawa:

GAMIT

1.

Ang kustilyo ay ginagamit panghiwa.

2.

Ang sapatos naman ay ginagamit pang


protekta sa paa.

LOKASYON

1.

Ang kabayo ay nasa kanyang kuwadra


na nagpapakita ng lokasyon ng kabayo.

2.

Ang lokasyon ng barko ay sa tubig o


karagatan.

BAHAGI

1.

Ang ilong ay bahagi ng mukha.


2.

Ang sanga ay bahagi ng puno.

Mga bata dito naman sa mga


halimbawa natin ay naiugnay natin ang
mga larawan base sa gamit, lokasyon at
bahagi nito.

C. Paglalapat

Ngayon naman mga bata gagawin natin


ang unang bahagi ng ating gawain.

Unang Gawain
Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa
Hanay A sa mga salitang kaugnay sa
Hanay B.

HANAY A HANAY B
Mga sagot:
1. araw a. papel
2. palay b. tinidor 1. h. gabi

3. buhangin c. palengke 2. g. taniman

4. pulis d. garahe 3. j. dalampasigan

5. tindera e. presinto 4. e. presinto

6. lapis f. tatay 5. c. palengke

7. kutsara g. taniman 6. a. papel

8. nanay h. gabi 7. b. tinidor

9. dagat i. mesa 8. f. tatay

10. sasakyan j, dalampasigan 9. k. barko

k. barko 10. d. Garahe

Pangalawang Gawain
Panuto: Ibigay ang hinihinging
kaugnay na salita ayon sa gamit,
lokasyon, at bahagi.
1. bolpen : _______ (gamit) Mga sagot:

2. eroplano :_______ (lokasyon) 1. pansulat


3. daliri :_______ (bahagi) 2. paliparan
4. silid :________ (bahagi) 3. kamay
5. gunting :_______ (gamit) 4. bahay o aralan
6. mata : ______ (bahagi) 5. panggupit
7. kwaderno :_________ (gamit) 6. mukha
8. barko :_________ (lokasyon) 7. sinusulatan
9. telepono :_________ (gamit) 8. karagatan
10. paa :________ (bahagi) 9. pakikipag-usap
10. katawan
D. Pangkatang Gawain
Ngayon naman mga bata para sa
inyong pangkatang gawain hahatiin ko
kayo sa tatlong pangkat. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ko ng gawain.

Handa na ba kayo m ga bata?


Opo sir
Unang Pangkat:
Panuto: Hanapin ang mga salitang
magkakaugnay at pagpangkatin ang
mga ito.

Pangalawang Pangkat:
Panuto: Bumuo ng apat na salitang
magkakaugnay mula sa kahon.

OKASYON
1.
2.
3.

LOKASYON
1.
2. (Hayaang sumagot ang mga bata)
3.

SAKUNA
1.
2.
3.
4.

SULIRANIN
1.
2.

Ikatlong Pangkat:
Panuto: Tukuyin ang mga salita sa
panaklong na maaaring maiugnay sa
mga salitang nakatala sa bawat bilang.

1. Kalikasan - (gusali, kabundukan,


pamayanan)
2. Gubat - (himpapawid, mababangis
na hayop, tore ng hari)
(Hayaang sumagot ang mga bata)
3. Himlayan - (puntod, bulaklak,
gamot)
4. Karamdaman - (COVID-19, lungkot,
bulaklak)
5. Gamit - (Pilipinas, pugad, palakol)
6. Telebisyon - (damit, labahan. Movie)
7. Dagat - (eroplano, motor, barko)
8. Tsinelas - (sapatos, paa, lamesa)

E. Paglalahat
Mga bata tungkol ulit saan ang aralin
natin ngayong araw?

Sir tungkol po sa napapangkat ang mga


Magling! Laging tandaan na ang salitang magkaungay.
pagpapangkat ng mga salitang
magkaugnay ay tumutukoy sa grupo o
lipon ng mga bagay na may kaugnayan
sa isa’t isa.

IV. Pagtataya
Panuto: Base sa iyong sariling
kaalaman at mga karanasan, magtala sa
mga patlang ng mga salitang kaugnay
ng salita sa patlang.

Halimbawa:
Nanay - tatay, ate, kuya, bunso
1. Papel - ______, ______, _______
2. Sapatos - _______, _______, _______
3. Tuwa - _______, _______, _______
4. Mangingisda - _______, ________, _______
5. Paaralan - _______, _______, ______

V. Takdalng Aralin
Panuto: Gumuhit ng larawan na
nagpapakkta ng Pagpapangkat ng mga
salitang magkaugnay.
JOHN PAUL A. AGUSTIN
Pre-service Teacher

You might also like