You are on page 1of 4

PANG ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Pangalan MARITES G. GALLARDO Paaralan: PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN MARCOS


ST
DLP Blg. : Asignatura: Baitang: VI Kwarter: 1 Oras (haba) : 50 min. Petsa:
FILIPINO 6
Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang Code:
napakinggang balita, isyu o usapan F6PS-IVc-1
Susing Konsepto/
Pag-unawa sa Dapat Malinang Ang pagbibigay ng palagay o reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapapahayag
natin ang ating sariling saloobin, opinyon , o pananaw hinggil sa kaisipang inilahad. Sa
pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sumangayon o sumalungat sa ating narinig o nabasang teksto,
isyu, pangyayari o balita. Sikapan lamang bam aging magalang upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin ng ating kapwa.
I. LAYUNIN
1. Kaalaman Naiisa-isa ang tamang hakbang sa pagbibigay ng reaksyon
2. Kasanayan Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu
o usapan.
3. Atityud Napapahalagahan ang pagbibigay ng sariling opinion o reaksyon sa napakinggang balita, isyu o
usapan
4. Pagpapahalaga Paggalang sa reaksyon o opinion ng bawat isa.
II. NILALAMAN Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan
III. KAGAMITANG PANTURO
1. Mga Pahinang gabay MELC p. 166
ng guro
2. Mga pahina sa Module Q4 Linggo 3 – Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang
kagamitang pang mag- Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
aaral
3. Iba pang kagamitang Powerpoint Presentation, Activity Sheets
panturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda / Tingnan ang bawat larawan. Magbigay ng reaksyon gamit ang sumusunod na
Panimulang Gawain (
Balik-aral sa Nakaraang emoji.
Aralin / Pagganyak )

1. 2.

3. 4.

B. Paglalahad Pakikinig sa balita:


Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-
19. Sa kabila nito marami pa ring mga mamamayan ang hindi sumusunod sa mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ng DOH. Tila ba hindi nila
alintana ang peligrong dulot ng sakit na ito.

Ano ang inyong saloobin tungkol sa balita?


(Ang sagot ngamga bata ay tatawagin natin na opinyon}
Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan.

Ano ang damdamin mo pagkatapos mong basahin ang balita?


(Ang sagot ng mga bata ay tatawagin natin na reaksyon)
Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,
pagkatuwa o pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.

C. Pagtatalakay Ang pagbibigay ng palagay o reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapapahayag
natin ang ating sariling saloobin, opinyon , o pananaw hinggil sa kaisipang inilahad. Sa
pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sumangayon o sumalungat sa ating narinig o nabasang teksto,
isyu, pangyayari o balita. Sikapan lamang bam aging magalang upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin ng ating kapwa.

Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng oppinyon o reaksyon.


1. Sa palagay ko 5. Sa ganang akin
2. Sa aking opinion 6. Para sa akin
3. Sa aking pananaw 7. Kung ako ang tatanungin
4. Sa tingin ko 8. Naniniwala ako

Halimbawa:

1. Isyu: Paghinto sap ag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya.

Opinyon:
Para sa akin, hindi dapat na huminto sap ag-aaral ng dahil sa pandemya sapagkat
napakaraming paraan para maituloy ang edukasyon, sa mga tahanan gaya ng
paggamit ng module, telebisyon, online classes at iba pa.

Reaksyon:
Nakakalungkot isipin na maraming mag-aaral ang nahinto sap ag-aaral dahil sa
pandemya.

2. Isyu: Maraming estudyanye ang napapabayaan ang pag-aaral dahil sa


pagkahilig sa paglalarro ng mobile games.

Opinyon:
Naniniwala ako na dapat mas bigyan ng pansin ang pag-aaral dahil ito ang sus isa
pagkakaroon ng magandang buhay. Maaaring maglaro kapag nagawa na ang
gawaing pampaaralan.

Reaksyon:
Nakakalungkot isipin na maraming kabataan ang nagpapabaya sap ag-aaral.
Nagpapakahirap maghanapbuhay ab gating magulang para tayo ay mapag-aral
lamang.

D. Paglalapat ng Aralin sa Basahin ang tungkol sa Klima sa Bansa.


Pang-araw na buhay
Klima sa Bansa, Hindi na Tama?

Init-oamig, lamig-init. Ulan sa tag-araw at init sa tag-ulan. Lubhang Malaki


na ang ipinagbago ng klima sa ating bansa simula ng pumasok ang ika-20 siglo.
Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng tinatawag na “Climate
Change” at “Global Warming”. Kung saan hindi lamang ang ating bansa ang
naaapektuhan kundi maging ang iba pang bahagi ng mundo. Malaking hamon
ang hinaharap ngayon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan upang makahanap ng
solusyon para malabanan ang hindi tama o pabago-bagongklimang na
nakaaapekto sa bansa.

Ibigay ang iyong Opinyon at Reaksyon.

Pangkat 1: Pagbago-bagong klima sa ika-20 siglo


Opinyon:____________________________________________________
_________________________________________.

Reaksyon:___________________________________________________
__________________________________________.

Pangkat 2: Climate Change o Global Warming


Opinyon:____________________________________________________
_________________________________________.

Reaksyon:___________________________________________________
__________________________________________.

Pangkat 3: Paghahanap ng solusyon ng gobyerno para malaban ang problema.


Opinyon:____________________________________________________
_________________________________________.

Reaksyon:___________________________________________________
__________________________________________.

(Apply knowledge content within and across curriculum teaching areas)

E. Paglalahat ng Aralin Ano ang ibig sabihin ng opinyon?


Ano ang ibig sabihin ng reaksyon?

Tandaan:
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon o reaksyon sa mga bagay-bagay.
Igalang ang opinyon ng iba upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon:


1. Unawaing Mabuti ang balita, isyu o usapan.
2. Suriin ang dalawang panig.
3. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon o reaksyon.
4.
F. Pagtataya ng Aralin Kumpletuhin ang mga pangungusap. Ibigay ang sariling opinyon o reaksyon sa
mga sumusunod na balita, isyu at usapan.

1. Malawakang pinsala sa Bagyong Odette.


Ano ang iyong opinyon?
____________________________________________________________
_______________________________.

Ano ang inyong reaksyon?


____________________________________________________________
_____________________________.

2. Pagpapatuloy ng Edukasyon sa Panahon ng Pandemya.


Ano ang iyong opinyon?
____________________________________________________________
_______________________________.

Ano ang inyong reaksyon?


____________________________________________________________
_____________________________.

3. Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa na ang bilang ng


positibo sa COVID-19..
Ano ang iyong opinyon?
____________________________________________________________
_______________________________.

Ano ang inyong reaksyon?


____________________________________________________________
_____________________________.

G. Karagdagang Gawain Makinig ng balita sa radio, telebisyon, o internet sa napapanahong isyu o usapin
para sa Takdang Aralin sa inyong pamayanan. Pumili lamang ng isa. Ibu-od and balita, isyu o usapin na
inyong napili ay isulat ang inyong opinyon at reaksyon tungkol dito.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuhang
80% sa pagtataya
B. Bilag ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilangngmga mag-
aaralnamagpatuloysa remediation?
E.Alin sa mga istrateheyang patuturo
na katulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

Pangalan: MARITES G. GALLARDO


Posisyon/ Designasyon: Teacher II
Contact Number: 09215157333

You might also like