You are on page 1of 85

FILIPINO

PAGBUO NG BAGONG SALITA


GAMIT ANG PANLAPI
AT SALITANG-UGAT
Most Essential Learning Competency
• Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang
panlapi at salitang-ugat F6PT-IIIj-15

Mga Layunin
• Nasasabi kung ano ang salitang-ugat
• Naiisa-isa ang mga uri ng panlapi
• Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang
salitang-ugat at panlapi
PAGBIBIGAY NG MGA PAMANTAYAN

Ano-ano ang mga dapat mong gawin sa


klase?
PAGBABALIK-ARAL

Panuto: Ibigay ang tamang pangatnig upang


mabuo ang pangungusap.
1. Maraming pambatang program kapag Sabado
___ nasa bahay ang mga bata.

2. Kailangang bigyan ng insentibo ang mga


estasyong lumilikha ng mga programang
pambata ___ mahikayat silang ito ay
ipagpatuloy.
PAGBABALIK-ARAL
3. Halos kakaunti na lamang ang mga
programang pambata ngayon sa telebisyon ____
sa kakulangan ng suporta ng ating pamahalaan.
4. Mabisang instrumento ang telebisyon sa
paghahatid ng mga impormasyon ____
mahalagang maragdagan ang mga programang
pambata.
5. Hindi darami ang programang pambata ____
walang suporta ang kompanya ng mga
produktong pambata sa bansa.
#kapaligiran:ilarawan!
BASAHIN MO!

Tula Para sa Kapaligiran


 
Kapaligiran, ating pangalagaan
Para sa huli tayo’y di mahirapan
Kapaligiran ating linisan
Para ang baha ay maiwasan
 
BASAHIN MO!
Magtanim ng puno at halaman
Upang sariwang hangin ay matikman
Maglinis nang mabuti
Upang tayo ay di mahirapan
 
Biyaya ng Diyos ay alagaan
Huwag sayangin at mahalin
Mahalaga ito para sa atin
Kapaligiran ay dapat alagaan.
Pag-usapan natin:
1. Tungkol saan ang tula?

2. Ano ang dapat gawin sa ating kapaligiran?


Bakit?
ALAMIN NATIN
Basahin at pag-aralan ang mga salitang hango sa tula.
A B
tula kapaligiran pangalagaan
huli mahirapan linisan Ano ang
baha maiwasan magtanim pagkakaiba ng
puno matikman maglinis mga salitang
hangin mabuti mahirapan
halaman alagaan sayangin nasa hanay A at
biyaya mahalin mahalaga B?
 
ALAMIN NATIN
Ano ang tawag sa mga salitang nasa hanay A?
Salitang-ugat – ito ay ang orihinal na salita
o ang pinagmumulan ng iba pang salita.

Ang salitang-ugat ay tumutukoy sa salita


na may buong pagkilos.

Ito ay payak o simple na salita.


Mga iba pang halimbawa ng salitang-ugat:
agaw amoy
apoy awit
bait bango
basa bata
bigat bigay
bihis bilis
buti damot
ganda gising
PAG-USAPAN NATIN
B
Muling basahin ang
kapaligiran pangalagaan
mahirapan linisan mga salita sa hanay B.
maiwasan magtanim
matikman maglinis Ano ang napapansin sa
mabuti mahirapan mga salita?
alagaan sayangin
mahalin mahalaga
Ano-ano ang bumubuo
sa mga salitang ito?
PAG-USAPAN NATIN

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Maylapi-ito ay binubuo ng salitang-ugat at isa o


higit pang panlapi.
PAG-USAPAN NATIN
Narito ang mga halimbawa ng mga salitang maylapi.
matalino Ano ang salitang-ugat ng
masipag matalino?
maalalahanin
kinain Ano ang panlaping
tumalon idinugtong dito?
sumayaw
pagsumikapan
ipagsigawan
PAG-USAPAN NATIN
Narito ang mga halimbawa ng mga salitang maylapi.
matalino Ano ang salitang-ugat ng
masipag pagsumikapan?
maalalahanin
kinain Ano-ano ang mga panlaping
tumalon idinugtong dito?
sumayaw
pagsumikapan
ipagsigawan
PANGKATANG GAWAIN: MAGBIGAY!
Mekaniks:

1. Mahahati sa dalawang grupo ang klase.


2. Magbibigay ang bawat grup ng tiglimang
halimbawa ng salitang-ugat at maylapi.
3. Ipapakita ng bawat grupo ang output sa
klase.
TANDAAN

Ano ang salitang-ugat?


Salitang-ugat – ito ay ang orihinal na salita
o ang pinagmumulan ng iba pang salita.

Ang salitang-ugat ay tumutukoy sa salita


na may buong pagkilos.

Ito ay payak o simple na salita.


TANDAAN
Ano ang salitang maylapi?
Maylapi - ito ay binubuo ng salitang-
ugat at isa o higit pang panlapi.
SUKATIN ANG KASANAYAN
Panuto: Isulat ang mga salita sa wastong hanay.
sikap inararo sigaw
umalis talon pinaglaruan
magtakbuhan dahon tinulugan
yakap kisig gabi
Salitang-ugat Maylapi
   
PANGALAWANG ARAW
BALIKAN NATIN

Ano ang salitang-ugat?

Ano ang salitang maylapi?


PAG-ISIPAN MO!

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng kasanayan sa


pagbasa?
Basahin ang tula

Pagbasa
Bawat pahina ng aklat na ating babasahin.
Unawaing mabuti at sa kukote ay papasukin.
Wakasan ang kamangmangan at kahinaan
Nagtatagumpay ang taong may kaalaman
Nagniningning, nangunguna ang may alam
Basahin ang tula

Gagabayan tayo sa buhay at anomang daan


Pagbabasa ay kapaki-pakinabang na gawain
Ang bawat sulok ng mundo ay mararating
Galing sa wika, siyensiya, kahit matematika
Babaon sa kaibuturan ng puso at diwa
Anomang babasahin, lagi tayong may pag-asa
Sa pagbabasa, wala tayong katalo-talo
Ang ating isipan, patuloy pa ngang lalago
PAG-ISIPAN

Bakit mahalagang magkaroon ng kasanayan sa


pagbasa?
SURIIN NATIN!

Basahin ang mga sumusunod na salita.

Ano ang salitang-ugat ng mga binasang


salita?
SURIIN NATIN!
Paano nabuo ang mga ito?

Ang salitang-ugat, kapag


nilagyan ng panlapi o mga panlapi
ay makabubuo ng mga bagong
salita na may bagong kahulugan.
PAG-ARALIN NATIN!
Ano ang panlapi?

Ang panlapi ay tumutukoy sa mga


katagang ikinakabit sa unahan, gitna, at
hulihan ng salitang-ugat upang makabuo
ng isa pang salita na may panibagong
kahulugan.
PAG-ARALIN NATIN!

Dagdag pa rito, ginagamit ang mga


panlapi para malaman ang pagkakaiba ng
kahulugan ng mga salita.
Mga halimbawa:
Bagong Salita Salitang-ugat Panlapi
pabasahin pa, hin basa
pagbabasa pag- basa
nagbabasa nag basa
bumasa um basa
basahin hin basa
magbasa Mag- basa
binasa in basa
makababasa maka basa
PANGKATANG GAWAIN: PUNAN MO!

Mekaniks:
1. Mapapangkat ang klase sa dalawa.
2. Sasagutin ng bawat pangkat ang maibibigay
na gawain.
Panuto: Buuin ang talaan. Ibigay ang salitang-ugat
at panlaping ginamit upang sa pagbuo ng salita.
Bagong Salita Panlapi Salitang-ugat
sumayaw    
umawit    
umiyak    
mayaman    
kahirapan    
TANDAAN
Ano ang panlapi?
Ang panlapi ay tumutukoy sa mga katagang
ikinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng
salitang-ugat upang makabuo ng isa pang
salita na may panibagong kahulugan.
SUKATIN ANG KASANAYAN
Panuto: Tukuyin ang salitang-ugat at panlapi ng
bawat salita.
1. kabataan
2. makisig
3. magkantahan
4. ipagmalaki
5. nagtampuhan
IKATLONG ARAW
BALIKAN NATIN

Ano ang panlapi?


GAME ACTIVITY: BUUIN MO!

Panuto: Bumuo ng mga bagong salita mula sa mga


salitang-ugat at panlapi.

1. luto na lalapian ng mag


2. kain na lalapian ng in
3. palit na lalapian ng an
4. kanta na lalapian ng mag at han
5. sigaw na lalapian ng ipag, um at an
SURIIN!

Basahin ang mga nabuong salita.


magluto
kinain
palitan
magkantahan
ipagsumigawan
SURIIN!

Sa salitang magluto, nasa anong bahagi ng


bagong salita ang panlapi?

Sa salitang kinain, nasa anong bahagi ng bagong


salita ang panlapi?

Sa salitang palitan, nasa anong bahagi ng


bagong salita ang panlapi?
SURIIN!

Sa salitang magkantahan, nasa anong bahagi ng


bagong salita ang panlapi?

Sa salitang ipagsumigawan, nasa anong bahagi


ng bagong salita ang panlapi?
SURIIN!

Napansin natin na ang mga panlapi o kataga ay


naidugtong sa magkakaibang bahagi ng salitang-
ugat.

Ano-ano ang mga iba’t ibang uri ng panlapi?


PAG-ARALAN NATIN
MGA URI NG PANLAPI
A. Unlapi ang tawag sa panlapi na nasa unahan ng
salitang-ugat tulad ng ma-, nag-, mag-, pag-, um-
at iba pa.
Halimbawa: unlapi + salitang-ugat= bagong salita
1. mag- + luto = magluto
2. um- + awit = umawit
3. na- + sabi = nasabi
PAG-ARALAN NATIN
B. Gitlapi naman ang tawag sa panlapi sa gitna ng
salitang-ugat. Madalas ginagamit na gitlapi ang -in
at –um.

Halimbawa: gitlapi + salitang-ugat= bagong salita


1. -in- + kain = kinain
2. -um- + talon = tumalon
3. –um- + sayaw = sumayaw
PAG-ARALAN NATIN
C. Hulapi ang panlaping kinakabit sa hulihan ng
salitang–ugat tulad ng -an, - in, -han –hin.

Halimbawa: salitang-ugat + hulapi= bagong salita


1. basa + -hin = basahin
2. palit + -an = palitan
3. sabi + -han = sabihan
PAG-ARALAN NATIN

D. Kabilaan ang panlapi kapag may inilagay na


panlapi sa unahan at hulihan ng salitang –ugat.

Halimbawa: Salitang –ugat + unlapi + hulapi =


bagong salita
1. ingat pag- + -an = pag-ingatan
2. tanim mag- +- an = magtaniman
PAG-ARALAN NATIN

E. Laguhan kapag ang panlapi ay ikinakabit sa


unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

Halimbawa: Salitang–ugat +unlapi +gitlapi +hulapi


=bagong salita
1. sikap pag- -um- -an = pagsumikapan
2. sigaw ipag- -um- -an = ipagsumigawan
PANGKATANG GAWAIN: ANONG PANLAPI TO?

Mekaniks:
1. Mapapangkat ang klase sa dalawa.
2. Sasagutin ng bawat pangkat ang maibibigay na
gawain.
3. Magkaroon ng pag-uulat.
ISAHING GAWAIN: BUMUO KA
Panuto: Bumuo ng mga bagong salita gamit ang
mga sumusunod na salitang-ugat.
1. araro
2. takbo
3. awit
4. ligaw
5. bundok
MAHALAGA BA?

Mahalaga ba ang mga panlapi? Bakit?


TANDAAN

Ano-ano ang mga uri ng panlapi?


– unlapi
– gitlapi
– hulapi
– kabilaan
– laguhan
TANDAAN

Paano makabubuo ng bagong salita?


-sa pamamagitan ng salitang-ugat at
panlapi
SUKATIN ANG KASANAYAN
Panuto: Gamitan ng angkop na panlapi ang salitang-
ugat na may salungguhit upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Iwas ang matataong lugar ngayong may
Covid-19.

2. Ugaliing gamit ng face mask kapag lumabas ng


bahay.

3. Laging hugas ang kamay.


SUKATIN ANG KASANAYAN
Panuto: Gamitan ng angkop na panlapi ang salitang-
ugat na may salungguhit upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
4. Inom ng walong basong tubig o mahigit pa
bawat araw.

5. Tingin kaagad sa doctor kapag nakaramdam


ng sakit.
BUMUO KA!
Panuto: Bumuo ng bagong salita gamit ang sumusunod
na mga panlapi at salitang-ugat. Pagkatapos, gamitin
ang bawat isa sa pangungusap.
Salitang-ugat Panlapi Bagong Salita
talop an
kalas um
basa in
putol um
diwang nag
IKAAPAT NA ARAW
PAGBABALIK-ARAL
Paano mabuo ang bagong salita?
BUUIN MO!
Panuto: Bumuo ng bagong salita gamit
sumusunod na salitang-ugat at tukuyin ang
panlapi at uri ng panlapi na ginamit para mabuo
ito.
1. halimuyak
2. tanda
3. gubat
4. loob
5. ikot
AYUSIN MO!
Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters upang
mabuo ang mga hinihinging salita.

INYOPON

HONTANOKTA

Ano ang mga nabuong salita?


AYUSIN MO!
Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters upang
mabuo ang mga hinihinging salita.

INYOPON

HONTANOKTA

Ano ang mga nabuong salita?


IHANAY MO!
Ano ang kahulugan ng mga ito?

KATOTOHANAN OPINYON

Bibigyang kahulugan ang mga salitang nabuo sa


pamamagitan ng concept map.
ALAMIN NATIN
Panuto: Basahin nang malakas ang mga pahayag.
A.
Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos
ang kasalukuyang pangulo ng ating bansa.
B.
Para sa akin, si Pangulong Duterte ang
pinakamahusay na Presidente.
ALAMIN NATIN

Sa mga naibigay na pahayag, alin ang


katotohanan? Bakit?

Ano sa mga ito ang opinyon? Bakit?


ALAMIN NATIN
Ang katotohanan naman ay nagsasaad ng
ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng
lahat ng totoo.
Ito ay hindi nagbabago at maaaring
mapatunayan.
Ito ay sinusuportahan ng pinagkunan.
Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala
tulad ng pinatutunayan ni,mula kay,tinutukoy
sa/ni, mababasa na atbp.
ALAMIN NATIN
Halimbawa:
1. Batay sa Department of Health, hindi pa rin
lubusang ligtas ang lumabas sa ngayon dahil
sa banta ng coronavirus.

2. Ayon sa turo ng Bibliya, masama ang


pagsisinungaling.
ALAMIN NATIN
3. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng
mga Ekonomista na unti-unting umuunlad ang
turismo ng ating bansa.

4. Si Sarah Duterte ang kasalukuyang Bise


Presidente ng ating bansa.
ALAMIN NATIN
Ang opinyon ay pananaw o paniniwala ng
isang tao o pangkat. Ito ay saloobin, damdamin,
ideya o kaisipan.
Ito ay hindi maaaring mapatunayan.
Ito ay ginagamitan ng salita o parirala tulad ng
sa aking palagay, sa tingin ko, para sa akin, sa
nakikita ko, sa pakiwari ko, at kung ako ang
tatanungin.
• Halimbawa:
ALAMIN NATIN
Halimbawa:

1. Para sa akin, si Pangulong Duterte ang


pinakamahusay na Presidente.

2. Sa aking palagay, mas epektibo ang module


kaysa sa online na pagtuturo.
ALAMIN NATIN
3. Sa tingin ko, matatagalan pa ang pagdiskubre
ng vaccine para sa virus.

4. Pakiramdam ko, mas maaga ang tag-ulan


ngayon.

5. Kung ako ang tatanungin, mas mahirap ang


buhay ngayon kaysa noong nakaraang taon.
TANDAAN

Ano ang katotohanan?

Ano ang opinyon?


SUKATIN ANG KASANAYAN
Panuto: Basahin nang mabuti at suriin kung ang pangungusap ay
opinyon lamang o katotohanan. Isulat ang O kung ito ay ay
opinyon at K kung katotohanan.

1. Sa palagay ko si Marie ang mananalo sa


patimpalak.
2. Ayon kay Santiago et al.,(2000), ang kahirapan
ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga
Pilipino.
SUKATIN ANG KASANAYAN

3. Para sa maga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay


malas.

4. Mas masayang kasama ang mga kaibigan


kaysa sa mga magulang.

5. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-


sariling talento at kakayahan.
IKALIMANG ARAW
PAGBABALIK-ARAL

Ano ang katotohanan?

Ano ang opinyon?


IPALIWANAG MO!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pahayag. Ipaliwanag kung bakit ito ay opinyon o
katotohanan.

1. Si Manny Paquiao ay isang sikat na


personalidad sa larangan ng larong boksing.

2. Tinatamaan lamang ng sakit na coronavirus


ang mga mga taong may edad na.
PANGKATANG GAWAIN: KATOTOHANAN O OPINYON?

Mekaniks:
1. Mapapangkat ang klase sa dalawa.
2. Sasagutin ng bawat pangkat ang maibibigay
na gawain.
3. Ipapakita ng bawat pangkat ang output.
THINK-PAIR-SHARE: IPALIWANANG MO!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Bigyang paliwanag ang sagot kung bakit ito ay
opinyon o katotohanan.
1. Mas epektibo ang modular kaysa sa online
class. Opinyon o Katotohan? Ipaliwanag ang
sagot.
2. Tumataas ang bilang ng mga Pilipinong
naghihirap. Opinyon o Katotohan? Ipaliwanag
ang sagot.
THINK-PAIR-SHARE: IPALIWANANG MO!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Bigyang paliwanag ang sagot kung bakit ito ay
opinyon o katotohanan.

3. Pagtaas ng presyo ng gasolina, sumasabay sa


pagtaas ng presyo ng karne at gulay. Opinyon o
Katotohan? Ipaliwanag ang sagot.
BAKIT?

Bakit mahalagang matutuhan ng isang batang


tulad mo ang kasanayan sa pagsasabi ng
katotohanan at opinyon?
TANDAAN

Ano ang katotohanan?

Ano ang opinyon?


SUKATIN ANG KASANAYAN
Panuto: Isulat ng titik K kung ang pangungusap
ay nagsasaad ng katotohanan . Isulat ang O kung
ito ay isang opinyon.

1.a. Ang Sahara ay isang malaking disyerto sa


Aprika.

1.b. Hindi mabubuhay ang mga tao sa isang


disyerto tulad ngSahara.
SUKATIN ANG KASANAYAN
2.a. Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa
barko.
2.b. Mas nakatatakot ang sumakay sa eroplano
kaysa sa barko.

3.b. Masaya ang magkaroon ng alagang hayop sa


bahay.
3.c. Ang mga pusa at aso ay maaaring maging
mga alaganghayop.
SUKATIN ANG KASANAYAN
4.a. Lahat ng imbensiyon ay nakabubuti sa
buhay ng tao.
4.b. Napakaraming imbensiyon ang nagpadali ng
buhay ng tao.

5.a. Ang Bulkang Mayon ay may halos


perpektong kono.
5.b. Higit na mas maganda ang Bulkang Mayon
sa Bulkang Pinatubo.
SUMULAT KA!

Panuto: Sumulat ng tigtatlong halimbawa


ng katotohanan at opinyon.
Maraming salamat sa
aktibong pakikilahok

You might also like