You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

FILIPINO 6
“Pagbuo ng mga Bagong Salita”

Pangalan: Marka:
Baitang/Seksyon: Petsa:

I. PANIMULA

Sa araw-araw nating pakikipagtalastasan, gumagamit tayo ng mga pananalita na ginagamitan ng


mga panlapi, kataga, letra, at salitang-ugat. Kadalasan nakabubuo tayo ng mga bagong salita gamit ang mga
panlapi at salitang-ugat. Sa pinagsamang panlapi at salitang-ugat, makabubuo ka ng bagong salita gayundin
ang kahulugan nito. Sa talakayan na ito, higit kang makabubuo ng bagong salita at higit mong mapauunlad
ang iyong kakayahan sa pakikipagtalastasan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat. (F6PT-IIIj-15)

III. PAGTATALAKAY

Ang salitang-ugat ay ang payak na salitang walang dagdag o salitang buo ang kilos. Ang mga ito ay maaring
pangngalan, pang-uri o pandiwa.

Halimbawa:

Pangngalan Pang-uri Pandiwa


babae ganda sulat
hayop sariwa lakad

Ang um-, -in, mag-, at pag- ay mga halimbawa ng mga kataga. Kataga ang tawag sa mga titik o pantig na
walang kahulugan. Ikinakabit ang kataga sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Panlapi ang tawag
sa mga ito.

Ang panlapi ay kataga o mga katagang ikinakabit sa unahan, sa gitna, hulihan at kabilaan ng isang salitang-
ugat upang makabuo ng bagong salita.

Maylapi ang salitang-ugat kung ito ay nilalapian o kinakabitan ng kataga sa unahan, gitna, hulihan, o sa
magkabilang bahagi nito.

1|P age
May limang paraan ang paglalapi: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.

1. Unlapi – kung saan ang kataga ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat tulad ng ma-, um-, na-, pag-
, ka- at marami pang iba.

Halimbawa:
unlapi + salitang-ugat = bagong salita
ma + sipag = masipag

Unlapi Salitang-Ugat Nabuong Salita


ma- sipag masipag
um- inom uminom
na- basa nabasa
pag- tala pagtala
ka- kanta kakanta

2. Gitlapi – kung saan ang kataga ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat tulad ng -um at -in.

Halimbawa:
salitang-ugat + gitlapi = bagong salita
sayaw + um = sumayaw

Gitlapi Salitang-Ugat Nabuong Salita


-um sayaw sumayaw
-um kanta kumanta
-in putol pinutol
-in katay kinatay

3. Hulapi - kung saan ang kataga ay inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng -an, –han, –in at
–hin.

Halimbawa:
salitang-ugat + hulapi = bagong salita
turo + an = turuan

*Pansinin ang salitang-ugat na turo, ang -o na patinig ay pinapalitan ng -u bago idugtong ang hulaping -
an.

Hulapi Salitang-Ugat Nabuong Salita


-an turo turuan
-an dagan daganan
-han laba Labahan
-han punta Puntahan
-in kagat Kagatin
-in nguya Nguyain
-hin sabi Sabihin
-hin kanta Kantahin

2|P age
4. Kabilaan – kung saan ang mga kataga ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat. May
unlapi at hulapi ang salitang-ugat tulad ng unlaping nag-, mag, pag at hulaping -an at -han at iba pang
maaaring gamitin sa kabilaan.

Halimbawa:
unlapi + salitang-ugat + hulapi = bagong salita
nag + sayaw + an = nagsayawan

Kabilaan Salitang-Ugat Nabuong Salita


nag- -an sayaw nagsayawan
Nag- -an awit nagawitan
nag- -han kanta nagkantahan
mag- -an tulak magtulakan
mag- -han takbo magtakbuhan

5. Laguhan – kung saan ang mga kataga ay inilalagay sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
May mga unlapi, gitlapi at hulapi tulad ng unlaping nag-, mag, pag gitlapi -um, -in at hulaping -an at -
han at iba pang maaaring gamitin sa laguhan.

Halimbawa:
unlapi + gitlapi + salitang-ugat + hulapi = bagong salita
nag + sa + sayaw + an = nagsasayawan

Laguhan Salitang-Ugat Nabuong Salita


nag-sa-an Sayaw nag/sa/sayaw/an
nag- -an Awit nag/a/awit/an
mag- -han Kanta mag/ka/kanta/han
mag- -han takbo mag/ta/takbo/han

IV. GAWAIN

A. Panuto. Bumuo ka ng bagong salita sa tulong ng panlaping ibinigay sa bawat bilang. Sundan ang halimbawa
upang mapunan ang tsart. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Salitang-ugat Panlapi Nabuong Salita


Halimbawa:
tanim -an taniman
1. bilis ma-
2.salok -um
3.hulog na-
4.guhit pag-
5.lakip ka-
6.turo i-
7.lalake ka- -han
8.tinda mag-
9.hukay nag-
10.dilig -an

3|P age
B. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap na nasa unang hanay. Isulat sa ikalawang hanay ang
salitang-ugat ng salitang may salungguhit. Isulat sa ikatlong hanay ang panlaping ginamit. Sa ikaapat na hanay,
isulat kung saan ang posisyon ng panlapi. Sundan ang halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pangungusap Salitang-ugat Panlapi Posisyon ng Panlapi


Hal. Nagpalakpakan ang palakpak Nag- -an kabilaan
mga manunuod sa sayaw
na kanilang pinamalas.
1. Lumipad ang mga ibon
patungo sa gubat.
2. Nagsimba si Diana
noong Linggo.
3. Umani ng ginto si Chris
sa palarong takbuhan.
4. Susuklayin ko ang aking
buhok.
5. Maganda ang mga
tanawin dito sa Zambales.
6. Ang pagtulong sa kapwa
ay mahalaga ngayong
panahon ng pandemya.
7. Sasamahan ng mga
magulang ang kanilang
anak sa panonood ng
telebisyon.
8. Pinatulog ni Sheena
nang mahimbing ang
kaniyang anak.
9. Nagtutugtugan ang mga
musikero sa lansagan.
10. Si Mang Gerry ay
magaling na tagaguhit.

V. SANGGUNIAN
FILIPINO Kagamitan sa Pinatnubayang Pagkatuto – Wastong Gamit ng Pang-angkop at Pangatnig pp.
– 7. https://drive.google.com/file/d/1ilgW9-_RSrkIrJwDEGOTrH-pk-ST9POu/view?usp=sharing

4|P age
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

FILIPINO 6
“PAGBUO NG MGA BAGONG SALITA”
SUSI NG PAGWAWASTO

GAWAIN A
1. mabilis
2. sumalok
3. nahulog
4. pagguhit
5. kalakip
6. ituro
7. kalalakihan
8. magtinda
9. naghukay
10. diligan

GAWIN B
Salitang-ugat Panlapi Posisyon ng Panlapi
1. lipad -um gitlapi
2.simba nag- unlapi
3.ani um- unlapi
4.suklay su-, -in kabilaan
5.ganda ma- unlapi
6.tulong pag- unlapi
7.sama sa-, -han kabilaan
8.tulog pina- unlapi
9.tugtog Nag-,tu-,-an laguhan
10. guhit taga unlapi

Inihanda ni:

MARIA LUISA P. MARTIN


Teacher III

Noted:

ARMIDA SJ. SANTOS


Principal I

You might also like