You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Antipolo
Purok II-E
PAARALANG ELEMENTARYA NG SAPINIT
Pebrero 12, 2020 8:00 – 8:50 - Apollo

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. Layunin
Nabibigyang kahulugan ang idyoma o matalinghagang salita. (F6PT-IVe-4.4)
II. Paksang Aralin
A. Paksa : Pagbibigay kahulugan sa idyoma o matalinghagang salita.
B. Sanggunian : MISOSA Modyul Matatalinghagang Salita
LRMDS Portal. Manwal ng Guro
C. Kagamitan : aklat, kartolina, mga larawan, pentel pen, PowerPoint
Presentation, activity card, laptop
D. Pagpapahalaga: Pagiging magalang sa kapwa, may respeto at maayos sa
pakikisalamuha
Kooperasyon
III. PAMAMARAAN
Gawaing Pang-Guro Gawaing Pang-Magaaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang hapon mga bata!
Handa na ba kayo para sa ating aralin
ngayong araw?
Magandang hapon din po
Maam Shane!
Opo, handa na po kami.
2. Balik Aral
Bago natin simulan ang ating bagong
talakayan. May makakapagsabi ba saakin
kung ano ang ating pinag-aralan noong
nakaraan?
Maam, ang atin pong pinag-
aralan noong nakaraan ay
Magaling!
ang uri ng mga pangungusap.
Ano-ano naman ang uri ng pangungusap?
Maam ang uri ng
pangungusap ay pasalaysay
o paturol, patanong, pautos o
pakiusap, at padamdam.
Magaling! Bigyan natin siya ng limang bagsak
!

Maaari mo ba akong bigyan ng halimbawa ng


pangungusap na pasalaysay?
Sige, Levi.
Maam. Dito po ang daan.
Hindi po riyan.
Magaling!

Sino naman ang makakapagbigay ng


halimbawa ng pangungusap patanong?
Sarah.
Maam. Saan kaya papunta
ang sasakyan na iyon?
Magaling!

Magbigay naman ng halimbawa ng


pangungusap na pautos o pakiusap.
Sige. Raven Maam. Maaari mo ba akong
tulungan sa aking proyekto?

Magaling!

At ang pinakahuli. Sino ang makakapagbigay


ng halimbawa ng pangungusap ng
padamdam?
Sige. Josh
Maam. Hala! May sunog!

OK! Magaling. Alam nyo na ngang gamitin ang


ibat ibang uri ng pangungusap. Opo maam!

B. Panlinang na Gawain
A. Pagganyak
Ngayon naman ay may inihanda akong
mga jumbled letters. Ang kailangan niyo lang
gawin ay buuin ito. Handa na ba kayo mga
bata?
Opo handa na po kami!

TLUOG–ANMITAK TULOG MANTIKA


DASU–GNOGAP USAD PAGONG
NGATNGE–WKAAIL TENGANG KAWALI
KPSAI–AMTA KISAP-MATA
SAKBU–LAPDA BUKAS-PALAD

B. Paglalahad
Ngayon ay basahin natin ang inyong mga
nabuong salita.

Tulog Mantika
Usad Pagong
Tengang Kawali
Kisap-Mata
Bukas-Palad

Palagi niyo bang naririnig ang mga salitang ito?


Hindi natin ito madalas marinig. Ang mga salitang ito ay
tinatawang nating idyoma o matatalinghagang salita.

C. Pagtatalakay
Ang idyoma o matatalinghagang salita - ay
mga salitang hindi tuwiran o tumapak ang
kahulugan, malalim at hindi madaling
unawain. Sa Ingles ito ay Idiom. Upang mas
maintindihan pa natin narito ang iba pang mga
halimbawa na ginamit na rin sa pangungusap.

 Anak - Dalita – Mahirap


Nagsusmikap sa pag-aaral si Juncel sa
kabila ng pagiging anak-dalita.

Maari nyo bang gamitin sa


pangungusap ang anak-dalita?
Yes, Ronalyn! Ma’am, lumaking anak-dalita
si Ar kaya siya ay sanay sa
gawain.
(gawin sa mga susunod pang
halimbawa)

 Pantay na ang mga paa.


Ikinagulat ng pamilya ni Mae balitang
pantay na ang mga paa ng kanyang
ama na nagtatrabaho sa Zamboanga.

 Usad Pagong
Halos araw-araw na lang na usad
pagong ang mga sasakyan sa Metro
Manila.

 Tengang Kawali
Umiral na naman ang tengang kawali ni
Fidel nang tawagin siya ng kanyang ina
para maghugas ng pinggan.

 Bukas Palad
Si Nathan ay bukas palad sa mga
taong nangangailangan.

D. Pangkatang Gawain
Para sa mas malawak pa na kaalaman ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Bawat isang grupo sa inyo ay kukuha ng
envelop na naglalaman ng inyong gawain.
Handa na ba kayo mga bata?
Opo! Handa na po kami!
Ngunit bago tayo magsimula ano-ano ang mga
pamantayan sa pangkatang gawain?
(sasagot ang mga bata)
Buuin at ibigay ang kahulugan ng
matalinghagang salita na ginamit sa
pangungusap. At gamitin muli ito sa tatlong
panibagong pangungusap.

Pangkat I

Sa wakas ay natuloy na rin ang matagl


nang hinihintay nap ag-iisang dibdib
PAGPAPAKASAL
nina Maria at Romeo.
P_gpa_ _ k _ s _ l
Pangkat II

Parang pinagbiyak na bunga ang


magkaibigan na sina Ard at Louis na
nagiging dahilan ng pagkalito minsan MAGKAMUKHA O
ng kanilang kasamahan. MAGKAHAWIG

M _ gk _ m _ k h _
o
M_ g k _ h _ w _ _

Pangkat III

Talagang mababaw ang luha ni Anna


kahit na nakakatawa ang palabas sa MADALING MAIYAK
telebisyon.

Madaling M _ _ _ a k

Narito rin ang rubriks na nakalaan sa pangkatang


gawain.

Mga Batayan Mga Puntos


5 4 3
presentasyon Buong husay Naipresinta Di gaanong
at malikhaing ng maayos naipresinta ng
naipresinta ang maayos ang
ang pangkatang gawain
pangkatang gawain
gawain
kooperasyon Naipapamalas Naipapamalas Naipapamalas
ng buong ng halos lahat ang
miyembro ang ng miyembro pagkakaisa
pagkakaisa ang ng iilang
pagkakaisa miyembro
takdang oras Natapos ng Natapos ang Di natapos
buong husay pangkatang ang
ang Gawain sa Gawain ngunit pangkatang
tinakdang oras lagpas sa gawain
tinakdang oras

Maaari na kayong pumunta sa inyong grupo at


magsimula. Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto
upang tapusin ang inyong gawain.

E. Paglalahat
Sa kabuuan ng ating ginawa? Ano ang idyoma
o matalinghagang salita?
Yes, Keii. Maam! Ang idyoma o
matatalinghagang salita -
ay mga salitang hindi tuwiran
o tumpak ang kahulugan,
malalim at hindi madaling
unawain.
Magaling Keii!
Bigyan natin siya ng limang bagsak go!
Maaari bang pakiulit Saira?

Magbigay nga ng halimbawa?

Maari bang pakiulit kung ano ang


matalinghagang salita?

Basahin nating lahat kung ano ang idyoma o


matalinghagang salita.

F. Paglalapat
Piliin sa Hanay B ang mga idyoma o
matatalinghagang salita na may salungguhit
sa hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Nagbunga ng
Mabuti ang
kanyang A. Kaawa-awa
pagsusunog ng
kilay. 1. C
2. Di-maliparang 2. B
uwak ang kanilang B. Malawak 3. D
palayan. 4. E
3. Nagdilang-anghel 5. A
C. Pag-aaral ng
ang batang
mabuti
kanyang nakausap.
4. Parang hagupit ng
D. Nagkatotoo ang
tadhana ang
sinabi
nangyayari.
5. Para kayong mga
basang-sisiw na
E. Parusa
walang
mapuntahan.

Magaling mga bata!

IV. PAGTATAYA
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng idyoma o matalinghagang salita na may salungguhit. Piliin
ang sagot sa kahon.

Mayabang Tastas Ang Tahi Masakit Sa Damdamin Maliit Na Halaga Nanliligaw

1. Matagal na siyang naniningalang pugad sa kanyang iniirog ngunit hindi pa ri siya nito
sinasagot.
2. Pasan krus sa puso niya ang alaala ng lumipas.
3. Hinahabol ng karayom ang kanyang suot na damit.
4. Ang ibinigay niya sa samahan ay patuka lang sa manok.
5. Hindi na niya makasundo ang mataas ang lipad na kapatid.
V. TAKDANG ARALIN
Magbigay ng limang halimbawa ng idyoma o matatalinghagang salita at gamitin ito sa
pangungusap.

You might also like