You are on page 1of 5

Na Kontekstong Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin:
Pagkatapos ng anim na pung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang 75%
antas ng tagumpay na:

a. natutukoy ang mga pangunahing diwa sa nabasang talata,


b. nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang talata, at
c. napapahalagahan ang mga kaugaliang Pilipino, sa paglahad sa klase ng iba pang kaugalian.

II.  Paksang Aralin: Pangunahing Diwa


Sanggunian: Modyul sa Filipino 6, Week 7: Pahina 8-9
Kagamitan: Power Point Presentation, Modyul
Pagpapahalaga: “Pagpapahalaga sa mag kaugaliang Pilipino”

III. Pamamaraan:

1. Pagkuha sa Interes ng mga Bata


A. Panimulang Gawain
1. Igalaw mo, Huhulaan ko
Tatawag ang isang guro ng isang mag-aaral para kumuha ng isang istripa ng
papel sa loob ng kahon, at ito’y kanyang gagawin sa harap ng klase. Huhulaan ng
buong klase kung ano ang ginagawa niya.
-pagmamano sa mga nakakatanda
B. Pagganyak
1.     Pagkuha sa Interes ng mga Bata
Sa inyong mga bahay, ilan bang miyembro ang nakatira? Ano bang mga gawain na
nakaugalian niyo na? Saan niyo ba ninyo ito natutunan? Marami pa ba kayong ibang alam?
2. Pag-aalis ng Sagabal
 Bago natin alamin ang  sagot sa inyong mga tinuran, narito ang mga salita na dapat
muna nating bigyang kahulugan nang maunawaan natin ang nais ipahatid sa atin ng
awitin.      
             Sa pisara ay mga salita, sa tapat ng bawat salita ay mga kahon na magbibigay ng
kasing kahulugan nito. Bawat kahon ay may katumbas na titik, punan ng ibang mga titik ang
kahon upang mabuo ang wastong kahulugan ng mga salita.
1. sunduan - _______
2. komite- _________
3. hermano mayor- _____
4. pagpanaw- ______

C. Paglalahad

  1. Iprepresenta ng guro ang isang maikling kwento.


Ang Sunduan

Noong araw, hindi umaalis ng bahay ang mga dalaga nang nag- iisa.
Sinusundo sila kapag mayroon silang pupuntahan. Ito ay naging ugali na ng mga
tao sa Parañaque noon. Tinatawag nila itong Sunduan. Ang Sunduan ay isang
matandang kaugalian.
Tuwing pista sa bayan ng Parañaque, ang Sunduan ay kanilang
binubuhay. May komite na namamahala sa mga gawain at pagtatanghal kung
pista. Ang puno o chairman nito ay hermano mayor. Kung babae ang chairman
tinatawag itong hermana mayor. Ang komite ang pumipili ng mga dalaga at
binata na gaganap sa sunduan. Magagandang dalaga at makikisig na binata na
may kasiya-siyang ugali ang pinipili. Isang karangalan para sa mga dalaga at
binata ang mapabilang sa Sunduan.
Sa kaarawan ng pista, sinusundo ng mga binata ang mga dalaga, kasama
ang banda ng musiko. Lumalakad sila sa mga pangunahing lansangan ng bayan.
Makikisig ang mga binata sa kasuotang barong at naggagandahan naman ang
mga dalaga sa kanilang baro at saya. Makukulay ang payong nila. Nagtatapos ang
masayang paglalakad sa bahay ng hermano mayor. Isang masaganang salu-salo ang naghintay sa kanila
roon.

2. Pagtatalakay
Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugalian
hindi  umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa 
kanyang pupuntahan. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng  bayan
ng Parañaque. 
Ano ang pinag-uusapan sa buong talata? 

Tungkol sa Sunduan. 

Ano naman ang mga sinasabi tungkol sa Sunduan? 


Nagmula ito sa kaugalian na ang dalaga ay hindi umaalis sa bahay nang  nag-
iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan. 
Ano pa ang ibang sinasabi tungkol sa Sunduan? 

Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing pista ng bayan ng Parañaque. 


May pangungusap ba sa talata na nagsasabi ng buong diwa ng lahat ng sinasabi  tungkol
sa Sunduan? 
Mayroon! 

Alin ang pangungusap na ito? 


Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. 

Bakit nasasabi na natatanging pagdiriwang ang Sunduan? 

Sapagkat nanggaling ito sa matandang kaugalian. 

Sapagkat binubuhay ito tuwing pista sa Parañaque. 

Ang pangunahing diwa ng talata ay tinatawag na paksang pangungusap. Saan


natatagpuan ang paksang pangungusap sa ating halimbawa? Basahing muli
ang ating talata. 
Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugalian hindi 
umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa 
kanyang pupuntahan. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng  bayan
ng Parañaque. 
Nasa unahan ito ng talata. 

3. Paglinang ng Kasanayan
Bawat grupo ang bibigyan ng task card, at gagawin ang bawat gawain sa loob ng 15 minuto.
Unang Pangkat- Mga kaugalian ng mga Cebuano/Pilipino (Paint me a picture)
Pangalawang Pangkat- Ano ang ginagawa ng mga Cebuanos ngayon bakit nasisira ang ating
kapaligiran?
Ikatlong Pangkat- Ano ang mga dapat gawin sa para masolusyonan ang problema sa polusyon?
(Pagbibigay ng tips)
4. Paglalahat
Ano ang pangunahing diwa?
                  Ano ang paksang pangungusap?
                  Saan makikita ang paksang pangungusap sa bawat talata?
5. Pagpapayamang Gawain
Basahin ang bawat talata at sagutin ang mga tanong. 
1
Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. 2Ito ay noong kumalat  ang balita na
hinuli at ibinilanggo ng mga Espanyol si Jose Rizal. 3Ka\a·t  nang gabi ng Hulyo 7, 1892
nagpulong sina Andres Bonifacio, Deodato  Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at
Jose Dizon. 4Nagkasundo sila na  gumawa ng paraan upang lumaya ang Pilipinas.
5
Nilagdaan nila ang  kasunduan ng sarili nilang dugo.

1. Ano ang sinasabi ng talata? 


A. Kung ano ang Katipunan 
B. Mga gawain ng Katipunero 
C. Kung bakit hinuli si Jose Rizal 
D. Kung paano naitatag ang Katipunan 
2. Alin ang paksang pangungusap ng talata? 
A. Pangungusap 1 C. Pangungusap 3 
B. Pangungusap 2 D. Pangungusap 4 
3. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap? 
A. unahan B. gitna C. hulihan D. tema 

4. Ano ang tinutukoy ng talata?


A. Ang bahay nina Andres Bonifacio
B. Ang ayos ng paligid ng Tondo noon 
C. Ang pinagmulan ni Andres Bonifacio 
D. Ang hanapbuhay ng kanyang magulang 
5. Alin ang paksang pangungusap ng talata? 
A. Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio. 
B. Ang kanyang ama, si Santiago Bonifacio ay isang sastre. 
C. Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. D. Ang kanyang ina, si
Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay. 

IV.          Pagtataya
Basahin ang teskto sa ibaba.
Melchora Aquino ang tunay na pangalan ni Tandang Sora.
Tinawag siyang  ´Tandaµ sapagkat nang magsimula ang himagsikan noong 1896, si\a
a\ talagang  matanda na. 

Siya ay nakatira sa gulod ng maliit na burol sa Balintawak. May isa siyang 


maliit na tindahan ng sarisari. 

Isang araw ng Agosto 1896, libu-libong mga taong sandatahan ang nagtipon  sa
Balintawak. Kabilang doon ang mga ina ng tahanan na dala ang kanilang mga  bunso.
Ang mga taong iyon ay mga kasapi sa lihim na samahang kilala sa tawag  na
Katipunan. Inaanyayahan ni Tandang Sora ang mga pagod na tao sa kanyang  munting
tindahan. Naghanda siya ng maraming pagkain para sa kanila hanggang  maubos ang
lahat ng paninda niya.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.  


1. Ano ang pinag-uusapan sa talatang binasa mo? 
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________ 2. Alin
ang paksang pangungusap ng talata? 
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________ 3. Saan
ito natatagpuan? Sa unahan, sa gitna o hulihan? 
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

V.            Takdang- Aralin
Basahin ang mga sumusunod na talata. Salungguhitan ang paksang pangungusap na nararapat sa
bawat bilang. ( Dalawang puntos bawat bilang)

1. Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang
Nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang putting damit si Eloisa. Ito
ang araw ng kanyang kasal.

2. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadalasa atin sa iba’t ibang
bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay
matutunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

Prepared by: Process Observer:

ROD CARLO J. OYONG JOSE R. VILLAMOR


Teacher III MT1
Lahug Elementary School
Gorordo Avenue, Cebu City

Banghay Aralin sa Filipino 6


Unang Markahan
(Pangunahing Diwa)

ROD CARLO J. OYONG


Teacher III

You might also like