You are on page 1of 4

Aralin 8

Tatlong Bahaging Round


Panimula
Likas sa mga Pilipino ang hilig sa pag-awit. Dahil sa
pamamagitan nito, naipahahayag nila ang laman ng kanilang
damdamin. Iba-iba ang paraan ng pag-awit. Maaari itong isahan
o maramihan. Maaari ding umawit sa pamamagitan ng
tinatawag na round song. Ang round song ay ang paikot na
pag-awit kung saan ang tatlong grupo ay hindi sabay-sabay na
umaawit sa halip ay sunod-sunod na sinisimulan ang pag-awit.
Ito ay nagpapatingkad sa tekstura ng isang awit.
Ang mga mang-aawit ay napapangkat sa tatlo. Tatlo rin
ang bahagi ng awit. Unang umaawit ang unang pangkat.
Kapag aawitin na ng unang pangkat ang ikalawang bahagi ay
magsisimula naman ng pag-awit ang pangalawang pangkat.
Ganoon din naman ang gagawin ng ikatlong pangkat. Ang
unang pangkat ang unang matatapos sa pag-awit at ang
pangatlong pangkat naman ang huling matatapos.
Gawin Natin
Gawain 1
Awitin ang Magandang Umaga

1. Tawagin ang mga kamag-aral at bumuo ng tatalong


pangkat.
2. Suriin ang iskor ng awit upang malaman ang una,
pangalawa at pangatlong bahagi.
3. Awitin ang Magandang Umaga sa pamamaraang
round.
Gawain 2
Muling bumuo ng tatlong pangkat at awitin ang Are You
Sleeping Brother John? at pakinggan ang armonya at tekstura
nito sa tatlong bahaging round.

Isaisip Natin

Ang round ay isang komposisyong pangmusika na may


tatlo o higit pang pangkat ng mang-aawit na magkasabay na
await ng magkaparehong tono. Mauunang magsimula ang
isang pangkat at susundan ng pangalawang pangkat at
pangatlong pangkat.

Repleksiyon
Ano ang naramdaman mo matapos mong umawit ng isang
round song? Ano ang dapat isaalang-alang ng bawat isa sa
pangkat sa pag-awit ng isang round song?
Mahalaga ba ang kooperasyon sa pag-awit ng round song?

Pagtataya
Sukatin ang sarili ayon sa ginawang pangkatang gawain.
Pamantayan
1
Nakasusunod
sa alituntunin
kung
paano
ang paglikha
ng melody.
2
Nakapagbaba
hagi
ng
kaalaman sa
musika
sa
pamamagitan
ng pag-awit.
3
Naiaawit
nang wastong
tono
ng
likhang
melody
4

Di-gaanong
Magaling

Magaling

Napakagalin
g

Nakapagpapa
kita
ng
pagpapahalag
asa musika
5 Nakikiisa sa
pangkatang
Gawain
at
pagtatanghal.

Inihanda ni:

MARITESS M.

DUNGCA
Head Teacher III
Iba O Este Elementary
School
Calumpit, Bulacan

You might also like