You are on page 1of 1

BANGHAY ARALIN SA ARTS 5

November 13, 2019


I. LAYUNIN
A. Nasisiyasat ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang iba’t ibang bagay na halimbawa linoleum,
softwood, rubber (soles of shoes) upang maiukit ang mga linya at kayarian sa paglilimbag. A5EL-IIIb
B. Nakalilimbag ng iba ibang bagay gamit halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang
makalikha ng linya o kayarian mula sa mga bagay na ginamit.
C. Naipagmamalaki ang bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang iba ibang bagay halimbawa ang
linoleum, softwood, rubber (soles of shoes).

II. PAKSANG ARALIN


Elemento ng Sining: Relief Mold( Pagguhit at Paglilimbag)
Kagamitan: linoleum, softwood, rubber (sole of shoes) pinta (water paint) bond paper
Sanggunian: A5EL-IIIb

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Balik-aral:
Magpakita ng larawan ng iba ibang uri na nilimbag ng mga pintor.
(Ipaunawa sa mga bata na ang mga pintor ganya ni Bernardo Carpio ay isa sa mga inspirasyon upang lalong
maging tanyag ang anting bansa sa mga dayuhan.)

Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan gamit ang makabagong pamamaran ng paglilimbag.

A. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng
isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa
paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood,rubber(soles of shoes). Sa pamamagitan ng
pagkulay,mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing pansining. Sa kulay,maipakikita rin nang lubusan ang
damdamin at imahinasyon ng likhang-sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na bagay upang
makalikha ng linya o texture gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag.

B. Gawaing Pansining
1.Pagpapalalim sa Pag-unawa
Paano mo maipakikita ng makabagong pamamaraan ng paglilimbag?
Ano ang mga dapat mong ihanda at pagtuunan ng pansin?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahad
Ang bagong pamamaraan ng paglilimbag ay ang pagsasalit ng disenyo sa pamamagitan ng pagpipinta ng isang
bagay at pagkatapos ay isasalin sa isang malinis na papel. Ang ritmo ay isang prisipyo ng sining na nalilikha sa
pamamagitan ng mga galaw ng disenyo.Nakapupukaw ito ng damdamin at naipakikita ito sa pamamagitan ng
pagsasalit ng mga disenyo.
1. Repleksyon:
Paano mo maipagmamalaki ang makabagong pamamaraan ng paglilimbag?

IV. PAGTATAYA
Ipaskil ang mga larawan na nilikha ng mga mag-aaral.(Sumangguni sa “SURIIN”)

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ng mga sumusunod.

bondpaper, watercolor/poster paint, crayons, pencil at ruler

PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nakakakuha ng mas mababa sa


80%

C.Bakit hindi naturo ang aralin

D.Paano mo ito gagawin

E.Ano mga stratehiya ang iyong gagamitin sa remediation

You might also like