You are on page 1of 4

Music V

IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Ikatlong Araw

I. Layunin
 Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng timbre ayon sa tinig. MU5TB-IIIe-1
 Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng timbre ayon sa tinig. MU5TB-IIIe-2
 Naiingatan at napapahalagahan ang boses ng bawat isa

A. Paksang Aralin

Uri ng Timbre Ayon sa Tinig

B. Sanggunian

MU5TB-IIIe-2
MU5TB-IIIe-1
MSEP 5 pp. 44-45
Umawit at Gumuhit 5 pp. 55-57

C. Mga Kagamitan

slide decks presentation, ICT- aided audio, IMs

D. Pagsasanib: Health, Mathematics, Araling Panlipunan

Estratehiya: pakikinig ng iba’t ibang timbre ng tinig, pangkatang gawain

II. Pamamaraan

Panuntunang Pansilid-aralan

1. Laging pumasok na handa para sa mga aralin.

2. Maging magalang sa pananalita sa lahat ng oras.

3. Ugaliin ang pagdadala ng sariling gamit sa paaralan.

4. Makinig ng mabuti sa lahat ng oras.

5. Hintayin ang pagkakataon mo na makapagsalita.

6. Simulan at tapusin kaagad ang mga gawain.

7. Iwasang abalahin ang kamag-aral habang gumagawa.

8. Pamalagiing malinis at nasa ayos ang lahat ng gawain.

1. Pagsasanay
a. Rhythm
Ipalakpak ang rhythm:
b. Tonal
Sanayin ang mga senyas kamay ni Kodaly

2. Balik-Aral
Ano ang ibig sabihin ng unitary? Strophic?

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Iparinig ang awiting“ Bayan Ko”
Ano ang napapansin ninyo sa tinig ng umawit? Anu-anong katangian ng
tinig ang inyong narinig? Base sa awiting inyong napakinggan, anong
mensahe ang nais nitong iparating sa inyo? Sa inyong palagay paano
natin maipapakita ang pagmamahal sa ating saraling bayan?
(manipis, matinis, malagong at mababa)

B. Paglalahad
Pakinggan ang mga tinig ng mang-aawit na narinig sa player
Suriin ang mga katangian ng tinig ng babae at lalaki.

http://youtube.com/watch?v=hQkRQ6JQZQ8
https://www.youtube.com/watch?v=kIMHKjHKoJM
https://www.youtube.com/watch?v=chz-GaiNtwE
https://www.youtube.com/watch?v=vXoTPJpAQ9o

C. Pagtatalakay
1. Sa inyong palagay ano ang katangian ng tinig ng babae na inyong napakinggan?
(magaan, manipis, mataas at makapal)
2. Ano ang dalawang uri ng tinig ng babae? (soprano at alto)
3. Base sa inyong napakinggang, ano ang katangian ng tinig ng mga babaeng
soprano? (magaan, manipis at mataas)
4. Kung ilalarawan ang tinig na inyong napakinggan, ano ang katangian ng mga
babaeng alto? (makapal)
5. Sa iyong palagay, ano ang katangian ng tinig ng lalaki na inyong napakinggan?
(magaan, manipis, mataas at makapal)
6. Ano ang dalawang uri ng tinig ng babae? (tenor at bass)
7. Kung ilalaarawan naman ang tinig ng lalaking tenor, ano ang katangian nito?
(magaan, manipis at mataas)
8. Sa inyong palagay, ano naman ang katangian ng tinig ng mga lalaking bass?
(makapal)

Pagpapahalaga: Paano mo pahahalagahan at iingatan ang iyong boses?

D. Pagpapayamang Gawain

Kilalanin at pakinggan ang mga tinig ng mga popular na mang-aawit sa


kasalukuyan. Tukuyin ang timbre ng kanilang mga boses.
1. Sarah Geronimo

2. Regine Velasquez
3. Ogie Alcasid
4. Martin Nievera
5. Garry Valenciano

E. Paglalahat
Anu- ano ang iba’t-ibang uri ng timbre ng tinig?

F. Paglalapat
Magpaawit sa mga mag-aaral. Tukuyin ang timbre.
G. Pangkatang Gawain

Pangkatang gawain. Magkakaroon ng 3 pangkat at bawat pangkat ay may mga


gawain na dapat nilang tapusin. Ibigay ang pamantayan sa pangkatang gawain.

Rubrics sa Pangkatang Gawain

Naisagawa ng maayos ang gawain at lahat


ng myembro ay tumulong sa pangkatang
gawain.
Naisagawa ng maayos ang gawain sa
tulong ng guro. May ilang myembro ang
hindi tumulong sa gawain.
Hindi masyadong naisagawa ng ayos ang
gawain at iilan lamang ang tumulong sa
kanilang pangkat.

Pangkat I

Tukuyin ang timbre ng mga mang-aawit na inyong mapapakinggan.

1. Charice Pempengco
2. Jona Viray
3. Janno Gibs
4. Jaya
5. Moira dela Torre

Pangkat II
Gamit ang laptop, magsaliksik ng 5 mang-aawit na may timbreng Tenor.

Pangkat III
Magbigay ng 5 awit at tukuyin ang timbre ng bawat isa.

Rubrics sa Pangkatang Gawain

PANGKAT KAWASTUHAN KAAYUSAN KOOPERASYON


I
II
III

III. Pagtataya

Pakingggan ang mga tinig ng mang-aawit at tukuyin ang timbre ng tinig.


1. Darrel Espanto
2. Jed Madela
3. KZ Tandingan
4. Angeline Quinto
5. Lea Salonga
IV. Karagdagang Gawain

Gumupit ng larawan ng paborito mong mang-aawit at idikit ito sa short bond paper.
Pakinggan at tukuyin ang timbre ng kanilang tinig.

You might also like