You are on page 1of 4

I.

Layunin sa Aralin

A. Natutukoy ang ibat ibang simbolo sa musika

B. Natutukoy at naaawit ang mga so-fa syllable gamit man o hindi ang mga hand signals.

C. natutukoy ang mga posisyon ng mga nota.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Ang Pagbabasa ng Note sa Piyesa

B. Lunsaring Awit: “Kung ikaw ay masaya Pumalakpak”

C. Sanggunian : Libro na Halinang umawit at gumuhit ni Hazel p.Copiaco at Emilio S. Jacinto Jr.

D. Kagamitan : Libro, Speaker, Visual Aids

E: Integration : Music

F. Pagpapahalaga: Encouragement

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain: ang guro ay mag bibigay ng isang action song “Kung ikaw ay masaya
Pumalakpak”

B. Balik- aral: Ang ating pinag aralan kahapon ay tungkol sa hand signals (kodaly method).

C. Pangganyak: Magbibigay ako ng so-fa syllables ng isang kanta at susundin nila ito sa pamamagitan ng
hand signals.

Mga bata, repeat after me.

Bibigay ako ng so-fa syllables ng kantang twinkle twinkle little star at gawin natin ang kanyang
hand signals.

D. Paglalahad: sa araw na ito ang tatalakayin natin ay tungkol sa mga simbolo ng musika at pag basa ng
mga nota sa staff.
E:Pagtatalakay: ngayong umaga ituturo ko muna sa inyo ang Pitch name at so-fa syllables .

Ang so-fa syllables ay mga do,re , mi , fa , so ,la , ti ,do,

Ang Pitch name naman ay C,D, E, F,G,A,B,C

Ilan ang nga linya at espasyong nakikita niyo sa pisara?

Ang staff ay binubuo ng mga linya at espasyo, bilangin natin ang mga linya at espasyo . Mayroon tayong
5 guhit at 4 na espasyo na makikita sa staff, ano naman ang tawag sa simbolo na makikita mo na pa
kurbang G?

Pumunta naman tayo sa pag tukoy ng mga nota sa staff, bibigyan ko kayo acroname sa bawat pitch
name para magiging mas madali sa inyo ang pag tukoy at pag alam sa mga nota.

Unahin muna natin ang mga nota na nasa linya.


E-every

G-good

B-boy

D-does

F-fine

Ang sa espasyo naman ay makikita nyo ang word na FACE para sa fa,la,do at mi.

Mag dadagdag ako, ang Re ay sa ilalim ng E or mi na sa linya, ang rule ng pag tukoy sa mga nota ay line
space line space. meron tayong tinatawag na ledger line

Ang ledger line ay para sa mga nota na mga mataas at mababang nota na hindi na nasasakupan ng staff
kagaya ng do na hindi na masasakop ng staff. Mga bata pwede ba nating kantahin ang so-fa syllables na
nakasulat sa pisara?

F. Paglalapat: Meron akong popsicle sticks dito na may mga pangalan ninyo. Kung kaninong pangalan
ang aking mabunot ay dapat pumili dito sa box ng nota na dapat sagutin. Pagkatapos, kukuha sya ng
naka cut-out na bilog sa isang box at i-paste ito sa tamang pusisyon sa staff.

G. Paglalahat:

*Ano ang tawag sa simbolong may limang linya at apat espasyo?

*ano ang tawag sa kurbang G na makikita sa unahan ng staff?

H. Pagtataya: kumuha ng kalahating piraso ng papel at tukuyin ang mga pitch name na nilagay ko sa
pisara.

1. CABBAGE

2.BED

3.EGG

4.BAG

5.CAGE
I. Takdang Aralin: Isulat ang Pitchname ng mga nota at ang kanyang so-fa syllables.

You might also like