You are on page 1of 3

BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 1

IKAAPAT NA MARKAHAN
I. Layunin:

* Nagagamit ang iba’t ibang katawagan sa pagsulat ng lokasyon at distansya sa

pagtukoy ng mga gamit at lugar sa bahay ( kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran).

II. Paksang Aralin

Paksa: Konsepto ng Distansya at Lokasyon

Kagamitan: Mga larawan, iba’t ibang bagay,dice, telebisyon, laptop

Sanggunian: AP1KAP- Iva-1,APKAP-IVa-2

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain:

a. Balik- aral

b. Pagganyak

Ipalaro ang “Iguhit mo ang mga Bahagi ng Mukha ko”

1. Hatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat at bawat pangkat ay magtatalaga ng

isang kamag-aral na siyang guguhit sa pisara upang guhitan ang bahagi ng mukha na nasa
cartolina na nakapiring.

2. Bawat kapangkat nila ay kailangang magbigay ng clue sa kanilang kamag-aral na

kakamping guguhit gaya ng (sa kaliwa, sa kanan, itaas mo pa, ibaba mo pa, malapit na, malayo
pa)para maiguhit sa tamang lugar ang bahagi ng mukha.

3Ang pangkat na nakaguhit ng pinakamaayos ang syang panalo.

2.Paglalahad:

a. Isa- isahing talakayin ang konsepto ng lokasyong sa kanan, sa kaliwa, ibaba, itaas sa
pamamagitan ng pagbibigay ng maraming halimbawa gamit ang mga larawan at tunay na
bagay.

b. Bigyang diin na ang mga katawagang ito ay mga salitang naglalarwan ng distansya at
lokasyon.

4. Pagpapayamang Gawain

“Dice ng Karunungan”

Iitsa ang dice ng karunungan at alamin kung saang lokasyon nakalagay ang mga
larawan.Ibase ito sa larawan na nasa telebisyon.

kaliwa kanan itaas ibaba harap likod

5. Paglalahat
Tandaan:

Ang kaliwa, kanan,ibaba, itaas, harapan at likuran ay mga salitang magtuturo o magsasabi sa
lokasyon o distansya ng isang bagay.

IV. Pagtataya:

Pagmasdan ang larawan at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.

_____1. May padulasan sa gawing ____ ng bahay. ( a. kaliwa b. kanan c. itaas)

_____2. Ang araw ay nasa______ ( a. itaas b. ibaba c. kanan)
_____3 Ang bulaklak ay nasa _____ ng bintana.(a. itaas b. kanan c. ibaba)
_____4. Makikita ang puno sa gawing _____ ng bahay. ( a. kaliwa b. kanan c. ibaba)
_____5. Nakaupo ang pusa sa _____ ng bahay ( a.kanan b.likod c. harap)

V. Takdang Aralin

Iguhit at pag- aralan ang lokasyon ng mga hayop sa larawan at sagutin ang mga katanungan
sa ibaba isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________1. Ang ibon ay nasa ______ ng usa.

__________2. Kung ang ibon ay nasa itaas asan naman ang usa?
__________3. Ang kuwago ay nasa _____ ng ibon.
__________4. Nasa gawing _______ ng usa ang ahas.
__________5. Ang ibon ay nasa gawing ______ ng kuwago.

Preapared by:

MYLENE B. FERRER
Teacher
Pangalan:__________________________________________________________________________________

Pag- aralan ang larawan at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

_____1. May padulasan sa gawing ____ ng bahay. ( a. kaliwa b. kanan c. itaas)

_____2. Ang araw ay nasa______ ( a. itaa b. ibaba c. kanan)
_____3 Ang bulaklak ay nasa _____ ng bintana.(a. itaas b. kanan c. ibaba)
_____4. Makikita ang puno sa gawing _____ ng bahay. ( a. kaliwa b. kanan c. ibaba)
_____5. Nakaupo ang pusa sa _____ ng bahay. ( a.kanan b.likod c. harap)

You might also like