You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

I. LAYUNIN

A. Nailalarawan ang sarili.


B. Nakikilala ang mga salitang naglalarawan at ang inilalarawan nito.

II. PAKSANG ARALIN

Kasanayan – Mga salitang naglalarawan.


Nilalaman – Pang-Uri
A. Sanggunian: Filipino I pahina 59-61
B. Kagamitan: larawan, tsart, tarpapel, TV, mga tunay na bagay
(kahon, salamin)
C. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sarili at sa lahat ng kaloob ng
Diyos

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Maaari bang tumayo ang lahat para sa Diyos Ama, salamat po sa lahat ng
ating panalangin na pangungunahan ni biyaya, gawin niyo po kaming
____________? mabuting bata, masigasig sa pag-
aaral, masunurin sa guro at magulang
at mapagmahal sa kapwa nawa’y
maging daan kami sa kapayapaan
ngayon at magpakailanman. Amen.

2. Panimulang Pagbati
Magandang umaga, I-Aries! Magandang umaga din po. God bless
you po!
God bless you din.
Maaari nang umupo ang lahat.

3. Pagsusuri ng mga lumiban


Maaari bang tumayo ang lider ng unang
grupo upang ibalita kung sino ang liban
Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang
sa kanilang pangkat?
lumiban sa aming pangkat.
Magaling! Bigyan natin ng 5 palakpak
ang unang grupo.
Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang
Para naman sa liban ng ikalawang
lumiban sa aming pangkat.
grupo? _____________.

Magaling! Bigyan din natin ng 5


palakpak ang ikalawang grupo.

At para naman sa liban ng ikatlong


Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang
grupo? ____________.
lumiban sa aming pangkat.

Mahusay, I-Aries! Bigyan nyo ng 5


palakpak at 3 padyak ang inyong mga
sarili.

Ngayon, handa na bang makinig at


Opo!
matuto ang I-Aries?

4. Panimula
A. Balik-aral
Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa
pangngalan.

Natatandaan ba kung ano ang Opo!


pangngalan?

Kung talaga ngang natatandaan, ano


Ang pangngalan po ay salitang
ang ibig sabihin ng salitang
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pangngalan? ________.
hayop o lugar.

Magbigay nga ng halimbawa ng


Ospital po.
pangngalan
Tatay po.
Lapis po.

Mahusay! Bigyan natin sila ng Regine


clap!

Mukhang talagang handa na ang I-Aries Opo!


para sa bagong aralin. Handa na ba
ang lahat?
Ngayon dumako na tayo sa ating
bagong aralin para sa umagang ito.

B. Pagganyak
“Salamin, salamin, sabihin mo sa akin!”
(Ipakikita ang salamin)
Ano ang bagay na hawak ko ngayon? Salamin po Ma’am.

May ilang katanungan si titser na Opo!


masasagot ninyo sa tulong ng ating
mahiwagang salamin.
Handa na ba kayo?

Ikaw ______, tumingin ka sa salamin, Maganda po!


ano ang masasabi mo sa iyong mukha?
Ikaw naman _________, ilarawan mo Mahaba po!
nga ang iyong buhok.

Ano ang masasabi mo sa kulay ng Maputi po!


iyong balat _________?

Mahusay! Tatlong palakpak para sa


inyong mga kamag aral.

I-Aries, lagi ninyong tatandaan na Opo!


anuman ang inyong itsura at katayuan
sa buhay, patuloy kayong
magpasalamat sa Panginoong Diyos sa
buhay na ibinigay nya. Naiintindihan
ba?
Paano tayo magpapasalamat sa Diyos? Magdadasal po araw araw.

Tama! Mahalaga ang pagdarasal araw


araw.

C. Pagtalakay sa Aralin
Mayroon akong maikling kwento sa
inyo. Makinig kayong mabuti dahil Opo!
mayroon akong mga katanungan
pagkatapos. Maliwanag ba?

(Kwento tungkol kay Ping Kambing)


(may mga larawan na ipakikita sa
telebisyon)

Siya si Ping Kambing.


Nakatira siya sa Kaharian ng Timpalok.
Si Ping Kambing ay masayahin at
matulungin.
Isang araw, nakita niya si Haring Agila
na may malaking sugat sa pakpak.
Dinala niya ito kay Manong Tok para
gamutin.
Inutusan siya ni Manong Tok na
kumuha ng maliit na timba at mainit na
tubig.
Nagpasalamat si Haring Agila kay Ping
Kambing.
Bilang pasasalamat ni Haring Agila,
pinarangalan niyang pinakamatulunging
mamamayan ng Kaharian ng Timpalok
si Ping Kambing.
Base sa aking kwento, ano ang Masayahin po!
katangian ni Ping Kambing?

(ididikit sa pisara ang larawan ni Ping


Kambing at ididkit sa paligid nito ang
mga salitang babanggitin)

Tama! Ano pa? Matulungin po.

Magaling! Paano mo nasabi na si Ping


Kambing ay matulungin, _________? Palagi po syang tumutulong sa iba.

Mahusay na sagot! Bigyan natin sya ng


limang palakpak.

Ano naman ang pinakuha ni Manong


Tok kay Ping Kambing para gamutin si Mainit na tubig po.
Haring Agila?

Tama! Ano pa? Maliit na timba po.

Magaling! Bigyan natin ang inyong mga


sarili ng limang palakpak.

Pakibasa nga ang mga salitang (sabay-sabay babasahin)


nakadikit sa pisara

Pag-aralan nating mabuti ang mga


salita.
Ano ang masasabi niyo kay Ping Masayahin at matulungin po.
Kambing?

Anong klaseng tubig ang pinakuha ni Mainit po.


Manong Tok?
Magaling! Paano ginamit ang mga Ginamit po pang larawan.
salitang ito sa kwento ni Ping Kambing?

Tama! Ang mga salitang yan ay


naglalarawan. Tinatawag din silang
Pang-Uri.

Ano ang tawag sa salitang Pang-Uri po.


naglalarawan?

Ngayon naman, may inihanda akong


kahon na tatawagin nating mahiwagang
kahon na naglalaman ng iba’t-ibang Opo!
bagay sa loob. Iikot ito sa bawat isa sa (sabay-sabay kakanta ng Leron, Leron
inyo sa pamamagitan ng pagpapasa sa Sinta habang pinapasa ang kahon)
inyong katabi habang kumakanta. Ang
sinumang matapatan ng kahon sa pag
hinto ng kanta ay kukuha ng isang
bagay sa loob ng ating mahiwagang
kahon at ilalarawan ang bagay na
nakuha niya. Maliwanag ba mga bata?

Simulan na natin.

Malambot

Matamis
Maasim

Mabigat

Mabango

Mahusay mga bata! Ikinatutuwa ko na


naunawaan ninyo ang ating aralin.
Bigyan ulit natin ang inyong mga sarili
ng ang galing galing mo na palakpak.

(babasahin ng sabay-sabay)
D. Paglalahat Ang Pang-Uri ay mga salitang nag
Ano na nga ba ang Pang-Uri? lalarawan ng tao, bagay, hayop, o
lugar.

Ano ang tawag sa mga salitang Pang-Uri po.


naglalarawan?

Maganda.
Magbigay ng mga halimbawa ng Pang- Malaki.
Uri. Maliit.
Mahaba.
Makinis.
Malambot.

1,2,3,1,2,3 Regine regine Owooo!


Mahusay,mga bata! Bigyan ninyo ng
Regine clap ang inyong mga sarili.

1. Kasanayang Pagpapayaman

Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng kopya na


tula. Hahanapin sa loob ng bilog ang Pang-uri na bubuo sa tula.

Ako’y may Alaga

Ako’y may alaga,


Asong _____
Buntot ay _____
______ ang mukha.
Mataba
Mahal niya ako
At mahal ko rin siya Mahaba
Kaya kaming dalawa
Ay laging magkasama Maamo

Indibidwal na Gawain

Kailangan lamang pagtambalin ang mga Pang uri na nasa HANAY A sa mga tamang
larawan nito na nasa HANAY B.
HANAY A HANAY B

1. Matulis

2. Matapang

3. Malamig

4. Makulay

5. Mabagal

IV. PAGTATAYA

Pagtambalin ang mga Pang-Uri na nasa HANAY A sa mga tamang larawan


na nasa HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

__________1. Mataba

a.

__________2. Mataas

b.

__________3. Mapait

c.

__________4. Malambot

d.
__________5. Malakas

e.

V. TAKDANG ARALIN.

Gumupit ng limang larawan, idikit sa kwaderno at ilarawan ang mga ito.

You might also like