You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg.: 1 Assignatura: FILIPINO Baitang: 1 Markahan: 2ndOras:


50 Minutos
Mga Kasanayan:  Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula Code:
 Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan F1PN-IIa-3
F1PS-IIa-2
Susi ng Pag-unawa na Ang pabula ay isang kwento na kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumilkilos
Lilinangin: bilang tao.

1. Mga Layunin
Kaalaman Natutukoy ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula.
Kasanayan Nakakabuo ng mga tanong tungkol sa isang larawan.
Kaasalan Nakikilahok sa mga gawain na nais ipagawa ng guro.
Kahalagahan Nasasabi ang mga rason kung bakit kailangan nating maging kuntento sa sarili
2. Nilalaman Pabula
3. Mga Kagamitang Laptop, projector, mga larawan ng aso, karne, ilog at anino. at video ng kwento
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Panimulang Gawain:
(5 minuto) Magpakita ng mga larawan tulad ng aso, karne, ilog at anino. Sabihan ang mga mag-aaral
kung ano ang kanilang mga napapansin sa mga larawan. Bubuo muna ng isang tanong
ang guro para magsilbing halimbawa sa mga mag-aaral na siyang bubuo rin ng mga
tanong mula sa mga larawang ipinakita.

Halimbawa ng mga tanong na mabubuo ng mga bata:


1. Malalim ba ang ilog?
2. Masarap ba ang karne?
3. Mayroon ka bang aso? Ano ang pangalan ng aso mo?
4. Natatakot ka ba sa iyong anino?

4.2 Mga Gawain/Estratehiya Paghahawan ng balakid:


(5 minuto)
Buto - karaniwang paboritong pagkain ng mga aso
Humalagpos - nabitawan
Sakim - walang pagkakuntento sa sarili

Sa pamamagitan ng laptop at projector, ipakita sa mga bata ang isang video na


nagpapakita ng kuwento tungkol sa isang aso na hindi marunong makuntento sa sarili.
Pwede ring gamitin ang inihandang kopya ng kwento. Ang pabulang ito ay pinamagatang “
Ang Aso at ang Anino”.

Ang Aso at ang Anino

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling


hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na,
napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita niya ang sariling
anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan
niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humalagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog
sa ilog. Tinangay ng aso ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
4.3 Pagsusuri Pagsusuri
(5 minuto)
Pagkatapos mapanood ang video o napakinggan ang kwento, magtatanong ang guro:
1. Ano ang pamagat ng pabulang nakita at binasa ng guro?
2 .Ano ang nasa bibig ng aso?
3. Ano ang nakita ng aso pagtawid niya sa ilog?
4. Ano ang resulta ng pagiging diskuntento ng aso?
5. Gusto nyo bang maging katulad ng aso? Bakit?

4.4 Pagtatalakay Itatanong ng guro:


(10 minuto) 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang masasabi ninyo sa tauhan? Siya ba ay tao o hayop?
3. May alam pa ba kayong kwento na ang tauhan ay mga hayop?

Ang tawag sa kwentong mga hayop ang tauhan ay pabula.


Ang pabula ay isang kwento na kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumilkilos
bilang tao. Sa pabula meron tayong nakukuhang aral na magagamit natin sa tunay na
buhay kahit na ang mga tauhan ay mga hayop.

4.5 Paglalapat Pangkatang Gawain::


(10 minuto)
1. Ipangkat sa 3 grupo ang mga bata.
2. Bigyan ng tig-iisang larawan ang bawat grupo at sabihan sila na bumuo ng
dalawang tanong batay sa larawan.
3. Bigyan sila ng sapat na oras upang makabuo ng mga tanong.
4. Pagkatapos ay ipapresenta sa harapan ng klase ang nabuong tanong ng bawat
grupo.
Mga larawan:

5. Pagtataya (10 minuto)


May babasahin ang guro na isang pabula. Pagkatapos ay pasagutan sa mga bata ang
inihandang tanong ng guro.

Ang Uwak na Nagpanggap


ni G. Domingo
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan
niya iyon at nasiyahan sa iba’t ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa
pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal
ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba’t
ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa’y pinagtutuka nila ito
hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga
ito. At sinabing, “Hindi naming kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!”

Tanong:
1. Ayon sa kwento, anong hayop ang nagpanggap?
A. uwak B. maya C. agila
2. Ano ang nakita ng uwak?
A. balahibo ng bibe
B. balahibo ng pabo
C. balahibo ng maya

3. Ano ang ginawa ng uwak sa mga balahibo ng pabo?


A. itinapon niya sa basurahan
B. itinago niya sa kanyang bahay
C. idinikit niya sa kanyang katawan

4. Ano ang aral ng kwento?


A. mahalin ang sariling kauri
B. balewalain ang mga kauri
C. talikuran ang mga kauri

6. Takdang Aralin (2 minuto)


Sa tulong ng inyong magulang, sagutin ang tanong:
Ano ang kahalagahan ng pagiging kuntento sa sarili?
7. Paglalagom/Panapos na
Gawain Ipakita ang mga tanong sa pamamagitan ng powerpoint o kung walang projector pwedeng
(3 minuto) isulat ito sa manila paper.

Ipagawa sa mga bata ang activity na “Thumbs up or thumbs down”. Thumbs up kung ang
binasang sitwasyon ng guro ay mabuti at thumbs down kung hindi.
1. Maging kuntento sa mga bagay na mayroon ka.
2. Lahat ay kinaiinggitan mo kahit ang iyong sarili.
3. Matuto kang mgaing mapagbigay sa iyong kapwa.
4. Gusto mo na ang lahat ng bagay na makita mo ay sayo lang.

Inihanda ni:

Name: Henry L. Deroy School: Camugao Elementary School


Position/ Designation: Teacher 1 Division: Cebu Province
Contact Number: 09093657623 Email Address: deroyhenry33@gmail.com

You might also like