You are on page 1of 8

Saint Michaels College

Kolehiyo ng Edukasyon

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN

Ipinasa kay:
PAMELA D. DALMAN
Guro

Sa Bahagyang Pagtupad sa Kinakailangan ng Kurso sa Edukasyong Filipino 1


Sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya Istruktura at Gamit

Ipinasa ni:
Ashnifah Basher
Norolaine Basher
Darlyn Conson
Sittie Shaniah Dalidig
Regine Mae T. Quimod

January 2022
DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
PARA SA IKA-APAT NA BAITANG

I. MGA LAYUNIN: Sa pagtatapos ng klase, inaasahan ang mga mag-aaral na:


a. Malaman ang kahulugan ng pandiwa
b. Magagamit ang iba’t ibang salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang gawain sa
pang araw-araw na gawain.
c. Makagawa ng pangungusap na nagsasaad ng kilos

II. PAKSANG ARALIN


a. Teksbuk : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4. 2015. pp
213-216
b. Sanggunian : https://www.slideshare.net/cherryjoybasug/pandiwa
c. Kagamitan : flashcards, larawan, laptop, projector, video presentation
d. Integrasyon :
1. Values Integration : Matapat
2. Biblical Passage : Salmo 32:5
3. Subject Across Discipline : Science
4. Social Orientation : Bakuna laban sa COVID-19

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


1. Panimulang Gawain

a. Panalangin
Darlyn, pangunahin mo ang ating Opo, Bb. Mae.
panimulang panalangin sa araw Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu
na ito. Santo Amen.
Aming ama…..

b. Pagbati
Magandang Umaga sa inyo mga Magandang umaga din, Binibining Mae.
bata

Kamusta naman kayo mga anak Mabuti naman po aming guro.


ko?

Magaling.

Bago kayo magsi-upo, nais ko


munang tignan niyo ang inyong
paligid. Kung may nakikita kayong
kalat, ano nga iyong gagawin? Itapon po sa basurahan, teacher!

Magaling. Sigi nga tignan niyo


nga.

Maraming salamat mga bata.


Ngayon maari na kayong umupo.
Salamat sa inyo.

c. Pagtala ng Liban
Wala naman po, teacher.
Norolaine, may lumiban ba sa
klase natin ngayon?

Magaling. Dahil diyan bigyan natin


ng masigabong palakpakan ang
ating mga sarili.

d. Pagpasa sa Takdang-Aralin
Ngayon, alam kong nakahanda na
kayo sa binigay kong takdang- Opo teacher
aralin noong isang araw, tama po
ba ako?
Ngayon, nais kong ipasa niyo ito
sa inyong harapan. Walang tatayo
ha, diyan lang kayo sa upuan
Ninyo

2. Panlinang na Gawain
a. Drill
Bago natin simulan ang ating
bagong paksa, mag balik-aral Okay po teacher
muna tayo, okay? Para malaman
ni Teacher Mae kung nakikinig ba
talaga kayo ng mabuti. Ang napag-aralan po natin kahapon teacher
ay tungkol po sa Pangngalan.
Okay. Ano nga ulit yong napag-
aralan natin kahapon, Darlyn? Ang pangngalan ay salita o bahagi ng
pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng
Magaling. Pag sinasabi nating tao, bagay, pook, hayop at pangyayari.
pangngalan, ano nga po ulit yon,
Sittie? Ang dalawang uri ng pangngalan teacher ay
Pantangi at Pambalana
Magaling! Ano nga ulit ang
dalawang uri ng Pangngalan,
Basher?

Mahusay! Pantangi at Pambalana.

Pag ang pangngalan ay


tumutukoy sa isang tanging tao, Pantangi po teacher!
hayop, bagay, o pook at
nagsimula sa malaking titik, ito ay
isang uri na

Ayan! Pano naman kung ito ay


tumutukoy sa pangkalahatang Pambalana naman po teacher!
ngalan ng tao, bagay, hayop o
lunan at ito’y nagsisimula sa maliit
na titik? Ano naman ito, Darlyn?

Talaga naming napakahusay


Ninyo, aking mga anak. Ngayon
alam kong handa na kayo sa bago
nating tatalakayin ngayon.

3. Motibasyon
Ngayon class, meron akong mga
larawan na ipapakita sa inyo. Ang Opo
gagawin niyo ngayon ay nais kong
ilarawan ninyo kung ano ang nakikita
niyo sa larawan, naiintindihan niyo po
ba si Teacher?

Magaling! Sigi nga, ano ang nakita


mo Darlyn sa unang larawan?
Ang larawan po teacher ay nagpapakita na
ang batang lalaki ay tumatakbo.

Mahusay! Ang bata ay tumatakbo.


Ikaw naman Norolaine, ano ang
pinapakita sa larawan?
Ang batang babae ay kumakain

Tama ka diyan Norolaine, ang


batang babae ay kumakain. At
panghuling larawan naman Sittie, Siya po teacher ay kumakanta!
ano ang masasabi mo?

Teacher, ang napapansin ko po ay ang


bawat larawan ay nagpapakita o nagsasaad
ng kilos po. At iyon din po ay palaging
Napakahusay niyo naman mga ginagawa natin!
bata! Ngayon ano ba ang
napapansin niyo sa mga larawan
na pinapakita ko?

Napakahusay naman, Sittie! Ang


mga larawan na aking pinapakita
ay nagpapakita ng mga kilos. Sa palagay ko teacher ang tatalakayin natin
ngayon ay tungkol po sa pandiwa.
Ngayon, may tanong na naman si
teacher. Ano kaya ang tatalakayin
natin ngayon? Sigi nga Basher?
Teacher, sa aking nabasa kagabi, ang
4. Paglalahad pandiwa po ay mga salitang nagpapahayag
Magaling Basher! Ang tatalakayin ng kilos o galaw.
natin ngayon ay tungkol sa
pandiwa. Ano nga ba ang pandiwa
Sittie?

Magaling Sittie!

Class, pag sinasabi nating


pandiwa, ito ay mga salitang
nagbibigay buhay sa
pangungusap dahil nagsasaad ito
ng kilos o galaw ng isang tao,
hayop, o bagay. At ito din ay
binubuo ng salitang-ugat at mga Opo teacher!
panlapi.

Naiintindihan niyo po ba si
Teacher class?

Mahusay! Ngayon para mas


maiintindihan niyo pa si teacher,
nais kong basahin ninyo ng Opo teacher.
mabuti ang mga salitang
nakasulat at nais kong ibigay
ninyo kung anong salita ang
nagbibigay kilos sa pangungusap.
Naiintindihan po ba? Umiyak
Nalungkot
1. Si Desha ay umiyak.
2. Nalungkot si Darlyn noong
nalaman niya na namatay ang Namangha
kanyang pusa.
3. Namangha si Ashnifah sa ganda Isinuli
ni Pamela
4. Isinuli ni Alliah ang nakita niyang
pera sa kanyang ina.

Mahusay!

a. Values Integration Ang panghuling pangungusap po teacher ay


Ngayon, class, anon ga uli yong tumatalakay po sa bat ana isinuli ang
panghuling pangungusap? Tungkol nakitang pera sa kanyang ina.
nga saan iyon Jane? Opo naman teacher!

Mahusay! Sa tingin mo ba mabuti ang


kanyang ginawa? Mabuti po ang kanyang ginawa teacher dahil
po isinuli niya ang perang hindi naman sa
Bakit Heart? kanya. Siya po ay nagpapakita na siya ay
isang matapat na bata!

Napakahusay! Karapat-dapat lang na


isusuli ni Alliah ang nakita niyang pera
dahil hindi naman ito sa kanya! Ibibigay po sa may awtoridad teacher, Kung
sa paaralan po nangyari yon ibibigay o
Kung kayo ang nasa sitwasyon na ito ipagpaalam ko po ito sa inyo. Mas maganda
class, gagawin niyo rin ba ang ginawa po kasi ang batang matapat po sa lahat ng
ni Alliah? Kung may bagay kayong bagay.
nakikita at hindi naman sa inyo?
Anong gagawin ninyo?

b. Biblical Passage “Minahal Niya ang gawang


matapat. Ang pag-ibig Niya
“Minahal Niya ang gawang sa mundo’y laganap. –
matapat. Ang pag-ibig Niya Salmo 32:5
sa mundo’y laganap. –
Salmo 32:5

Sigi nga mga bata, pakibasa nga po


sa ipinakita ko.

Lagi nating tandan class na


gugustuhin ng ating Panginoon ang
isang batang matapat. Ang batang
matapat ay hindi kailanman
nagsisinungaling, hindi kukuha ng
bagay na hindi niya pag-aari at hindi
manlilinlang o manloloko ng kaniyang
kapwa sa anumang paraan. Naiintindihan po Teacher!

Naiintindihan po ba?

Magaling! Ngayon, para mas


maiintindihan niyo pa ng mabuti ang Okay po teacher!
ating tinalakay ngayon, meron akong
ipapakita na video okay?
Opo teacher!
5. Pagpapalawak ng Kaalaman
Okay na ba class? May natutunan
ba kayo sa video na pinapakita
ko?

Mahusay naman kung ganon!


Ngayon meron tayong gagawin.
Nais kong pumunta kayo sa
inyong grupo at making kayong
mabuti sa sasabihin ko.

Ang gagawin natin ngayon ay


isang talkshow! Nais kong pumili
kayo ng isang member sa grupo
ninyo at siya ang magsasalita sa
inyong harapan.

Ang kanyang gagawin ay ilalahad


niya kung ano ang kanyang
ginawa o ang kanyang karanasan
sa araw ng pasko. At ang ibang
miyembro naman, ang nais kong
gawin ninyo ay making at isulat
ang mga salitang kilos na inyong
napakinggan. Handa na po

Naiintindihan niyo po ba si
teacher? Handa na ba ang lahat?

Okay, bibigyan ko lamang kayo ng


tatlong minuto para sa gawain na Opo teacher, tapos na po!
ito. Magsimula na kayo.

Tapos na po ba ang lahat?

Mahusay, ngayon nais kong


ibahagi ninyo ang mga salitang
naisulat ninyo sa harapan, okay?
Magsimula tayo sa unang grupo.

6. Paglalahat Tungkol po sa pandiwa teacher


Magaling mga bata! Alam ko na
may natutunan kayo sa araw na Ito po ay nagsasaad ng kilos sa isang tao,
ito. Muli ano nga ang tinalakay bagay, o hayop.
natin ngayon?

Anon ga uli ang kahulugan ng Ako teacher!


pandiwa?
Isinuot ni Karyl ang face mask bago siya
Magaling! Sino ang makapagbigay lumabas sa kanilang bahay.
ng pangungusap na may
pandiwa? Para ma protektahan niya po ang kanyang
sarili laban sa virus na meron tayo ngayon. At
Sigi Regine, simulan mo na! iyon po ay ang COVID-19.

Magaling Regine. Bakit nga ba Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na


isinuot ni Karyl ang face mask sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa
bago siya lumabas? mga sintomas ang lagnat, pag-ubo,
namamagang lalamunan at pangangapos ng
Social Orientation hininga.
Ngayon class, ano nga ba ang Opo naman teacher, marami na po ang
COVID-19? namamatay dahil dito.

Ugaliin po ang paghugas ng kamay o ang


Delikado bayan class? pagiging malinis. Higit sa lahat, mas mabuti
napo na mag bakuna na tayo laban sa virus
na ito.
So ano ang gagawin natin class?
Sa sitwasyon na meron tayo ngayon teacher,
mas mainam na tayong lahat ay maging
protektado laban sa sakit na ito. Ang
pagbakuna ay isang paraan para
Gaano nga ba kahalaga maprotektahan natin ang ating sarili laban sa
magpabakuna ang isang tao COVID19 Virus. Hindi lang naman po sarili
class? natin ang ating mapoprotektahan, pati nadin
po ang kalusugan ng ating pamilya, kaibigan,
at mga taong nakakasalamuha po natin!

Magaling naman at alam niyo yan


mga anak! Ang mga doctor teacher, mga scientist po!

Subject Across Discipline


Sino sa tingin niyo ang nakabuo
ng mga bakuna na ito class?

Magaling! Ang mga scientist! At


dahil sa Science, sila ay
nakapagsuri, nakapag-aral at
naka bigay gamut para ma
protektahan natin ang ating mga
sarili laban sa COVID-19 Virus.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang
maikling kuwento at isulat nga
mga salitang nagsasaad ng kilos.

ANG BATANG MAIKLI ANG ISANG PAA


Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang
isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki,
pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa
mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga
doctor ay wala na iyong remedyo.
Habambuhay na raw magiging lumpo si
Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa
kanya ang mga magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga


kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng
panunukso nang magsimula na siyang mag-
aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!”


tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya.


Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya.
Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki
kasi siya ng kanyang ina na madasalin.
Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos
kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa


musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang
instrumento. Marami ang humahanga sa
taglay niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay,


pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog
ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang
man siya ng paa, sobra naman siya sa talino
sa musika. Maraming mga guro sa musika
ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto
siyang maging estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si


Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista.
Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng
Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon.
Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari
ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na
siya tinutukso ngayon. Hindi na
pinagtatawanan. Sa halip, siya ay
hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto
sa kanyang pambihirang kakayahan sa
pagtugtog.

V. TAKDANG ARALIN

Ibigay ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.

You might also like