You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

I. LAYUNIN

A. Nailalarawan ang sarili.


B. Nakikilala ang mga salitang naglalarawan at ang inilalarawan nito.

II. PAKSANG ARALIN

Kasanayan – Mga salitang naglalarawan.


Nilalaman – Pang-Uri
A. Sanggunian: Filipino I pahina 59-61
B. Kagamitan: larawan, tsart, tarpapel, TV, mga tunay na bagay (kahon, salamin)
C. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sarili at sa lahat ng kaloob ng Diyos

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Maaari bang tumayo ang lahat para sa ating


panalangin na pangungunahan ni ____________?
Diyos Ama, salamat po sa lahat ng biyaya, gawin
niyo po kaming mabuting bata, masigasig sa
pag-aaral, masunurin sa guro at magulang at
mapagmahal sa kapwa nawa’y maging daan
kami sa kapayapaan ngayon at
magpakailanman. Amen.
2. Panimulang Pagbati
Magandang umaga, I-Aries!
Magandang umaga din po. God bless you po!

God bless you din.


Maaari nang umupo ang lahat.

3. Pagsusuri ng mga lumiban


Maaari bang tumayo ang lider ng unang grupo
upang ibalita kung sino ang liban sa kanilang
pangkat?
Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang lumiban
sa aming pangkat.
Magaling! Bigyan natin ng 5 palakpak ang unang
grupo.

Para naman sa liban ng ikalawang grupo?


_____________. Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang lumiban
sa aming pangkat.
Magaling! Bigyan din natin ng 5 palakpak ang
ikalawang grupo.

At para naman sa liban ng ikatlong grupo?


____________.
Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang lumiban
sa aming pangkat.

Mahusay, I-Aries! Bigyan nyo ng 5 palakpak at 3


padyak ang inyong mga sarili.

Ngayon, handa na bang makinig at matuto ang I-


Opo!
Aries?

4. Panimula
A. Balik-aral
Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa
pangngalan.

Natatandaan ba kung ano ang pangngalan? Opo!

Kung talaga ngang natatandaan, ano ang ibig


sabihin ng salitang pangngalan? ________.
Ang pangngalan po ay salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar.

Magbigay nga ng halimbawa ng pangngalan Ospital po.


Tatay po.
Lapis po.
Mahusay! Bigyan natin sila ng Regine clap!

Mukhang talagang handa na ang I-Aries para sa


bagong aralin. Handa na ba ang lahat? Opo!

Ngayon dumako na tayo sa ating bagong aralin


para sa umagang ito.

B. Pagganyak
“Salamin, salamin, sabihin mo sa akin!”
(Ipakikita ang salamin)
Ano ang bagay na hawak ko ngayon?

Salamin po Ma’am.

May ilang katanungan si titser na masasagot


ninyo sa tulong ng ating mahiwagang salamin.
Handa na ba kayo? Opo!

Ikaw ______, tumingin ka sa salamin, ano ang


masasabi mo sa iyong mukha?
Ikaw naman _________, ilarawan mo nga ang
iyong buhok. Maganda po!

Ano ang masasabi mo sa kulay ng iyong balat


_________? Mahaba po!

Mahusay! Tatlong palakpak para sa inyong mga


kamag aral. Maputi po!

I-Aries, lagi ninyong tatandaan na anuman ang


inyong itsura at katayuan sa buhay, patuloy
kayong magpasalamat sa Panginoong Diyos sa
buhay na ibinigay nya. Naiintindihan ba? Opo!

Paano tayo magpapasalamat sa Diyos? Magdadasal po araw araw.

Tama! Mahalaga ang pagdarasal araw araw.

C. Pagtalakay sa Aralin
Mayroon akong maikling kwento sa inyo. Makinig
kayong mabuti dahil mayroon akong mga
katanungan pagkatapos. Maliwanag ba? Opo!

(Kwento tungkol kay Ping Kambing)


(may mga larawan na ipakikita sa telebisyon)

Siya si Ping Kambing.


Nakatira siya sa Kaharian ng Timpalok.
Si Ping Kambing ay masayahin at matulungin.
Isang araw, nakita niya si Haring Agila na may
malaking sugat sa pakpak.
Dinala niya ito kay Manong Tok para gamutin.
Inutusan siya ni Manong Tok na kumuha ng maliit
na timba at mainit na tubig.
Nagpasalamat si Haring Agila kay Ping Kambing.
Bilang pasasalamat ni Haring Agila, pinarangalan
niyang pinakamatulunging mamamayan ng
Kaharian ng Timpalok si Ping Kambing.
Base sa aking kwento, ano ang katangian ni Ping
Kambing? Masayahin po!

(ididikit sa pisara ang larawan ni Ping Kambing at


ididkit sa paligid nito ang mga salitang
babanggitin)

Tama! Ano pa? Matulungin po.

Magaling! Paano mo nasabi na si Ping Kambing ay


matulungin, _________? Palagi po syang tumutulong sa iba.

Mahusay na sagot! Bigyan natin sya ng limang


palakpak.

Ano naman ang pinakuha ni Manong Tok kay Ping


Kambing para gamutin si Haring Agila? Mainit na tubig po.

Tama! Ano pa? Maliit na timba po.

Magaling! Bigyan natin ang inyong mga sarili ng


limang palakpak.
(sabay-sabay babasahin)
Pakibasa nga ang mga salitang nakadikit sa pisara

Pag-aralan nating mabuti ang mga salita.


Ano ang masasabi niyo kay Ping Kambing? Masayahin at matulungin po.

Anong klaseng tubig ang pinakuha ni Manong


Tok? Mainit po.

Magaling! Paano ginamit ang mga salitang ito sa


kwento ni Ping Kambing? Ginamit po pang larawan.

Tama! Ang mga salitang yan ay naglalarawan.


Tinatawag din silang Pang-Uri.

Ano ang tawag sa salitang naglalarawan? Pang-Uri po.


Ngayon naman, may inihanda akong kahon na
tatawagin nating mahiwagang kahon na
naglalaman ng iba’t-ibang bagay sa loob. Iikot ito
sa bawat isa sa inyo sa pamamagitan ng
pagpapasa sa inyong katabi habang kumakanta.
Ang sinumang matapatan ng kahon sa pag hinto
ng kanta ay kukuha ng isang bagay sa loob ng
ating mahiwagang kahon at ilalarawan ang bagay
na nakuha niya. Maliwanag ba mga bata? Opo!
(sabay-sabay kakanta ng Leron, Leron Sinta
Simulan na natin. habang pinapasa ang kahon)

Malambot

Matamis

Maasim

Mabigat

Mabango
Mahusay mga bata! Ikinatutuwa ko na
naunawaan ninyo ang ating aralin.
Bigyan ulit natin ang inyong mga sarili ng ang
galing galing mo na palakpak.

D. Paglalahat
Ano na nga ba ang Pang-Uri? (babasahin ng sabay-sabay)
Ang Pang-Uri ay mga salitang nag lalarawan ng
tao, bagay, hayop, o lugar.
Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan?
Pang-Uri po.

Magbigay ng mga halimbawa ng Pang-Uri.


Maganda.
Malaki.
Maliit.
Mahaba.
Makinis.
Malambot.
Mahusay, I-Aries! Bigyan ninyo ng Regine clap ang
inyong mga sarili.
1. Kasanayang Pagpapayaman

Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng kopya na tula. Hahanapin sa
loob ng bilog ang Pang-uri na bubuo sa tula.

Ako’y may Alaga

Ako’y may alaga,


Asong _____
Buntot ay _____
Mataba
______ ang mukha.
Mahaba
Mahal niya ako Maamo
At mahal ko rin siya
Kaya kaming dalawa
Ay laging magkasama

Indibidwal na Gawain

Kailangan lamang pagtambalin ang mga Pang uri na nasa HANAY A sa mga tamang larawan nito na nasa
HANAY B.

HANAY A HANAY B

1. Matulis

2. Matapang

3. Malamig

4. Makulay

5. Mabagal

IV. PAGTATAYA
Pagtambalin ang mga Pang-Uri na nasa HANAY A sa mga tamang larawan na nasa HANAY B.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

__________1. Mataba

a.

__________2. Mataas

b.

__________3. Mapait

c.

__________4. Malambot

d.

__________5. Malakas

e.

V. TAKDANG ARALIN.

Gumupit ng limang larawan, idikit sa kwaderno at ilarawan ang mga ito.

You might also like