You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino 3

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

Makapagbibigay ng angkop na wakas sa iba’t-ibang kuwento.

Napapahalagahan ang pag iisip ng solusyon


sa bawat suliranin.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagbibigay ng Angkop na Wakas sa Iba’t-ibang Kwento
B. Sanggunian: Filipino 3, Batang PInoy Ako, page 31-32, 147-149
C. Kagamitan: Mga larawan at Talaan ng trabaho (Worksheet)

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo mag simula, tayo muna ay
pag sipagtayo para sa ating panalangin.
Emily, pwedi ka bang manguna sa ating Opo.
panalangin? Ha ngaran han Amay, han Anak, ug han
Espirito Santo, Amen. Amay namon….

Salamat, Emily.

2. Pagbati
Magandang umaga, mga mag-aaral! Magandang umaga din po, Ma’am.
Kumusta kayong lahat? Masaya ba kayo? Opo.
Sige nga. Kung totoong masaya kayo
awitin muna natin ang awiting “Kung Ikaw ay
Masaya”.
Pamilyar ba kayo sa awiting ito? Opo.
Mabuti! Una, tayo ay tatawa ng tatlong
beses. Pangalawa, tayo ay papalakpak ng
tatlong beses din at pangatlo tayo ay Opo.
papadyak ng tatlong beses parin. Uulitin natin
ito ng dalawang beses. Nakukuha niyo ba?
Sige. 1,2,3 kanta.

Kung Ikaw Ay Masaya Kung Ikaw Ay Masaya

Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, ha, Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, ha,
ha) ha)
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, ha, Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, ha,
ha) ha)
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla, Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, ha, Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! (Ha, ha,
ha) ha)

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak
3x) 3x)
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak
3x) 3x)
Kung ikaw ay masaya, Buhay mo ay sisigla, Kung ikaw ay masaya, Buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (palakpak
3x) 3x)

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak
3x) 3x)
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak
3x) 3x)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla,
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak
3x) 3x)

3. Pagtukoy sa mga Lumiban


Sa ngayon, tayo ay magtatala ng mga
lumiban. Gusto kong obserbahan niyo ang
inyong mga pangkat kung may lumiban.
Sumigaw ng “Kompleto” kung walang
lumiban sa inyo at “May lumiban” kung may
lumiban sa inyo. Naiintindihan niyo ba? Opo.
Pangkat 1, kompleto ba o may lumiban? Kompleto!
Mabuti!
Pangkat 2?
Mabuti! Kompleto!
Pangkat 3?
Mabuti! Kompleto!
Lahat ay pumasok sa klase. Bigyan natin ng
“very good” clap ang bawat isa.
1, 2, 3, 1, 2, 3, Very Good! Very good!

4. Pagpasa ng Takdang Aralin


Nagbigay ba ako ng takdang aralin sa
inyo? Opo.
Lahat ba ay gumawa? Opo.
Mabuti! Pakipasa sa harap ang iyong
takdang aralin ng hindi gumagawa ng ingay.
(Ipapasa ang takdang aralin sa harap)

5. Pagbabalik Aral
Kahapon, tayo ay nagbasa ng kwento
tama ba ako? Opo.
Anong pamagat ng kwentong ating Kalambaw at Kambing.
binasa?
Ano naman ang iyong nakuhang aral Dapat na maging matulungin sa kapwa
mula sa kwentong iyon? lalong-lalo na sa panahong kinakailangan ang
tulong mo.

Tama! Dapat palaging bukas ang ating mga


palad sa pagtulong dahil ang taong
matulungin ay pinagpapala ng Panginoon.

6. Pagganyak
Ngayon, tayo ay maglalaro. Gusto niyo ba Opo, Ma’am.
yon?
(Hahatiin ng guro sa dalawang pangkat
ang klase)
May ipapakita akong mga larawan sa inyo
at pipili kayo dito sa “options area” kung ano
ang pweding sunod na mangyari dito. Ididikit
niyo sa pisara ang sa tingin niyo na susunod
na mangyayari sa larawan.
Bago tayo mag simula, ano nga ulit ang
mga pamantayan sa pag gawa ng pangkatang
gawain? Irespeto ang bawat miyembro ng grupo at
tumulong sa mga gawain.
Tama! Tandaan niyo yan ha? Opo, Ma’am.
Mabuti. Tayo ay mag umpisa na.

Larawan 1: Larawan 2: Larawan 1: Larawan 2:

Mabilis na malilinis Magkakasakit sila.


Larawaan 3: Larawan 4: ang mga basura.

Larawaan 3: Larawan 4:

Larawan 5: Larawan 6:
Sasaki tang kanyang Hindi siya matututo.
tiyan.

Larawan 5: Larawan 6:

Mga Pagpipilian:

 Sasakit ang kanyang tiyan.


 Magkakasakit sila. Hinid siya mabubusog Puputok ang kanyang
 Mabilis na malilinis ang mga basura. cellphone at dadalhin
 Puputok ang kanyang cellphone at siya sa hospital
dadalhin siya sa hospital.
 Hindi siya mabubusog.
 Hindi siya matututo.

Mahusay mga bata! Nabigyan niyo ng


angkop na mga kasunod na pangyayari ang
bawat larawan.

B. Panimulang Gawain
1. Gawain (Activity)
Mag bibigay ang guro ng mga
pangungusap na walang wakas. Tatawag siya
ng mga mag-aaral na mag bibigay ng angkop
na wakas sa mga pangungusap. Itaas ang
kamay kung gustong sumagot. Magbibigay
ako ng star sa makakasagot.

1. May sakit si Cecilia. Dinala siya sa


doctor
2. Mahilig kumain ng tsokolate si Ana. 1. Malalaman kung ano ang kanyang
Hindi siya tumitigil kahit na sumasakit na ang karamdaman at magagamot siya.
kanyang mga ngipin. 2. Patuloy na sasakit ang kanyang ngipon at
3. May pagsusulit si Pinky. Nagpuyat siya masisira ang mga ito.
dahil sa paglalaro ng computer games. 3. Hindi siya papasa sa pagsusulit.
4. Maraming basura sa gilid ng bahay 4. Magkakasakit sila.
nina Kiko. 5. Mahuhuli siya sa kanilang klase.
5. Tumutulong muna sa gawaing bahay si
Jayson bago siya pumasok sa paaralan.

Ang galing niyo naman. Nabigyan niyo ng


angkop na wakas ang bawat pangyayari.

2. Pagsusuri (Analysis)
Ngayon, magbabasa kayo ng kwento
tungkol sa isang batang sabik mamasyal sa
Maynila. Basahin ito ng sabay sabay.

Limang Tulog Limang Tulog


ni Florenda B. Cardinoza ni Florenda B. Cardinoza

Limang tulog na lang. Nasasabik na Limang tulog na lang. Nasasabik na


ako. Mamamasyal kami sa Maynila. Naisip ko ako. Mamamasyal kami sa Maynila. Naisip ko
tuloy ang mga naglalakihang gusali. Ang mga tuloy ang mga naglalakihang gusali. Ang mga
maiingay na busina ng mga sasakyan at ang maiingay na busina ng mga sasakyan at ang
mga taong parang langgam sa dami at sa bilis mga taong parang langgam sa dami at sa bilis
ng lakad. ng lakad.
Naisip ko rin ang mga bibilhin kong Naisip ko rin ang mga bibilhin kong
gamit sa paaralan. Kailangan ko ng lapis, gamit sa paaralan. Kailangan ko ng lapis,
ruler, kuwaderno, bag, at sapatos. Hindi ko ruler, kuwaderno, bag, at sapatos. Hindi ko
namalayan na nakatulog na pala ako. namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan maaga pa akong nagising. Kinabukasan maaga pa akong nagising.
Ang sakit ng ulo ko. Giniginaw rin ako. Paano Ang sakit ng ulo ko. Giniginaw rin ako. Paano
ako makakasama sa Maynila? ako makakasama sa Maynila?
Pagpasok ni Nanay, may dala siyang Pagpasok ni Nanay, may dala siyang
isang basang bimpo at gamot. isang basang bimpo at gamot.

Ang huhusay niyo naman magbasa.


Ano ang napansin niyo sa kwento? Bitin po.
Tama. Bitin ang kwento.
Bakit kaya ito bitin? Dahil wala po itong wakas.
Tama! Walang wakas ang kwento kaya
naging palaisipan kung ano ang sumunod na
nangyari sa bata, diba? Opo.

3. Paghahalaw (Abstraction)
Kaya ngayon, pag uusapan natin kung
ano ang wakas sa isang kwento at kung ano
ang kahalagahan nito.
Kung ikaw ang tatanongin, ano ang
magiging wakas ng kwentong ating binasa? Gagaling pa ang kanyang sakit dahil
gagamotin siya ng kanyang ina. Makakasama
parin siya sap ag pasyal nila sa Maynila.
Tama! Ang husay mo naman!
Basahin natin.
Ang wakas ay isang bahagi ng kwento. Ang wakas ay isang bahagi ng kwento.
Palagi ito makikita sa hulihan ng kwento dahil Palagi ito makikita sa hulihan ng kwento dahil
ito ang nagbibigay ng solusyon o ang ito ang nagbibigay ng solusyon o ang
kahihinatnan ng isang kwento. Maaari itong kahihinatnan ng isang kwento. Maaari itong
masaya o malungkot. masaya o malungkot.
Kung ang isang kwento ay walang Magiging malaking palaisipan kung ano ang
wakas, sumunod na nangyari sa kwento.
Ano kaya ang mangyayari?
Tama! Magiging isang malaking tanong
sa mga mambabasa kung ano ang
kinahinatnan ng kwento. Diba?
Kaya ganoon kahalaga ang isang wakas
sa kwento. Opo.
Naiintindihan niyo ba? Nakuha niyo ba?

Mayroon ako ditong kwento na may


wakas at walang wakas.
Basahin natin ang mga kwento.
Kwento 1:
Kwento 1:
Maagang ginising ng Nanay ang kaniyang
Maagang ginigising ng Nanay ang kaniyang anak. Sumakay sila sa jeep. Nakarating sila sa
anak. Sumakay sila sa jeep. Nakarating sila sa palengke. Tinulungan niyang mag-ayos ang
palengke. Tinulungan niyang mag-ayos ang kaniyang ina ng kanilang pinamalengke.
kaniyang ina ng kanilang pinamalengke. Nakita niya ang isang nakabalot na bagay sa
Nakita niya ang isang nakabalot na bagay sa bayong ng ina.
bayong ng ina.
Kwento 2:
Kwento 2:
Isang iskawt si Ruth at napili siyang
Isang iskawt si Ruth at napili siyang sumama sa Bagyo. Inihanda ni Ruth ang
sumama sa bagyo. Inihanda ni Ruth ang kanyang dadalhin ngunit nawawala ang
kanyang dadalhin ngunit nawawala ang kanyang alampay. Hinanap niya ito sa
kanyang alampay. Hinanap niya ito sa kanyang cabinet ngunit hindi niya ito nakita.
kanyang cabinet ngunit hindi niya ito nakita. Iiyak na sana siya nang biglang pumasok ang
Iiyak na sana siya nang biglang pumasok ang kanyang Nanay dala dala ang kanyang
kanyang Nanay dala dala ang kanyang alampay. Napalundag sa tuwa si Ruth at
alampay. Napalundag sa tuwa si Ruth at nagpasalamat sa kaniyang Nanay.
nagpasalamat sa kaniyang Nanay.
Kwento 1 po.
Ngayon, hulaan niyo kung alin ang
walang wakas.
Tama! Kulang po at bitin.
Paano niyo nasabi na wala itong wakas?

Mahusay!

C. Paglalahat
Ngayon ay magkakaroon ulit tayo ng
pangkatang gawain. Opo. Ma’am.
(Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa
dalawa)
Ang bawat grupo ay mag papalitan ng
pagbibigay wakas. Ang group 1 ang unang
magbibigay ng mga kwento o sitwasyon na
walang wakas at bibigyan naman ito ng wakas
ng kabilang grupo. Magpapasya ang group 1
kung nagustuhan ba nila ang ibinigay na
wakas ng kabilang grupo. Bibigyan nila ito ng
puntos gamit ang rubric.
Pagkatapos magbigay ng isang kwento
na walang wakas ang group 1, ang group 2
naman ang gagawa nito. Ganoon din ang
gagawin ninyo. Magpapasya din kayo kung
nagustuhan niyo ang ibinigay na wakas sa
inyong mga kwento ng group 1 gamit ang
rubric. Magpapalitan lang kayo ng pag bibigay
wakas sa ginawa niyong kwento o sitwasyon.
Bibigyan ko kayo ng 3 minuto para
gumawa ng limang kwento na walang wakas. Opo, Ma’am.
Naiintindihan niyo ba?
(Ipapaalala ulit ng guro ang mga
pamantayan sa pag gawa ng pangkatang
gawain)
Pwedi na kayo mag simula.

(Sisimulan ang kanilang gawain)


Rubric
Pangalan ng Grupo: ___________________
Legend:
10 puntos - Nagustuhan namin ang ibinigay
na wakas.
7 puntos - Nagustuhan namin ngunit may
kulang pa.
5 puntos - Hindi namin nagustuhan.
Sitwasyon Puntos
1.
2.
3.
4.
5.
TOTAL

Ang gagaling niyo naman!

Sa tingin ko ay naiintindihan niyo naman


na ang leksyon natin ngayon araw, tama ba Opo.
ako?
May natutunan ba kayo sa leksyon natin Opo.
ngayon? Pagbibigay ng wakas sa mga kwento.
Sige nga. Ano ulit ang tinalakay natin? Ang wakas ay isang bahagi ng kwento. Palagi
Tama. Ano naman ang wakas? ito makikita sa hulihan ng kwento dahil ito
ang nagbibigay ng solusyon o ang
kahihinatnan ng isang kwento. Maaari itong
masaya o malungkot.

Tama! Bakit mahalaga ang wakas sa isang Ito ang nagbibigay ng solusyon o ang
kwento? kahihinatnan ng isang kwento.
Mabibitin ang mga mambabasa at magiging
Ano ang mangyayari kung walang wakas malaking palaisipan kung ano ang
ang isang kwento? kinahinatnan ng kwento.

Ang galing niyo naman!

4. Paglalapat (Application)
Sa iyong palagay bilang isang mag-aaral,
bakit importanteng pag aralan niyo ang Importanteng pag aralan ang pagbibigay
pagbibigay ng wakas sa isang suliranin? wakas sa kwento dahil hindi lang po kami
natututong magbigay ng solusyon,
natuturoan din kaming mag pasya ng mabuti.

Tamang tama!
Siguro ay handa naman na kayo sa pag Opo, Ma’am.
susulit, tama ba ako?
Mabuti!
IV. Ebalwasyon
Panuto: Bigyan ng wakas ang bawat pangyayari. Ilagay sa patlang ang iyong sagot.

1. Namasyal ang magkaibigang Rino at Lito. Nagpasya silang manood ng sine. Papasok na
sana sila sa sinehan nang biglang mapansin ni Lito na nawawala ang kaniyang pitaka. _____
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____.

2. Sumama si Ana sa kanilang lakbay-aral sa Maynila. Nawili siya sa panonood ng iba’t-ibang


hayop. Hindi niya namalayan na napahiwalay na siya sa kaniyang grupo. ________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______.

3. Lahat ng barya ay inihuhulog ni Buboy sa kaniyang maliit na alkansya. Minsan, kailangan


niyang bumili ng gamit sa proyekto dahil kulang ang perang binibigay ng kanyang Tatay. ___
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______.

4. Humiram ng bike si Jacob sa kanyang kaibigan. Nagtungo siya sa parke at nakakita siya ng
mga naglalaro kaya sumali siya. Iniwan niya ang bike sa gilid ng kalsada. _________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________.

5. Ayaw ng nanay ni Linda na kumakain siya ng kendi kahit na paborito niya ito. Kung
kumakain siya nito ay hindi ito nagpapakita sa kanyang Nanay. Isang araw, nakita siya ng
kanyang Nanay na kumakain siya nito. ____________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

V. Kasunduan
Basahin ang “Benepisyo ng Tsokolate” sa librong Batang Pinoy Ako sa pahina 34-36
at sagutan ang “Linangin Natin”. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Prepared by:
Mary Nell B. Azura

You might also like