You are on page 1of 6

Banghay Aralin

sa
Filipino III

I. Layunin:
Pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay inaasahang:
a. nakikilala ang mga pandiwang nagsasaad ng kilos na ginanap na;
b. nagagamit ang mga salitang kilos na ginanap na sa pagtatalakay ng iba’t ibang
gawain;
c. nakapagbibigay ng mga salitang kilos na ginanap na; at
d. makikilahok sa gawaing panggrupo.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Pandiwang Pangnagdaan
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide p.47 Code: F3WG- TVef- 5
Kagamitan: LCD Projector, Screen, Kibo at Kahoot

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral

Kahapon ay napag-aralan natin


kung ano ang pandiwa. Sino ang
makapagsasabi sa kahulugan ng
pandiwa? Ang Pandiwa ay mga salitang nagsasabi
ng kilos.

Ngayon titignan ko kung


makikilala ninyo ang mga salitang
kilos gamit ng kahoot.

1. Ito ay isang kilos na ginagawa


para abutin ang isang bagay na
nasa mataas na lugar.
( tumatalon)
2. Ito ay laging ginagawa ni
nanay araw-araw upang
malusog ang kanyang pamilya
( nagluluto)
3. Ito ay laging ginagawa ng
isang bata kapag nauuhaw.
( umiinom)
4. Palaging ginagawa ng isang
bata upang may matutunan.
( nag-aaral)
5. Araw-araw ginagawa ng mga
bata kapag maraming kalat.
( naglilinis)

B. Panlinang na Kasanayan

1. Pangganyak

Tignan ang mga sumusunod na


larawan at magbigay ng isa o
dalawang pangungusap tungkol
dito.
Ma’am!

Masayang nagbibigay regalo.


Masayang nanonood ng fireworks.

Magaling! Ang mga sinabi niyo ay


mga salitang kilos na ginanap na.

2. Paglalahad

Ngayon umaga meron akong


ikukuwento sa inyo nais niyo bang
makinig sa kuwento?
Opo Ma’am!
Sino sa inyo gustong making?
Ma’am!
Ano bang dapat gawin habang
nagsasalita ako?
Makinig mabuti
Wag makipagusap sa katabi
A. Pagkukuwento ng Guro
B. Pagtatanong tungkol sa
kuwento.

Sino ang maagang gumising?


Si Ma’am Angelica ay maagang gumising
kaninang umaga.
Ano ang salitang kilos na
ginamit?
Gumising
kailan ako gumising?
Kaninang umaga
Magaling! Sino ang naghanda
ng pagkain?
Ang naghanda ng pagkain ay si Nanay.
Magaling! Ano ang salitang
kilos na ginamit sa
pangungusap?
Ang salitang kilos nagamit sa
pangungusap ay naghanda.
Ano ang ginawa ng mga tao ng
may nakita silang nalulunod?
Naghiyawan ang mga tao dahil may
nalulunod.
Ano ang salitang kilos na
ginamit?
Naghiwayan
Magaling! Ang salitang kilos
ay ginawa na, tapos na o
nakalipas na.

Kahapon, naninang umaga,


noong sabado, noong pasko ay
halimbawa ng mga salitang
tapos na.

Naiintindihan mga bata?


Opo Ma’am!
Magaling! Pero magbibigay pa
akong halimbawa para mas lalo
ninyo maiintindihan ang
salitang kilos na ginanap na.

Basahin ang unang


pangungusap na nakapaskil sa
pisara.
Nagpunta kami sa Robinsons noon
nakaraang Sabado.
Ano ang salitang kilos na
ginamit sa pangungusap?
Ang nagamit na salitang kilos ay
nagpunta.
Magaling! kailan ginawa ang
salitang kilos?
Ginawa ang salitang kilos noong
nakaraang sabado.
Sino sa inyo maka pagbibigay
ng halimbawa ng salitang kilos
na naganap na?
Ma’am!
Kumain ako ng saging kaninang umaga.
Sa pangungusap na halimbawa
ni Edzel mayroon bang salitang
kilos na ginamit?
Opo Ma’am ang salitang kilos na ginamit
ay kumain.
Magaling! kailan ginawa ang
salitang kilos?
Kaninang umaga
Kapag nagawa kaninang umaga
ang salitang kilos ibig sabihin
ay nagyari na o tapos na.

Naiitindihan mga bata?


Opo Ma’am
kailan ba ginagamit ang
salitang kilos nasa
pangnagdaan?
Kapag tapos na o nagyari na ang kilos
Magaling! Ngayon papangkatin
ko kayo sa tatlo, may ibat-
ibang gagawin kayo.

Pangkat I. Mag-isip at gumawa


ng isang awit gamit ang mga
salitang kilos na naganap na.

Pangkat II. Gumawa ng isang


pag-uulat o balita tungkol sa
mga nagyayari sa paligid gamit
ang mga salitang kilos na
naganap na.
Pangkat III. Sumulat ng limang
pangungusap tungkol sa
ginawa ninyo noong nakaraang
Sabado at Linggo.

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

1. Pag-uulat ng bawat Pangkat


2. Pagtatalakay

4. Paglalahat

Naiintindihan na ba kung ano ang


salitang kilos na ginanap na?
Opo!
Ano ang pandiwang pangnagdaan?
Ang pandiwang pangnagdaan ay
nagsasaad ng kilos na ginanap na
Paki ulit zyan kung ano ang
pandiwang pangnagdaan.
Ang pandiwang pangnagdaan ay
nagsasaad ng kilos na ginanap na

IV. Paglalapat

(kibo)
Gawin sa aspektong pangnagdaan ang salitang kilos sa loob ng panaklong.

1. (piknik) ang magkaibigan noong sabado.


2. Ang mga bata ay (dala) ng masasarap na pagkain.
3. (punta) sila sa isang lugar na madamo at sariwa ang hangin.
4. Masaya ang magkakaibigan na (laro) sa paligid.
5. Pagkataos nilang kumain sila ay nagpahinga at (lipad) ng makukulay na
saranggola.
V. Takdang Aralin

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salitang kilos.


1. Naghugas
2. Naligo
3. Tumulong
4. Nagdala
5. Binuksan

Inihanda ni:

ANGELICA R. VALENCIA

Checked by:

Gng. MELANIE C. CALLANGA

Noted by:

Gng. MARICEL G. TABUY

You might also like