You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN

Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa


(tagaganap, layon, pinaglalaaanan ng kagamitan) sa:
1. pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
2. pagsulat ng paghahambing;
3. pagsulat ng saloobin;
4. paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at
5. pagsusulat ng sariling kuwento
II. PAKSA

• Pokus ng Pandiwa

III. MGA KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian FILIPINO TUTORIAL: Mga Pokus ng


Pandiwa (Verbal Focus)
Pokus ng pandiwa (slideshare.net)
B. Mga Kagamitan Laptop at Projector

IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pagganyak - Magandang umaga, class! Magandang umaga rin po, Sir!

- Maayos ba ang gising niyo? - Inaayos po ang higaan


- Nagtotooth brush
- Ano-ano ang mga gawaing inyong - Kumakain
ginawa pagkagising niyo ngayong - Naliligo
umaga (Isulatang inyong mga sagot - Namamalantsa ng uniporme
sa pisara)

- Magaling. Pansinin natin ang mga


salitang ito (Salungguhitan ng guro
ang mga pandiwa ang mga
pandiwa mula sa mga
pangungusap)

- Ano ang pinapahayag ng mga - Kilos, galaw, Gawain


salitang ito?

- Tama! Ano ang tawag sa mga


salitag nagpapahayag ng kilos o - Pandiwa
galaw

B. Paglalahad Ngayong natukoy na natin na ang mga Babasahin ng mag-aaral ang layunin
salitang kilos na iyon ay pandiwa para
sa layunin ngayong araw, pakibasa ng
nakasulat sa pisara

C. Pagtalakay ng Pokus ng Pandiwa


Aralin (Gawain) Iba’t ibang panlaping ginagamit sa
pagbuo ng pandiwa. Sa pagbabago
ng panlapi ng pandiwa, nagbabago rin
ang Pokus ng Pandiwa ng
pangungusap ayon sa pandiwang
ginamit. 1. Pokus sa Tagaganap o
Aktor- Kapag ang simuno o paksa ang
gumaganap ng kilos sa pangungusap.
Hal: Ang kapayapaan ay lumalaganap.
Paksa, gumaganap ng kilos
Pandiwang nakapokus sa Paksa 2.
Pokus sa Layon o Gol – Kung ang
layon ay ang paksa o ang binibigyang
diin sa pangungusap. Halimbawa:
Iniuwi namin ang pagkaing natira.
Pandiwang nakapukos sa layon layon
na siyang paksa ang binigyang- diin
2. 3. Pokus sa Tagatanggap (
Benepaktib)- kung ang pinaglaanan
ng kilos ang siyang pokus ng
pangungusap. Hal. Ibinili ko ang
nanay ng pasalubong. Pandiwang
nakapokus sa tagatanggap
tagatanggap na siyang binibigyang
diin 4. Pokus sa Ganapan o Lugar (
lokatib)- kung ang paksa o pokus ng
pangungusap ay ang lugar o
pinangyarihan ng kilos. Hal. Ang ilog
ay pinaglabanan ni Handiong at ng
mga halimaw. Pinangyarihan ng kilos
pandiwang nakapokus sa ganapan Na
siyang paksa 5. Pokus sa Direksyon-
kung ang paksa ay nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng pandiwa. Hal.
Pinasyalan namin ang parke.
Pandiwang nakapokus sa direksyon
paksa na nagsasaad ng direksyon
3. 6. Pokus ng Gamit ( instrumental)-
kung ang pokus ay ang kagamitang
ginamit sa kilos. Hal. Ipinanungkit nila
ng bayabas ang patpat. pandiwang
nakapokus sa gamit kagamitan na
ginamit sa kilos 7. Pokus sa sanhi
(kawsatib)- kung ang pokus ay ang
sanhi o dahilan ng kilos. Hal.
Ikinasakit ng tiyan niya ang bayabas.
Pandiwang nakapokus sa sanhi sanhi
o dahilan ng kilos
D. Paglalahat Paano natin natutukoy ang wastong
gamit ng pandiwa?
E. Paglalapat Tukuyin kung ano ang pokus at
pandiwang nakasaad sa bawat bilang
1. Kami ay ipinagluto ni Tiyo ng lugaw
2.Pinagdausan ng binyag ang bagong
simbahan
3.Ang ulam ay niluto ni Nanay para sa
akin.
4.kinainis ni Shiela ang pang-aasar sa
kanya ni Wendy
5.Ikinalungkot ni Vicky ang hindi
pagpunta ni Berto
6.Pinuntahan ni Jerry ang hardware
para mamili ng mga bato.
7.Ikinatuwa namin ang pagpunta sa
parke kahapon.
8.Tinahi niya ang pantalon ni Pablo.
9.Maliligo raw sa sapa si Mang Basilio
mamaya.
10.Ang mahabang stik ang
ipinanungkit niya ng bayabas.
Panuto: Basahin ang bawat
pangungusap. Tukuyin ang pandiwa sa
G. Pagtataya pangungusap at ang pokus nito.
1. Masisiglang gumagawa ang tao sa
baranggay.
2. Nililinis nila ang mga bakuran at
daan.
3. Ipinanlinis nila ang dalang walis at
kalaykay. 4. Ikinatuwa naman ng
kapitan ng baranggay ang paglilinis
nila. 5. Pinuntahan sila ng kapitan at
binigyan ng maiinom. 6. Nagdala
naman ng mga pananim ang mga
kabataan. 7. Hiningi nila ang pananim
sa mga kapitbahay. 8. Ipinanghukay
nila ang dalang piko at asarol. 9. Ang
pagtulong ng kabataan ay ikinatuwa ng
mga magulang nila. 10. Ipinagluto
ngmga ina ang kabataan.
V. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN

Magsaliksik ng isang balita at tukuyin


pokus ng pandiwa

Evaluator: Diana Rose Fernandez

School: Ligao National High School

VII. Self-Learning Module


Evaluation

3 – Sapat lang ang aking natutunan sa modyul na ito.

You might also like