You are on page 1of 6

Pokus ng Pandiwa

Iba’t ibang panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa. Sa


pagbabago ng panlapi ng pandiwa, nagbabago rin ang
Pokus ng Pandiwa ng pangungusap ayon sa pandiwang
ginamit.
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor- Kapag ang simuno o
paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap.
Hal: Ang kapayapaan ay lumalaganap.
Paksa, gumaganap ng kilos Pandiwang nakapokus sa Paksa

2. Pokus sa Layon o Gol – Kung ang layon ay ang paksa o


ang binibigyang diin sa pangungusap.
Halimbawa: Iniuwi namin ang pagkaing natira.
Pandiwang nakapukos sa layon layon na siyang paksa ang binigyang- diin
3. Pokus sa Tagatanggap ( Benepaktib)- kung ang
pinaglaanan ng kilos ang siyang pokus ng pangungusap.
Hal. Ibinili ko ang nanay ng pasalubong.
Pandiwang nakapokus sa tagatanggap tagatanggap na siyang binibigyang diin

4. Pokus sa Ganapan o Lugar ( lokatib)- kung ang paksa o


pokus ng pangungusap ay ang lugar o pinangyarihan ng
kilos.
Hal. Ang ilog ay pinaglabanan ni Handiong at ng mga
halimaw.
Pinangyarihan ng kilos pandiwang nakapokus sa ganapan
Na siyang paksa

5. Pokus sa Direksyon- kung ang paksa ay nagsasaad ng


direksyon ng kilos ng pandiwa.
Hal. Pinasyalan namin ang parke.
Pandiwang nakapokus sa direksyon paksa na nagsasaad ng direksyon
6. Pokus ng Gamit ( instrumental)- kung ang pokus
ay ang kagamitang ginamit sa kilos.
Hal. Ipinanungkit nila ng bayabas ang patpat.
pandiwang nakapokus sa gamit kagamitan na ginamit sa kilos

7. Pokus sa sanhi (kawsatib)- kung ang pokus ay ang


sanhi o dahilan ng kilos.

Hal. Ikinasakit ng tiyan niya ang bayabas.


Pandiwang nakapokus sa sanhi sanhi o dahilan ng kilos
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pandiwa sa
pangungusap at ang pokus nito.

1. Masisiglang gumagawa ang tao sa baranggay.


2. Nililinis nila ang mga bakuran at daan.
3. Ipinanlinis nila ang dalang walis at kalaykay.
4. Ikinatuwa naman ng kapitan ng baranggay ang paglilinis nila.
5. Pinuntahan sila ng kapitan at binigyan ng maiinom.
6. Nagdala naman ng mga pananim ang mga kabataan.
7. Hiningi nila ang pananim sa mga kapitbahay.
8. Ipinanghukay nila ang dalang piko at asarol.
9. Ang pagtulong ng kabataan ay ikinatuwa ng mga magulang nila.
10. Ipinagluto ngmga ina ang kabataan.
Mga aklat na Sanggunian:
Pluma 6 Wika at Pagbasa nina Emily V. Marasigan at
Alma M. Dayag, Pp.217-219
Landas sa Wika 6 Batayang aklat Filipino Ikaanim na
Baitang ni Lydia B. Liwanag, Ph. D. ,pp. 114-119

You might also like