You are on page 1of 4

Visayas State University

Kolehiyo ng Edukasyon

Departamento ng Eduksayong Pangguro

Fokus ng
Pandiwa Sulating ulat sa Filipino 112

(Panimulang Linggwistika)

Ipinasa nina:

Jennefer Vergil BSEd-2 (Fili)

Ronalyn Cortez BSEd-2 (Fili)

Ipinasa kay:

G. Steven Santos

Guro

Ikalawang Semestre S.Y 2016-2017

I. Layunin
Natutukoy kung anong uri ng pokus ng pandiwa ang ginamit sa
pangungusap
Nakapaglalahad ng halimbawa sa ibat-ibang pokus ng pandiwa

II. Panimula

Fokus ang tawag sa pambalarilang kaugnayan ng pandiwa sa simuno o


paksa ng pangungusap. Nalalaman ang fokus sa pamamagitan ng panlaping
ikinakabit sa pandiwa. Nagkakaroon ng ibat ibang fokus ang pandiwa ayon sa
kung ano ang ganapan sa posisyong pansimuno ng pangungusap.

III. Katawan

Ibat iba ang panlaping ginamit sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa pagbabago


ng panlapi ng pandiwa, nagbabago rin ang pokus o paksa ng pangungusap
ayon sa pandiwang ginamit.

1. Pokus sa tagaganap o aktor

kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap.

Halimbawa:

Nabusog kami sa dami ng pagkain.

Umaawit ang mga ibon sa puno.

Magtatanim sila ng mga puno sa parke.

2. Pokus sa layon o gol

kung ang layon ang siyang pokus sa pangungusap.

Halimbawa:

Iniuwi namin ang pagkaing natira.

Binibili ng bata ang sorbetes.


Lilinisin nila ang mga basura.

3. Pokus sa tagatanggap (benepekatib)

kung ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang pokus ng


pangungusap.

Halimbawa:

Ibinili ko ang nanay ng pasalubong.

Ipinagluluto niya ng lugaw ang maysakit.

Itinatahi niya ng damit ang kapatid.

4. Pokus sa ganapan o lugar (lokatib)

kung ang paksa o pokus ng pangungusap ay ang lugar o


pinangyarihan ng kilos.

Halimbawa:

Pinagpapaliguan namin ang ilog.

Pinaglalaruan ng mga bata ang parke.

Tatamnan ng magsasaka ang palayan.

5. Pokus sa gamit (instrumental)

kung ang pokus ay ang kagamitang ginamit sa kilos

Halimbawa:

Ipinanungkit nila ng bayabas ang patpat.


Ipinanggupit ng barbero ang bagong gunting.

6. Pokus sa sanhi (kawsatib)

kung ang pokus ay ang sanhi o dahilan ng kilos.

Halimbawa:

Ikinasakit ng tiyan niya ang bayabas.

Ikinagagalit niya ang pag-alis mo.

7. Pokus sa direksyon

kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng


pandiwa.

Halimbawa:

Pinasyalan namin ang parke.

Pupuntahan ng lola ang apo.

IV. Kongklusyon

V. Sanggunian

Landas sa Wika

You might also like