You are on page 1of 62

SINTAKS

KABANATA VI
ARALIN I. KAHULUGAN NG PANGUNGUSAP

Ang Pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na


nagsaad ng buong diwa.
Bawat pangungusap ay may dalawang bahagi — ang
Paksa at Panaguri
Halimbawa:
a. Ang pinaghugasan ng pinggan ay ipinandidilig ko
ng halaman.
Simuno: pinaghugasan ng pinggan
Panaguri: ay ipinandidilig ko ng halaman
1. Ang Paksa (subject) ay ang pinag-usapan sa
pangungusap. May mga panandang “si, sina” kung
tao ang simuno at “ang o ang mga” kung bagay,
lunan o pangayayari.

2. Ang Panaguri (predicate) naman ang pahayag na


tungkol sa simuno.
Ginagamit ko ang basurahan nang maayos.
Simuno: ang basurahan
Panaguri: ginagamit nang maayos
ARALIN II. KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
1. Payak na pangungusap – kung ang isang ideya
lamang ang ipinahahayag. May simuno at panaguri
ito na maaring higit sa isa.
Halimbawa :
a. Nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino.
b. Masarap at masustansya ang mga gulay.
2. Tambalang pangungusap – kung dalawang diwa o
ideya ang ipinahahayag na maaring magkatulad,
magkasalungat o pagpipilian. Dalawang payak na
pangungusap ang pinagsama at pinag-uugnay ng at, o,
ngunit, habang at iba pang pangatnig.
Halimbawa:
Naglalaba si Juan habang nagluluto ang kanyang asawa.
3. Hugnayang Pangungusap- dalawang sugnay ang
nakikita sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Nahulog ako dahil pina-ibig mo ako.
b. Kung papasa ka, magpapaburger ako!
4. Langkapan-Maraming sugnay na maaaring nagmula
sa dalawang di makapag-iisa at dalawang makapag-iisa.
Halimbawa:
a. Dahil nagmadaling umalis si Enrico, hindi siya
nakapagpaalam kay Inay at nakalimutan niyang
dalhin ang kanyang baon.
b. Si haring David ay pinagpala ng Panginoon at
ang kaniyang anak na si haring Solomon ay
pinaunlad ng Diyos dahil sila ay kapwa pinili.
ARALIN III. LAYON NG PANGUNGUSAP

Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.

1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos o


pandiwa at may panandang “ng”. Sumasagot ito sa
tanong na ano.
Hal.
Sumayaw si Nena ng Tango.
2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan
o pinagtutunguhan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong ng
kanino.
Hal.
Binigyan ko si Mica ng bulaklak.
3. Ang layon ng pang-ukol na “sa” ay tumutukoy sa
lugar kung saan naganap ang kilos.
Hal.
Pumunta kami sa palengke.
ARALIN IV. AYOS NG PANGUNGUSAP

May dalawang kaayusan ang pangungusap. Ito ay ang


Karaniwang Ayos at ang Di-karaniwang Ayos.
1. Ang Karaniwang Ayos ng pangungusap ay nauuna
ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.
Halimbawa:
Maayos at malinis ang paaralan.
(panaguri) (simuno)
2. Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap ay kung
nauuna ang paksa at ginagamitan ng panandang “ay”.
Halimbawa:
Ako ay isang matalinong bata.
(simuno) (panaguri)
ARALIN V. MGA URI NG PANGUNGUSAP

May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit:

1. Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung


naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos
ito sa tuldok (.).
Hal.
Ang anak ni aling Marta ay matalino.
2. Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at
nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Hal.
Kumuha ka ng baso sa loob.
3. Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong.
Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Hal.
Saan ka nanggaling?
4. Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng
matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!).
Hal.
Hala may ahas!
ARALIN VI. URI NG PANAGURI

a. Panaguring Pandiwa
Karaniwan sa panaguri ng pangungusap ay
pandiwa. Sapagka’t ang pandiwa ay siyang
nagpapahayag ng kilos at gawain ng isang simuno.
Halimbawa:
1. Si Alex ay nagtanim ng sitaw, talong at kamatis.
2. Siya ay bumili ng pataba.
b. Panaguring Pang-uri
Ang pang-uri ay malimit ding ginagamit sa
panaguri. Sapagkat ito ay naglalarawan ng simuno.
Hal.
1. Ang mga talutot ng sampagita ay puti.
2. Ang bulaklak na ito ay mabango.
c. Panaguring Pangngalan
Ang pangngalan ay ginagamit din sa panaguri.
Ang pangngalang ginagamit sa panaguri ay
nagpapakilala kung sino o ano ang simuno.
Hal.
1. Si Lydia ay anak ng isang manggagamot.
2. Siya ay dentista sa aming paaralan.
d. Panaguring Panghalip
Ang panghalip ay ginagamit ding panaguri. Ito ay
humahalili sa pangngalan.
Hal.
Ang aklat na ito ay kanya.
Ang hinahanap mo ay ako.
ARALIN VII. URI NG PAKSA

a. Paksang Pangngalan
Ito ay isang uri ng paksaa na tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, pook at hayop.
Hal.
1. Sumulat ng talambuhay ang pinuno.
2. Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.
b. Paksang Panghalip
Ito ay isang uri ng paksa na gumagamit ng salita o
katagang panghalili sa pangngalan.
Hal.
1. Kami ay delegasyon ng Pilipinas
2. Sila ay gumawa ng mga sasakyang
pangkalawakan.
c. Paksang Pang-uri
Ito ay isang uri ng paksa na nagsasaad ng
katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan, at iba pa.
Hal.
1. Hinahangaan ang mga matatalino.
2. Kapuri-puri ang mga masisipag.
d. Paksang Pang-abay
Ito ay uri ng paksa na naglalarawan sa pandiwa o
kapwa pang-abay.
Hal.
1. Ang dito ay maghintay muna.
2. Ang doon ay pasulungin agad.
e. Paksang Pandiwa
Isang uri ng paksa na nagsasaad ng kilos o galaw.
Hal.
1. Huwag mong gambalain ang nanalangin.
2. Mahuhusay ang mga namumuno.
f. Paksang pawatas o batayan ng pandiwa.
Hal.
1. Hilig niya ang magtinda.
2. Kinalilibangan ko ang magsulat.
ARALIN VIII. KAYARIAN NG PAKSA

Ang paksa ay maaari ring buuin ng isang salita,


isang parirala, o isang sugnay. Tulad sa panaguri, ang
paksang iiisahing salita ay ginagamitan ng isang
pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o
pawatas
Halimbawa ng paksang iisahing salita:
1. Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano
ng pamilya.
2. Kami ay may gagawing aktibidad sa susunod na
araw.
Maaring ring buuin na pariralang pang-ukol o
pawatas ang paksa.
Hal.
Ang para sa amin ay sa inyo na.
Halimbawa ng paksang pariralang pawatas:
1. Hinuli ang baboy.
2. Nagtapon ng basura.

Halimbawa ng paksang sugnay:


1. Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas
ay hindi mapasusubalian.
2. Ang kapatid kong maganda ay naligo sa ilog.
Halimbawa ng Sugnay na di makapag-iisa:
1. Kaya nabutas.
2. Dahil nalalapit na ang eksaminasyon.

Halimbawa ng sugnay na makapag-iisa:


1. Ako ay may aso.
2. Maganda ako.
Halimbawa ng tambalang salita:
1. Si Balagatas at si Husing Sisiw ay mga makatang
Pilipino.
2. Kahanga-hanga ang mabait, matalino, at masipag.

Halimbawa ng simunong tambalan parirala:


1. Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi
pa tinatalakay sa pulong.
2. Libangan ng kanyang may bahay ang magbasa ng mga
magasing Tagalog at manood ng pelikulang Tagalog.
Halimbawa ng simunong tambalan sugnay:
1. Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay magbabakasyon
ngayong tag-init ay pasyalan mo na.
2. Natitiyak ni Danilo na may tao sa bahay ngunit
walang tao sa bakuran.
ARALIN IX. KAYARIAN NG PANAGURI

Ang PANAGURI ay maaring buuin ng isang


salita, isang parirala, o isang sugnay.
a. Panaguring Salita
Ito ay isang salita lamang ay maaaring
pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o
pawatas. Sa sinasabing isang salita ay hindi isinasama
ang mga pananda.
Halimbawa:
1. Siya ay mataba.
2. Mabilis siyang tumakbo.
b. Panaguring Parirala
Ito ay maaaring pariralang pang-ukol o pariralang
pawatas na gumaganap ng tungkulin ng pangngalan,
pang-uri o pang-abay.
Halimbawa ng pariralang pang-ukol:
1. Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang
kumprehensya kahapon.
2. Ukol sa implementasyon ng K to 12 kurikulum ang
nilalaman ng kaniyang ginawang repleksyon papel.
Halimbawa ng pariralang pawatas:
1. Mag-aaral magmaneho ng awto ang aasikasuhin
niya ngayong bakasyon.
2. Masayang nag-aawitan ang mga ibon sa kagubatan.
c. Panaguring Sugnay
Maaari ring gamiting panaguri ang sugnay.
Gumaganap ang sugnay ng tungkulin ng pangngalan.
Halimbawa:
1. Ang sinasabi niya ay ipapadala raw kami sa
Malaysia.
2. Ang ginagawa niya ay magtatanin raw siya ng
mga gulay sa bakuran.
Ang mga uri ng panaguri ay mga payak na
panaguri. Payak sapagkat may iisa lamang salita,
parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit pang
salita, parirala, o sugnay na pinag-uugnay ng
pangatnig, ang panaguri ay sanasabing tambalan.
Halimbawa ng panaguring tambalang pangngalan:
1. Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.
2. Nakita kong nag-aaway ang pusa at ang aso sa bahay
naming.
Halimbawa ng panaguring tambalang parirala:
1. Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang
nilalaman ng mga artikulo.
2. Hinggil sa implementasyon ng K to 12 kurikulum at
tungkol sa layunin at magandang benepisyo nito ang
pinakinggan naming kanina sa symposium.
Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:
1. Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at
ipasyal mo kami sa Rizal Park.
2. Ang sasabihin ko ay magrerebyu tayo ngayon at
magsasanay tayo bukas.
ARALIN X. SIYAM NA URI NG PANGUNGUSAP
NA WALANG PAKSA
a. EKSISTENSYAL - Nagsasaad ng “pagkamayroon”
o “pagkawala”
Halimbawa:
1. Walang pang sundo.
2. May nakakaalam na.
3. May hinihintay pa.
4. Walang sumang-ayon.
5. May tao sa loob.
b. PADAMDAM- Nagpapahayag ng matinding
damdamin ng tao.
Halimbawa:
1. Kay ganda ng buhay!
2. Aray ko!
3. Ang galing!
c. PAKIUSAP- Nagpapahayag ng kahilingan o
pakiusap.
Halimbawa:
1. Paki abot nga.
2. Makisuyo nga.
3. Sige na.
d. TEMPORAL- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o
panahong panandalian, karaniwan itong pang-gabay sa
pamanahon.
Dalawang Uri ng Temporal
1. Oras, Araw, Petsa
Halimbawa:
• Umaga na.
• Bukas ay Lunes.
• Alas singko pa lang ng hapon.
2. Panahon, Selebrasyon
Halimbawa:
• Labor day na bukas.
• Magbabakasyon lang.
• Pasko na tuwing Disyembre.
e. PENOMENAL - Ito ay tumutukoy sa mga
pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o
pangyayari sa kalikasan o pangkapaligiran.
Dalawang uri nito:
1. Verbal- binuong pang-uring pandiwa na maaaring
may kasamang adverb o pang-abay.
Halimbawa:
• Umuulan.
• Bumaha kahapon.
• Uulan marahil.
2. Adjectival- binubuo ng mga pang-uri na maaaring
may kasama ring pang-abay.
Halimbawa:
• Maginaw ngayon
• Makulimlim na naman
• Malinsangan
f. MODAL- Nangangahulugan ito ng
gusto/nais/pwede/maari/dapat o kailangan.
Halimbawa:
1. Maaari bang magdagdag?
2. Gusto kita.
3. Kailangan mo ba ako?
g. MA KA-PANDIWA- Nagsasaad ito ng katatapos na
kilos o pangyayari. Malimit ito may kasunod na
“lang/lamang”
Halimbawa:
1. Kagagawa ko lang.
2. Kasasara pa lang.
3. Kalalaro pa lang.
h. Mga Panawag- maari ring tawaging “vocative” o
iisang salita o panawag.
Halimbawa:
1. Totoy!
2. Nene!
3. Pssst!
i. PAMBATING PANLIPUNAN - magagalang na
pananalita o ekspresyon na mahalaga sa
pakikipagkapwa tao. (may mga rehiyong di gumagamit
ng po at opo subalit nadarama ang paggalang sa tono o
intonasyon ng pagsasalita)
Halimbawa:
1. Pasensya na po.
2. Salamat po.
3. Tao po.
ARALIN XI. PAGPAPALAWAK NG
PANGUNGUSAP
1. Pagdaragdag ng mga paningit o ingklitik
Isinasama ito sa pangungusap upang mas malinaw
ang mensaheng nais iparating.
Mga Halimbawa ng Inglitik

Man Naman Kaya Kasi

Yata Sana Tuloy Nang

Ba Pa Muna Pala

Na daw/raw din/rin lang/lamang


2. Paggamit ng mga panuring
Dalawang kategorya ng mga panuring:
a. Pang-uri na panuring sa mga pangangalan o panghalip
Mga Halimbawa:
Batayang Pngungusap:
• Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang
Ming.
Pagpapalawak gamit ang pang-uri:
• Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng
Dinastiyang Ming.
b. Pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri at
kapwa nito pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap:
• Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng
pamahalaan.
Pagpapalawak gamit ang pang-abay at pang-uri:
• Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa
pagbagsak ng sakim na pamahalaan.
3. Pagsama ng mga pamuno sa pangngalan
PAMUNO- pangngalan o pariralang pangngalang
tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang
pangngalan.
Halimbawa:
• Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay
nananawagang wag gumamit ng droga.
4. Paglalagay ng mga kaugnay na parirala

Kaugnay na Parirala- mga dagdag na salita na


idinurugtong sa pangungusap o mga parirala na may
parehong kahulugan sa naunang parirala.
Halimbawa:
Nakalulungkot isipin na sa araw na iyon ay
nailibing ang mataas na pangarap o dili kaya’y kasama
ng umalimbukay na alikabok ang mga ambisyong
matagal nang naikintal sa isipan. Subalit darating ang
tamang panahon na tahasang malalaman ang tunay na
kahulugan ng buhay, ang kahulugan ng paghihintay sa
mga nakatakda, at ang kahalagahan ng pag-inog ng
mundo na tiyak na darating pagdating ng araw.
MGA DAGDAG NA SALITA NA IDINURUGTONG
SA PANGUNGUSAP
Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall.
Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken
fillet sa mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-
lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita
namin si Benjie, isa naming kaklase sa Nat’l Bookstore.
Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala
raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan.
Naisip ko, sya ay nasasayangan na sa isang ballpen
lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos.
Mabuhay!

You might also like