You are on page 1of 46

SINTAKSIS

 Nanggaling sa salitang Latin na “Syntaksis”, sa


Pranses na “Syntaxe”, sa Griyego na “Synyassein”
na ibig sabihin ay magkasama at “Taksis” na
nangangahulugang pagkakaayos.
 Magkakasama at may pagkakaayos.
SINTAKSIS
 Tumutukoy sa set ng mga tuntunin na
pumapatnubay kung paano maaaring pagsama-
samahin o pag-uugnay-ugnayin ang mga
morpema
Hanay A Hanay B
Filipino Filipino ang wika ko
Maria? Maria ang pangalan niya?
Aray! Aray! Ang sakit ng tiyan ko
Halimbawa:
Naglalakad si Amusement Park sa Jun.
Naglalakad si Jun sa Amusement Park.
Tuntuning Gramatikal
 Tamang kombinasyon ng mga salita ang sa
pagbuo ng pangungusap.
 Sinasabing tama o wasto ang pagkabuo ng
parirala/pangungusap kung kinikilala itong
tama o wasto at katanggap-tanggap sa mga
tagapagsalita ng wika.
Ang Salita
Ang kaugnayan ng isang salita, parirala , o sugnay ay
makikilala sa kagamitang pinaglagyan sa pagkabuo ng
pahayag tulad ng:
a. Pagkapaksa e. Pagkapanuring
b. Pagkapamuno f. Pagkapag-ugnay
c. Pagkapinakadawa g. Pagkamalayang sangkap
d. Pagkakaganapan h. Pagkatagaganap
Kayarian ng Salita
1. Payak- Ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi,
hindi inuulit, at walang katambal na salita.
Hal: bayan, lahi
2. Inuulit- Ang kabuuan nito o higit pang pantig nito ay
inuulit.
Dalawang Uri ng Pag-uulit
a. Pag-uulit na ganap- inuulit ang buong salitang-ugat.
Hal: Salitang Ugat Pag-uulit
sabi sabi-sabi
araw araw-araw
buhay buhay-buhay
Kayarian ng Salita
b. Pag-uulit na di-ganap o parsyal- Ang inuulit ay bahagi
lamang ng salita.
Hal: Salitang Ugat Pag-uulit
ikot iikot
usok uusok
sumakay sumasakay-sakay
3. Maylapi- Salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit
pang panlapi.
Hal: Panlapi + Salitang-ugat + Salita
um- alis umalis
-in- ,-an- tulong tinulungan
mag-, -um- sikap magsumikap
Kayarian ng Salita
4. Tambalan- Tambalan ng dalawang salitang pinagsama
para makabuo ng isa lamang salita.
-Ito ay maaaring ganap (kung ang dalawang salitang
pinagsama ay nagkakaroon ng panibagong kahulugan) at
di-ganap (kung nananatili ang kahulugan).
Hal: Di-ganap Ganap
bahaghari ingat-yaman
anakpawis urong-sulong
nagmahabang-dulang pamatid-uhaw
PARIRALA
Isang lipon ng salita na walang
simuno at panaguri na ginagamit
bilang isang bahagi ng pangungusap.
Uri ng Parirala
A. Pariralang Pang-ukol- Pinapangunahan ng mga pang-ukol na na,
sa,ng, para kay/sa, alinsunod kay/sa, hinggil sa/kay at layon ng
maaaring pangngalan o panghalip.
Hal: sa pook hinggil sa bayan
para sa bata alinsunod sa utos
B. Pariralang Pawalas- Binubuo ng pawatas ng pandiwa at, layon o
panuring ito.
Hal: umiwas sa bayan
umibig sa bayan
manghabol ng bata
Uri ng Parirala
C. Parirala sa Pangngalan-diwa
Hal: Pandiwa Pinaghanguan Pangngalan-diwa
naglaba maglaba paglalaba
nagbungkal magbubungkal pagbubungkal
D. Pariralang Pandiwa
Hal: nagtanim ng palay, pagbubungkal ng lupa
E. Pariralang Pang-uri
Hal: Si Jose Rizal ang martir
Pagtatanim ang mahirap
F. Pariralang Pang-abay
Hal: lumakad na patalikod
Gamit ng Pariralang Pambalirala
A.. Pariralang Pangngalan- Ginagamit bilang paksa at
kaganapang pansimuno.
1. bilang paksa
Hal: Ang hinggil sa kanila ay pinag-uusapan.
Ang magpinta ng larawan ay kanyang hilig.
2. Kaganapang pansimuno
Hal: Ang larawan ay hinggil sa isang dakilang ina.
Ang paksa ng aralin ay ukol sa pagbuo ng tula.
Gamit ng Pariralang Pambalirala
B. Parirala sa pang-uring gamit- Ito’y ginagamit bilang
panuring ng pangngalan.
Hal: Ang bahay sa burol ay isang magarang tanawin
Ang hagdang palayan sa Banaue ay isang
pinakamagandang tanawin sa Pilipinas.
C. Parirala sa Pang-abay na gamit- Ito ay ginagamit
bilang panuring ng pandiwa, pang-uri at pang-abay.
1. Pandiwa
Hal: Ang kanyang ama ay luluwas sa Maynila.
Ang bata ay pumunta sa parke.
Gamit ng Pariralang Pambalirala
2. Pang-uri
Hal: Ang kanyang ina ay dakila sa mata ng tao.
Ang gurong iyan ay isang huwaran sa aming
paaralan.
3. Pang-abay
Hal: Siya ay narito sa bulwagan.
Ngayon ay Lunes sa kanilang kinalalagyan.
Sugnay
Lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na
maaaring buo o di-buo ang diwang ipinahayag.
Hal:
1. Humiram si Kris ng lapis para sa pagbuo ng tula.
2. Nang kami ay umakyat sa Bundok Ifugao.
3. Na umakyat sa bundok.
URI NG SUGNAY

A. Sugnay na Makapag-iisa- may paksa at panaguri na buo


ang diwang ipinapahayag. Ito ay tinatawag ding punong-
sugnay.
Hal: Nakasulat si Zanjoe ng isang mainam na sulatin.
Ang kanyang ama ay isang guro.
URI NG SUGNAY

B. Sugnay na di-makapag-iisa- may paksa at panaguri


subalit di-buo ang diwang ipinapahayag.
Hal: nang kami ay lumuwas ng Maynila.
kung darating sila.
na umalis kami sa burol
GAMIT NG SUGNAY

A. Pangngalan- Ang sugnay na di makapag-iisa ay nasa


pangngalang gamit kapag paksa ang pangungusap.
Hal: Hindi ko alam kung bakit sila nawawala.
Kapag di ka naglubay ay lalo kang iiyak.
GAMIT NG SUGNAY
B. Pang-uri- Ang sugnay na di makapag-iisa ay panuring ng
pangngalan na pinangungunahan ng panghalip na pamanggit
na na, -ng kung matutumbasan sa Ingles ng mga salitang
“who, which and that”
Hal: Ang Banaue Rice Terraces na binagtas nila ay
napakaganda.
Ang lalaking dumalaw sa kanila ay kasintahan ni Kris.
GAMIT NG SUGNAY

C. Pang-abay- Nagiging pang-abay ang sugnay na di-


makapag-iisa ay panuring ng pandiwa, pang-uri o pang-
abay.
Hal: Kami ay titiwalag na kung sila ay sasanib sa atin.
Ang bata ay malungkot kapag wala ang kanyang ina.
Sila ay aalis bukas kung nakabili na sila ng tiket.
Pangungusap
Binubuo ng salita o lipol ng mga
salita na nagtataglay ng buong diwa.
Nagsisimula ito sa malaking titik at
nagtatapos sa tamang bantas gaya ng
tuldok, tandang pananong at tandang
padamdam.
URI NG PANGUNGUSAP
1. Di-predikatibong pangungusap
Ang salita o lipon ng mga salita na walang simuno o
panaguri ngunit buo ang diwa.
2. Predikatibong pahayag o pangungusap
Ito ay may paksa at panaguri.
Sintaks
 pag-aaral ng pagbuo ng mga pangungusap.
Uri ng Di-Predikatibong Pangungusap
1. Sambitlang panawag- Ito ay mga sambitlang salita na
ginagamit bilang pantawag sa tao.
Hal: Kuya! July!
2. Padamdam- Ang mga pahayag na nagsasaad ng damdamin.
Hal: Naku po! Aray ko!
3. Pagtawag- Ito ay ginagamit sa pagtawag.
Hal: Kuwan! Hoy!
4. Pautos- Ginagamit sa pag-uutos.
Hal: Takbo! Alis diyan!
Uri ng Di-Predikatibong Pangungusap
5. Pangkalikasan/Penominal- Ito ay ang mga pangyayaring
pangkalikasan na nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot ng
kalikasan.
Hal: Umuulan. Lumilindol.
6. Panagot sa Tanong- Ito ang mga pahayag na ginagamit
bilang panagot sa tanong.
Hal: Opo. Ayaw ko.
7. Panahon- Ito ang mga pahayag na nagsasaad ng panahon.
Hal: mamaya na. Sa makalawa.
Uri ng Di-Predikatibong Pangungusap
8. Pagbati/Pormulasyong Panlipunan- Ito ang mga pahayag
o katagang ginagamit sa pagbati.
Hal: Magandang umaga po. Kumusta ka?
9. Pagpapaalam- Ito ang mga pangungusap na ginagamit sa
pagpapaalam.
Hal: Paalam po. Tuloy na po ako.
10. Pamuling Tanong- Ang pangungusap na ito ay ginagamit
kung gusto mong ulitin ng inyong kausap ang kanyang
sinasabi.
Hal: Ano ika mo? Saan nga ba?
Uri ng Di-Predikatibong Pangungusap
11. Pakiusap- Ginagamit kung nakikiusap.
Hal: Maaari ba? Sige na.
12. Pampook- Ang pangungusap na ito ay ginagamit bilang
sagot sa mga tanong kung saan.
Hal: Sa CSU. (Sagot sa tanong na Saan ka nag-aaral?)
Sa Tuguegarao. (Sagot sa tanong na Saan ka pupunta?)
13. Eksistensyal- Ang pangungusap na ito ay nagsasad ng
pagkamayroon o pagkawala.
Hal: May tao pa? Wala na.
Bahagi ng Predikatibong Pangungusap
A. Paksa/Simuno
 Pangunahing komponent ng batayangpangungusap sa
Filipino.
 Ito ang pinag-uusapan o sentro ng usapan na inihuhudyat ng
panangdang ang para sa karaniwan o pambalanang
pangngalan, ang si/sina para sa mga pantangi o personal na
pangalan.
Bahagi ng Predikatibong Pangungusap
A. Paksa/Simuno
Ang panghalip na nasa anyong ang ay nagiging paksa rin ng
pangungusap. Laging may pananda o marker (ang, si/sina)
ang paksa kung hindi ito panghalip. Ginagamit ang
panandang ang sa anumang bahagi ng pananalita na
ginawang nominal maging ito’y pangngalan, pang-uri,
pandiwa, pang-abay at iba pa
Hal: Nagsusulat ng aklat ang mga guro. (paksang pangngalan)
Sila ay tumulong sa gawain. (paksang panghalip)
Bahagi ng Predikatibong Pangungusap
B. Panaguri
Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa
impormasyon at kaisipang sinasabi o iniuugnay sa paksa.
Ito ay nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa
paksa.
Sa Wikang Filipino, karaniwang nangunguna ang panaguri
kaysa sa paka sa ordinaryong pakikipagkomunikasyon.
MGA URI NG PANAGURI
1. Panaguring Pangngalan
Uri:
a. Tiyak- kapag ang ginagamit na panaguri ay pantangi.
Hal: Tinawag ng doktor si Eula.
Si Joseph ang aking kapatid.
b. Di-tiyak- kapag ang ginagamit na panaguri ay pambalana.
Hal: Umawit si Sarah ng kundiman.
Sumasayaw ang tatay niya ng makabago.
MGA URI NG PANAGURI
2. Panaguring Panghalip
Ginagamit na panaguri: a. Panghalip na Panao
Hal: Siya ang kasama mo.
b. Panghalip na pamatlig
Hal: Ito ang bahay nina Jamby.
3. Panaguring Pang-uri
Maaaring: a. Isang Salita
Hal: Masipag si Christian.
b.Isang Parirala
Hal: Nakakabagot naman ang boses mo.
MGA URI NG PANAGURI
4. Panaguring Pandiwa- maaaring ito ay may
pandiwang may layon at pandiwang di-komplemento o layon.
Uri:
a. Pandiwang katawanin- kung hindi nilalagyan ng tuwirang
layon.
Hal: Nagluluto ang kuya.
b. Pandiwang palipat- kung laging may kasamang layon.
Hal: Naglilinis ng bahay si Ivan.
c. Pandiwang di-sapilitang palipat- maaaring mayroon o
walang kasamang tuwirang layon.
Hal: Kumain siya.
MGA URI NG PANAGURI

5. Panaguring Pang-abay- nagiging panaguri ang


pang-abay.
Hal: Kanina pa umalis si Joyce.
Sa Ifugao pumunta ang mga bisita.
6. Panaguring Pawatas- Ang anyong pawatas ay ginagamit
din bilang panaguri ng pangungusap.
Hal: Umawit ang kinalilibangan ni Michelle.
Manggagamot ang naging trabaho niya sa lungsod.
URI NG PANGUNGUSAP
A. AYON SA GAMIT
1. Paturol
 Ito ang mga pangungusap na nagpapahayag ng
katotohanan, kalagayan, palagay o pangyayari.
 Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.).
Hal: Magaganap ang eleksiyon sa Mayo 10.
2. Patanong
 Ito ang pangungusap na nag-uusisa o nagtatanong, na
sinasagot ng oo at hindi o kaya’y isang impormasyon o
pagpapaliwanag.
 Ginagamitan ito ng bantas na pananong (?).
Hal: Kumain ka na ba?
A. AYON SA GAMIT

3. Pautos o pakiusap
 Ito ang mga pangungusap na nag-uutos o nakikiusap na
karaniwang nilalagyan ng kuwit kapag may tinatawag.
 Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.).
 Ang panlaping maki at paki ay karaniwang ginagamit
upang magpahayag ng pakiusap o paggalang.
Hal: Pakikuha mo ang gamit sa bahay.
Pumasok ka na maaga.
A. AYON SA GAMIT

4. Padamdam
 Ito ang mga pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin tulad ng sakit, tuwa, galit at iba pa.
 Ginagamitan ito ng bantas na padamdam (!).
Hal: Naku! Nahulog ang bata
Ito na ang pinakamaligayang sandal ng aking buhay!
B. AYON SA KAAYUSAN
1. Karaniwang ayos- kapag nauuna ang panaguri sa
paksa.
Hal: Masisipag at mababait ang mga anak ni Dolly.
Matatalino silang magkakapatid.

2. Kabalikan o di-karaniwang-ayos- kapag nauuna ang


paksa sa panaguri. Ginagamitan ito ng panandang ay.
Hal: Ang mga anak ni Dolly ay masisipag at mababait.
Silang magkakapatid ay matatalino.
C AYON SA KAYARIAN
1. Payak
 Binubuo ng isang buong diwa o kaisipan.
 Maaring:
a: may payak na paksa at payak na panaguri
Hal: Ang Baguio City ay isang malamig na lugar.
b. tambalang paksa at payak na panaguri
Hal: Ang mga magsasaka at ang mga guro ay
nagkakaisa ng layunin.
C AYON SA KAYARIAN
1. Payak
c. payak na paksa at tambalang panaguri
Hal: Ang mga politico ay nangangampanya at
nanunuyo ng botante.
d. tambalang paksa at tambalang panaguri
Hal: Ang mga mag-aaral at ang mga guro ay
nagtutulungan at nagkakaisa para sa kaunlaran ng
paaralan.
C AYON SA KAYARIAN
2. Tambalan
 Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-
iisa.
 Maaaring ang mga sugnay ay magkatulong at
magkapantay o maaaring magkaiba.
 Ito ay pinag-uugnay ng at, ngunit, datapwat, subalit.
Hal: Si Erol ay sumasayaw at si Sandara ay nanonood
sa kanya. (magkapantay)
Ang mga guro ay nagbakasyon ngunit ang mga
mag-aaral ay nahihirapang gumagawa ng kanilang
proyekto. (magkaiba)
C AYON SA KAYARIAN
3. Hugnayan
 Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o
higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
 Ito ay pinag-uugnay ng kung, kapag, samantala,
habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa.
 May paksa at panaguri subalit bahagi lamang ito ng
pangungusap.
Hal: Nasira ang kamera habang pinipindot ng dalaga.
Kung mawawala ka sa piling ko sinta, guguho ang
mundo ko.
C AYON SA KAYARIAN

4. Langkapan
 Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-
iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.
Hal: Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng
karangalan kung mag-aaral ka nang mabuti.
Nang pumunta kami sa Ifugao, si Erick ay nasa
palayan at si Dona ay nagluluto ng pagkai para sa
tanghalian.

You might also like