You are on page 1of 3

Parirala at Pangungusap

Parirala- salita o lipon ng mga salita na hindi nagpapahayag ng buong diwa.


Mga halimbawa:
masayang kwentuhan
madalas sa silid-aklatan
kapaki-pakinabang na pagbabasa

Pangungusap- salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong kaisipan.


Mga halimbawa:
Hinikayat ng guro ang mga mag-aaral na magbasa.
Maituturing na kaibigan ang aklat.
Kapaki-pakinabang na libangan ang pagbabasa.

Tukuyin kung parirala o pangungusap ang sumusunod na mga salita o lipon ng mga salita. Isulat
ang malaking letra na PARIRALA at PANGUNGUSAP sa loob ng kahon.
1. Ang Santacruzan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas
2. Bawat buwan sa kalendaryo ay may kani-kanyang kahulugan
3. May Buwan ng kapaskuhan, may Buwan ng mga Puso, may Buwan ng Pagpapakasal, at
Buwan ng Pagtatapos
4. Para sa akin ang buwan ng Mayo ang pinakamasaya sa lahat
5. Atnag ang tawag sa pag-aalay na ito

Bahagi ng Pangungusap

May dalawang bahagi ng pangungusap.


1. simuno o paksa- bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Maaaring gamiting simuno o
paksa ang pangngalan, panghalip, pang-uri at pandiwa.
Ang simuno ay nahahati sa payak at buo. Ang payak na simuno ay ang pangngalan,
panghalip, pang-uri o pandiwang pinag-uusapan. Ang buong simuno ay ang payak na simuno
kasama ang iba pang salita o panturing.
Halimbawa:
Sina Ana at Mercy //ay matalik na magkaibigan.
 Ana, Mercy= Payak na Simuno
 Sina Ana at Mercy= Buong Simuno

2. panaguri- bahaging nagsasabi tungkol sa simuno ng pangungusap. Ito’y maaaring


pangngalan, panghalip, pang-uri, at pandiwa.
Ang panaguri ay nahahati sa payak at buo. Ang payak na panaguri ay ang pangngalan,
panghalip, pang-uri at pandiwang nagsasabi tungkol sa simuno. Ang buong panaguri ay ang
payak na panaguri kasama ang iba pang salita o panuring.
Halimbawa:
Ang samapaguita // ay sadyang mabango.
 Mabango= payak na panaguri
 ay sadyang mabango= buong panaguri
A. Tukuyin kung alin sa mga bahagi ng pangungusap ang simuno.
1. Biglang nagtawanan ang mga kausap niya.
2. Ang lahat ay sabay-sabay na tumawa.
3. Gagawin ko na ang iniuutos ninyo.
4. Bumungad si Amanda sa pintuan.
5. Maghahanda ako sa kaarawan ko bukas.

B. Tukuyin kung alin sa mga bahagi ng pangungusap ang panaguri.


1. Ipinagbili niya ang mga inaning kape.
2. Ang bawat pinagbilhang pise-piseta ay ibinabalot niya sa kanyang alampay.
3. Ito ay agad-agad na ipinadadala sa Maynila.
4. Mas pinili ni Apolinario Mabini ang maging abogado.
5. Ibig niyang maging pari ang anak.

Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit

Ang pangungusap ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. May pangungusap na ginagamit


para magsalaysay o magtanong. Mayroon ding ginagamit para mag-utos o magpahayag ng
matinding damdamin. Sa ganito, ang pangungusap ay inuuri ayon sa gamit.
1. Paturol o pasalaysay= ginagamit sa pagsasabi ng pangyayari o katotohanan. Nagtatapos ito sa
tuldok (.)
Halimbawa: Ang Pilipinas ay isang bansa sa Asya.

2. Patanong= ginagamit sa pagtatanong. Ginagamitan ito ng tandang pananong (?)sa hulihan.


halimbawa: Saan nakatira si Gardong Buwaya?

3. Pautos= ginagamit sa pag-uutos o pakikiusap. Nilalagyan ito ng tuldok (.) sa hulihan.


Halimbawa: Lumakad na tayo.

4. Padamdam= ginagamit sa pagpapahayag ng matinding damdamin gaya ng tuwa, galit, sukat at


iba pa. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!).
Halimbawa: Aray, natapakan moa ko!

A. Isulat sa kahon ang PS kung ang pangungusap ay pasalaysay, PT kung patanong, PU kung
pautos/pakiusap, at PD kung padamdam.
1. Ay! Narumihan ang uniporme ko!
2. Darating ka ba sa linggo?
3. Malulusog ang mga alaga ni Tina.
4. Pakidala ng mga ito sa silid.
5. May maitutulong ba ako sa iyo?
PANGNGALANG PANTANGI AT PAMBALANA

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari. May dalawang uri ng
pangngalan, ang pangngalang pantangi at ang pangngalang pambalana.

Pantangi – tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.


Mga halimbawa:
STEFTI, Mario, DepED

Pambalana- karaniwan o balanang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.


Mga halimbawa:
awtor, paaralan, guro

Maaaring uriin ang pangngalan sa mga sumusunod ayon sa konsepto.


1. Kongkreto- mga bagay na tumutukoy sa bagay o material na nakikita at maaaring hawakan.
Halimbawa:
kagubatan, prutas, gulay

2. Di-kongkreto – diwa o kaisipan ang tinutukoy at hindi material


- hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit nadarama
Halimbawa:
Pagsisikap, pag-asa, paglilinis

3. Lansakan- nangangahulugan ng bilang o dami na pinagsama-sama ngunit ang bilang ay


walang katiyakan.

Halimbawa:
Kumpol, klase, tumpok, hukbo, pulutong

You might also like